Home / Romance / The Boss and His Secretary / Kabanata 3 [Cheque]

Share

Kabanata 3 [Cheque]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-09-14 13:49:23

Pakiramdam ko ay huminto ang lahat sa paligid. Marahan akong napapikit.

‘Pamilyar ang kaniyang halik..’ bulong ko sa aking sarili.

Napamulat ako nang bigla niya akong buhatin, dahilan para mapahawak ako sa kaniya nang mahigpit.

“I'll take you out..” bulong niya.

Dinala niya ako sa isang hotel. Sa loob ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagnanais. Natauhan ako at bumulong sa kaniya ng isang kondisyon.

“Shhh.. I’ll give you half million for this.” Then, he gently kissed me and take off my clothes.

Kinaumagahan, nagising na lamang akong mabigat ang pakiramdam. Naupo ako at napahilot sa aking sentido.

‘Hang over..’ sambit ko sa isipan.

Naamoy ko ang aroma scent na nagmumula sa diffuser. Kaagad akong napalingon sa aking tabi nang maalala ang nangyari kagabi. Ngunit, tanging gusot na lamang na bed sheet ang naiwang bakas. Mariin akong napapikit.

‘Hindi kaya ako naloko ng lalaking iyon?’ kunut-noo kong tanong sa aking isipan.

Napalingin ako sa isang munting papel na nilipad ng hangin mula sa side table. Kaagad ko itong pinulot sa sahig at nabasa ang nakasulat. Nanlaki at nangislap ang aking mga mata kasabay nang paghalik sa papel. Isang malaking halaga ng pera ang nakasulat doon. Mangiti-ngiti akong napahalukipkip. Pakiramdam ko ay lumobo ang aking dibdib sa tuwa.

Natigilan ako nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Senyales na naroroon pa rin ang lalaki.

‘Sigurado akong ang lalaking iyon–’

Kinabahan akong bigla. Nagmamadali kong dinampot ang nakakalat na kasuotan sa sahig. Pagkatapos ay isinuot iyon kaagad.

‘Kailangan kong makaalis agad rito..’

Dahan-dahan akong naglakad nang halos pa-tip toe upang hindi makagawa ng anumang ingay.

‘Ayokong magkaharap kaming dalawa,’ sabi ko pa sa aking isipan.

Ang mahalaga sa akin ngayon ay hawak ko na ang cheque. Nagdasal ako na sana’y hindi niya ako mapansin. Huminga ako nang malalim, mabawasan lamang ang kaba sa aking dibdib. Pagkatapos ay nagpatuloy para makalabas.

“What do you think you're doing?” isang baritonong boses ng isang lalaki ang nagpahinto sa akin.

Mariin akong napapikit. Kagat-labi ako habang dahan-dahang lumingon. Paglingon ko, isang lalaking n*******d ang tumambad sa ‘kin. Natuon kaagad ang paningin ko sa malapad at maumbok niyang dibdib. Naglarong bigla sa aking isipan ang bawat pangyayari kagabi. Napalunok ako. Dumaloy pa roon ang tumulong butil ng tubig na nagmumula sa basa niyang buhok.

Gumala pa ang paningin ko sa katawan niyang nakakaakit at nakakagutom. Mula sa ma-abs niyang tiyan hanggang sa namumukol na bagay na natatakpan ng puting tuwalya. Tila lalong nanuyo ang aking labi at lalamunan.

“Tapos mo na ba akong pagpantasyahan?”

Napapitlag ako nang mapatingin sa kaniyang seryoso ngunit mapanuksong mukha.

“W-William?”

“No other than.” He smirked.

Napakagat-labi ako at napayuko. Naramdaman ko na lamang ang pamumula ng aking pisngi na pilit kong itinago sa kaniya.

‘Bakit hindi ko siya agad nakilala kagabi?’

“Did you get the money?” walang emosyon niyang tanong.

Marahan akong tumango. Hindi ko makayanang tingnan siya sa mga mata. Pakiramdam ko ay nanliit akong bigla. Baka tuluyan na niyang isipin na isa na akong bayarang babae ngayon.

