 LOGIN
LOGIN
LILY'S POV “Hey…” bulong ni Wade. “Why are you crying?”Umiling ako. “Hindi ko rin alam…”Tahimik siya saglit, tapos marahang yumuko at hinalikan ako sa noo.“Then, let me make you stop crying,” bulong niya. “Because I love you. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nahihirapan o umiiyak. Para bang pinipiga ang puso ko.”Namilog ang mga mata ko, parang hindi ko alam kung tama bang marinig ko ‘yon buhat sa kaniya.At bago pa ako makapag-isip, lumabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko rin inaasahan: “I…I love you too, Wade.”Pero sa loob ko, parang may boses na paulit-ulit na nagsasabing, hindi totoo ‘yan. Hindi totoo ‘yan, Lily.Pero kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili kong wala akong nararamdaman, bawat segundong kasama ko siya ay mas lalo lang akong nadadala.Tumayo siya at iniabot ang kamay niya sa akin. “Come,” sabi niya. “Dance with me.”Tumugtog ang musika, marahan at klasikong tono. Inalalayan niya ako sa gitna ng restaurant. Ang kamay niya ay nakasuporta sa bewan
LILY'S POV Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng aircon o sa tibok ng puso ko kaya ako nilalamig. Tahimik lang kaming nakaupo ni Wade sa gitna ng napakalawak na restaurant na siya mismo ang nagpasara para sa amin.Ang mga naglalakihan at nagkikislapang mga chandelier ay nagpapakitang magkaiba ang mundong ginagalawan namin…na langit siya at lupa ako. Pero kahit ganoon, pinapakita niya na wala siyang pakialam kung nasa magkaibang mundo kami. Dahil para sa kaniya ay pantay lang kaming dalawa. Tahimik siya sandali. Nakatingin lang siya sa akin habang marahang inabot ang kamay ko at pinisil iyon. Huminga siyang malalim at saka nagsalita. “Lily,” mahina ngunit seryoso niyang sambit. “May kailangan akong sabihin sa iyo.”Natigilan ako. Parang biglang huminto rin ang buong paligid. Tug. Dug. Tug. Dug. Iyon ang tibok ng puso kong nagwawala nang marinig ang boses niya at kung gaano ka seryoso ang dating niya. He's so hot that way! “Ano ‘yon?” tanong ko habang sinusubukan kong maging ka
LILY'S POV Pagbukas ng elevator, sinalubong ako ng mahina at romantikong tugtog ng piano. Ang hallway ay may mga bulaklak na nakahilera sa magkabilang gilid, hanggang sa makarating ako sa isang malapad na pinto na may mga bulaklak din sa itaas.Pagpasok ko, napahinto ako.Ang buong lugar ay parang nasa pelikula – isang malaking restaurant sa tuktok ng hotel, pero ngayong umagang ito, walang ibang tao. Isang mesa lang sa gitna, dalawang upuan, at mga bulaklak sa lahat ng direksyon. May mga hanging crystal sa kisame na kumikislap kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Ang sahig ay may mga petals at sa gitna ng mesa ay may puting kandila na bahagyang umiilaw.Tumutugtog din ang musika—mahina, elegante at puno ng damdamin. Iyon ang musikang madalas kong marinig na pinapatugtog ni Wade sa kotse. Pansin ko na mahilig siya sa classic music. At sa mga pagkakataong magkasama kami at naririnig ko ang mga iyon – ay natutunan ko na ring gustuhin.Nakatayo ako roon. Hindi ako makagalaw. Gulat at hin
LILY'S POV Pagdating namin sa hotel, mga alas-diyes y medya ng umaga, akala ko ay diretso na akong makakapagpahinga. Pagkababa ko pa lang ng kotse ay sinalubong na ako ng mga staff. Para bang kanina pa nila akong hinihintay na makarating. Pagpasok ko sa loob ng lobby ay magkakasabay na yumuko ang mga staff. Para akong nasa isang scene ng pelikula kung saan pumapasok ang may-ari ng kumpanya. Ang kaibahan lang ay hindi ako ang may-ari ng kumpanya o hotel na ito.Wait… Don’t tell me, pagmamay-ari ito ni Wade? Kaya ba rito kami madalas na hotel matulog?Sumakay kami ng elevator papunta sa pinakataas na room na binook ni Wade. Tahimik si Renz — isa sa mga tauhan ni Wade — at walang ibang sinabi kung hindi, “Ma’am, may mga naghihintay po sa inyo sa suite. I am informing you, ma’am para hindi po magkagulatan.”At sa bawat kilos ko ay nakaalalay siya. Para akong isang babasagin na plato na isang mali niya lang ay mababasag na.Nang bumukas ang pinto ng Presidential Suite ay napanganga ako. H
LILY'S POV Tumingin si Wade sa relo niya sandali at pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. “You’ll be discharged before lunch. I already made some arrangements.”“Arrangements?” tanong ko ng may pagtataka.“Mm.” Tumango siya. “You’ll be staying at the hotel for a few days. Presidential suite. Don’t argue.” “Hotel?” halos maibulong ko. “Hindi ba p’wedeng—”“Lily,” putol niya, mahinahon pero matatag. “You need space. You need to feel safe. At doon ay hindi ka maaabala. May security ako ro’n, may private nurse na naka-assign, at may personal chef kung gusto mong kumain ng kahit ano.”Napasinghap ako. “Wade, parang sobra naman yata—”“Nothing is too much when it comes to you, Lily.”Tahimik akong napatingin sa kaniya. Hindi iyon linya ng isang lalaking basta lang nagsasalita, iyon ay linya ng isang taong handang ipakita ang halaga mo sa kaniya, kahit hindi mo pa siya kayang tanggapin nang buo. Kumabog bigla ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. D
LILY’S POV Pagmulat ng mga mata ko, saglit akong nabulag ng liwanag na nagmumula sa bintana. Ang silid ay hindi na ganoon kalamig gaya kahapon at ang unang sumalubong sa akin ay hindi tunog ng makina o pintig ng takot, kung hindi ang bango ng mga bulaklak.Napakurap ako nang ilang beses. Sa paligid ko, nakapuwesto ang iba’t ibang klase ng bulaklak — rosas, lilies, tulips, pati mga imported orchids. Parang nagising ako sa gitna ng hardin. May mga bouquet sa mesa, may mga vase sa gilid ng bintana at may isa pang nakalagay sa maliit na trolley sa tabi ng kama.O baka naman nasa langit na ako? Pero sa palagay ko ay imposible akong mapunta sa langit dahil sinungaling ako. Kaya paano ako mapupunta roon? Baka naman impyerno ito?“Good morning, sleepyhead.”Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nandoon si Wade. Nakatayo siya malapit sa paanan ng kama. Nakasuot siya ng dark blue suit at may hawak na kape. Magaan ang ngiti niya pero halata ang pagod sa ilalim ng kaniyang mga mata. Pero ka








