Share

Chapter 5

Author: Chelle
last update publish date: 2026-06-22 12:34:50

The Strangest Friend

Chapter 5

Zayver Pov

Apat na araw na kaming magkausap ang batang si Cassie. At sa loob ng apat na araw na iyon ay apat na beses ding napatanong ang assistant ko kung may sakit daw ba ako.

Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon na lumipas, ay ngayon lang ako hindi nagalit sa kahit sino.

Kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang mahalagang meeting. Tahimik ang conference room. Lahat ay nakatutok sa presentasyon sa harapan.

Seryoso akong nakikinig nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

Unknown number na naman, at sigurado akong si Cassie ang tumatawag. I-save ko na nga next time ang number na ginagamit ng bata.

Nakita ko na lumaki ang mga mata ng assistant ko.

Hindi siguro nila akalain ng mga nandito sa conference room na hindi nila kailanman nakitang may sumagot sa personal na tawag ang CEO habang may meeting.

Mas mahalaga kasi ang kwentuhan namin ng batang makulit kaysa sa anumang meeting kahit importante pa ito.

Agad ko itong pinindot dahil gusto ko ulit marinig ang boses ng bata. Gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang pagkabagot ko dahil sa kakulitan ng bata.

*Phone call*

"Hello?" Sagot ko kahit nasa meeting ako sa harapan ng lahat.

Mula sa kabilang linya ay agad kong narinig ang masiglang boses ng bata.

"Misterrrr!"

Napahawak ako sa sentido ko.

"Ano na naman, maliit?"

"May emergency po."

Agad akong umayos ng upo. Bahagya akong kinabahan sa sinabi nitong emergency.

"Anong emergency? May masama bang nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?"

Tahimik ang bata sa loob ng dalawang segundo bago siya nagsalita.

"Mister, nawawala po ang isa kong medyas."

Nanigas ang buong conference room. Samantalang ang assistant ko ay mahinang umubo.

"Nawawala ang medyas mo? Bakit sa akin mo tinatanong, maliit?" Seryosong tanong ko.

"Opo. Alam ko kasing hindi ka busy, Mister."

"Para doon lang kaya ka napatawag?" Napapantastikuhan kong tanong.

"Emergency nga po kasi."

"Cassie." Seryosong tawag ko sa pangalan niya.

"Po?"

"Hanapin mong mabuti ang medyas mo."

"Hinahanap ko nga po. Kaso nakakahilo po maghanap ng nawawalang medyas," reklamo ng bata.

"Saan mo ba huling nakita ang medyas mo?"

"Sa paa ko po. Bigla na lang nawala po. Mapapalo na naman ako ni Mommy kasi baka ma-late na naman ako sa school. Hayyyy!" buntong-hininga pa ng bata.

Napapikit ako ng bahagya. Pansin ko na may ilang direktor ang napayuko para hindi mahalatang natatawa sa conversation namin ng batang maliit na makulit.

"Mister?"

"Yes? Tell me."

"Kapag nawawala ba ang medyas, nalulungkot din siya?" Tanong ng bata. "Kapag nagkahiwalay silang dalawa, hindi kaya nila hanapin ang isa't isa?" Dagdag na tanong pa niya.

"Ano na namang kalukuhan iyan, maliit?"

"Baka po kasi nami-miss niya yung kapatid niyang medyas kasi nagkahiwalay silang dalawa," inosenteng pagkwento niya.

Ilang segundo ang nakalipas paminsan-minsan ay natawa ako bigla ng malakas. Yung totoong tawa na ngayon lang ulit ko ginawa. At walang pagpipigil.

Napatigil naman ang buong board of directors. Halos mabitawan ng lahat ang hawak nila. May napanganga, nanlaki ang mga mata at sobrang nagulat dahil sa pagtawa ko.

"Mister!"

"Ano na naman?"

"Tumawa ka na naman!"