“Is it enough?” Bahagya pa niyang inangat ang aking mukha ng kaniyang daliri.

Napalunok ako at mariing napapikit kasabay nang pagtango.

‘Kailangan kong dipensahan ang aking sarili!’ lakas loob na bulong ng aking isipan.

“This is my calling card. Tumawag ka lang kung kailangan mo uli ng pera..”

Napamulat ako.

Naglakad siya patungo sa kama at dinampot ang mga damit sa sahig. Napamaang ako at tiningnan ang pangalang nakasulat sa card na aking hawak.

“William Anthony Cervantes?” Basa ko sabay sipat rin sa cheque.

Matapang ko siyang tinungo at ibinalik sa kaniya ang calling card. “I don't need this.”

Salubong ang kaniyang kilay na tumitig sa akin.

“Ito lang ang kailangan ko para sa kapatid ko.” Tinaas ko pa ang cheque. “Huwag kang mag-alala, William, ito na rin naman ang huli nating pagkikita,” taas-noo ko pang dagdag.

Walang pagdadalawang isip na tinungo ko agad ang pinto at lumabas. Pagkababa ay nagmadali akong pumara ng taxi.

Pagkarating ko ng ospital, kabado kong tinungo agad ang silid kung saan naka-confine ang aking kapatid. Bumungad sa akin si Thea. Matapos magmano kay lola ay kinumusta ko ang kalagayan ni Danny. Dala ko ang magandang balita na ikinatuwa naman ni lola. Makikita sa nangungunot niyang mukha ang kaligayahan.

Napatingin ako kay Thea nang makahulugan. Nang tanungin ako ni lola kung saan ko raw ba nakuha ang perang ganoon kalaki.

“Naku, Lola Mira, alam n'yo naman po kung gaano kasipag itong si Trisha. Dinagdagan niya lang po naman ang na-cash advance ko sa aking boss,” nakangiti niyang wika habang mahinang tinatapik ang aking braso.

Nang makumbinsi niya si lola ay kaagad niya akong palihim na tinanong sa tabi.

Hindi ko na naitago sa kaniya ang nangyari kagabi. Kinabahan akong bigla nang sabihin niyang may trabahong pwede kong apply-yan. Sigurado raw siyang matatanggap ako roon kaagad, lalo pa't fit na fit ako sa trabahong iyon.

“Thea, una at huli ko na iyong gagawin kagabi. Wala na akong balak na maulit pa iyon,” pabulong ko pang saad sa kaniya nang irapan ito.

“Gaga, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Siyempre, hindi na kita ipapahamak ulit, ano? Sorry na, wala na kasi akong maisip na paraan para matulungan ka, e.”

Napasinghap ako.

“Oh, ‘di ba nakatulong sa ‘yo ang suggestion ko? Ganern lang kadali ang pera, girl.”

Tuwid ko siyang tiningnan. “Oo nga, pero hindi na mauulit iyon, period.”

“Eto, sigurado na ako sa ‘yong malinis na trabaho na ito.”

Pairap ko siyang tinapunan ng tingin. Matapos kong sulyapan si lola na abala sa pagpapakain kay Danny nang magising ito. Kunwari akong hindi interesado pero sa loob-loob ko ay sabik akong malaman kung ano ang trabahong tinutukoy niya.

“Si Boss kasi, naghahanap ng personal secretary niya.”

Namilog ang aking mata. Maganda nga'ng trabaho iyon.

“E, kita ko naman sa ‘yo na qualified ka. Pak na pak ang beauty at ka-sexy-han mo. May talino pa, may experience sa sales, at hardworking. Naku, magugustuhan ka ni Sir. Ano pang hinihintay mo, apply ka na. Don't worry, ako ang magiging backer mo. Sasabihin ko sa HR department na papasukin ka na agad. Malakas kaya ako ‘dun sa kanila, lalo na kay Ms. Santillan,” dagdag pa ni Thea.

