LOGINELISHA POV
Tahimik kaming dalawa ni Caden habang binabaybay namin ang daan papuntang Batangas. Akala ko noong una ay sasama ang driver niya, pero nagulat ako nang siya mismo ang nagmaneho ng sasakyan.
“Bakit ikaw ang nagda-drive? Hindi ka ba mapapagod? Malayo ang pupuntahan natin,” tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Why not? Kaya ko namang mag-drive. Nagpapadrive lang ako kapag pagod ako.”
Napakibit-balikat na lang ako at ipinikit ang aking mga mata. Mahaba pa ang biyahe namin kaya napagpasyahan kong matulog muna. Mukhang sanay naman ang lalaking nasa tabi ko na bumiyahe nang walang kausap.
Pagkagising ko ay nakita ko ang pagkain at kape sa tabi ko.
“Good. Gising ka na rin sa wakas.”
Umayos ako ng upo. “Sorry. Mukhang matagal akong nakatulog.”
“No worries. Kumain ka na.”
“Hindi ko man lang namalayan na huminto pala tayo sa isang lugar,” sabi ko.
“Masyado kang mahimbing matulog para mapansin mong huminto tayo.”
“Thank you,” nakangiti kong sabi bago nagsimulang kumain.
Napatingin ako sa labas ng bintana at napansin kong pumapasok na kami sa isang lugar na pamilyar sa akin kaya napatigil ako sa pagkain.
“May problema ba?”
“Wala. Namiss ko lang ang lugar na ito. Dito kasi ako lumaki,” sagot ko.
“I see. Hindi ko alam.”
“Hindi ka rin naman nagtanong.”
Gabi na nang makarating kami sa hotel.
Ngumiti ang receptionist.
“One reservation for Mr. Guevarra and Ms. Gonzales,” sabi ko. “Separate rooms,” agad kong dagdag.
Tumango ang receptionist.
“Of course.” Tinaasan ako ng kilay ni Caden.
“What now?” tanong ko.
“You thought I'd make you share a room?”
“I've learned never to assume anything around you,” sagot ko.
Napangiti siya. “Well, good. Smart decision.”
CADEN POV
Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa balkonahe dahil kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog.
May narinig akong mahinang hikbi mula sa katabing balkonahe at nakita ko si Elisha na nakaupo sa sahig habang mahigpit na yakap ang kanyang mga tuhod.
Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kalungkot at umiiyak.
Mula nang mag apply siya sa kumpanya at magsimulang magtrabaho para sa akin, palagi ko siyang nakikitang nakangiti. Kahit tambakan ko siya ng trabaho, ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo. Nanatili pa rin siyang positibo.
Bumalik na lamang ako sa loob ng aking silid at nagpasyang hayaan muna siyang mapag-isa.
ELISHA POV
Halos madaling-araw na nang tuluyan akong makatulog, at mabuti na lang ay maaga pa rin akong nagising dahil sigurado akong magagalit ang boss ko kapag na late ako.
Pagdating namin sa construction site, sinalubong kami ng project manager.
Habang pinag-uusapan nila ang timeline ng proyekto, may lumapit sa akin na isang matandang engineer.
“Miss Gonzales,” bati niya na may ngiti. “Nabalitaan ko ang tungkol sa mga magulang mo.”
Ngumiti rin ako. “Matagal na pong nangyari iyon,” sagot ko.
“I’m sure they’re very proud of you.”
“Thank you.”
Pagkasabi ko niyon ay nagpaalam muna ako sandali para pumunta sa restroom dahil ayokong makita nila akong nalulungkot, lalo na kapag napag-uusapan ang tungkol sa mga magulang ko.
CADEN POV
Tahimik kong pinakinggan ang usapan nina Elisha at ng engineer. Nang magpaalam siyang umalis, nilapitan ko ang engineer na kausap niya.
“What happened? Anong nangyari sa mga magulang niya?” tanong ko.
“Namatay ang mga magulang niya sa isang sunog, Sir. Lahat ng itinayo ng pamilya nila ay naiwan sa kanya. Ang tapang ng dalagang 'yan dahil nanatili siyang matatag at hindi sumuko pagkatapos ng nangyari. Siya ang nagdala ng lahat ng responsibilidad na naiwan sa kanya.”
