LOGINNaglalakad ako sa daan habang nakapayong nang biglang may dumaang kotse.
“Grabe naman! Bulag ka bang driver ka!” inis kong sigaw matapos kong batuhin ang likurang bahagi ng kotse. Kinabahan ako nang biglang huminto iyon. Akala ko ay may bababa para labasin ako, ngunit kaagad iyung muling umandar. “Ma-flat ka sana!” sigaw ko pa pagkatapos ay kaagad na pinagpagan ang natalsikan kong suot. Basa na ang aking damit. Iyon pa naman ang gagamitin ko sa pag-apply. Sinipat ko ang envelope. Buti at nakasilid ang brown envelope sa plastic. Iniisip ko kung babalik pa ba ako para magpalit ng damit o hindi na. Masyado nang late kapag ginawa ko pa ‘yon. Lalo pa’t ilang metro na lang din naman ang layo ng building. Pinunasan ko na lamang ng face towel ang bahaging nabasa. Saka ako nagpatuloy sa paglakad. ‘Matutuyo rin ito kapag natamaan na ng electric fan..’ bulong ko. Nakahinga ako nang maluwag matapos kong marating ang entrance ng building. Tinawagan ko si Thea at sinabi niya sa ‘king pumasok na daw ako at umakyat sa fourth floor. Maluwang ang aking naging ngiti lalo pa't napapatingin sa akin ang ilang mga empleyado roon. Nakatayo ako sa loob ng elevator at naghihintay na magsara iyon. Nang biglang magtama ang aming paningin ni William, ang number one childhood enemy ko. Nakasuot ito ng business suit habang nakatayo sa pintuan. Nagtaka pa ako kung bakit nagsilabasan ang lahat ng mga empleyadong kasabayan ko sa loob. Yumuko pa ito para magbigay galang sa kaniya. “Good morning, sir,” sabay-sabay na wika pa ng mga ito. I smirked. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Inirapan ko na lang siya at nanatili sa kinatatayuan ko. ‘Pati ba naman sa work, dala niya ang kahambugan niya. Dati sa ‘kin, ngayon naman sa mga kasamahan niya nambu-bully..’ bulong ng aking isipan habang itinatago ang inis. Ilang sandali bago siya pumasok. Huminga ako nang malalim lalo pa't kami lang dalawa sa loob. “Anong ginagawa mo rito?” mahinahon niyang tanong. ‘Tss..’ “None of your business..” walang interes kong sagot. “Akala ko ba, iyon na ang huli nating pagkikita?” may panunudyo sa boses niya. Napalunok ako nang maalala ang sinabi kong iyon. “Hindi ikaw ang ipinunta ko rito..” iritable kong tugon na ayaw ko nang pahabain pa. Pagkuwa’y lumabas na ako nang marating ko ang floor. Hindi ko na siya nilingon pa at tuluy-tuloy ang lakad ko. Alam kong 5th floor ang tungo niya dahil iyon ang nakita Kong pinindot niya kanina. Napangiti pa ako nang makita si Thea. “Hi, good morning..’ bati ko sa kaniya matapos makipagbesohan. “Uy, bhe. Bakit ngayon ka lang?” Napabuntong-hininga ako. “Mahabang estorya, may sumira kasi agad ng araw ko..” tugon ko naman nang iikot ang mga mata. “Always naman..” mapang-asar niyang saad. “Halika na at ipakikilala na kita sa aming H.R Manager.” Magiliw niya akong sinamahan sa loob. Kahit may tiwala ako sa sinabi ng kaibigan ko sa ‘kin. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko na baka may sumalungat. Matapos akong interview-hin ng iilang mga detalye ay kaagad na akong lumabas. Hinanap ko agad si Thea pagkatapos. Tinawagan ko siya at sinabi niya sa ‘kin na nasa accounting department na siya. Hindi ko alam kung saan banda iyon. Hanggang sa narating ko na lamang ang food court. Napahanga ako. ‘Bakit ang sosyal dito?’ Nasanay kasi ako na sa mga karinderya at simpleng restaurant lamang ako kumakain kapag nasa trabaho. First time kong pumasok sa isang malaking kompanya na gaya nito. Hinintay ko pa nang ilang sandali si Thea. “Yes, hello?” saad ko nang sagutin ang cellphone na bigla na lamang nag-ring. Halos mapalundag ako sa tuwa nang marinig ang sinabi sa akin ng H.R na tanggap na raw ako sa trabaho. Kailangan ko raw umakyat at mag-report kaagad sa boss ko ngayon. Nang mamataan ko si Thea, agad ko iyung ibinalita sa kaniya. “Ano pang hinihintay mo, tara na. Ayaw ni sir na pinaghihintay siya. Sasamahan na kita para hindi ka rin mawala,” magiliw niyang wika na halos kaladkarin na ako patungong elevator. Napasunod ako ng tingin nang ituro sa akin ng kaibigan ko ang nakasaradong office. Hanggang doon na lamang daw siya. Aniya, bawal daw sa kanila ang lumapit sa office ng boss hangga't hindi sila tinatawag. “Good luck..” Sumenyas pa siya na ngumiti raw ako. Ngumiti ako nang matamis, kahit kabado na. Nilingon ko pa siyang muli bago ako kumatok at pumasok. Bumungad sa akin ang isang malamig at mahalimuyak na amoy na tila ba nanggagaling sa isang mabangong bulaklak. Para bang gusto kong doon na lamang manatili sa loob buong maghapon. Nilibot ko pa ng tingin ang paligid nang makita kong nakatalikod ng upo ang magiging boss ko. ‘Ang ganda ng interior design..’ Paghanga ko pa. Tinanggal ko ang bara sa aking lalamunan at inayos ang aking boses. “Good morning, sir. I am your newly hired secretary, Trisha Julianna Brenzuela..” pormal kong pagpapakilala. Saka lamang siya umikot paharap sa ‘kin. Halos lumuwa ang mata ko nang makitang si William ang nakaupo sa swivel chair. Kaagad akong napalingon muli sa paligid. Nang makitang walang tao sa loob maliban lamang sa aming dalawa ay kaagad akong napakunot-noo. Pagkatapos ay kaagad siyang nilapitan para bulungan. “Anong ginagawa mo riyan? Huwag mong sabihing ikaw ang boss?” natatawa kong saad. “Ako pa sa ‘yo, lumabas ka na bago ka pa abutan ng boss natin na nakaupo diyan sa silya niya. Pati ba naman sa office niya, William? Umayos ka,” inis kong saad sa kaniya. Habang kabadong napapalingon sa paligid dahil baka dumating ang totoo naming boss. Kunut-noo at pagsalubong lamang ng kilay ang itinugon niya. Bahagya siyang tumayo at matalim ang tinging ipinukol sa akin. “So, you mean, pumasok ka ng trabaho na hindi mo alam ang background nang kung sino ang magiging boss mo?” tiim-bagang niyang saad. Hindi ako nakaimik at napatingin na lamang nang makahulugan sa kaniya. “Masyadong kang mapagpintas, Trisha.” Naglakad siya palapit sa ‘kin. “Sa tingin mo, saan ko pinulot ang perang ipinambayad ko sa ‘yo nung isang gabi?” Napalunok ako at hindi agad nakakibo. Tila sinampal ang aking mukha ng kaniyang mga salita. Hanggang sa napahalukipkip ako sa hiya.“Anong ginagawa mo rito?” Lumingon ako sa paligid bago tipid na sumagot, “Para sa trabaho.” Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. “Hindi ka dapat magtagal dito.” Napakunot-noo ako. “Bakit hindi?” Saka may pumasok sa isipan ko. “Hindi ba dapat kasama mo ngayon ang lalaki mo na ipinagpalit sa amin, bakit hindi ka bumubuntot sa kaniya ngayon?” lakas-loob kong wika. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kusang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko naman iniisip. Seryoso siyang tumitig sa ‘kin. “Ano ang gusto mong ipahiwatig?” “Ano nga ba sa tingin mo?” taas-noo kong sagot. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin. At kung bakit nais kong buklatin ang nakaraang pahina sa buhay namin. Gusto ko ng kasagutan na hanggang ngayon ay inaasam ng utak ko.“Hindi ito ang oras at lugar para pag-usapan ito, Trisha,” mariin niyang wika. “Bakit, saan mo ba gustong pag-usapan–sa gubat, sa ilog, sa bundok?” pilosopo kong sunud-sunod na katanungan na nagpainit ng kaniyang pisngi. “Bakit, ano
Araw ng linggo, pero tinawagan pa rin ako ni William para papuntahin sa kanilang mansion. Pinadadala niya sa akin ang ilang mga bagong reports. Patuloy pa rin sa pagtatrabaho si William para maayos ang problema sa kompanya. May pagdududa siya na may kinalaman si Mama sa nangyayaring krisis doon. Napahanga ako sa lawak ng paligid at sa engrandeng bahay nila. Ilang ektarya rin iyon at may mga mamahaling kagamitan. Parang kalahati ng magarang palasyo kung titingnan. Napatingin sa akin ang ilang mga katulong na abala sa paglilinis. Kaagad akong lumapit sa kanila at nagtanong, “Saan dito ang office ni Sir William? Itinuro sa akin ng mabait na katulong ang direksyon. Napadaan ako sa isang veranda. Nakahinga ako nang maluwag nang makita si William na tila umiinom ng wine. Kaagad ko siyang tinungo.“For heaven's sake, buti nakita kita. Eto na ‘yung mga hinihingi mo,” saad ko pa nang iabot sa kaniya ang envelope. Napapalingon ako sa paligid, baka kasi makita ako ng lola at ama niya. Ayok
