LOGINKahit pa nag-aatubili. Tinungo ko pa rin ang bar na itinuro sa akin ni Thea, ang kaibigan kong bakla. Hindi ko siya nahiraman ng pera kanina nang puntahan ko siya sa kanilang bahay. Naubos niya na raw kasi ang kaniyang sweldo kahapon matapos bayaran ang mga bayarin.
Wala akong magawa dahil nasimot na rin ang ipon ko sa bangko. Nawalan kasi ako ng trabaho noong isang linggo nang magsara ang pawnshop na pinagtatrabahuhan ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa H.R. Pakiramdam ko ay minalas ako dahil sa dagok na dumating sa aking buhay. Wala na akong ibang maaasahan ngayon. Wala nang ibang makatutulong sa akin kung hindi ang aking sarili lamang. Iniwanan na ako ni Bert. Ang best friend ko na ang kasa-kasama niya ngayon. Naluha ako. Alam kong ito lang ang natatanging paraan para maisalba ko ang buhay ng aking kapatid. Naaalala ko pa mula nang iwan kami ni mama kay lola at nang sumama siya sa ibang lalaki nang mamatay si papa. Pasan ko na ang daigdig mula pa noon, kahit na sampung taong gulang pa lamang ako. Pinagsikapan kong itaguyod ang buhay namin ng aking kapatid kahit na sobrang hirap. Nang mga panahong iyon natuto akong lumaban. Pati nga siguro ang kamuhian ang aking sariling ina. Nagmarka sa aking isipan ang ginawa niya sa ‘min na para bang nang-iwan lamang ng tuta sa tabi. Kaagad kong pinunasan ang bumagsak na mga luha. Nakatayo ako ngayon sa harap ng mamahaling bar. Ang isang natatanging paraan para makuha ko ang ganoong halaga ng salapi. Wala akong ibang choice kung hindi ang gawin ang bagay na ayaw kong gawin sa tanang buhay ko. Inaya ko si Thea kanina na samahan ako rito sa bar na itinuro niya sa akin. Para kahit papaano ay may kasama ako at may lakas ng loob na gawin ang ikinatatakot ko. Ngunit, tinanggihan niya ako sa kadahilanang may lakad pa sila ng boyfriend niya. Ibinaba niya lang ako rito sa tabi. Sa mga oras na ito, nag-aatubili mang pumasok, nilakasan ko pa rin ang aking loob. Itinatak ko na lamang sa aking isipan na kailangan ko ng pera para sa kapatid ko. Napalunok ako at napaatras nang bumungad sa akin ang maingay na lugar. Maraming nag-iinuman at nagsasayawang mga tao. May iba't ibang klase ng kulay ng ilaw na sumasabay sa bawat beat ng musika. Inayos ko ang aking kilos. Hindi ako nagpahalatang wala akong karanasan sa ganitong klase ng buhay. Tanging bahay, trabaho lamang kasi ang routine ko at minsang pakikipagkita kay Bert. Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang sumayaw na lalaki sa aking harapan. Akala ko’y mamanyakin na ako ngunit hindi naman pala. Hindi siya nagtagal at umalis rin kaagad. Humarap naman sa ibang babae at gumiling nang gumiling doon. ‘Ganito pala talaga rito sa bar?’ naitanong ko na lamang sa aking sarili. Malalakas ang kabog sa aking dibdib nang maupo ako sa counter. Umorder pa ako sa bartender ng isang klase ng alak na hindi ko pa sigurado kung masarap ba o hindi, o kung kaya ko. Kailangan ko ‘to para may lakas loob akong gawin ang plano kong mamingwit ng mayamang lalaki. ‘Sana nga magtagumpay ako..’ kabadong bulong ko sa aking sarili nang sabay kong lagukin ang alak na aking nabili. “Ahh..” bulalas ko sabay sipat sa alak nang basahing mabuti ang nakasulat doon. “Alcoholic drinks?” Nagmumukha tuloy akong ignorante sa bagay na ito. ‘Bakit ba kasi ganito ang lasa? Hindi katulad ng mga orange juice..’ nasabi ko sa sarili. Hindi ko sigurado kung mauubos ko ba ito. Muli na lamang akong lumagok upang hindi mahalata na ako'y nababaguhan lamang. Hindi ko kasi ito gawain. Nakailang inom ako hanggang sa naramdaman ko ang hilo at tila gustong bumaligtad ng aking sikmura. Nakaagaw ng aking atensyon ang isang gwapo at matipunong lalaki na papalapit sa kinaroroonan ko. Naupo siya sa aking tabi. Mukhang iinom rin. Sa tingin ko ay mayaman siya, sa tindig, amoy at estilo pa lang ng pananamit. Ngunit may isang bagay na tila pamilyar sa akin, na hindi ko naman mawari kung ano. Hindi malinaw sa akin ang kaniyang mukha, pero alam kong gwapo siya at mapera. “Hi..” ngiti kong bati agad sa kaniya at itinaas pa ang wine glass. Napairap ako at napasimangot nang tingnan niya lang ako ng seryoso mula ulo hanggang paa. Tila natauhan akong bigla sa kaniyang ginawa. Naisip ko na lamang bigla ang aking pakay sa lugar na iyon. Patuloy ko pa siyang ninakawan ng sulyap dahil sa tingin ko’y siya na ang mayamang lalaking hinahanap ko. Ang pinagtataka ko, kung bar ito bakit naka-suit siya? Galing ba siya sa trabaho? Napasinghot ako sabay napangiti. Hindi ko maalis ang tingin ko sa artistahing lalaking nasa aking tabi. