INICIAR SESIÓNChapter 5: Maxine Bahati Solaris
Nakauwi na si Maxine at hindi naman gaanong malaki ang pasasalamat niya sa manyak na engineer.
Pero ganoon pa man, may konting guilt pa rin sa loob niya. Nasampal na nga niya noong una tapos ngayon pinangahan naman niya.
'Kasalanan naman niya ‘yon.'
Agad siyang sinalubong ni Aika, “Na-late ka ata ng uwi?”
“Oo nga e,” maigsing sagot niya. Refusing to detail what happened earlier at sigurado siya makakalbo ang baba niya kapag nalaman ng kaibigan niyang may pinangahan siya.
“Tumatawag ako sayo kanina ah, papabili sana ako ng milktea kaso walang sumasagot.”
Kinapa niya ang bulsa niya pero wala siyang nakapang phone.
“Naiwan ko ata sa bar.”
“Mas okay kung sa bar mo naiwan. Baka mamaya sa taxi mo pa naiwan.
'Taxi… Taxi… Shet! Naiwan ko pa ata sa sasakyan ng manyakis na yon. Lintik na ‘yan.'
A part of her was sure na naiwan niya ito sa sasakyan dahil sinubukan pa niyang tumawag kay Aika sa labas ng bar but still a part of her hoped she left it in the bar.
Nang umaga ay dali daling pumasok si Maxine sa Lemonholic upang ipagtanong ang cellphone niya, nagbabakasali na andoon kahit na alam niyang wala.
'Kailangan ko na bumili ng bagong phone. Hindi pa nga ako bayad sa mga utang, nawalan pa’ko ng cellphone. Walang buhay ‘to.'
“Let's clean up, guys. May nag-rambol kagabi kaya may mga basag na bote at nasirang upuan. Please, be careful.” Binuhat ni Krull—male colleague nila, ang timba at mop na siyang inabot ni Max.
“Ako na bahala dito,” saad ni Max.
“Sige, kami na ni Pusa ang magbubuhat ng nasirang bangko.”
“Ba’t naman kasi Pusa? Apaka pangit naman ng tawag mo sa’kin, Love,” pagmamaktol ni Lloyd habang naka-pout na para bang nasasaktan talaga siya.
“Tumigil ka pusakal ka. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.” Binato ni Krull ng basang basahan na sumapol sa mukha ni Lloyd.
Hindi mapigilan ni Max ang mapatawa sa asal ng dalawang niyang katrabaho.
Habang tumatawa siya ay may dumaan na mga naka hard hat na construction workers sa harap ng bar na nagtatawanan din.
Madalas din sa actual construction ay nagbibiruan ang mga workers gaya ng dalawang ito.
Mahirap ang trabaho, mainit, maalikabok. Nakakainit ng ulo at nakakakalbo ng tuktok. Nagkakaubusan ng pasensya at nagkakabatuhan ng maanghang na salita.
Pero kahit ganoon arkitektura pa rin ang nagbuklod sa kanila. Iisang mithiin at iisang layunin.
Her chin crumpled at napakagat na lang siya ng ibabang labi at mariing isinara ang mga mata upang hindi kumawala ang dam ng tubig sa likod nito habang binibigkas ng puso niya ang tahimik na panalangin.
Lord, you parted the sea for Moses. Please, part the sea for me too. I may not be as holy as your servant Moses, but please I beg you… isa pang chance.
'Let me once again stand on the ground of architecture.'
“BABAE!” isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pintuan ng bar at naroroon si Aika na hingal na hingal at nagmamadali. “Babae. Sumama ka sa`kin. Ngayon din.”
Hinila ni Aika palabas si Max at hindi na naka-angal pa ang mga kasama nito habang pinagtutulakan ang katrabaho nila sa taxi.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Max.
Iniabot sa kaniya ang phone.
“Max. Sabihin mo sakin. Pinuwersa kaba ng hayop na iyon?” Max could see her nose flaring.