"And so? Ayaw mo ba?" Malambing na tanong ko.

"May record na po ako. Full na ang recorder ko dahil po sa mga tawa mo, Mister."

"Anong record iyan, maliit?" Curious na tanong ko.

"Tatlong beses ka nang tumawa ngayong linggo. Nakarecord po lahat iyon. Namimili po kasi ako ng totoong tawa mo."

Napailing ako sa batang ito. Talagang binibilang pa ng batang ito ang pagtawa ko. Yung totoong tawa ko daw.

Biglang bumukas ang pinto ng conference room. Pumasok ang isa sa senior executives.

"S-Sir, mayroon pong problema sa Singapore branch ng..."

Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na naman ang boses ng bata sa kabilang linya. Hindi ko na muna pinansin ang senior executive.

Mas mahalaga ang kwentuhan namin ng batang ito sa ano pa mang problema ng branch ng kompanya ko.

Hindi ko rin alintana kung naka-loud speak ang cellphone ko. Makinig sila o umalis sila sa conference room, I don't care. Wala akong pakialam kung tawagin nila akong unprofessional.

"Mister? Magtanong po ako."

"Ano iyon, maliit?"

Wala akong pakialam sa paligid ko ang mahalaga ngayon ay ang kausap ang batang nawawala ang medyas. Napailing na naman ako.

"May kaaway ka po?"

Napataas ang kilay ko. "Wala. Kausap kita."

"Sabi kasi ni Mommy, kapag laging nakasimangot ang isang tao, marami raw siyang kaaway," daldal ng bata.

Napalingon lahat sa akin ang mga ka-meeting ko dito sa conference room. Dahil iyon mismo ang itsura ko araw-araw. Wala sa mood at palaging galit.

"Hindi ako nakasimangot, maliit."

"Sinungaling ka po!" na-iimagine ko ang pagsimangot ng bata.

Nanlaki ang mga mata ng mga direktor. Siguro dahil may tao nang tumawag sa akin na sinungaling.

Kapag ibang tao lang nag-sabi sa akin ng ganito, baka pinaglalamayan na kinabukasan. Very vocal na bata.

"Cassie."

"Po?"

"Ikaw ang nakasimangot diyan, makulit ka, maliit."

Tumawa ang bata na siyang ikinagaan ng dibdib ko.

"Mana po siguro ako sa daddy ko. Baka makulit rin po siya kagaya ko."

Bigla akong natahimik muling bumigat ang hangin sa paligid.

Ngunit walang kamalay-malay si Cassie na busy ang taong kinakausap niya. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita. Nakikinig lang rin ako sa kapretso ng bata.

"Sabi ni Mommy, pogi raw ang daddy ko. Matangkad at maganda ang katawan. Artistahin siguro ang Daddy ko."

Napangiwi ako sa sinabi ng bata.

"Pogi? Talaga? Nakita mo na ba ang Daddy mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Opo, pogi daw. Pero hindi ko pa nakita eh. Kwento lang ni Mommy ko."

"Naniniwala ka ba?"

"Hindi." Mabilis na sagot ng bata. Napataas agad ang kilay ko.

"Bakit naman?"

Kahit tipid ang usapan namin ng bata, pakiramdam ko mas sense pa kausap kaysa sa mga investors at clients ko na kay daming demand.

"Kasi hindi po siya nagpapakita, eh."

Muntik na akong matawa.

"Baka po kalbo."

"Bakit mo nasabing kalbo?"

"Kasi po hindi siya nagpapakita. Kaya kalbo siya."

Napahawak ako sa noo. Walang koneksyon.

Pero sa isip ng batang ito, may sense yata ang sinasabi.

"Mister."

"Hmm?"

"Kapag nakita ko ang daddy ko, susuntukin ko siya. Aawayin ko siya."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Susuntukin mo? Anong dahilan at gagawin mo iyon?" tanong ko.

