Share

CHAPTER 9- X-BALL

"Hey, inom ka muna ng tubig," untag sa akin ni Xia.

Pareho kaming nasa living area ngayon. Prente akong nakaupo sa couch habang nakatalukbong ng kumot. Hinila ng pinsan ko ang kumot kaya wala akong pagpipilian kundi ang mapaayos ng upo at uminom ng tubig.

"Iyan na ang sinasabi ko sa 'yong kumuha ka na ng security guards, Chaewon! Anong kwenta ng pera mo kung mamamatay ka naman palang walang laban, ha!"

"May laban ako, Xia..."

"Kaya pala noong nakaraang buwan ay napasok ka ng kung sino tapos ngayon naman ay halos himatayin ka sa takot... ay ewan ko na lang talaga sa 'yo!"

"Grabi ka naman sa himatayin. Ang exaggerated mo talagang tao, 'no?"

Muli kong inalala ang taong pumasok sa kwarto ko kanina. Malakas ang pakiramdam ko na walang kinalaman si Taylor sa taong iyon. Iba siya.

Hindi kaya ay tahimik na kumikilos na ang Lavioza para gantihan ako?

Hindi imposible iyon. Baka nga ay may plano na silang kung paano ako mapapabagsak.

"Kailangan nating bantayan ang galaw ng mga Lavioza, Xia,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status