“Ha?” Max raised her brow.
“Si Lance. Pinuwersa ka ba niya at nakatakas ka lang? Siya nag-abot ng cellphone na iyan kaninang umaga at hinahanap ka sa’kin. Don't tell me bina-black mail ka niya. Hayop talaga siya at ang Rio na yon.” Kita sa mukha ni Aika ang inis lalo na sa pagtiim ng bagang nito na parang ngumunguya ng bigas.
“H-Hindi walang ganyang nangyari,” depensa ni Max.
“So, bakit nasa kaniya phone mo?”
Isang malalim na hininga ang hinugot niya sa sistema niya at saka nakwento ang nangyari.
“Bakla ka! Hindi ko alam saan ako magugulat kung sa part ba na muntik mo ng suntukin ang head ng Bergantinos Group o ang sinuntok mo na ang CEO ng VAG!”
“Di ko napigilan e.”
“SIRAULO KA! Kung wala si Lance do’n baka kung ano na nangyari sa'yo. Mabuti sana kung kulong lang mangyari sa'yo e. Susmaryosep mapapa ‘Aba Ginoong Maria’ ako sa'yo. Yung puso ko Max. ANG PUSO KO!”
“Okay lang yan. Wala namang masamang nangyari. Inhale exhale.” She patted her friend's shoulder.
“Paano nga kung meron diba?”
“Ma'am pwede po pahinaan ang boses—”
“Tumigil ka, Kuya. Baka konyatan ko yang kalbo mong tuktok. Sa daan ang tingin! Kalbong ‘to.”
Max had never seen the headquarters of VAG up until now. At malayong malayo ang itchura nito sa iniisip lang niya.
Sobrang taas ng building ng VAG. Napapaligiran din ng glass windows. Modernist style.
Tumayo silang dalawa ni Aika sa harap ng p***o ng office ni Lance. But before they opened it Aika spoke, “Iayos mo sarili mo hanggat nandito ka sa VAG. Tandaan mo, CEO pa rin kausap mo at hindi random stranger sa bar na kaya mong pangahan anytime. At kung may gagawin kang kagagahan huwag mo ng tangkain.” Nilakihan siya ng mata.
Wala ng magawa si Max kundi ang tanggapin ang payo na iyon. Wala rin siyang kaide-ideya kung bakit siya pinatatawag ngayon pero kahit na ganoon ay pumasok pa rin siya sa loob na may mahinang good morning.
Nakita niya si Lance na nakaupo sa likod ng malawak na lamesang kahoy sa sobrang kinis pwede nang manalamin.
'Gaganti na kaya siya? Gaganti na ata talaga. Gosh, makukulong na ba talaga ako?'
“Ms. Solaris, tell me about yourself.” Hindi man lang umangat ang mata ni Lance mula laptop niya.
Napataas ng kilay si Max dahil sa tanong dahil ang expectation niya ay babalagbagin lamang siya nito dahil sa ginawa niyang assault sa kaniya.
“I'm currently working as a bartender,” mahina pero diretsong sagot ni Max.
“No. I want to hear your experience as an architect.” Still his eyes were fixed on his works. Apura ang lagaslas ng mga papel habang siya ay pumipira sa maraming pahina.
“I'm… I was Project Manager,” she whispered but enough for him to hear her.
Hindi niya gustong mapag-usapan pa sana ang mga bagay na may kinalaman sa dati niyang buhay dahil sakit lamang ang dinudulot nito sa kaniya.
Pero kahit anong pilit niyang itago ang lahat ng alaala ay dumadagsa ito ng kusa. Kayat isinalaysay niya… na parang natural lang ang lahat ng ito na lumabas sa bibig niya.
Oo. Ito ang nagpapatibok ng puso niya. Arkitektura pa rin ang isinisigaw ng buong pagkatao niya sa kabila ng halos hindi matapos na gabi at pagpupuyat. Mga araw na puno ng gulo at stress. Pero hindi maikakaila na kasama rin dito ang ngiti at galak ng pagtutulungan.