Natahimik sandali si Cassie. Pagkatapos ay mahina siyang nagsalita.

"Kasi umiiyak si Mommy kapag akala niyang tulog ako. Naririnig ko siya minsan sa gabi, umiiyak siya."

Parang may sumakal sa dibdib ko at bigla akong hindi makahinga. Pakiramdam ko konektado ang buhay ko sa batang ito.

Hindi na nakakatawa ang sumunod na sinabi nito dahil sa unang pagkakataon simula nang mag-usap kaming dalawa ay narinig ko ang lungkot sa boses ng bata.

"Pero pagkatapos ko siyang suntukin... Yayakapin ko rin po siya."

Tahimik akong nakikinig. Bigla na lang akong nanigas sa kinauupuan ko.

"Bakit?"

"Baka kasi malungkot din po siya."

Hindi ako nakapagsalita. Kahit ang buong conference room ay tila natigilan sa narinig.

May kakaibang tanong na sumagi sa isip ko pagkatapos ng limang taon. Paano kung may dahilan kung bakit ako iniwan ni Calista?

At ang tanong na ito ang magsisimulang gumulo sa mundong matagal ko nang itinayo sa galit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 66

    Told a storyCalista POVSunod-sunod na namalisbis ang luha sa aking pisngi. Sobrang bigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko nasaktan ko na naman ng sobra si Zayver dahil sa paglilihim ko sa anak namin.Isa kasi ito sa plano ng matanda dahil sa takot ko na saktan niya kami ng anak ko. Nagawa kong itago hanggang ngayon kay Zayver.At iyon ang isang malaking pagkakamali na nagawa ko kay Zayver. Sana talaga mapatawad pa niya ako."I tried...""Then you should have tried harder, Calista! You should have trusted me over anything. If you love me, why did you lie and hurt me like this?" Nanginginig ang boses ni Zayver habang nagsasalita."Calista, I would've protected you," dagdag pa ni Zayver."How?" Napatingin ako sa kanya nang diretso."You were twenty-something, furious with your grandfather, and he controlled everything around you even you."Tumahimik si Zayver. "I didn't have power against him. But you had me, Calista.""That's exactly why I was afraid."Hindi niya naintindihan ang sinabi k

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 65

    Emotional Calista POV Maybe guilty ako sa parte na pinaglayo ko sila, pero ginawa ko ang alam kong tama. "Kailan mo sasabihin, Calista? Noong nag-first birthday siya? Noong unang araw niya na pumasok sa school? O baka kapag malaki na siya at hindi na niya kailangan ng ama?" "Please... Zayver. May dahilan ako kaya ko iyon nagawa. I'm... I'm s-so..." Hindi ko na kasi kaya pa ang nakikita kong sakit sa mga mata ni Zayver. Nasaktan ko na siya noon, pero ngayon nasaktan ko na naman siya ulit. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Dahil kahit yakapin ko pa siya, hindi ko na maibabalik ang lahat ng nagawa ko sa kanya noon. "Don't say those words dahil hindi mo naman na maibabalik ang nakaraan." Umiling-iling lang si Zayver. Huminga siya nang malalim. Hindi siya narito para manigaw. Pero hindi rin niya kayang itago ang sakit. "Do you know what I thought all these years?" Napatitig lamang ako sa kanya. Gusto kong umiwas ng magkatitigan kami pero hi

