LOGINThe Little Voice That Stayed
Zayver Pov Pagkatapos ng unang tawag, inisip ko na hindi ko na muling maririnig ang madaldal na batang iyon. Pero kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking opisina. Bigla ko na lang naalala ang bata. Tahimik na ang buong palapag. Tanging ilaw ng siyudad na lang ang aking natatanaw. Paulit-ulit kong naaalala ang boses ng bata. Lalo na ang sinabi nitong "Ang ganda po ng boses mo." Napailing ako. Baliw ba ang batang iyon? Ako? Maganda ang boses? Kilala ako bilang isang pinakanakakatakot na CEO sa bansa. Hindi ko alam kung bakit, pero paulit-ulit kong tinitingnan ang unknown number sa aking cellphone. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tawagan ito. Ilang segundo akong nag-atubili. Pagkatapos ay pinindot ko rin ang call button. Tatlong ring lang ay may sumagot agad. Napangiti ako ng wala sa oras. >Phone call< "HELLOOOO POOOO!" Matinis na sambit ng nasa kabilang linya. Nailayo ko agad ang cellphone sa tenga ko. Napakunot-noo ako. "Bakit ka sumisigaw?" Tumawa ang bata. "Excited lang po kasi ako!" "Bakit?" tanong ko. "Kasi po tumawag ka ulit." Sabay hagikhik nito. Pati ako napangiti ng wala sa oras. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ako sanay na may natutuwa kapag tumatawag ako. Kadalasan kasi ay natatakot ang mga tao sa akin. Isang tawag lang, nanginginig na ang boses nila. Pero iba ang batang ito. Masaya at excited niya akong makausap. "Ano'ng pangalan mo?" tanong ko ng may mahinahon na boses. "Cassie po ang pangalan ko." "Ilang taon ka na?" "Five." Bibong sagot ng bata. "Five?" "Opo. Pero sabi ni Mommy, matanda na raw ako mag-isip." Napataas ako ng kilay. Kung makipag-usap kasi ang bata, parang may isip na. Eh, five years old pa lang naman ito. "Talaga? Bata pero isip matanda?" biro ko rin. "Opo. Matanda na po ang isip ko. Kasi marunong na po akong magsaing." Natigilan ako. Marunong na magsaing ang limang taon gulang? Tanong ko pa sa sarili ko. Samantalang ako kahit nilagang itlog hindi pa ako marunong. Pagkatapos ay napangiti ako nang bahagya. Hindi ko na mamalayan na napangiti na ako ng wala sa oras. "Marunong ka magluto? Sigurado ka?" Amuse na tanong ko sa bata. Nawili na naman akong makipag-usap sa batang ito. "Hindi po," tawa ng bata na parang kaibigan lang niya ang kausap niya. "Edi paano ka nagsasaing? Pinagloloko mo naman yata ako." "Nasunog nga po eh. Praktis lang po kasi sa una." Napatawa ako nang mahina. Pasaway na bata. Pati ito, natawa rin ng malakas. Tapos nagkwento na kung bakit nasunog ang sinaing niya. Hindi ko mapigilan ang tuwa sa kwento niya. Napakakulit at aliw na aliw ako kung paano siya magkwento. Sa kabilang linya, alam kong natigilan ito. Baka lumaki pa nga ang kanyang mga mata. "MISTER!" Malakas niyang sambit. "Ano na naman, batang maliit? Nakasigaw ka na naman." "Tumawa ka po! Narinig ko!" malakas niyang bulalas. "So? May problema ba sa pagtawa ko?" "May ngipin ka po pala!" Bigla akong natahimik. Pagkatapos ay napailing ako. Baliw talaga ang batang ito, pasaway. "Mister." Tawag nito ulit. "Hmm?" "Pangit ka po ba?" Napasinghap ang assistant ko na nagdadala ng kape ko. Muntik na niyang maihulog ang hawak na tray. Naningkit naman ang mga mata ko. "Bakit mo natanong, maliit na bata?" "Kasi ayaw mo magpakita." Napailing na naman ako. "At bakit kailangan kong magpakita?" "Para malaman ko kung pogi ka po. Yung manliligaw kasi ni Mommy, hindi po gaano pogi eh, pero mabait po siya," seryosong sabi ng