“I want an explanation for this..” pabagsak na wika ni Don Marianno. Nagkatinginan kami ni William.“Excuse me, sir,” pagpapaalam ko agad sa kanila para lumabas. Alam kong kailangan nilang mag-usap mag-ama.“Stay here,” mariing wika ni William nang pigilan ako. Napatingin sa akin si Don Marianno. Hindi siya umimik. Seryoso siyang bumaling muli kay William. Nailagay ko na lamang sa likuran ko ang aking mga kamay nang mapayuko.“Another crisis, Son? Is that how you manage your own company?” pagdaragdag nito. Napatingin ako sa hindi maipintang mukha ni William. Alam kong may gap sa relasyon nilang mag-ama. Napag-alaman ko iyon mula kay William nitong mag-usap kami tungkol sa kaniyang pamilya.“I thought you've learned. Nasaan ang pinag-aralan mo?”Hindi ko maatim ang ginagawang pagpapahiya nito sa kaniyang anak. Napaigting ang panga ni William sa narinig at naglalagablab ang mga matang tinitigan ang kaniyang ama. “Wala akong ideya sa mga nangyayari. Siguro nga ay may tumatraydor sa
“Anong oras na? Ganitong oras na ba umuuwi ang mga babae ngayon?” I cleared my throat. “Pumasok ka muna, sa loob na natin iyan pag-usapan.” Mas lalo lamang siyang tumitig nang taimtim. Hindi ko alam ang pinanghuhugutan niya ng galit, gayong wala naman akong ginagawang masama at isa pa maaga pa naman. Ipapasok ko na sana ang motorsiklo nang harangan niya ako. “Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?” Ibinaba ko ang stand ng motorsiklo saka siya hinarap. “Nakipag-dinner sa ‘kin si Annie, kaya't natagalan ako sa pag-uwi. Hindi mo naman sinabi na pupunta ka rito, e ‘di sana hindi na lang ako pumayag na makipagkita sa kaniya,” Hinawakan niya ang motorsiklo para pigilan akong pumasok nang tangkain ko iyung itulak.“Really? How about the guy, hindi mo ba sasabihin sa akin ang tungkol do’n?” Napakunot ang noo ko. “Si Rex ba kamo?” Tumaas ang isa niyang kilay bilang pagkumpirma habang tiim-bagang pa ring nakatitig sa ‘kin. Humugot ako nang malalim na hininga.“Dati ko siyang naka
Lumipas pa ang mga araw, masaya ang naging bunga ng pagsama ko kay William sa business travel niya. Sinulit ko talaga ang panahon na makasama siya. Halos isang linggo rin kami sa Davao bago bumalik ng Manila. Nang pareho na kaming nasa trabaho, isang boss and subordinate relationship lang meron kami. Ganoon ang naging daily routine namin, bilang boss at kaniyang sekretarya. Wala namang naghinala sa amin. Maingat kami na hindi kami mahuli nang kung sino. Minsan kapag palihim kaming nagkikita sa araw ng linggo o ‘di man sa hapon pagkatapos ng trabaho. Pinasusundo niya ako sa kaniyang tauhan at hinahatid sa condo niya. At doon namin pinagsasaluhan ang mga oras at sandali na magkasama kami bilang mag-asawa. Isang araw, nilapitan ako ni Annie at niyayang makipag-dinner sa kaniya pagkatapos ng trabaho. Aniya, libre raw niya kapag pumayag ako. Hindi ko alam ang pakay niya pero pumayag na rin ako. Kaibigan din naman siya ni William at para sa ‘kin, kaibigan ko na rin siya. Kumaway siya s
Alas singko pa lamang nang umaga, nagyaya na si William na mag-jogging sa malawak na parte ng Hacienda. Mas maganda raw roon dahil presko ang hangin at walang masyadong tao kapag ganitong oras kumpara sa sports center na dayuhin ng mga runners. Pumayag na lang din ako para may makasama siya kesa magkape at humarap lamang sa laptop. Nagbaon kami ng face towel at mineral bottle. Halatang nakasanayan niya ang ganitong ehersisyo sa umaga dahil hindi siya mabilis mapagod hindi gaya ko na pawis na pawis na kaagad. Pero in fairness, gusto ko ang pakiramdam na ito. Feel ko kasi gumaan ang pakiramdam ko. Halos mangalahating oras din kami sa pagdya-jogging hanggang sa marating namin ang malinis na batis. Naupo ako sa malapad at malaking bato sa gilid niyon. “May ganito pala rito?” tanong ko agad sa kaniya na namamangha. Ngumiti siya at napakamot sa kilay. “Oo naman, malawak kasi ang Hacienda, maybe humigit kumulang nasa hundred hectares.” “Talaga? Bakit hindi ko alam iyon,” bulong ko.