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Naisipan ko na agad gumawa ng hokage moves. Muli akong uminom nang ilan pang beses. Nang maramdaman kong tuluyan na akong kontrolado ng alak. Unti-unti akong tumayo at pasimpleng lumapit. Pakiramdam ko ay lumakas ang loob ko at kumapal ang aking mukha. Siya ang napipisil ko sa lahat ng lalaki rito sa bar. Nanlaki ang mata ko nang mapasubsob ako sa hita niya matapos akong matapilok. Napalunok ako nang maramdaman ang namumukol niyang bahagi roon. “Oopps.. off limits..” naiilang at ngingiti-ngiti kong saad nang mapataas ang aking kamay. Agad akong kumilos upang tumayo pero ramdam ko pa rin ang pagkahilo. Napahawak ako sa malapad niyang dibdib para balansehin ang aking sarili. Mas lalo pa akong napalunok at napakunot-noo nang maramdaman ang isa kong kamay na nakapatong pala sa naninigas na bagay. Tila ba gustong kumawala sa kinalalagyan nito. Imbes na sa mukha ay sa malaki at matulis niyang Adam's apple ako napatingin. Pakiramdam ko, pati ako ay napapasabay na rin sa kaniyang paglunok. Marahan akong napangiti. “Hindi ganito katigas at kalaki nang kay Bert..” ngiting bulong ko habang napapakagat-labi. Dahan-dahan ko pang pinagapang ang aking paningin. Inangat ang aking mukha at tinitigan ang masarap niyang labi. Natuon ang paningin ko sa medyo pamilyar na mapanuri at mapang-akit niyang mga mata. Bahagya pa akong napangiti nang mapagtantong nakatitig rin pala siya sa ‘kin. Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng aking puso. Pakiwari ko’y biglang tumigil ang mundo ko. Para bang may hipnotismo siyang dala, nakakapako ng paningin. Pakiramdam ko tuloy, hindi ko pa man siya natitikman ay nasasarapan na ako. Napakurap ako, nang bahagya niyang pitikin ang aking noo. Napapitlag pa ako nang hapitin niya ako sa bewang at mabilis na hinalikan.Maagang nagtungo si William sa Del Fuego Luxury Hotel. Sinuri niya ang buong paligid, makita lamang si Trisha. Alam niyang nagtatrabaho ito sa high-profile family na kasalukuyang number one investor ng kanilang korporasyon, ang Aveedra. Pasimple siyang naglakad-lakad. Puno ng magaganda at nagkikinangang palamuti ang paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihang crystalized chandelier. Ang Del Fuego ang may pinakamarangyang mga Hotel sa buong Pilipinas.Huminga siya nang malalim. Iniisip kung saan mahahanap ang kaniyang asawa. Gusto niya itong makausap hangga't hindi pa nagsisimula ang okasyon. Kumuha siya ng isang baso ng alak.“Hi…” Napalingon si William sa dalagang nakatayo. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya nang ilang taon. Maganda ito at mukhang mayaman, kaso mukhang liberated. Hindi nalalayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya.“Kilala kita, the only heir of Aveedra,” saad nito sa mapang-akit na boses. Bahagya lang siyang ngumiti. Walang balak na makipag-usap nang mata
Ilang minuto pang nanatili si William sa labas ng establisyemento, hinihintay ang paglabas ni Trisha. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ayaw niyang maniwala sa sarili na hindi siya nito naaalala. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang linggong pagkawala ng asawa. Kahit man sa tingin niya'y malaki ang ipinagbago nito ngayon sa pisikal na anyo. Ito pa rin ang Trisha na kaniyang kilala. Ang kaisa-isang babaeng inalalayan niya ng kaniyang buhay. Ang mamahalin niya hanggang sa wakas. Malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ni Trisha. At hindi siya papayag na tuluyang itong mawalay sa kaniya. Gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kaniya. Hindi nga nagtagal at lumabas din ito agad. Patakbo niya itong nilapitan. “Babe… can we talk?” umaaasang saad niya. Huminto ito at marahang napaismid. “I am busy.” Humarang siya sa pintuan ng kotse. “Please, kahit isang minuto lang..” Napatingin siya sa isang tauhan na palapit sana sa kaniya para