bata. Hindi ako makapaniwala na may batang nanghuhusga sa akin ngayon at sa manliligaw ng Mommy niya. Limang taong gulang pa lang, marunong nang manlait. Pasaway na bata. Naiiling, napapangiti na lang ako. Nawili na akong nakipag-usap sa batang madaldal at makulit na ito. "Mister, may asawa ka na po?" Heto na naman ang walang katapusang tanong ng bata. Mga tanong na ayaw ko sanang sagutin pero sinagot ko rin naman. "Wala." "Girlfriend?" "Wala rin. I'm busy." "Boyfriend po?" "Wala rin." Pero bigla akong napakunot-noo. "Bakit boyfriend?" "Nagche-check lang po. Baka po gusto niyo boyfriend dahil wala ka pong asawa at girlfriend," hagikhik pa ng bata. Natawa ulit ako. Sa pagkakataong ito, mas malinaw na ang tawa ko at mas totoo. At hindi ko namamalayang matagal na pala akong hindi tumatawa nang ganito. "Mister." "Ano na naman, maliit?" "Malungkot ka po talaga." Parang biglang bumigat ang hangin sa sinabi nito. "Bakit mo nasabi?" Tahimik si Cassie sandali. Pagkatapos ay mahina itong nagsalita. "Kasi po kahit tumatawa ka... parang umiiyak pa rin yung puso mo. Pati tunog ng tawa mo, hindi masaya." Napasinghap ako ng bahagya. Para bang may mahigpit na humawak sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit. Bata lang ito. Pero parang nababasa nito ang lahat ng pilit niyang itinatago. Nahuhulaan niya ang nararamdaman ko. "Cassie, sino ang kausap mo?" Halos mabingi ako sa narinig kong boses mula sa kabilang linya. Halos tumigil ang mundo ko dahil kahit gaano pa katagal na wala kaming komunikasyon, tandang-tanda ko pa ang boses ng babaeng minsan ko nang minahal. Si Calista. "Kaibigan ko po." Narinig kong sagot ni Cassie. "Sinong kaibigan iyan, ha?" "Yung malungkot na mister." Sagot ni Cassie. Alam na alam talaga niya na malungkot ako. "Sigurado akong kung sinu-sinong tao na naman ang nakausap mo. Ang kulit at pasaway ka talagang bata ka." Naririnig ko ang boses ni Calista. Sigurado akong boses niya iyon. Parang tumigil ang oras ko. Nanigas ang aking katawan na halos hindi ako makahinga. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone. Halos madurog na ang cellphone na hawak ko sa sobrang higpit. Hindi ako maaaring magkamali. Limang taon na ang lumipas. Pero kabisado ko pa rin ang boses na iyon. Boses ng babaeng minsan kong minahal. Boses ng babaeng sumira sa aking buhay. Dahan-dahan, nanlamig ang aking mukha. Samantalang si Cassie ay walang kamalay-malay na patuloy na nagsasalita sa kabilang linya. "Mister, nandiyan ka pa po?" Ngunit hindi ako sumagot. "Ay wala na siya. Hindi na sumasagot sa akin. Natakot yata kay Mommy," rinig ko na bulong niya bago naputol ang linya. Limang taon ang lumipas narinig ko muli ang boses ng babaeng hindi ko kailanman nakalimutan.The Strangest Friend Chapter 5 Zayver Pov Apat na araw na kaming magkausap ang batang si Cassie. At sa loob ng apat na araw na iyon ay apat na beses ding napatanong ang assistant ko kung may sakit daw ba ako. Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon na lumipas, ay ngayon lang ako hindi nagalit sa kahit sino. Kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang mahalagang meeting. Tahimik ang conference room. Lahat ay nakatutok sa presentasyon sa harapan. Seryoso akong nakikinig nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Unknown number na naman, at sigurado akong si Cassie ang tumatawag. I-save ko na nga next time ang number na ginagamit ng bata. Nakita ko na lumaki ang mga mata ng assistant ko. Hindi siguro nila akalain ng mga nandito sa conference room na hindi nila kailanman nakitang may sumagot sa personal na tawag ang CEO habang may meeting. Mas mahalaga kasi ang kwentuhan namin ng batang makulit kaysa sa anumang meeting kahit importante pa ito. Agad
