Masuk"Tipunin mo lahat ng tauhan natin, sabihin na maghanda sila." Naulinigan ni Trisha ang ama na kausap ang head security nito. Ang boses na iyon ay nagpakaba sa kaniya. Namuo ang mga katanungan sa isipan niya. 'Anong pinag-uusapan nila? May binabalak ba siyang gawin?' "Make sure na maayos ang lahat. Ayokong lumabas sa newspaper ang pangalan ko," babala ng kaniyang ama sa tauhan. Napakunot-noo si Trisha. Nahagilap ng kaniyang paningin ang inang nasa bandang tagiliran lang ng kinatatayuan ng kaniyang ama. Tahimik itong nakaupo sa single sofa. Nakatingin sa dalawa at nakikinig sa usapan ng mga ito. Napalingon ang mga magulang niya sa gawi niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis siyang napatingin sa screen. 'Raffy..' Nilingon niyang muli ang mga magulang bago sinagot ang tawag. Nagtama ang kanilang paningin ng kaniyang ina. Humakbang siya palayo sa den ng ama para makausap ng maayos ang hired detective niya. Si Clarisse ang tumulong sa kaniya upang makakuha ng tao
"Hi, Tita.." bati ni William kay Tiya Marietta nang salubungin sila ng lalaki, na ikinatugon naman ng ngiti ng kaniyang tiyahin.Gayunman, si Trisha ay sinalubong naman ng halik ng kaniyang asawa."Mukhang nag-enjoy ka sa lakad n'yo, babe, a," giliw nitong wika nang mamalayan ang matamis niyang ngiti. "Super.." tugon ni Trisha na hindi maitago ang kilig. "Marami siyang pinamili sa 'kin.. Nakakatuwa nga, e." Lumuwang ang ngiti ng kaniyang tiyahin sa itinuran niya. "Paano, mauna na ako sa inyong umakyat. Matutulog pa kasi ako. Bababa ako maya-maya para makapag-dinner tayo ng sabay-sabay." "Sige po, tita. Ah, salamat nga po pala rito," pahabol niyang saad."Walang anuman, hija," sagot nito nang humawak sa kaniyang braso bago pumanhik.Kaagad namang pumulupot ang braso ni William sa bewang ni Trisha nang mawala na sa paningin nila ang may edad niyang tiyahin."Tara?" Bahagya siyang tumango. Sumabay siya rito ng hakbang paakyat ng hagdan patungong kwarto, kasunod ang maid na hawak-
Naintriga siya sa sinabi ng kaniyang sister-in-law. "Bakit, may ideya ka ba kung ano ang pinag-uusapan nila?" kunwaring tanong niya kahit ang alam niya'y naghahanap lang ito ng maipapaksa upang makapag-usap silang dalawa. Humarap ito sa kaniya at lakas loob na sumagot, "Yes, of course." Hindi siya umimik. Mukhang pursigido nga itong magbigay detalye. Tahimik siyang naghintay sa karagdagang salita ng babae. "Usap-usapan sa bahay ilang araw na, ang tungkol sa insident na naganap sa inyo ng pamilya mo, kasama ng brother ko." Sumiksik ang mga salitang iyon sa bawat corner ng tenga niya na nagpakunot ng kaniyang noo. Clarisse crossed her arms, saka muling nagpatuloy, "May mga private agents sina dad and grandma na minsang pumupunta sa bahay–wala silang ibang topic kung hindi ang tungkol sa insidente." She cleared her throat. "Anong mga nalaman mo tungkol do'n?" kabado ngunit diretsa niyang tanong. "Well." Ibinaba nito ang walang laman na wine glass na hawak nito at nagdagda
"Sa susunod na linggo ang balik ko sa Singapore. Pero, hindi ako aalis ng bansa hangga't hindi pa nagigising ang mamá mo," saad ni Tiya Milagrosa nang mag-usap sila sa gazebo. Nakatanaw ito sa pool, kung saan lumalangoy si William. Gayundin siya na ang mga mata ay nakatutok sa asawang n*******d ng damit pang-itaas. Naka-boxer shorts lang ito habang tumatama ang tubig sa machong pangangatawan. Nakabukas ang lahat ng glass doors na nakapalibot doon sa gazebo. Malayang-malaya na lumalabas-masok ang hangin sa loob na banayad na nagpapalipad ng ilang mga hibla ng kaniyang buhok. Naliwanagan na silang pareho ng tiyahin nang huli silang kausapin ng ama. Parehong magaan ang kanilang loob nang umagang iyon habang pinagmamasdan ang lahat ng bagay sa hardin. "Stephanie, apo, ginawa'n kita ng herbal tea. Inumin mo ito," wika ni Lola Mira nang lumapit, bitbit nito ang maliit na tray. "Buti yumabong na ang mga itinanim kong halamang gamot, kaya't naipitas kita ng mga sariwang dahon." Ngumiti si
