Share

Chapter Four

I was awake before my alarm does. Masyado akong excited sa araw na ito dahil sa wakas ay may trabaho na rin ako. I don’t like this kind of job but I have no other choice kundi tanggapin ’yon. It’s much better than nothing.

I repeated my routine like yesterday. I ride a jeepney and eat my breakfast at the cheap restaurant that I found near my apartment.

“Miss, hindi pwedeng pumasok ang hindi empleyado rito,” pigil sa akin ng guard, nang nagtangka akong pumasok sa loob ng company. Ang ibang empleyado ay napapatingin na rin sa akin.

I rolled my eyes at hinanap sa aking bag ang ID na ginagamit ng mga empleyado rito. Itinapat ko pa ’yon sa pagmumukha niya nang mahanap ko.

“Here, Kuya. Stab it to your lungs!”

Inis ko siyang hinawi at pumasok na, habang ang guard ay mukhang na-caught off guard dahil sa ginawa ko.

“Anak mayaman siguro ’yan, conyo, e.”

“Oo nga, pero bakit nandito ’yan?”

“Baka naman nagfe-feeling mayaman lang.”

Masama kong tiningnan ang mga empleyado na pinagbubulungan ako bago tuluyang pumunta sa reception table.

“Hey. Where’s the office of CEO Mozart?”

“May appointment ka ba?” tanong ng babae.

I rolled my eyes at ginaya rin niya ’yon. How cheap! “No–”

“Kung wala, umalis ka na.”

“Is this how you treat the new secretary of your CEO? Do you want to get sisante?” I threatened her, habang pinanlalakihan siya ng mga mata.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Secretary? Bakit parang isa ka lang sa mga babae ni Mr. Mozart na nagpapakilalang girlfriend niya?”

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya kaya mas lalo siyang natakot nang mas lakihan ko ang aking mga mata.

“20th floor. Office niya ang buong floor na ’yon.”

Pumunta na agad ako sa elevator ngunit pagdating ko roon ay mukhang may pila sa harap niyon.

“What’s happening?” I asked.

“Bago ka rito, ano? Ganito talaga rito, araw-araw ay puno ang elevator. Napaka-hard working kasi ng mga tao rito,” sagot ng babaeng cholesterol na tinubuan ng mukha.

I waited for few minutes pero hindi pa rin umuusad ang pila. That’s why I decided to use the stairs para hindi ako ma-late, but destiny seems to like playing with me. 20th floor is the last floor before the rooftop. Kaya nang makarating ako sa office ni Mr. Mozart ay halos hindi na ako makalakad papasok sa loob.

“Nasaan na ba ’yong hinire kong secretary? Bakit wala pa rin hanggang ngayon?!”

“Sir–”

“Don’t call me Sir! Just contact her and asked her if she still wants this job! Napakaraming trabaho ’tapos late pa siya!” sigaw ng boses lalaki na nagmumula sa loob ng office.

I tried to stand pero dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko ay para na akong naging lantang gulay. When I was about to stand and try it for the last time, biglang bumukas ang glass door ng office at lumabas roon ang isang lalaking puro pimples ang mukha. He looks like pimples na tinubuan ng mukha. Yuck, does he know that proper hygiene exists?

“H-help…”

After that incident, I got hospitalized for a day. Mabuti na lang at wala pala roon ang CEO dahil nasa business trip pala ito, kundi lagot ako dahil first day ko sa trabaho ay pabigat na ako.

Para makabawi, maaga akong pumasok ngayon para wala pa masyadong tao sa company at makasakay ako sa elevator. Nagtagumpay naman ako. Payapa akong nakasakay sa elevator at umupo sa katabing table ng opisina ni Mr. Mozart.

“Agatha, ito nga pala ang mga papeles na kailangang pirmahan ni Mr. Mozart pagbalik niya,” ani Janice; dating secretary ni Mr. Mozart na ngayon ay office girl na talaga rito.

Nakangiti ko namang tinanggap ’yon at inilagay ang isang tumpok na papeles sa desk ko.

“Sumabay ka na sa amin sa pagkain at maglu-lunch break na rin naman.”

Iwinagayway ko naman ang aking kamay. “No thanks. I still have works to do.”

Umalis na rin siya nang hindi niya ako napapayag. While doing Mr. Mozart’s schedule, biglang may naglapag ng lunch meal sa desk ko.

“I said I don’t–” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang makita kung sino ’yon. “Ew! Go away! Don’t go near me, you don’t even know what proper hygiene is!” sigaw ko, at pilit siyang tinataboy paalis.

Gamit ang hintuturo ay itinaas niya ang salamin na nalaglag sa tip ng bridge ng ilong niya at suminghot pa.

“Grabe ka naman. Binigyan ka na nga ng pagkain ’tapos ’yan pa igaganti mo,” aniya, at naglakad na paalis.

Napatingin naman ako sa pagkain na naiwan sa aking desk. Hinawakan ko ’yon at nang akmang itatapon ko na ’yon ay biglang tumunog ang tiyan ko.

“Argh! Fine, stop making weird sounds!” pagalit na sabi ko sa aking tiyan, at umupo na muli para kumain.

Sa buong araw ko sa opisina ay wala akong ibang ginawa kundi tumunganga roon. Minsan ay inuutusan ako ng ibang staffs dahil wala naman akong ginagawa, ngunit mas madalas pa yata ang pambubwisit sa akin no’ng nerd na puro pimples ang mukha.

Kasalukuyan akong nakasakay sa elevator para umuwi na. Since marami nang nakauwing empleyado ay wala na masyadong tao rito at nakamit ako ng elevator nang walang kahirap-hirap.

Nang huminto ang elevator sa fourth floor ay awtomatikong kumulo ang dugo ko nang makitang papasok ’yong nerd. Tumabi siya sa akin kahit kaming dalawa lang ang tao rito. Ew, may crush ba sa akin ’to?

“Pauwi ka na ba?” tanong niya, habang ang kanyang tingin ay nasa harap pa rin.

“Why are you asking me? Close ba tayo?” mataray kong tanong.

“Pinaglihi ka ba ng Nanay mo sa sama ng loob at ganyan ka kasungit?”

“You have no pake at all. Besides, I don’t even know you. So tell me… why do I need to talk to you?”

Hindi na siya nakasagot nang bumukas na ang elevator. Lumabas na ako ngunit naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran.

“Hindi mo ba talaga ako titigil–”

Napahinto ako sa aking sinasabi nang makitang unti-unting tinatanggal no’ng nerd ang prosthetics na nakakabit sa mukha niya. Nang tuluyan na niyang matanggal ’yon ay napanganga na lang ako nang makita ang totoo niyang itsura. Is he a greek god? Because he really looks like one!

“You failed the test, Ms. Fuentalejo. But since I need to compensate for what my driver did, you’re still hired. Start your first day tomorrow. Same time, same place.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status