The Little Voice That Stayed Zayver Pov Pagkatapos ng unang tawag, inisip ko na hindi ko na muling maririnig ang madaldal na batang iyon. Pero kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking opisina. Bigla ko na lang naalala ang bata. Tahimik na ang buong palapag. Tanging ilaw ng siyudad na lang ang aking natatanaw. Paulit-ulit kong naaalala ang boses ng bata. Lalo na ang sinabi nitong "Ang ganda po ng boses mo." Napailing ako. Baliw ba ang batang iyon? Ako? Maganda ang boses? Kilala ako bilang isang pinakanakakatakot na CEO sa bansa. Hindi ko alam kung bakit, pero paulit-ulit kong tinitingnan ang unknown number sa aking cellphone. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tawagan ito. Ilang segundo akong nag-atubili. Pagkatapos ay pinindot ko rin ang call button. Tatlong ring lang ay may sumagot agad. Napangiti ako ng wala sa oras. >Phone call
Six Years Later CALISTA POV Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang. Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan. Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila. O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya. "Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko. Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay.
Emotional Chapter 2 Ang kompanya ng Devereux Holdings International ay isang multi- bilyong pisong conglomerate na may hawak na mga hotel, real estate, airlines, at banking. Isa ito sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Kapag nagsalita pa ako, baka tuluyan na akong iiyak. Baka lalo lang akong magkamali sa aking sasabihin. Masasaktan ko pa siya lalo. Dahan-dahang tumayo si Zayver. Nakatindig ako sa harap nito. Matangkad ito at makapangyarihan. Naglalagablab sa galit ang kanyang mukha. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at sobrang kaba. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin..." Mababa ang kanyang boses. "Pera lang pala ang pipiliin mo, over me?" "Hindi..." Agad akong napahinto dahil huli na para magpaliwanag pa. Napatawa nang mapait si Zayver. Kita ko ang samo't saring emosyon sa kanyang mga mata. 'I'm sorry.' lihim na sambit ko. "Iyon lang?" Namumula ang kanyang mga mata. "Iyon lang an
Ang Kasinungalingan Calista Pov Walang tigil ang malakas na ulan sa labas ng marangyang penthouse ni Zayver. Paminsan-minsan rin ay dumadagundong ang kulog sa kalangitan. Ngunit mas mabagsik pa ang unos na nagngangalit sa dibdib ni Zayver Devereux. Nakatitig lamang siya sa akin habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Alam ko ang nasa isip niya sa mga oras na ito. 'Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng pinangarap kong pakasalan. Ang babaeng binago ang buhay ko. I can't let her go, I love her.' Ganito palagi ang sinasabi niya sa akin kapag naglalambing ito. Sa kanya ko rin ibinigay ang sarili ko ng buo. I love him too so much. But I need to do this. I need to hurt him. Nakatayo ako malapit sa pinto, pilit itinatago ang panginginig ng aking mga kamay habang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Hindi kaya ng dibdib ko na makitang masasaktan ko siya ng sobra. Pero hindi ako maaaring umiyak ngayon. Hindi pwede sa harap ni Zayver. Dahil kapag umi