Tumango ako matapos marinig ang kuwento tungkol sa mga magulang ni Elisha. Hindi ko maiwasang maawa sa lahat ng pinagdaanan niya.
****
Gabi na, ngunit naroon pa rin kami sa conference room ng hotel habang tinatapos ang mga dokumentong kailangan namin.Napansin kong inaantok na si Elisha.
"You can rest now, Elisha,” sabi ko.
“I’m almost done with what I’m doing anyway.”
“You still haven’t had a proper rest since we arrived here. And you woke up early this morning to prepare everything we needed.”
“And you did the same. So we’re no different, Sir.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Palagi siyang may sagot sa lahat ng sinasabi ko.
Kakaibang babae.
Makalipas ang isang oras, nakita kong isinara na niya ang laptop at inayos ang iba pang dokumento. “I’ll just finish the rest tomorrow.”
“See? Kanina pa kita sinasabihang magpahinga,” sabi ko.
Tumayo siya ngunit bigla siyang nawalan ng balanse. Mabuti na lang at mabilis akong nakapag-react at nasalo ko siya.
Kitang-kita ang kaba sa kanyang mukha nang magtama ang aming mga mata. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya kailangang magpanggap na laging malakas. Walang masama sa pagiging mahina paminsan-minsan.
Pero may kung anong pumigil sa akin na sabihin iyon. Dahan-dahan ko siyang binitiwan.
“Be careful.”
“T-thank you, Sir,” mahina niyang sabi.
“Goodnight.”
ELISHA POV"Did you notice Sir Caden smiles more lately?""Miss Gonzales seems to be the only one who can talk to him without getting scolded.""Maybe she's becoming his favorite."Iyan ang bumungad sa akin na usapan nina Ysa at Queen habang nakapila ako sa cafe na katabi ng kompanya. “Ehem!” Pagkuha ko sa atensyon nila.“Elisha.” Nahihiyang sambit ni Queen.“Goodmorning Eli or should I call you future Mrs. Guevarra?” Pang aasar ni Ysa.“Ikaw talaga Ysa, tigilan mo ‘yang pang aasar mo at baka may ibang makarinig sa iyo at maniwala pa. Alam mo naman na mabilis kumalat ang balita at nakakahiya kay Sir Caden kapag umabot pa ito sa kanya.” Suway ko.”“Bagay naman talaga kayo Ma’am Elisha.” segunda naman ni Queen.“Diba? Noong mga nakaraan nga na naging issue hindi naman nagalit si Sir.” Giit pa ni Ysa.“Mga pasaway talaga kayong dalawa.” Saad ko.Matapos nilang makuha ang order ay hinintay na lang nila ako at sabay na kaming pumasok sa kompanya. Silang dalawa ang naging kaibigan ko dito
ELISHA POVRamdam ko ang sakit ng batok at likod ko habang busy sa paggawa ng presentation na kailangan sa susunod na araw. Hindi ko na din alintana ang oras dahil madalas naman akong late umuwi dahil nitong mga araw ay mas naging busy sa trabaho dahil sa sunod sunod na projects at meetings na hinaharap ng boss ko. Minsan napapaisip ako kung tao pa ba ito o robot dahil halos wala na itong pahinga. Alam kung hindi madali ang industriyang ito dahil ganito din ang parents ko pero kahit papaano ay may oras sila para sa akin. Pero itong si Caden, halos ginawa ng bahay ang opisina.“Elisha.” Mabilis akong napatingin kay Caden na ngayon ay nasa harapan ko na.“Yes Sir?” Tanong ko.“Come with me.”Agad naman akong sumunod dito papasok sa kanyang opisina.“May kailangan ba kayo Sir?” Tanong ko ulit.Itinuro niya ang isang paper bag na nakapatong sa mesa.“It’s too late already. You need to eat.” Anas nito ng mapansin ang pagkunot ng noo ko habang nakatitig sa mesa.“Mamaya na lang Sir, malap
THEO POV“Thank you for the ride!” Nakangiting sambit ni Elisha.“Hindi ako tumatanggap niyan, kailangan ko ng bayad,” saad ko.“Grabe ka! Ang yaman mo na eh.”“I think dinner after work will do,” natatawang anas ko.Saglit itong natahimik na parang nag-iisip. “May pagpipilian ba?”“Yes or yes.”At sabay kaming tumawa.“Hindi ka ba busy?”Umiling naman ako. “Kailan ba ako naging busy pagdating sa’yo?” sabi ko.“Noong mga nakaraang linggo?”“Wow? Parang sarili mo naman tinutukoy mo,” pang-aasar ko sa kanya dahilan para sumimangot ito.“Huwag na mag-dinner.”Natawa naman ako. “Huwag kang sumimangot, hindi bagay sa’yo.”“As if hindi ka gandang-ganda sa’kin.”“Ang yabang na,” saad ko.Inirapan naman ako nito. “Alis na ako at baka ma-late pa ako.”Tumango naman ako. “I’ll fetch you later after work,” anas ko.“Hindi ba masyadong hassle na sa’yo? Pwede naman magkita na lang tayo sa restaurant?”“No need to commute, Elisha. Mas mapapanatag ako kapag sabay na tayo umalis,” seryosong turan ko.
