Share

Chapter Six

“Thank you so much, Mr. Mozart. Matagal na naming hinahanap ’tong pedophile na lalaking ito at sa tulong ninyo ay mawawakasan na rin ang pambibiktima niya.”

Nilapitan ako ni Mr. Mozart sa aking kinauupuan. Kasalukuyan akong umiinom ng tubig nang tumabi siya sa akin.

“Okay ka na ba?” he asked, and I nod. “Are you hungry?”

“Hindi–”

Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang biglang tumunog ang aking tiyan. Hindi pa kasi ako kumakain ng dinner at madaling-araw na ngayon, and maybe that’s why my stomach betrayed me.

Dinala niya ako sa Resto’s, isa sa famous restaurant na palagi kong kinakainan noong nasa poder pa ako nina Mommy. How I missed eating here.

“Good morning, Mr. Mozart…” bati ng guard na nagbubukas ng pinto para sa mga customer. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay agad nanlaki ang kanyang mga mata. “Good morning, Ms. Agatha.”

Kunot-noong tumingin sa akin ang boss ko. Maybe he’s wondering kung bakit kilala ako rito, gayong sa itsura ko ay mukhang hindi ko kayang bumili ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status