Share

CHAPTER 8- SPY CAM

Naramdaman ko ang mga yapak na papasok kaya napaayos ako ng upo sa couch na kinahihigaan ko.

Bumukas ang ilaw at mukha ni Xia ang nakita ko.

"Xia!" agad kong tawag dito. Napapitlag pa ito dahil sa gulat.

"Aish! Bitch, you scared me!" asik nito habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

"Bitch? Amo mo ako," asik ko sa kaniya.

"Pinsan din kitang bruha ka. Balak mo ba akong patayin sa kaba, ha? Anong ginagawa mo rito sa sala? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo? Oh, ayan," dire-diretsong sermon nito sa akin sabay tapon ng maliit na plastic bag.

Base sa design nito ay alam kong gamot ang laman.

"Are you kidding me? May sarili akong botika sa loob ng bahay na ito," pagmamayabang ko pa.

Totoo naman kasi at every month ay may nakatokang mag-check ng expiration date ng mga gamot.

"Galing 'yan kay Smith."

Saglit pa akong natigilan. Naalala ko naman ang sinabi ni Zayden Taylor. Napalunok ako. Ngayon ko lang talaga napagtanto na may trauma pa rin ako sa nangyari sa akin noong high school ako.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status