Beatrice
Tinuro niya kami pareho na nanlalaki ang mga mata niya.
“Nay, ako na po rito. Mauna na po kayong magmeryenda, dun,” mabilis na pagtataboy ni Kio sa ginang na nasa tabi namin.
“Sigurado ka?”
“Oo, nay, sige na po.”
“O siya sige, mga iho-iha, tigil niyo na iyan at sumunod na rin kayo para makapagmeryenda na rin kayo.”
Nang iwan na kami ng ginang, itinaas ko ang kamay kong hawak ni Lucien at tinignan si Kio, “If you mind.”
Mabilis na tinanggal ni Kio ang kamay ni Lucien sa akin at hinila na niya ito palayo sa akin.
Pinanood ko sila nang pinapagalitan na ni Lucien ang assistant niya.
What are they even doing here?
I can’t think of his reason.
Knowing his personality, Lucien Don Maginoo—the proud and untouchable president of Gran Aria Corporation- wouldn’t care about what happened here in Ellagoro.
Most likely, he’s behind closed doors, quietly strategizing his next move.
The mysterious figure that the media praises. He's always a game-changer in the world of business.
Tumaas ang kilay ko at mapanuring tinitigan ko siya.
Or is he trying to rebrand himself now? He wants to have media exposure now?Well, he’s been rumored to be ruthless—an old soul full of bitterness and unfinished wars.
Walang mukha sa media, puro accomplishments lang.Umismid ako, concious din pala siya–
“Sino ba ang babaeng iyon? Taga-rito ba siya?” rinig kong tanong niya na halatang galit talaga. Tapos tinuro ako na parang wala ng pagsidlan ang inis niya sa akin.
“Si Ma’am Beatrice, sir.” mahinang sagot niya.
“Beatrice? Wala akong kilalang Beatrice.”
Natawa ako sa hangin nang marinig ko pa ito sa kanya.
Ako naman ngayon ang naglalagablab sa galit.
“Sir, tayo na lang baka magsisi ka pa kapag nalaman mo.”
Aba! Isa rin itong assistant niya.
Kunsabagay, ang tapang nga nila sa ginawa nila sa mismong kasal namin. Hindi na talaga nakakagulat na ganito ang ugali ng mag-among ito.
“Sino nga siya? Gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon na akala mo kung sinong makaasta.”
Wow! Ako talaga?
Seryoso ka diyan?
“Tell me.”
“Sir–”
Humalukipkip ako at tinignan silang dalawa. Baka hindi mo kayanin kung malaman mo kung sino ako.
“Who is she? Answer me, or I'll fire you now,” utos niya sabay tingin na sa akin. Inismiran ko naman siya.
“Sir, she is your wife.”
“What? What wife?”
“Siya ang asawa mo, sir, si Ma’am Betrice.”
Hinarap ako kaagad ni Lucien, deretso lang naman ang paningin ko sa kanya.
Ako nga.
Ako ang babaeng hindi mo sinipot sa mismong seremonya ng kasal natin.
Two years ago…
Mabigat ang puso ko nang hawakan ko ang sedura ng pinto ng opisina ni Mayor.
“Ano pang tinatanga mo diyan. Naghihintay na sila sa loob,” asik sa akin ni Tita Gretta, ang stepmother ko. Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa pinto at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.
Pagpasok namin sa loob, bumungad sa paningin namin ang dalawang tao.
Dalawang tao lamang..
The mayor, who will officiate, and a man in an office suit.
My groom, Lucien Don Maginoo, is still not here, not even his family.
“Wala pa sila? Nasaan si Lucien?” naiinip na tanong ni Tita Gretta.
"Aba, ganitong klaseng kasal na nga lang ang gusto nilang mangyari tapos male-late pa sila.”
Nanatili akong tahimik habang nag-aalburoto na siya.
“Good morning, ma’am. I’m the assistant of Sir Lucien,” pahayag ng lalakeng nakasuot ng office suit.
“I don’t care who you are. Ang gusto kong malaman kung nasaan si Lucien. Nasaan sila?” halos naghihisterikal na ang boses ni Tita.
Of course, hindi niya ito inasahan. She’s too complacent. Una pa lang alam ko na ito ang kakahinatnan ng ginawa niya.
Tinanggap nga ng angkan ng Don Maginoo ang lumang kasulatan na ikakasal ako sa unang apo nila pero hindi nangangahulugan na makikipag-cooperate sila sa gustong mangyari ng stepmother ko.
They are the richest family in Ramillia, while all my dad's family can offer is a company barely staying afloat.
“Sir Lucien signed the marriage certificate yesterday. He appointed me as his proxy and legal witness, ma’am,” sagot ng assistant na halatang buo ang kumpiyansa niyang humarap sa amin.
“At saka po, ‘yung ibang family members hindi rin makakarating ngayon. May prior commitment sila na nauna nang na-schedule,” dagdag pa niya na parang ordinaryong appointment lang ang kasal.
“Mayor, hindi ito maaari,” singhal ni Tita Gretta, halatang hindi makapaniwala.
