The Broken Past of a Billionaire

The Broken Past of a Billionaire

last updateLast Updated : 2022-04-24
By:  HeyYouOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
6Chapters
1.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Ang nais lamang ni Jessica ay marinig ng buong mundo ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pagsali sa isang prestihiyusong beauty pageant. Ngunit nang siya ay nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas ay hindi niya inaasahan ang nangyari sa kanyang buhay. Dinukot siya ng mga armadong grupo noong gabi pagkatapos ng coronation night. Ngunit ililigtas siya ng anak ng pinakamayaman sa Pilipinas na si Sebastian. Mahuhulog ang loob nito dahil sa kanyang angking kagandahan. May iniindang sakit pala ito at si Jessica ang makakatulong sa kanya. At sa huling talata ng nobelang ito ay masisilayan ang pag-iibigan ng dalawang tao.

View More

Chapter 1

Prologue

“As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.

Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.

Magtatanong pa sana sila sa akin ngunit tinawag na ako ng aking manager upang lisanin ang lugar. Tapos na ang unang conference namin pagkatapos ng coronation night.

Marami ang naka-abang sa akin sa labas ng collesium, nagkikislapan ang mga ilaw mula sa camera ng mga photographer. Pinakita ko naman sa kanila ang aking nakakamatay na fierce at may konting ngiti. Bilang isang beauty queen ay kailangan mo mapanatili ang poise at baring mo. Marami ang sumisigaw sa aking pangalan. Kumakaway-kaway ako sa mga tao habang bumaba ng hagdan.

Agad akong dumiritso sa loob ng sasakyan bago pa man magsi-lapitan ang mga tao. Umandar naman ito kaagad nang makapasok na ako sa loob.

"Hay, salamat." Napabuga ako ng hangin nang tuluyan akong makapasok sa loob ng sasakyan.

"Congratulations anak, we're so proud of you ng Papa mo." Bati ng aking mama na katabi ko lang ngayon sabay halik sa aking pisngi.

"Syempre, proud na proud ako diyan. Sobrang ganda ng anak natin. Nagmana ata sa maganda niyang ina." Singit naman ng aking papa sabay sundot sa tagiliran ni mama. Kinikilig naman si mama dahil sa ginawa ni papa.

"Thank you Ma, Pa. I'm not doing this for my own, you two are my strength and motivation why I got this crown. I should congratulate you because of your perseverance and your love for me." Niyakap ko silang dalawa.

Ang sarap sa pakiramdam na hindi lang ako ang masaya sa mga oras na ito, pati na rin ang aking mga mahal sa buhay.

"Eherm! How about me?" Kunwaring tampu-tampuhan na sabi ni Lucas at natawa naman kami. Si Lucas ang kasalukuyan kong boyfriend, matagal na kami.

Dahil siya ang nagmamaneho ngayon at tumingin ako sa front mirror kung saan nakatingin din siya. Ngumiti ako sa kanya at sinuklian din naman niya ako ng isang kindat. Kaya napakagat ako ng aking sariling labi. Kahit saan siya tignan ay napaka gwapo pa rin niya.

Ang laki rin ng naitulong sa akin ni Lucas. Tudo suporta siya sa akin bago at pagkatapos ng kompetisyon.

"Bakla, ang daming nagko-congratulate sayo." Sigaw ni Carlo sa likuran namin, ang matalik kong kaibigan na beki. Katabi naman niya ang isa ko pang matalik na kaibigan na si Luna habang nakatutok din ito sa tablet.

Sila ang nagma-manage ng social media account ko ngayon. Dahil hindi ko magawang replyan lahat ng mga komento ng aking mga fans. Silang dalawa ang tumutulong sa akin sa lahat ng kailangan ko.

"Oo sis. Iba talaga kapag beauty queen." Puri naman sa akin ni Luna.

Bahagya akong tumawa, "Kayo talaga. Mamaya niyo nalang yan replyan."

Umayos muli ako sa aking pagkaka-upo paharap. Napatingin ako sa isang gusali kung saan nakapaskil ang aking mukha sa billboard. Nakalagay doon ang aking pangalan at ang isang pagbati. Napangiti ako sa mga sandaling iyon.