"Hindi sa kinukwestiyon ko ang iyong ama, but may point ang Tita Milagrosa mo." Nakapamulsang lumapit sa kaniya si William. Pagkapasok nila sa silid ay ibinahagi niya rito agad ang kaniyang mga narinig sa pag-uusap ng tiyahin niya at ama. At ito ang naging komento nito."Tunay nga naman talagang maraming tauhan ang papá mo, pero ni hindi niya naisip na pasamahan o pasundan tayo," dagdag pa nito nang maupo sa sofa.Mataman niyang tinitigan si William. Hindi naman kasi kasalanan ng ama niya ang nangyari. Malay ba nito kung may mangyayari palang masama sa kanila nang mga oras na iyon sa kalsada. Hindi nito hawak ang takbo ng panahon, hindi nito hawak ang isip ng tao."Oo, sabihin na nating sa simbahan lang ang tungo natin no'n, but alam naman niyang delikado na ang panahon ngayon lalo pa't kasama niya ang pamilya niya. Iba pa rin ang maingat at laging handa. Marami na ngayon ang mga taong may masasamang balak sa kapwa. Dapat alam niya 'yon."Salubong ang kilay na nagpakawala siya ng bu
'Mabuti naman at mabilis na naka-recover ang kaniyang katawan,' wika ng doctor kay William saka ito bumaling sa kaniya. "Matapang ka, hija.. sa iyo siguro nagmana ang iyong magiging mga anak.' Napangiti si Trisha sa biro ng doctor. Chineck nitong muli si Trisha. 'May kaunting bruises ka lang ngunit wala namang injuries. Matapos kong makita ang ilan mong test results, makalalabas ka na bukas.' Naaalalang wika ng doctor kay Trisha nitong huli. Nagpapasalamat siya sapagkat walang anumang nakababahalang nakasaad sa kaniyang diagnosis nang lumabas siya ng hospital. Tinitigan niya ang reseta at ultrasound na natanggap niya mula sa doctor habang banayad na hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kasalukuyang nasa balkonahe si Trisha nang matanaw niya ang sasakyan ni William na papasok ng mansion. Excited siya na salubungin ito sa baba. Ngunit, napahinto siya nang mapadaan sa opisina ng ama. "Sa nakikita ko, tama ang hinala ko na hanggang ngayon hindi mo pa rin mahal ang kapatid ko." Napak
Nang makauwi si Trisha ng mansyon, hindi na niya naabutan si Genevieve roon. Wala na ang mga gamit nito at ayon pa sa katulong, naglayas daw ang babae. Walang imik na dahan-dahan siyang naupo sa rattan couch sa lanai nang umagang iyon. Ang mga mata niya ay sa labas ng hardin nakatanaw habang ang m
Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag kay William ang lahat–ang paglilihim niya, sa harap mismo ng kaniyang mga magulang. Tinanggal niya ang kumot at ibinaba ang kaniyang mga paa sa sahig. Isinuot ang tsinelas at nag-ipon ng lakas ng loob upang magpaliwanag, ngunit nang ibubuka na niya ang kaniyan
“Anak, hija!” nag-aalalang sambit ng ina ni Trisha nang makapasok ng private hospital room. Naulanigan niya ang boses ng mga magulang dahilan para tuluyan siyang magising. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at natanaw sina William at kaniyang mga magulang na magkaharap. Nahuli pa ni Trisha a
Kumalat ang balita na nagkasakit nang malala si Señor Smith, ang ama ni Angelina matapos na makulong ang kaisa-isa nitong anak. Nakaramdam man ng kaunting guilt sa puso ni Trisha, mas pinili niyang huwag paapekto.“Kasalanan naman kasi talaga ni Angelina kaya nagkagano’n ang kaniyang ama.” Pagpapag