“Mrs. Dela Torre,” sabat ng Mayor, pilit na mahinahon, “This is really out of our control."
Humarap sa akin si Mayor. “Mr. Lucien Don Maginoo asked me to present the certificate first to him, and he signed it beforehand. Rest assured, he made a vow for your marriage.”
“Then…Shall we begin the ceremony, Miss Beatrice?”
“Go ahead,” I replied unconcerned.
Tumikhim si Mayor at binuksan ang folder.
"Beatrice Dela Torre, do you, of your own free will, accept this union with Lucien Don Maginoo, as your lawfully wedded husband, knowing fully that this marriage binds you both in the eyes of the law, and in the eyes of those who trust and believe in this alliance?”
Bumukas ang labi ko pero mariin ko rin itong naipinid.
Kung meron lang akong pagpipilian, hindi ko gugustuhin na ikasal kay Lucien Don Maginoo. Kung may sapat lang sana akong kapangyarihan para maprotektahan ang Ellagoro sa kamay ni Dad at ng stepmother ko, hindi ako pupunta dito.
Hindi ganitong klaseng kasal ang pinangarap ko.
“Miss Beatrice?” untag sa akin ni Mayor.
“I do,” sagot ko sa huli.
Pinirmahan ko na rin ang marriage certificate.
“By the power vested in me as Mayor of Ramilla, I now declare this marriage legally bound under the laws of the Republic.”
Pagkatapos nito, lumapit sa akin ang assisstant ni Lucien.
"Ihahatid ko na po kayo sa guest house.”
“Guest house?!” lapit sa amin ni Tita Gretta.
"Anong guest house ang pinagsasabi mo?”
“Ma’am Beatrice will be staying in the guest house of Villa Maginoo.”
“Bakit? Asawa na siya ni Lucien. Dapat sa main residence siya titira,” mariing sabi ni Tita Gretta.
“Ma’am, the main residence is reserved for family members only.”
“My daughter is already part of the family,” sagot ni Tita Gretta, hindi pa rin nagpapatalo.
“This decision was made by Doña Elviria.”
“Ano—”
Pinatigil ko na si Tita Gretta bago pa tuluyang uminit ang ulo niya.
“Tayo na,” sabi ko sa assistant, pero agad akong hinila ni Tita Gretta palayo.
“Beatrice, kailangan mong makuha ang loob ni Lucien,” bulong niya.
“Kailangan mong makuha ang pabor niya para makalipat ka sa main house. Otherwise, you will never be honored as Lucien’s wife. Naiintindihan mo?”
Tahimik lang akong tumango nang matapos na siya.
Binitawan niya ako, saka marahan akong itinulak pabalik sa assistant.
Pagdating namin sa sasakyan, hinarap ako ng assistant.
“Please surrender your phone to me, ma’am. We’ll provide a new one. Your clothes and other needs are already prepared, so there’s no need to get your things from your family's house.”
Napatingin lang ako sa kaniya, hindi ako kaagad nakapagsalita.
Ganito ang magiging buhay ko?
Isang buhay na kontrolado nila—kung ano ang susuotin ko, kung kanino ako pwedeng makausap, kung saan ako titira.
And the fact that I will not serve as Lucien’s wife.
I would be nothing more than a name beside his— a footnote in a contract he never cared to read.
BeatriceNagpakawala ako ng malalim na hininga, inaalala ko ang naging reaksyon kanina ni Lucien.As if naman talaga may care siya sa akin. Dahil lamang sa kanyang prinsipyo kaya siya ganun.Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang labi ko.But why does he need to do things that will shake me?Ipinilig ko rin ang ulo ko sa kaisipang ito. At binaba rin ang kamay ko. Hindi ko hahayaan na didiktahan ako nito. Hindi ako aatras, ngayon pang pinaplano talaga ni Daddy na galawin ang bundok ng Ellagoro.Nakakainis, noon at ngayon, siya pa rin talaga ang may kontrol sa lahat–“You’re really hard-headed. Hindi ba’t uuwi tayo ng sabay.”Umangat ang ulo ko at ginawi ko sa gilid ko.Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng napagtanto kong si Lucien ang nasa gilid.Saglit akong hindi ako makapagsalita bago ako nakabalik sa presensya ko.“What are you doing here–”Hindi siya sumagot bagkus tumabi siya sa akin. Tapos dinukot niya ang cellphone niya at basta na lang tinapat sa amin ito at nagpic
Lucien“Mr. Lucien Don Magioon, you barged into my office and asked to play chess out of nowhere. Yet you’re just staring at the board.”I looked up at my friend, Alistair. “What? Ano ba problema mo?”“Nothing,” sagot ko at dinampot ko na ang piyesa.Ang gusto ko na lang ngayon ay tumahimik ang utak ko.“Sabihin mo na nang matapos na ito. Ako ang governor ng probinsya, wala akong oras na hintayin kang sabihin ang problema mo.”Ibinalik ko ang piyesa at napipikon ko siyang tinignan ulit.“Maayos at lumalago lalo ang Gran Aria, tiyak naman ako na hindi ito ang problema mo. So ano?”Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin. Hindi ko pa nabanggit sa kanya na nagkita na kami ng babaeng pinakasalan ko noon.“Tungkol na naman ba sa mga kamag-anak mong ganid sa pera?”“No,” sagot ko.Huminga ako ng malalim, “Kamusta ang imbestigasyon sa QuarryTorre?” pag-iiba ko ng usapan namin.“Ah so, ang Ellagoro ang problema mo,” wika niya at tumango-tango siya, “Well, fath
