Home / Romance / The Bossy Husband Meets His Fiery Wife / Chapter 1: Lucien, The Name I Hate!

Share

The Bossy Husband Meets His Fiery Wife
The Bossy Husband Meets His Fiery Wife
Author: Felicidad

Chapter 1: Lucien, The Name I Hate!

Author: Felicidad
last update Last Updated: 2025-07-25 16:41:08

Beatrice

Tumilamsik ang putik sa laylayan ng pantalon ko habang mabilis akong tumutulong sa paglilinis ng mga kagamitan ng mga residente ng Ellagoro. 

Lubog sa  putik ang kanilang kabahayan dahil sa nangyaring landslide, mabuti na lamang at nasuri kaagad ng Civil Rescue Unit ang posibleng pagguho ng bundok kaya nailikas kaagad ang mga residente.

Tinawagan lang din ako ng Tita ko sa nangyari kaya kaagad akong pumunta dito at lumiban muna ako sa trabaho ko.

Unti-unti na rin na nagsibalikan dito ang mga residente dahil tumila na rin ang ulan. Sila Tita nga ay maagang bumalik mula sa evacuation center upang maglinis sa bahay tsaka sila tumulong narin sa mga kapitbahay nila.

Habang ako naglibot upang makita ko ang buong sitwasyon sa Ellagoro at makatulong na rin sa ibang nangangailangan ng tulong. 

Mahalaga sa akin ang lugar na ito dahil nandito ang lahat ng kamag-anak ko sa mother side. At gusto kong protektahan dahil lubos na pinahalagahan ito ni mommy. Ito ang tinuturing niyang tahanan.

“Tulungan na kita, Nay,” sabi ko ng may makita akong ginang na pilit na binubuhat ang isang sofa na puno ng putik.

“Naku, iha, kaya ko na ito.”

“Hay naku, Nay, sa bigat niyan, paano niyo makakaya?” lapit ko na sa ginang.

“Teka, magpapatulong ako nay,” sabi ko pa at luminga na ako sa paligid hanggang sa may makita akong nakatalikod na lalake.

“Kuya, pakitulungan niyo nga kami dito.”

Hindi siya lumingon kaya lumapit na ako at tinapik ang balikat niya. “Kuya, pakitulungan mo nga akong buhatin ang sofa ni Nanay,” sabi ko tsaka ako tumalikod.

“What?” tanong niya.

Malinaw naman at ang lakas ng boses ko.

Kaya medyo may inis ko siyang liningon, “Bingi ka ba kuya, o sadyang ayaw mo lang tumulong–”

Natigil ako ng makita ko ang mukha ng lalake.

He’s Lucien Don Maginoo!

Bakit siya nandito?!

“Miss, can you see I’m talking to someone on the phone?”

“Okay, nervermind,” sabi ko at mabilis akong tumalikod.

The last thing I wanted to happen was to meet him!

“Nay, kaya ko na pala ito,” wika ko at sinubukan ko ng buhatin ang sofa.

“Naku, iha, nadudumihan na iyang damit mo,” sabi naman ng ginang at tinulungan na niya ako.

“Hindi Nay, kaya ko na ito–”

Nabitawan ko ang sofa ng lumapit si Lucien at pinalitan ang ginang sa pagbubuhat.

Shoo! Huwag ka dito!

“Ano pang ginagawa mo? Buhatin mo at ilipat na natin ito,” masungit niyang sabi sa akin.

“Kaya ko na ito. I no longer need your help.”

“Miss, you’re wasting our time. Kesa salita ka ng salita diyan, kumilos ka na.”

Wow! Grabeng ugali naman talaga ang meron sa kanya.

Kunsabagay, ano pa bang aasahan ko sa isang Lucien Don Maginoo? Ganitong-ganito naman talaga ang iniisip kong personalidad niya.

“What? Tatanga ka na lang diyan. Nay, hanapan mo na ako ng ibang katulungan dito.”