Dati ang pangarap ko lang ang mailagay ang aking mukha sa isa sa mga billboard ng mga sikat na kompanya. Iba talaga ang nagagawa ng makabagong teknolohiya. Napakabilis lang ng mga pangyayari. 

Hinawakan ko ang aking korona sa aking ulo. Parang kailan lang nagtatrabaho ako sa isang Mental Health Center para sa mga taong nangangailangan ng tulong. Pero ngayon, isa na akong ganap na beauty queen.

Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip ng biglang nag-preno si Lucas. Lahat kami ay nagulat dahil sa biglaang paghinto ng aming sinasakyan. Nagtataka akong tumingin kay Lucas, bago tumingin sa harapan. Nakita ko ang isang itim na van na humarang sa aming dinaanan.

Maya-maya ay lumabas ang tatlong lalaki. Balot ang mukha ng itim na tila. At may dala rin itong mga armas. Papalapit sa aming direksyon ang mga ito. Napahawak ako sa kamay ng aking ina. Hindi ko alam ang aking gagawin.

Bago pa man maka-andar si Lucas ay narinig ko na lang ang putok ng baril at sinadyang pinapatamaan ang gulong ng aming sasakyan kaya hindi kami makaalis. Nakita ko naman si Lucas na bumunot ng kanyang baril.

Natatakot na ang aking mga kasamahan sa loob. Bumukas ang pinto ng aming sasakyan at agad kaming tinutukan ng baril ng isang lalaki. Hindi ako maka-imik sa mga sandaling iyon. Hinarang ko na lamang ang aking katawan para kung sakali man ay alo ang matatamaan hindi ang aking mga magulang.

Sumunod ang isa nitong kasamahan at walang sabing hinablot ang aking kamay at hinila papalabas ng sasakyan. Nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas.

"Anak, wag niyong kunin ang anak ko." Sigaw ng aking ina. Habang ito ay umiiyak.

"Babe!" Tawag sa akin ni Lucas.

"Bitawan niyo ako." Singhal ko sa mga lalaki nang tuluyan nila akong napalabas. "Ano ba ang kailangan niyo sa akin."

Ngunit hindi ito sumagot, bagkus ay patuloy lang nila ako hinihila papunta sa kanilang sasakyan. Hindi makalabas ang aking mga kasama sa loob dahil tinutukan din sila ng isa sa mga kasamahan ng lalaking humihila sa akin.

"Anak!" patuloy na sigaw ni mama habamg umiiyak ito. Yakap-yakap naman siya ng ni papa. Patuloy akong pumipiglas para makawala sa mga kamay na nakahawak sa akin.

"Lucas!" Sigaw ko nang makita ko si Lucas na bumaba mula sa sasakyan habang nakataas ang isang kamay at ang isa naman ay nasa kanyang likuran.

"Babe, wag kang mag-alala ililigats kita," matapang nitong sabi.

"Huwag na, sila mama na lang." Sagot ko naman. Iniisip ko ang kapakanan ng aking mga magulang, ng aking mga kaibigan, at kay Lucas.

Ngunit naramdaman ko na lang ang panyo na tumakip sa aking ilong at bibig. At may naamoy akong kakaiba na nagbigay sa akin ng konting pagkahilo.

Inilabas ni Lucas ang kanyang baril sa kanyang likuran at agad na tinutok sa mga lalaking humihila sa akin.  Ngunit nagulat ako ng may panibagong putok na naman ang aking narinig.

Kasabay ng paghulog ng aking korona ay ang pagbagsak ng katawan ng lalaking mahal ko. Gusto kong sumigaw ngunit sa tuwing hihinga ako ay patuloy na humihina ang aking katawan. Pinipilit ko maibuka ang aking mga mata. Pero tila ay nawawalan ako ng lakas. Pero patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"Diyos ko po. Ano ba ang nangyayari sa amin. Huwag niyo po pabayaan ang aking pamilya," sabi ko sa aking isipan.

Kasabay ng huling patak ng aking luha ay ang tuluyang pagsara ng aking mga mata. At hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
MA. ANGELA BARBARONA
Nice story
2022-04-22 15:30:57
0
user avatar
MA. ANGELA BARBARONA
Nice story
2022-04-22 15:30:36
0
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status