Share

Chapter Two

Nakangalumbaba akong naghihintay na maluto ang ramen na in-order ko. Tinitingnan ko lang ang mga taong dumadaan sa labas ng convenience store.

Sh*t ka talaga, Agatha! Hindi ba’t ang usapan natin ay hanggang make out ka lang pero wala munang bigayan ng v-card? Ano na naman ’tong kagagahan na ginawa mo? Nakipags*x ka sa hindi mo kakilala! Oh gosh, my life sucks!

“Malamig na ’yang ramen mo,” a baritone voice said from behind.

Masama ang tingin ko nang lingunin ko siya, pero nawala agad ’yon nang makitang gwapo ang lalaking pumutol sa pagmumuni-muni ko.

“Galing ka sa party, ano?” muling tanong niya, pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Dahan-dahan kong inilapit sa akin ang ramen ko at humigop ng sabaw. “Halata nga. Mukha ring may nangyaring himala base sa gusot-gusot na damit mo na may punit sa chest part,” he added, while looking at my exposed cleavage.

Agad akong napahawak sa ilong ko nang maubo dahil sa sinabi niya. Lumabas kasi ang sabaw na hinihigop ko sa aking ilong. Masama ko siyang tiningnan pero tinawanan lang niya ako.

Padabog akong tumayo at hinampas ang kamay ko sa lamesa. Masama ko siyang tiningnan pero patuloy lang siya sa paghigop ng noodles niya. “Guilty,” aniya.

Wala akong nagawa kundi umalis doon. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ’yon pauwi. Pagdating sa bahay ay pinagbuksan ako ng mga katulong. Dumiretso ako sa sala pero nakita ko sina Mommy at Daddy roon kaya patay-malisya akong dumiretso sa hagdan na papunta sa kwarto.

Akmang hahakbang na sana ako nang tawagin ako ni Mommy. Napapikit ako at huminga nang malalim bago siya hinarap.

Pagkaharap na pagkaharap ko pa lang ay dumampi agad ang palad niya sa mukha ko. Sa lakas ng pagkakasampal niya ay napaharap ako sa ibang direskyon. I gritted my teeth nang maramdaman ko ang hapdi sa pisngi. Nang hawakan ko ang aking labi ay may dugo roon.

“What’s with the ripped on your chest?! Did you make out with random men again?!” sigaw ni Mommy. “And what’s that?!” Tinuro niya ang likod ng dress ko. “Did you have s*x?! With whom?” My forehead furrowed as I looked at her.

I checked my dress and saw a blood stain... I fiercely faced them as I wiped the blood from my lips.

I smirked. “Ano ba tingin ninyo?” tanong ko.

Akmang sasampalin uli ako ni Mommy nang hawakan ni Daddy ang braso niya. Nagpumiglas siya pero dahil mas malakas si Daddy sa kanya ay hindi na siya nakapalag pa.

“Napakawalanghiya mong anak! Who told you that you can have s*x before you get married?! Hindi ka na nahiya sa amin ng Daddy mo. I carried you for 9 months and this is how you repay me?!” nagwawalang sigaw ni Mommy, as her tears gradually escape from the corner of her eyes.

Natatawa ko silang tiningnan kaya mas lalong nag-init ang ulo ni Mommy. “Who are you to dictate what to do in my life?” I asked, and smirked. Naglakad ako palapit sa kanila. “At first, you want me to marry a man who I haven’t met even once. Sino ang mas walanghiya sa atin ngayon? Controlling your daughter’s life and stealing my happiness for your company’s f*cking sake?! Mother knows best, huh–”

Napahinto ako sa pagsasalita nang sampalin ako ni Daddy. Nanlalaki ang mga mata kong nakahawak sa pisngi ko at tiningnan siya. Daddy was always my ally whenever Mommy gets mad at me, but now... d-did daddy just slapped me?

“You have no right to insult us! Palagi kitang kinakampihan kahit mali ka dahil alam kong nahihirapan ka lang sa sitwasyon mo, pero ang bastusin ang Mommy mo at kwestyunin ang pagmamahal namin sa ’yo...? That’s enough, Zale!” sigaw ni Daddy. Bumabakat ang litid at ugat niya sa leeg at pulang-pula na rin ang mukha niya. I somehow worried about him, baka atakihin siya sa puso dahil sa akin and I wouldn’t let that happen.

“D-daddy...”

“No! Hindi mo na ako madadaan sa ganyan. I’m fed up with your rebellion. When are you going to fix your life, Zale?! Hirap na hirap na kami ng Mommy mo!” dagdag niya.

I felt the warmth at the edge of my eyes. I looked up to stop my tears from escaping at the corners...

Dad is the type of person who is a man of few words. He dreamed of having a daughter so when I was born, he considered me as his princess. He always defends me against Mommy whenever she scolds me. He is my ally, but now, I know that he’s just mad at me. I maybe his favorite child, but he would never let me hurt anyone, especially when it’s mommy. I understand him. He’s just worried about me. I still love him.

Nang kumalma na si Mommy ay hinayaan na siya ni Daddy na lumapit sa akin. Nilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko kaya kumunot ang noo ko.

“Give me your cash and cards,” utos niya. I rolled my eyes as I took the cards out of my pocket and gave that to her. “Get out.”

I looked at her curiously. Imbes na sagutin ay itinuro niya ang pinto palabas ng bahay.  “Pardon?” Kalmadong lumapit sa akin si Daddy at hinawakan sa balikat si mommy.

“We decided to get all your allowance and live on your own. You need to grow, Zale. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay narito kami para buhayin at samahan ka. Time will come and we can’t escape from death. You’ll be alone when that time comes and we don’t want to let you suffer because of your stubbornness,” he explained. “Hindi ka marunong magpahalaga ng mga bagay na ibinibigay namin sa ’yo pati na rin ang sarili mo. Papatayin mo ba ang sarili mo sa araw-araw na pag-inom ng alak? Ano ba’ng nangyari sa ’yo, Zale? Hindi ka naman ganyan dati at mas lalong hindi kita pinalaki para maging ganyan lang. Bumalik ka na ulit sa amin, anak.”

I shook as I looked at him. “I’m no longer your favorite daughter, Zale. Sinira ninyong lahat ang tiwalang ibinigay ko sa inyo, so don’t expect me to return to my old self who always follows everything you want. And with my new personality, I build my self-esteem as Agatha.”

“Okay. If you insist… from now on, you are banned to this house. Aalis ka rito na sarili lang ang dala mo. Hindi ka magdadala ng kahit ano na binili mo gamit ang pera namin. Hahanap ka ng bahay na matutuluyan at magtatrabaho ka para may makain at makabili ng mga kailangan mo. We will no longer support you. Sa paraang ’to ay matututo ka kung paano magpahalaga–”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Padabog ko silang tinalikuran at naglakad palabas ng bahay. Nakita ko ang aking kotse at akmang lalapit roon nang maalala kong ibinigay ko nga pala ang wallet ko kay Mommy, nandoon pa naman ang susi ng kotse ko.

Wala akong nagawa kundi maglakad paalis. Hindi ko inaakala na kaya ’tong gawin sa akin ng mga magulang ko. ’Wag na silang umasa na babalik pa ako sa kanila after betraying me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status