Nag-spark yatang bigla ang aking mga mata sa narinig ko mula sa babaitang ito. Mukhang maganda nga iyon, lalung-lalo na ngayon na wala pa akong matinong trabaho.

“Oh, ‘di ba sabi ko sa ‘yo magkakainteres ka. Don't worry my dear, iisa lang naman tayo ng building. Hindi man pareho ng floor, pero, I assure you, hindi ko hahayaang may mam-bully sa ‘yo do’n. ‘Coz when it happens, I'm always ready for combat.. rawr.”

“Gaga..” Natatawa ko siyang nahampas sa braso. “Pero, bakit, nasaan ba ‘yung secretary niya?” curious kong tanong.

“Natigok,” diretsa niyang sagot at inaksyon pa.

“Ha?” Napanganga na lamang rin ako sa narinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 41 [Mag-ina?]

    “Anong ginagawa mo rito?” Lumingon ako sa paligid bago tipid na sumagot, “Para sa trabaho.” Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. “Hindi ka dapat magtagal dito.” Napakunot-noo ako. “Bakit hindi?” Saka may pumasok sa isipan ko. “Hindi ba dapat kasama mo ngayon ang lalaki mo na ipinagpalit sa amin, bakit hindi ka bumubuntot sa kaniya ngayon?” lakas-loob kong wika. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kusang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko naman iniisip. Seryoso siyang tumitig sa ‘kin. “Ano ang gusto mong ipahiwatig?” “Ano nga ba sa tingin mo?” taas-noo kong sagot. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin. At kung bakit nais kong buklatin ang nakaraang pahina sa buhay namin. Gusto ko ng kasagutan na hanggang ngayon ay inaasam ng utak ko.“Hindi ito ang oras at lugar para pag-usapan ito, Trisha,” mariin niyang wika. “Bakit, saan mo ba gustong pag-usapan–sa gubat, sa ilog, sa bundok?” pilosopo kong sunud-sunod na katanungan na nagpainit ng kaniyang pisngi. “Bakit, ano

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 40 [Quickie]

    Araw ng linggo, pero tinawagan pa rin ako ni William para papuntahin sa kanilang mansion. Pinadadala niya sa akin ang ilang mga bagong reports. Patuloy pa rin sa pagtatrabaho si William para maayos ang problema sa kompanya. May pagdududa siya na may kinalaman si Mama sa nangyayaring krisis doon. Napahanga ako sa lawak ng paligid at sa engrandeng bahay nila. Ilang ektarya rin iyon at may mga mamahaling kagamitan. Parang kalahati ng magarang palasyo kung titingnan. Napatingin sa akin ang ilang mga katulong na abala sa paglilinis. Kaagad akong lumapit sa kanila at nagtanong, “Saan dito ang office ni Sir William? Itinuro sa akin ng mabait na katulong ang direksyon. Napadaan ako sa isang veranda. Nakahinga ako nang maluwag nang makita si William na tila umiinom ng wine. Kaagad ko siyang tinungo.“For heaven's sake, buti nakita kita. Eto na ‘yung mga hinihingi mo,” saad ko pa nang iabot sa kaniya ang envelope. Napapalingon ako sa paligid, baka kasi makita ako ng lola at ama niya. Ayok

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 39 [Mag-ama]

    “I want an explanation for this..” pabagsak na wika ni Don Marianno. Nagkatinginan kami ni William.“Excuse me, sir,” pagpapaalam ko agad sa kanila para lumabas. Alam kong kailangan nilang mag-usap mag-ama.“Stay here,” mariing wika ni William nang pigilan ako. Napatingin sa akin si Don Marianno. Hindi siya umimik. Seryoso siyang bumaling muli kay William. Nailagay ko na lamang sa likuran ko ang aking mga kamay nang mapayuko.“Another crisis, Son? Is that how you manage your own company?” pagdaragdag nito. Napatingin ako sa hindi maipintang mukha ni William. Alam kong may gap sa relasyon nilang mag-ama. Napag-alaman ko iyon mula kay William nitong mag-usap kami tungkol sa kaniyang pamilya.“I thought you've learned. Nasaan ang pinag-aralan mo?”Hindi ko maatim ang ginagawang pagpapahiya nito sa kaniyang anak. Napaigting ang panga ni William sa narinig at naglalagablab ang mga matang tinitigan ang kaniyang ama. “Wala akong ideya sa mga nangyayari. Siguro nga ay may tumatraydor sa