Ang saya kapag natapos na ang proyekto. It's a pleasure and pain at the same time.
Sa kabila ng lahat ng sakit, arkitektura pa rin.
Mula noon hanggang ngayon, arkitektura pa rin ang pipiliin.
“Then welcome aboard, VAG’s new Project Manager, Architect Solaris.” Hindi namalayan ni Maxine na tumayo na pala si Lance mula sa pagkakaupo nito at inilahad ang kamay para sa isang handshake.
Her eyes lit up. Na parang may araw na sumasalamin sa mga mata nito.
She didn't hesitate to step as if that hand was the last ray of hope for her. She took it.
“We build dreams that reach the skies so the higher you wish to rise, the deeper your foundations must grow.” Ngumiti ng kaunti si Lance habang hawak nito ang kamay niya. “So, stand firm on this ground, Architect.”
Chapter 7: Maxine Bahati Solaris“Ha? What do you mean wala pa?” Max tried to calm her voice down but the lady in front of her was pulling the strings of her temper. “Deadline natin ay in 8 days. Apat na condo iyon hindi ‘yon dapat minamadali.”“Tingin mo ba ‘yan lang ginagawa namin? May iba pang tasks na naiwan dito bago ka dumating kaya ‘yon ang kailangan unahin. Saka bago ka pa lang dito sino ka ba makapag-utos samin?” ani ng maliit na babae na tinatawag ng marami na Madam Melody. Kinagat ni Max ang dila niya para paalalahanan ang sarili niya na kailangan niyang magtimpi. Na hindi pa dapat lumaki ang usapin. Kaya kahit gusto na niyang ibato ang upuan sa babaeng ‘yon“Trabaho natin to e, deadline na natin sa—”“Huwag kang makapag utos d’yan!”Ang biglang pagtayo ni Max ang nakapagpa-atras ng upuan niya. Kung hindi lang dahil sa bago si Max ay kanina niya pa ito binalagbag ng mga salita. Hindi hiyaw o mura pero alam niyang tatama sa Madam na ‘yon. Pero alang-alang sa pangalan ni Ai
Chapter 6: Lance Azariel VerdejoGetting Max in the VAG’s headquarters was the easiest part. But making her take up the task of a Project Manager as quickly as possible is all up to her capabilities.Ginuide siya ni Lance sa different department ng VAG. Mula architectural hanggang administrative. Hindi kailangan maging genius ng isang tao para malaman kung gaano ka-excited si Max sa new environment niya. Para siyang bata na binigyan ng candy na halos bawat hakbang ay may lukso. “You'll be holding a team just like what you did before. You'll have site architects and design architects. Procurements and workers. Since interior designer ka I'll let you handle the interior design. All approval comes from you. You have all the power to lead your team.”“Yes sir.” Parang sundalong nakatanim kung ano ang sasabihin. “If you have any questions, pwede kang magtanong kay Ar. Larlynne, siya ang project manager ng ibang projects.” Mabilis na pumihit si Lance upang harapin ang babae na hindi ma
Chapter 5: Maxine Bahati SolarisNakauwi na si Maxine at hindi naman gaanong malaki ang pasasalamat niya sa manyak na engineer.Pero ganoon pa man, may konting guilt pa rin sa loob niya. Nasampal na nga niya noong una tapos ngayon pinangahan naman niya. 'Kasalanan naman niya ‘yon.' Agad siyang sinalubong ni Aika, “Na-late ka ata ng uwi?”“Oo nga e,” maigsing sagot niya. Refusing to detail what happened earlier at sigurado siya makakalbo ang baba niya kapag nalaman ng kaibigan niyang may pinangahan siya. “Tumatawag ako sayo kanina ah, papabili sana ako ng milktea kaso walang sumasagot.” Kinapa niya ang bulsa niya pero wala siyang nakapang phone. “Naiwan ko ata sa bar.”“Mas okay kung sa bar mo naiwan. Baka mamaya sa taxi mo pa naiwan. 'Taxi… Taxi… Shet! Naiwan ko pa ata sa sasakyan ng manyakis na yon. Lintik na ‘yan.' A part of her was sure na naiwan niya ito sa sasakyan dahil sinubukan pa niyang tumawag kay Aika sa labas ng bar but still a part of her hoped she left it in the b
