Share

CHAPTER 6- KIND OF REVENGE

Muli akong napairap sabay iling. Nakagat ko na lang ang bibig ko para pakalmahin ang aking sarili. Mukhang kailangan ko pa talagang dagdagan ang pagiging plastik ko kapag si Taylor ang usapan.

Tumunog ang aking cellphone kaya kaagad kong sinuri kung sino ang nag-text. Baka si Xia na.

From: Zayden Taylor

Stop rolling your eyes and biting your lips, Chaewon Jones. I can see from where I am.

Pagak akong natawa. Sa inis ko ay pinalitan ko ang ID name niya. From Zayden Taylor to Psycho Freak. Mas bagay iyon sa kanya.

"Problem?" usisa na naman sa akin ni Briana.

"Too many to mention," sagot ko naman.

Natawa naman ito at nilagyan ng wine ang baso ko. Magkatabi lang naman kami ng upo sa isang hindi kahabaang couch. Mukhang pang-couple lang din talaga ang espasyo ng kwartong ito.

"Girlfriend ba ni Mr. Taylor si Kiana Maidena?" usisa na naman nito.

Bakit ba ako ang tinatanong ng isang ito? Mukha ba talaga akong spy ni Taylor para malaman ko ang lahat ng koneksyon niya sa mga nakakasalamuh
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status