Share

Chapter Five

“Agatha, ito na nga pala ang mga files na kailangan mong papirmahan kay Mr. Mozart,” ani Jane, at ibinaba ang ga-bundok na mga papeles sa ibabaw ng table ko. Ganito ba talaga kapag CEO ka? Now I know how hard to be like them–to be like my father.

Nginitian ko lang siya at isa-isang ni-review ’yon. In-arrange ko na rin ’yon by company para tuloy-tuloy na lang ang pagpipirma niya at hindi na siya mahirapan. Kahit masama ang ugali n’on ay gusto ko ring napapabilis ang trabaho niya lalo na’t ganito karami ang kailangan niyang pirmahan.

Mabilis ko namang natapos ang aking ginagawa. Tumayo na ako at binitbit ang mga papels. Sa sobrang taas n’on ay halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko.

“Tulungan na kita,” rinig kong sambit ng boses ng isang lalaki mula sa aking likuran. Hindi ko na siya nagawang tingnan dahil isang maling galaw ko lang ay guguho ang mga papeles na bitbit ko.

“Kaya ko na ’to, buksan mo na lang ang pinto ng office ni Mr. Mozart,” utos ko na sinunod naman niya.

Akmang hahakbang pa lang ako nang maramdaman ko ang katawang bumunggo sa mga hawak kong papeles. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagguho n’on at wala akong ibang nagawa kundi panoorin itong malaglag at matapunan ng kape… wait what?!

Masama kong tiningnan ang bumunggo sa akin ngunit agad ’yong nawala nang makita ko ang mas masamang tingin sa akin ng CEO. Ang longsleeve niyang puti, ngayon ay nabahiran na ng itim na kape.

Ang masama niyang tingin sa akin ay dumako sa mga papeles na ngayon ay basang-basa na rin. Galit na galit niyang tinapon ang paper cup na hawak niya at dinuro ako.

“Wala ka na talagang nagawang tama, Ms. Fuentalejo! From your first day up to now, puro ka kapalpakan! This will serve as your last warning! Isang palpak pa and I’ll fire you!” sigaw niya sa akin, habang nakaduro pa rin ang hintuturo niya.

Galit kong hinawakan ang daliri niya at pinilipit ’yon, dahilan upang mapasigaw siya sa sakit.

“Hindi porke empleyado mo lang ako ay duduro-duruin mo na ako. I know my rights, Mr. Mozart, hindi ako kasing baba ng iniisip mo,” matapang kong sagot sa kanya habang nakikipagsukatan ng tingin, bago pabarog na binitawan ang daliri niya. “Besides, you need to compensate with me, right? So you can’t fire me.”

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin and he grinned. “Then, let’s see each other in court!”

“Then suffer the consequences that your company might face. Maaatim mo bang masira ang pangalan ng company mo at mawalan ng trabaho ang mga empleyadong tapat na naglilingkod sa ’yo because of one stupid accident?”

“Are you threatening me, Ms. Fuentalejo?” seryosong tanong niya.

I smirked. “Why? Are you threatened with me, Mr. Mozart?” mapang-akit kong tanong. I tucked my excess hair behind my ear, exposing my flawless neck.

Nakita kong napatingin siya roon at lumunok, dahilan upang pasimple akong ngumiti. Boys will always be boys. Pare-pareho silang nadadala sa tawag ng laman. Wait, that’s a bright idea! Seducing this man will be a big help to my daily living!

Sinadya kong binitawan ang natitira pang papeles na hawak ko at maarteng tinakpan ang aking bibig. “Opss… my bad, nabitawan ko,” parang nagulat kong sambit. “Jeremy, pakitulungan nga akong pulutin ang mga ito.”

Agad namang sumunod si Jeremy at sinimulan na ang pagpupulot. Hinawakan ko muna ang aking buhok at bahagyang ginulo ’yon. I bit my lower lip habang mapang-akit na pinadausdos ang aking kamay mula ulo, leeg, dibdib, hanggang makarating sa aking legs. Isa-isa na rin akong nagpulot ngunit ang aking paningin ay na kay Mr. Mozart pa rin na kasalukuyang nakatingin sa maputi kong legs.

Nang mapansin siguro niya na nakatingin ako sa kanya ay agad siyang tumikhim at lumingon sa ibang direksyon.

“Bilisan ninyo riyan. Humingi uli kayo ng original copy ng mga kontratang nabasa,” aniya, at umalis na.

Nang mawala na siya sa aking paningin ay agad akong humagalpak ng tawa ngunit agad din akong tumigil nang makita si Jeremy na kunot-noong nakatingin sa akin.

“Sorry, nadala lang,” natatawa ko pa ring sabi.

“Ang lakas ng loob mo, ikaw pa lang ang nakakagawa n’on sa CEO natin. ’Yong totoo, may relasyon ba kayo? Kitang-kita ko kasi kung paano siya nadala sa pang-aakit mo kanina at pati ako ay nadala rin,” hindi makapaniwalang pang-uusisa ni Jeremy.

“Iw! Hinding-hindi mangyayari ’yan mangyayari. Hindi mo ba nakita kanina? Napakasama ng pagtrato niya sa akin, parang hindi siya lalaki,” nandidiring tanggi ko, at maarteng pinaikot ang aking mga mata.

Matapos naming magligpit ay dumiretso ako kina Jane para mag-request sa CS Department na kumuha uli ng original contracts.

Dahil sa nangyaring napakaliit na aksidente ay nabulabog at nadagdagan ang trabaho ng bawat empleyado ng kumpanya at kasalanan ’yon ng walang modo nilang CEO.

Malapit na mag 12AM nang makalabas ako sa kumpanya. Kasalukuyan akong naghihintay ng masasakyan sa terminal na malapit lang sa kumpanyang pinapasukan ko, ngunit kalahating oras na akong naghihintay roon pero hindi pa rin ako nakakasakay. Kung hindi puno ang sasakyan ay pauwi na ang driver.

Unti-unti na akong nawalan ng pag-asa ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay may tumigil na kotse sa harap ko. Ibinaba ng driver ang bintana at dumungaw roon.

“Miss, sabay ka na sa akin. Wala ka nang masasakyan ng ganitong oras,” nakangiting paanyaya ng hindi ko kilalang lalaki.

Agad akong tumanggi at nagpasalamat ngunit agad nawala ang ngiti sa kanyang mga labi na kanina ay nakaplastar pa roon. Bumaba siya sa kanyang kotse at lumapit sa akin. Akmang tatakbo na sana ako nang mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Nagpumiglas ako at pinipilit na kumawala sa pagkakahawak niya, ngunit dahil malaki ang katawan niya ay nadadala ako sa paghila niya sa akin pasakay sa kotse.

Kaunti na lang at maisasakay na niya ako sa kotse nang maramdaman kong lumuwag ang paghawak sa akin ng lalaki. Nangingilig ko itong tiningnan ngunit nakita ko na lang itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. Mula sa likod nito, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mr. Mozart at ang namumula nitong kamao.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa aking pisngi at nangingilig na niyakap siya. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang inaalo ako.

“You’re safe now, Zale…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status