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 64

    Why Did You Take Her Away From Me? Calista POV Hindi ko binuksan ang p***o nang husto. Naiinis pa kasi ako dahil sa pamimilit nitong sunduin si Cassie sa paaralan. Nasa trabaho pa lang ako, nasa paaralan na siya, naghihintay kay Cassie. Hindi ako pumayag, pero matigas ang ulo niya na gaya ng anak ko. Bwesit siya! Nanggagalaiti pa rin talaga ako sa kanya. Hayaan na lang sana niya ako, kami ng anak ko. 'Pero hindi habang buhay ay itago mo sa anak mo na ama niya ang Mister na tinatawag niya. Lalo na kay Zayver na sinaktan mo sa kasinungalingan.' irita na sabi ng utak ko. Mas ligtas kami kapag wala siya dahil kapag nalaman ng Lolo niya na may ugnayan ulit kami ni Zayver, lalo na't malaman nitong may anak na kami, hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin sa amin ng anak ko. Kaya sapat lamang ang pagkakabukas ko ng p***o para makita ko ang lalaking nakatayo sa labas. Si Zayver. Pero may kakaiba sa mukha nito. Wala na ang karaniwang kalmadong ekspresyon. Wala rin ang bahagyang ng

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 63

    The Daughter I Never Knew Zayver POV Pagkabasa ni Zayver sa resulta, matagal siyang hindi gumalaw. Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya muling tiningnan ang papel. Nakatitig lang siya sa isang bahagi ng report na tila may kapangyarihang baguhin ang buong buhay niya. CONFIRMED. Sigaw ng utak niya. Iyon lang ang dalawang salitang paulit-ulit na nakikita ni Zayver. Nakatayo pa rin siya sa likod ng kanyang desk, hawak ang DNA report. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel. Napaupo siya sa swivel chair na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masaya ba siya? Galit ba siya? At kung nasasaktan ba siya? O dapat ba siyang umiyak? Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayong alam na niya na anak niya ang bata. Hindi na ito coincidence. Totoong anak niya si Cassie. Hindi na lang pagkakahawig nilang dalawa. Hindi lamang kakaibang pakiramdam. Anak niya talaga ang bata. Anak niya si Cassie. God! Lima

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 62

    The Test Zayver POV Hindi na maalis sa isip ko ang isang simpleng tanong. Na ikinakaba ko na baka hindi ko anak ang bata. Baka assumero lang ako dahil lang sa marami kaming similarities ng bata. Na baka ayaw sabihin ni Calista na hindi ko anak si Cassie dahil baka ayaw lang niya masaktan ulit ako. Malalim akong bumuntong-hininga sabay iling. Dapat positive lang ako. I know na Cassie is mine. I can feel it. Mula nang makita ko ang birthmark ni Cassie, hindi na sapat para sa akin ang mga pagkakahawig. Hindi rin sapat ang parehong kilos, ang parehong ugali. Hindi sapat ang pakiramdam na may kung anong pamilyar sa batang iyon. At lalong hindi sapat ang isang lumang medical record na may pangalan ng isang Devereux family doctor. Kailangan ko ang tamang sagot. Isang sagot na walang puwang para sa pagdududa. Kaya kinabukasan, bago pa man magsimula ang aking mga meeting, tinawagan ko ang assistant ko. "Marco." "Yes, sir?" "I need you to arrange a DNA test." Saglit na k

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 61

    Don't Tell Mommy Third POV "Mr. Devereux, may problema po tayo." Napalingon si Zayver kay Cassie. Maka-Mr. Devereux, wagas ang batang ito. Naiiling siyang tumingin sa bata. Nakatayo ang bata sa harapan niya habang seryosong nakatingin sa hawak nitong maliit na papel. "What's the problem, little trouble?" Itinaas ni Cassie ang papel. "May kailangan po akong malaman." Nasa isang maliit silang café noon, malapit sa school ni Cassie. Hindi sana sasama si Zayver, pero may meeting siyang nakansela sa building na malapit doon at nakita niya si Calista na naghihintay sa labas ng school. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito. Nagulat pa nga ito at bahagyang umiwas sa kanya. Yayain sana niya ang mag-ina na kakain ng lunch. Kaya lang si Cassie naman ay may ibang plano. Nang makita siya nito, agad siyang tumakbo papunta sa kanya. "Hello, Mister! Since you're here, may favor po ako." "Hello, how's school?" bati niya sa bata. "Good and I'm always very good," ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status