Nagpupuyos ang dibdib ko sa narinig kong ito mula sa kanya. Marahas kong binuhat ang kabilang panig ng sofa at masamang tingin ang pinukol ko sa kanya habang blankong ekpresyon lang ang nakalitaw sa mukha niya.

“Nay, san ito dadalhin?” tanong ko sa nagtitimpi kong tono.

“Dun iha, sa tabi ng poso,” sagot ng ginang na mukhang nararamdaman ang tensyon sa pagitan namin ni Lucien.

Habang binubuhat namin ang sofa, sinasadya kong itinutulak ang sofa ng maputikan ang damit ng hambog ng lalakeng ito.

“Miss, what are you doing?” tanong niya.

“Tanga ka ba? Nakikita mo naman na nagbubuhat din ako katulad mo–”

Narinig ko ang pagtunog ng panga niya habang tumatalim na ang tingin niya sa akin. Blankong ekspresyon naman din ang pinakita ko sa kanya.

Hindi na siya kumibo pero naramdaman kong tinutulak niya rin ang sofa sa akin.

“Ano ba? Napuputikan na itong damit ko,” angal ko.

“Oh really? I didn’t know that,” sumagot talaga siya ng with accent pa.

Nakakainis talaga ang lalakeng ito!

Lord, bigyan mo pa ako ng pasensya. Matatapos din ito at mawawala rin siya sa paningin ko.

Ipinagpag ko ang kamay ko ng mailagay na namin sa tabi ng poso ang sofa. Tumalsik ang mga putik mula sa kamay ko patungo sa kanyang polo.

“Hey! Woman! What’s your problem? Nananadya ka ba?”

Tinignan ko siya, “Oh, sorry. I didn’t mean it.”

“You didn’t mean it? Halata na sinadya mo.”

“No,” mariin ko namang sagot sa kanya.

Mas lalong kumulimlim ang ekpresyon niya sa akin.

Ganyan nga mainis kang bwisit na lalake ka. Kahit sa ganitong paraan lang naman ay makapaghiganti ako sa iyo!

“Iha-iho, huwag na kayong mag-away. Ang mabuti pa, magmeryenda muna kayo, may linuto kami para sa inyo. Halika na kayo.”

Hindi siya natinag sa sinabi ng ginang at matalim pa rin na tingin ang pinukol niya sa akin.

“Tell me, what’s your deal? This is the first time I've seen you, and you’re becoming so rude to me.”

“Weren’t you the one who was rude to me first?” bwelta ko.

Pumagitna naman na ang ginang upang patigilin ulit kami dahil may mga tumitingin na sa gawi namin.

“Nay, ikaw nga magsabi sa babaeng ito kung anong ginawa niya. She saw me busy talking to someone on the phone, and she interrupted me rudely. And still, I helped her, yet she still has the guts to make a mess with me,” litanya niya pero nanatili akong walang pake.

Oh bakit ba? Kumukulo ang dugo ko sa kanya kaya wala siyang magagawa kung magaspang ang ugali ko sa kanya.

“Hindi mo ba ako kilala?” tanong niya.

Hah! So now, he’s using you-don’t-know-me-I ’m-popular card.

I looked at him emotionlessly. 

 Oh well, still I don’t budge because you’re Lucien Don Maginoo. The man I don’t want to meet personally!

“Dapat ba kitang kilala?” taas-kilay kong tanong sa kanya.

Nameywang siya at pansin ko ng nag-aalburoto na ang kalooban niya.

Go! Ma-high blood ka!

I flipped my hair. I won’t care at all.

“I’ll sue you!”

Natawa ako, “Sue me? Bring it on! See you in my homecourt,” proud kong sagot sa kanya.

“What?”

Wat-watin mo mukha mo!

“Sir!”

Tumingin ako sa kalayuan at nakilala ko kaagad ang lalakeng tumatakbo palapit sa amin.

Oh shoot! Kio, that’s his assistant, and he knows me. 

Umatras ako at akmang aalis na ako ng hawakan ni Lucien ang kamay ko at pinigilan akong makakilos.

“Where are you going? Hindi pa tayo tapos.”

