Share

CHAPTER 10- RULES

"Pupunta ka saan?" nangungumpirmang usisa sa akin ni Xia.

Pinigilan ko namang mapairap at inayos na lang ang kwelyo ng suot kong white long sleeve. Walang imik na ipinatong ko ang coat. Formal attire ang tema ko ngayon dahil may business meeting ako na pupuntahan. Sana lang ay hindi masira lalo ang hindi ko kagandahang gabi.

"X-Ball. Next week pa naman 'yon."

"Nababaliw ka na ba talagang bata ka?!" malakas nitong asik. Halos mapatakip pa ako sa aking tainga. Overreaction na naman ang isang ito.

"Hindi na ako bata at baka nga nababaliw na ako. Happy?" kaswal kong sabi at naglagay ng hikaw.

Napatitig ako sa sarili kong reflection sa salamin. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil pakiramdam ko ay gano'n pa rin ang mukha ko. Ni hindi man lang ako nagmukhang mature. Hindi kagaya ni Zayden na mapapansin mo ang pagbabago sa kaniyang pagmumukha simula nang maghiwalay kami.

"Gupitan mo nga ang buhok ko, Xia," utos ko pa sabay dampot ng gunting na malapit lang din sa aking kinauupuan.

"What?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status