ELISHA POV"I still can't believe President Guevarra danced.""I've worked here for six years and I've never seen that.""Miss Gonzales looked so elegant.""I heard several investors mistook her for his girlfriend."Rining kung pinag uusapan ng mga empleyado. Hindi naman na ako magtataka dahil sa dami ng media noong gala ay hindi malabo na maraming pictures at video ang nakapost.Hinayaan ko na lang sila at naglakad papunta sa elevator. Pagdating ko sa executive floor ay agad akong dumiretso sa opisina ni Caden."Good morning, Sir." Bati ko."Good morning."For a brief moment, our eyes met.Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang nangyari noong gala. The music. The lights. His hand resting against mine while we danced.Agad akong umiwas ng tingin."Ito pala ang mga contracts na kailangan mo para sa board meeting.” Saad ko at inilapag sa ito sa mesa."Thank you."“Babalik na ako sa table ko Sir. Ang dami ko pang kailangan tapusin.” Saad ko at naglakad na palabas. Alam
ELISHA POVPaulit-ulit kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong marami ang nagsasabi na maganda ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, lalo na sa event na ito.Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita kong si Caden ito.“Sir.”“Are you ready? I’m already outside the building of your condo.”“Yes, Sir.”“Are you sure? You don’t need to hurry. I can wait.”“I’m pretty sure,” natatawang sambit ko at agad na lumabas sa condo.“Alright.”Nang tuluyan na akong makalabas sa entrance ng building ay agad ko siyang nakita na nakasandal sa magarang kotse nito.He was dressed in a perfectly tailored black tuxedo. He looked every bit the CEO everyone admired.I had seen Caden wearing expensive suits almost every day at the office, but tonight was different. Maybe it was the tuxedo. Maybe it was the way he stood there so casually while waiting for me.“Ilang oras pa akong maghihintay matapos ang pagtitig mo sa akin?”Agad akong napabalik sa wisyo nang marinig ko ang boses nit
ELISHA POVNitong mga nakaraang linggo ay naging busy kami dahil sa dami ng trabaho, puro meeting din si Caden sa mga bagong investors at projects kaya tambak din ang mga gawain ko.Hindi biro ang maging sekretarya ng isang Caden Guevarra kaya naiintindihan ko kung masyado siyang mapili noong mga panahon na hiring sila sa posisyon kung nasaan ako ngayon."Elisha."I immediately looked up from the documents on my desk. “Sir?”“Follow me.”"Yes, Sir." Agad kong kinuha ang notebook at saka sumunod sa kanya sa loob ng opisina.He motioned toward the chair across from his desk. "Sit.""Review tomorrow night's schedule."I opened the folder.Guevarra Corporation Annual Charity GalaVenue: Grand Imperial HotelTime: 7:00 P.M.Guests:Board MembersBusiness PartnersForeign InvestorsMedia RepresentativesMaingat kong binasa lahat ng detalye na nakasulat dito.Everything seems complete except for one blank space.CEO's Accompanying Guest: __________I lifted my head. “Sir, may nakalimutan yat