“I don’t have a deal with you anymore. And I’m a busy person–”

“Quit that excuse, for I know I’m busier than you.”

Hinila ko ang kamay ko, “Bitiwan mo ako,” utos ko at pinipilit kong makawala sa kanya.

“Sir, anong nangyayari dito?”

Tumingin sa akin si Kio. “Ma’am?” gulat niyang tanong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 87: Special Surprise

    BeatriceGumising ako ng madaling araw para makapag bake ng cake ni Lucien. Nagpalit ako ng damit at saglit na nag-ayos ng sarili. Tsaka rin ako mabilis na tumayo mula sa pagkakaharap sa vanity mirror pero natigil ako at binalik ko ang tingin ko sa mesa. Sumentro ang mga mata ko sa kahon na kinalalagyan ng singsing ko. Dinampot ko ito at binuksan. Hindi ko pa ito sinusuot magmula ng kasal namin. Hindi ko magawa dahil nag-iingat ako, baka may makapansin at tanungin ko.Tumingin ako kay Lucien na mahimbing na natutulog pa tsaka ko rin binalik ang tingin ko sa singsing. Kinuha ko ito at sinuot.Sumilay ang ngiti sa labi ko nang itaas ko ang kamay ko.Hindi na ako magpapadala sa mga alalahanin at sa kung ano ang sasabihin ng mga taong nasa paligid namin.Pagkababa ko, inihanda ko na ang kakailanganin ko tsaka ako nagsimulang gumawa. “Bea,” lumingon ako sa pintuan ng kitchen nang marinig ko ang boses ni Nay Lourdes.“Iha, ang aga mo naman,” lapit sa akin ni Nanay.Ngumiti ako, “Opo Nay

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 86: Choosing Me

    BeatriceParito’t paroon ang lakad ko sa harap ng guesthouse habang hinihintay ko si Lucien. Naihanda na namin ang lahat ng lulutuin namin bukas pero hindi pa siya umuuwi.Gabing-gabi na, bakit wala pa siya?Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi. Nagtext naman siya sa akin matapos niya akong iwanan sa opisina niya, eh nagreply naman ako pero wala na siyang message pagkatapos nun.Napapadyak ako. Kase naman, kung inintindi ko na lang sana siya. “Iha, wala pa ba si Lucien?” labas ni mama kasama si papa.“Wala pa po,” lingon ko. “Tinawagan mo na ba?” tanong sa akin ni Papa.“Hindi siya sumasagot, pa.”Bumuntong-hininga si mama, “Ang batang ‘yun.”“Baka nasa meeting pa sila ni Kio,” saad naman ni papa, “Sige na, pumasok ka na sa loob at magpahinga.”“Hintayin ko na lang po siya, pa.”“Iha, mahamog na. Magkasakit ka pa niyan,” paalala sa akin ni mama.Pero nagmatigas ako, “Ayos lang po ako, ma.”Hindi rin ako mapakali sa loob kaya mas mabuting hintayin ko na lang si Lucien d

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 85: What Ruins Carefully Laid Plans

    LucienAs we reached the orphanage, we were greeted by the director and staff. The investigator was the one who introduced me.Mabuti na lamang at pumayag siya na ganito ang setup dahil mapili siya sa lugar at kung paano niya ibibigay ang impormasyon na pinapakuha ako.It’s a risky job that I could only understand.Dumeretso kami sa opisina ng bahay-ampunan at doon nag-usap. “Pwede po bang makita ang buong gusali?” tanong ni Kio “Oo naman, iho, halikayo,” tugon agad ng director.Lumabas kami sa opisina at nagsimula kaming maglibot.“Napakaluma na po pala ng mga pader at haligi nito,” puna ni Kio.“Oo, iho, ilang dekada na rin kase ang lumipas mula nang itayo nila ito.”“Ah, ganun po ba,” tumango si Kio. “Buti naman po pala at hindi ito napupuruhan kapag may landslide sa bundok?”Lumukot ang mukha ko, si Kio talaga.“Sa awa naman ng Diyos, hindi nadadamay iho. Sa bandang harap papuntang gitna ng bundok ang kadalasan na kina-quarry nila,” sagot ng director.“Ah, mabuti naman po pala.”