Si Joe na driver niya ang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan patungong building nang biglang sumulpot ang itim na sasakyan at mag-overtake ito. Muntikan pa silang maaksidente sa ginawa ng driver ng kotse. “Stick to him. Huwag mo siyang hayaang makalayo!” maawtoridad niyang saad. Kuyom ang kamaong pabagsak niyang ipinatong iyon. Uminit lalo ang ulo ni William nang hindi ito nagpaubaya sa daan. Para itong may-ari ng highway. Nagpatuloy sila sa pag-uunahan at pag-aagawan ng lane nang huminto sa may establisyemento ang itim na kotse. Imbes na sa building ang tungo niya ay roon sila napunta dahil sa sasakyang iyon. “Dito ka lang, ako na ang haharap sa bwisit na driver’ng iyan!” kumukulo ang dugong saad niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad nang bumaba. Galit na pahampas na kinatok ang bintana ng kotse. “Lumabas ka riyan! Ang mga katulad mo ay dapat na–” nahinto siya sa pagsasalita nang bumaba ang naka-shade na babaeng may magandang hubog ng katawan. Naka-floral dress
Kalahating buwan na ang lumipas pero hindi pa rin natatagpuan si Trisha. Maging ang kapatid at lola ng asawa ay wala na roon sa bahay na binili niya para rito. Duda ni William na may kinalaman ang pamilya Smith sa pagkawala ng mga ito. Si Angelina naman ay malayang nakapamamasyal pa rin sa kung saan. Hindi ito nakulong dahil hindi sapat ang katibayan upang iturong salarin ang dating fiancée. Sina Thea at Joe ay nagising na at bumalik nang muli sa trabaho. Wala namang maituro ang mga ito dahil hindi nila namukhaan ang mga armadong namaril sa kanila. Naging malaking katanungan pa rin ang mga pangyayari. Ang agent ay hindi tumigil sa pagti-trace sa mga ito kung nasaan na ang kaniyang asawa at ang pamilya nito. Hindi alam ni William kung saan hahanapin ang tatlo. Ilang mga tauhan na ang naghahanap sa kanila pero wala pa ring maibigay na magandang balita. Ang dalawang katulong naman na nasa bahay ay kasamang nawala. Masasabi niyang napakahusay talaga ng sindikato. Buong pamilya at magin
Nanibago si Trisha sa naging takbo ng kaniyang buhay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga naganap. Ang mga katotohanan na hindi na niya maipagkakaila pa. Isang umaga, habang tahimik na nakaupo sa may veranda at isa-isang hinihipo ang mga dahon ng halaman na naka-display, malalim ang kaniyang iniisip. Narinig niya ang pagtikhim ng isang babae sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito, tumambad sa kaniya ang adopted ng kaniyang mga magulang. Ito ang pumalit sa kaniya noon sa pusisyon bilang anak ng mga Del Fuego. Ayon sa Mamá at Papá niya, upang maibsan ang pangungulila sa kaniya ng mga ito noon. Nag-ampon sila ng baby girl. Ibinigay nila rito ang pagmamahal na sa kaniya rapat pinapadama. Subalit, iba pa rin ang tunay na kadugo. Maaaring naipamalas nila sa adopted child ang pagmamahal ng isang magulang, ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang mangulila sa tunay na anak na nawalay ng matagal na panahon. Dagdag pa ng mga ito na kahit kapiling na
Halos manlupaypay siya nang mga sandaling iyon. Muli siyang nahiga at napatanaw na lamang sa bintana na pilit na hinaharangan na pumasok ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Paghihinagpis ang nanaig sa puso niya. Tahimik siyang napahikbi habang kinukumos na ang damit sa bahaging dibdib. Naramdaman na lamang niya ang pagdikit ng mainit na palad ng estranghera sa kaniyang braso at marahan iyong hinaplos. Pagkatapos ay mahina siya nitong tinapik-tapik sa balikat. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Isa rin akong ina na nawalay sa anak nang mahabang panahon. But finally, I found her..” mahinang saad nito nang sumilay ang ngiti sa mga labi. Humarap siya rito at dahan-dahang naupo sa kama upang pakinggan ito. Tumitig ito sa kaniya nang makahulugan na hindi naman niya mawari kung ano. Patuloy na pinisil-pisil nito ang kaniyang palad na hindi na lamang niya pinansin at nakatuon ang atensyon sa idaragdag pa ng ginang.“She's beautiful like her mom, when she's young..” Naguguluhan







