Share

Eleven

Hanggang sa pag-uwi ko hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na kinausap si Javier dahil nag-iisip ako kung paano ko ayusin ang gusot na ito. Bukas na ang kasal namin ni Javier at gustong makita ng Lolo niya ang pamilya ko? No, hindi pwede. Hindi ko naman sinabi sa kanila, hindi ko pa nga alam kung kumusta na sila, nagpalit ako ng sim card para hindi muna nila ako ma-contact. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko sa pamilya ko pero ayaw ko silang madamay sa kung anong buhay ang pinasok ko.

“Hey, you should sleep early. Maaga tayo bukas…”

Hindi ko pinansin si Javier, humiga na lang ako sa kama na hindi siya tinitignan. Hanggang sa ilang oras ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Bumangon para tignan si Javier, natutulog siya sa couch. God, hindi ko na alam! Hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ko talaga pero nahihirapan na ako. Siguro magpapalusot na lang ako sa pamilya ni Javier bukas, bahala na!

Kinabukasan, nagising ako na parang ayaw kong bumangon at umalis
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status