Chapter 4: Lance Azariel Verdejo“Alam mo ba kung sino ‘yang babaeng ‘yan?” singhal ni Bergantinos. Ramdam pa rin ni Lance ang gigil sa kamay ng babae habang hawak niya ito. He squeezed her hand to cue her not to do anything rash— siya na ang bahala sa lahat. At some point, nakahinga ng maluwag si Lance dahil napigilan niya ang mas malaking gulo na maari pa sanang mangyari kung sakaling nasuntok ni Max si Bergantinos. “Hindi e. Can you please enlighten me?” propesyonal na tugon ni Lance. Itinutok ni Bergantinos ang ilong niya sa ere sabay sakbat ng kamay sa bulsa, “Iyan lang naman ang panganay na anak ng pamilya ng magnanakaw. Maxine Bahati Solaris.”'I see, siya pala ang Solaris na nababalita recently. What a small world.' Naramdaman nito ang pagsandal ng ulo ni Maxine sa likod niya at ang kamao nito na dahan-dahang lumalambot sa loob ng kamay niya. And for some unknown reason, he felt a drop of water onto his hand. “Kaya kung ako sayo, h’wag na h’wag kang magha-hire ng kahit n
CHAPTER 3: Maxine Bahati SolarisIsang malaking pasasalamat ang makapasok sa trabaho na ito para kay Maxine pero hindi niya ito magagawa kundi dahil kay Aika.Siguro nga hindi kasing laki ng kinikita niya dati ang sahod dito pero gano’n pa man at least may extra siya at hindi na lang siya nakamukmok sa condo ni Aika. Para sa kaniya maliit na simula na ito ng bagong buhay niya. Pero talagang ang pagkakataon ay susubukin ka. Pagpasok pa lamang ng pamilyar na lalaki sa pintö ng bar ay kilala na ito agad ni Maxine. Hindi niya malilimutan ang mukhang iyon. 'Kalmahan mo, Max. Tandaan mo, behave ka lang para walang masamang balita na dadagan pa sa pangalan mo.' Kaya pilit siyang ngumiti kahit na pumipintig na ang ugat sa noo niya marinig pa lang ang boses ng lalaking ito. This time, hindi siya mag-isa nagsama pa siya ng isa pang bwisit ‘di nawalan ng nakalambitin na babae sa tabi niya. Pero isang scotch lang ang inorder at ‘di na nadagdagan hanggang sa nag-aya na umuwi ang kasama niya
CHAPTER 2: Lance Azariel Verdejo “Lance, VAG’s performance is dropping at an alarming rate. Wala ka bang ginagawa? Since you sat as the CEO of this company parang Salviego Hotel lang ang pinakamagandang na-produce. Bakit?” ani ng babae—na siya ring kanyang ina at top investor—through video conference. “I know.” “If you can't pull yourself up from this point we have no choice but to be absolved by the Llamzon Group. How incompetent!” Bagsak ng panganay niyang kapatid na si Atty. Jared, na siyang humahawak sa legal services ng kumpanya. “I understand that.”“Twenty-five percent drop from the performance rating within 10 months alone. Lance! Nag-iisip ka ba? No new connections, no good projects, no new names.” Dagan ng CPA niyang kuya na si Kael. “Got it.”Ang mga short responses lang na iyon ang otomatikong lumalabas sa kaniyang bibig sa twing may meeting ang board of directors ng kumpanya o sa madaling salita, ang kaniyang pamilya. Wala nang bago sa mga sinasabi nila. Every week