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 38 [Problema]

    “Anong oras na? Ganitong oras na ba umuuwi ang mga babae ngayon?” I cleared my throat. “Pumasok ka muna, sa loob na natin iyan pag-usapan.” Mas lalo lamang siyang tumitig nang taimtim. Hindi ko alam ang pinanghuhugutan niya ng galit, gayong wala naman akong ginagawang masama at isa pa maaga pa naman. Ipapasok ko na sana ang motorsiklo nang harangan niya ako. “Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?” Ibinaba ko ang stand ng motorsiklo saka siya hinarap. “Nakipag-dinner sa ‘kin si Annie, kaya't natagalan ako sa pag-uwi. Hindi mo naman sinabi na pupunta ka rito, e ‘di sana hindi na lang ako pumayag na makipagkita sa kaniya,” Hinawakan niya ang motorsiklo para pigilan akong pumasok nang tangkain ko iyung itulak.“Really? How about the guy, hindi mo ba sasabihin sa akin ang tungkol do’n?” Napakunot ang noo ko. “Si Rex ba kamo?” Tumaas ang isa niyang kilay bilang pagkumpirma habang tiim-bagang pa ring nakatitig sa ‘kin. Humugot ako nang malalim na hininga.“Dati ko siyang naka

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 37 [Restaurant]

    Lumipas pa ang mga araw, masaya ang naging bunga ng pagsama ko kay William sa business travel niya. Sinulit ko talaga ang panahon na makasama siya. Halos isang linggo rin kami sa Davao bago bumalik ng Manila. Nang pareho na kaming nasa trabaho, isang boss and subordinate relationship lang meron kami. Ganoon ang naging daily routine namin, bilang boss at kaniyang sekretarya. Wala namang naghinala sa amin. Maingat kami na hindi kami mahuli nang kung sino. Minsan kapag palihim kaming nagkikita sa araw ng linggo o ‘di man sa hapon pagkatapos ng trabaho. Pinasusundo niya ako sa kaniyang tauhan at hinahatid sa condo niya. At doon namin pinagsasaluhan ang mga oras at sandali na magkasama kami bilang mag-asawa. Isang araw, nilapitan ako ni Annie at niyayang makipag-dinner sa kaniya pagkatapos ng trabaho. Aniya, libre raw niya kapag pumayag ako. Hindi ko alam ang pakay niya pero pumayag na rin ako. Kaibigan din naman siya ni William at para sa ‘kin, kaibigan ko na rin siya. Kumaway siya s

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 36 [Sa Batis]

    Alas singko pa lamang nang umaga, nagyaya na si William na mag-jogging sa malawak na parte ng Hacienda. Mas maganda raw roon dahil presko ang hangin at walang masyadong tao kapag ganitong oras kumpara sa sports center na dayuhin ng mga runners. Pumayag na lang din ako para may makasama siya kesa magkape at humarap lamang sa laptop. Nagbaon kami ng face towel at mineral bottle. Halatang nakasanayan niya ang ganitong ehersisyo sa umaga dahil hindi siya mabilis mapagod hindi gaya ko na pawis na pawis na kaagad. Pero in fairness, gusto ko ang pakiramdam na ito. Feel ko kasi gumaan ang pakiramdam ko. Halos mangalahating oras din kami sa pagdya-jogging hanggang sa marating namin ang malinis na batis. Naupo ako sa malapad at malaking bato sa gilid niyon. “May ganito pala rito?” tanong ko agad sa kaniya na namamangha. Ngumiti siya at napakamot sa kilay. “Oo naman, malawak kasi ang Hacienda, maybe humigit kumulang nasa hundred hectares.” “Talaga? Bakit hindi ko alam iyon,” bulong ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status