BeatriceSinundan ko siya sa loob ng opisina niya.Dumeretso naman siya sa mesa niya at binuksan niya kaagad ang laptop niya. Mabilis ko naman siyang linapitan.“What are you planning to do?”tanong ko.“I will write my resignation letter,” simple niyang sabi.Kaagad kong sinara ang laptop, galit naman siyang tumingin sa akin.“Pag-usapan natin ito ng maayos,”saad ko.“Wala na tayong pag-uusapan pa. Dalawa lang ang pupuntahan nito, susundin sila o may aalis sa ating isa,” matabang niyang sagot.Tumindig ako, “Hindi ako pwedeng umalis sa kumpanyang ito,” mariin kong sabi.“O kaya nga, ako na ang aalis.”“Hindi rin pwede,” sagot ko.Imposibleng gumana ang kumpanyang ito kung hindi siya ang magpapatakbo nito.Magaspang man ang ugali niya pero alam ng lahat ang husay niya bilang presidente ng Gran Aria. Hindi ko iyon maikakaila kahit si Donya Elviria.Maaaring ang sinabi ng Donya ay pantakot lang sa kanya. Pero walang makakapalit sa kanya.Lumaki at lumawak ang Gran Aria sa kanyang pamum
BeatricePagkatapos kong magpaalam sa kanila. Lumabas din ako.Pagsara ko ng pinto, nasapo ko ang dibdib at ilang ulit ko itong napalo. Tsaka ako nakapagkawala ng malalim na hininga.Everything that’s happening is overwhelming. So anong mangyayari na? Titira na talaga ako sa mansyon?Anong magiging setup namin ni Lucien?Napahawak ako sa ulo ko. Talagang magkakaroon kami ng wedding shoot?“Ayos ka lang, ma’am?” tanong sa akin ng staff.Naibaba ko naman ang kamay ko at bumaling ako sa counter.Nakatingin sa akin ang mga staff ni Donya Elviria.“Ayos lang ako–”“Are you going crazy now?”Dumeretso ang mga mata ko at suminghap ako ng makita ko si Lucien na nakasandal sa pader ng pasilyo, halatang hinintay talaga ako.“Nandiyan ka pa pala,” utal kong sabi.“Oh, so you’re looking guilty now. Didn’t you expect this after gaining sympathy from my family?”Pumakla ang ekspresyon ko at bumaba ang kamay ko. “Wala na ba talagang lalabas sa bibig mo kundi pagdududa sa akin,” pikon kong sabi sa k
BeatriceNaigilid ko ang katawan ko at tiningnan si Lucien, marahas siyang tumayo.“Ako? Nagseselos? Come on, mom, pwede ba, hinding-hindi iyan mangyayari.”Nameywang siya, “I’m just saying that she’s not here working for Gran Aria, she’s here because…”Bumaba ang tingin niya sa akin at seryoso siyang nakatingin sa akin.“Because of…guys,” nang-iinsulto niyang dugtong.Tagpo naman ang mga kilay ko, “May cctv ang bawat sulok ng building na ito. Check mo kung talagang ginagawa ko ang sinasabi mo,” sagot ko naman sa kanya.“Anong ichecheck ko? Meron pang iba? Iyon pagtabi mo pa lang sa lalake, mali na ‘yun,” pandidiin pa niya sa akin.“And why is it wrong?” tanong sa kanya ni Donya Elviria.“Grandma, she’s clearly flirting with guys.”Tumawa ang mommy niya at pinagsabihan siya, “Walang malisya na tumabi sa ibang lalake, nak. Hindi iyon pakikipaglandian.”Tumango-tango naman ako. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin pero nagkibit balikat ako at sumisilip sa labi ko ang mapang-asar na
Beatrice“You made the mess, Lucien. You take responsibility for it,” giit ni Sir Leo.“Dad, this shouldn’t have happened if she had not worked here. I told her many times to quit her job, but she’s hard-headed.”Nagtagpo ang kilay ko, “Why would I quit my job just because of my connection to you?” tanong ko.At this point, I want to let it all out. I want them to know all these piled-up resentments toward this family.Hinarap niya ako. “You’re still my wife in paper. And I couldn’t just stay still when I’m aware that you’re roaming around my workplace.”“I’m not roaming around. I’m working here. This is not only your workplace, this is also my workplace.”Lumukot ang ekpresyon niya. “Talagang magmamatigas ka?” asik niya.“Oo dahil gusto ko ng kalayaan. Ikinulong niyo ako sa guesthouse ng isang taon. Ni hindi ka nagpakita sa akin, Lucien,” hindi makapagpigil kong litanya.“Kulong? Ikaw pa talaga ang nakulong? Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. “And your family for