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 84: Fault Lines

    LucienBase sa ekspresyon nila, pansin kong alam nila ang tinutukoy ko pero walang naglakas-loob na magsalita tungkol dito.“Alam ko pong pagiging makasarili ito pero hindi ko bibitawan ang asawa ko. I can endure everything for me to be with her.”Maikling natawa ang isa sa mga tiyuhin ni Bea.“So ipinapahiwatig mo na may nararamdaman ka sa pamangkin namin,” mapaklang tugon niya. “Pero alam mo ba ang sinasabi mo?”Hindi agad ako nakasagot.“Inakala mo na ang pamangkin ko ang sisira sa iyo at sa pamilya mo,” dugtong niya. Pero kayo mismo ang naghanap ng ikakasira ng pamilya niyo. Ang trahedyang sinasabi mo, kayo mismo ang nagbaon niyan sa lupa. At tignan mo nga naman, nakipagkasundo pa kayo kay Margar, dinamay niyo pa ang pamangkin ko sa kasakiman niyo. Kaya huwag na tayong maglokohan, Mr. Don Maginoo dahil isa ako sa mga nag-imbestiga nang nangyari noon.”Napatingin ako sa kanya.“Ako ang isa sa mga detective na humawak ng landslide case,” dagdag niya. “At ipinatigil iyon ng pamilya m

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 83: Beneath Familiar Roofs

    LucienPaglabas ko ng opisina, dumeretso ako sa parking lot. Sinalubong ako ni Bert nang makita niya ako.“Aalis na ba tayo, sir?” tanong niya.Tumango lang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan. Habang sumasakay ako, narinig kong tinatawagan na ni Bert si Kio.Napabuntong-hininga ako nang tuluyan akong maupo. Saglit kong ipinikit ang mga mata—pero agad ding kumuyom ang kamay ko. Dinukot ko ang cellphone ko at nagmessage kay Beatrice.Hindi pa siya kumakain ng lunch.I let out another breath, slower this time. Hindi ko maikakaila ang bigat sa dibdib ko. There was something deeper behind Tito Logan’s moves—I could feel it.Napaka-coincidental na lumabas ang illegal quarrying ni Margar kasabay ng pag-udyok niya para tanggalin ako sa posisyon.What’s your real goal?Kailangan kong malaman.“Sir!”Napalingon ako, masama ang tingin, nang biglang buksan ni Kio ang pinto sa likod.“Can’t you—”“Sir,” hingal niyang putol, “nakatanggap ako ng message from the investigator.”Tumigil ako.“He sa

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 82: Love Is Not Enough

    BeatriceNarinig ko ang pagpapakawala ng malalim na hininga ni Sir Alfred. “Marami kang kamag-anak na gustong kunin ang posisyon mo.”Natahimik kaming lahat.Pero sigurado ako—ang Tito Logan ni Lucien ang may kagagawan nito.“Pero kung iisipin nating mabuti ang mga nangyari ngayon,” dugtong ni Sir Alfred, seryoso ang mukha niya, “at kung kikilalanin natin ang mga kamag-anak mo, si Sir Logan lang ang may kakayahang impluwensiyahan ang NERA. May posisyon siya sa probinsya na maaari niyang gamitin.”Tumingin ako kay Lucien.Hindi siya nagsalita, pero nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Sir Alfred. Nakasandal lang siya sa dulo ng mesa, magkakrus ang mga braso, parang inaasahan na niya ang bawat salitang binibigkas ng chief.“He has been waiting for a crack,” dagdag ni Sir Alfred, mas mababa ang tinig. “At ngayon, nakita niya iyon.”Naikuyom ko ang kamay ko.Ramdam ko ang bigat ng sinabi niya.Dahil sa kontratang ginawa ko, nagamit iyon laban kay Lucien. Ako ang naglatag ng koneksyon ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status