Share

The CEO's Heiress Secretary (Tagalog)
The CEO's Heiress Secretary (Tagalog)
Author: JSIEXXX

Prologue

“Congratulations, Agatha Zalenia Fuentalejo. She’s running as Magna cum Laude in your batch.”

“Congrats, sis!” masayang ani Ashley sa kanyang kaibigan, habang tinutulak ito para pumunta sa unahan.

Agad na nabalot ng palakpakan at pagbati ang classroom nila nang pumunta sa unahan si Agatha. Lingid sa kaalaman niya, isa sa classmates niyang pumapalakpak ay may lihim na inggit at galit sa kanya.

Matapos ang klase ay naunang lumabas si Agatha para maihanda ang sorpresa sa birthday ng kanyang kaibigan. Nang maayos na ang lahat, tinext na niya ang kaibigan na lumabas na.

“Happy birthday, Prada!” bati ni Agatha habang may hawak na cake. Itinapat niya ’yon sa harap ni Ashley at ngumiti.

Nanlalaki ang mga mata ni Ashley at hindi pa rin makapagsalita dahil sa ginawang pagsorpresa ng kaibigan. Nang makabawi ay niyakap niya si Agatha. Pumikit siya at nag-wish bago hinipan ang kandila sa ibabaw ng cake.

“Thank you, Zale,” pasasalamat ni Ashley, dahilan upang bumusangot ang mukha ni Agatha. She hates calling her ‘Zale’, maliban na lang kung boyfriend niya ang tatawag n’on sa kanya. “Oo nga pala, may party sa bahay mamaya. ’Wag kang mawawala, ha!”

“Zale!” sigaw ni Shion, na kadarating lang galing sa basketball training. Pawis na pawis siyang lumapit kay Agatha at hinalikan ito sa pisngi pero maarte itong lumayo. “Oh, Ash, nariyan ka pala. Teka, birthday mo?” tanong nito, at tumango naman si Ashley. “Happy birthday! Sorry I forgot about it.” Ngumiti naman si Ashley bilang pasasalamat.

“Kadiri ka naman, love. Ang lagkit mo,” ani Agatha, habang pinupunasan ang pisngi niya. Napabusangot si Shion at mabilisang hinalikan sa labi ang dalaga.

“’Di ba may date tayo ngayon?” tanong ni Shion, at tumango naman si Agatha.

Inakbayan niya ang dalaga at nakangiting tumingin kay Ashley. “Paano ba ’yan, aalis na muna kami, ah. May lakad pa kami.” Nakangiti namang tumango si Ashley.

“Enjoy!” ani Ashley, habang kumakaway sa dalawa na naglalakad paalis hanggang mawala sila sa paningin niya. “Tsk! Ang arte, akala mo naman maganda. I should be the one on the spot as Magna Cum laude but that b*tch stole that from me. Hindi pa nakuntento, inagaw pa si Shion.”

Nakabusangot na umalis si Ashley at pumunta sa gym para humingi ng tulong sa mga kaibigan ni Shion na varsity player din. Ipinaliwanag niya nang mabuti sa tatlo kung ano’ng gagawin ngunit nagdadalawang-isip pa ang mga ito.

“Sigurado ka na ba sa gagawin natin, Ash?” tanong ni Lucky na kaibigan ni Shion. “Hindi ba sobra ang gagawin nating panghahalay sa kanya ’tapos kukunan pa ng video? At saka… baka makilala kami roon.”

“Oo nga, Ash. Varsity player kami, baka masira ang career namin dahil dito,” sabi ni Jerome.

“Alam n’yo, ang dami ninyong satsat. Kung ayaw n’yo, edi ’wag! Hindi ba’t nangangailangan kayo ng pera? Palalagpasin n’yo pa ba ’tong opportunity na ibibigay ko sa inyo? Hindi na kayo lugi sa kanya dahil si Agatha Fuentalejo ’yon,” taas-kilay at nakapamewang na panunulsol ni Ashley. Napahawak naman sa baba ang tatlo, at di-kalaunan ay pumayag na rin sila sa gusto ng babae.

Pagsapit ng gabi, nagsimulang umingay ang bahay nina Ashley. Malakas na tugtog ng music, may kumukutip-kutipang disco lights at amoy ng alak sa buong paligid. Dumating na rin doon ang mga lalaking inutusan ni Ashley. Normal lang ang ikinikilos nila sa party hanggang dumating si Agatha.

“Prada!” masayang sigaw ni Agatha, nang makarating siya sa bahay nina Ashley kung saan ginanap ang birthday party nito.

“I’m glad that you came, sis,” nakangiting sabi ni Ashley, at niyakap pa ang kaibigan. Mula sa likod, sinenyasan niya ang tatlong lalaki na lumapit sa kanila. “Hello boys!” Kumaway pa si Ashley sa mga lalaki at muling hinarap si Agatha. “Sis, I have to go. Kailangan ko pang i-assist ang iba kong bisita.”

Pag-alis ni Ashley, sinimulan na ng tatlo na kausapin si Agatha. Nang mapansin nilang naiilang ito, sinabi nilang kaibigan sila ni Shion na boyfriend niya kaya napanatag na ang loob ni Agatha.

“Dito ka muna habang hinihintay natin si Shion,” sabi ni Hans, at sinenyasan si Lucky na bigyan ng alak si Agatha.

“Heto, uminom ka muna at baka nauuhaw ka na,” alok ni Lucky, pero tinaggihan siya ni Agatha nang malaman na alak ang laman ng baso. “First time mo sa ganitong party, ’no?” tanong nito, at tumango naman si Agatha bilang tugon. “Walang tubig na sine-serve dito. Alak lang ang meron dito kaya inumin mo na ’to kaysa mauhaw ka.”

Walang nagawa si Agatha at ininom na lang ’yon dahil nauuhaw na siya kanina pa. Sa dalawang baso pa lang ng alak ay tinamaan na agad siya. Sinamantala naman ng tatlong lalaki ang kahinaan ni Agatha at pagka-busy ng mga tao sa party.

Binuhat nila ang babae papunta sa kwarto ni Ashley kung saan may mga camera na naka-set nang patago. Nagsuot sila ng mask at sinimulan na nilang alisan ng damit ang babae, hanggang sa ’di inaasahang pangyayari ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa n’on si Shion na galit na galit habang nakatingin sa tatlo.

Tumakbo siya papunta sa mga lalaki at tinalunan ito. Agad niyang pinaulanan ng malalakas na suntok ang tatlo nang makita ang girlfriend na underwear na lang ang natitira at wala pang malay.

“Oh my gosh! Ano’ng nangyayari dito?!” painosenteng tanong ni Ashley, habang nanlalaki ang mga mata at nakatakip pa ang bibig. Pasimple niyang sinenyasan ang tatlong lalaki na tumakas na.

Dahil abala si Shion sa pagdadamit kay Agatha, hindi na niya napansin na nakatakas na ang tatlo. Mula sa labas ng kwarto, maraming nagvi-video sa nangyayari habang si Ashley ay pakunwaring pinapaalis ang mga kaklase nila pero sa loob-loob nito ay nagdiriwang na siya.

Kinabukasan, walang kaalam-alam si Agatha sa mga nangyayari. Masaya siyang pumasok sa university pero laking pagtataka niya nang mapansin na nakatingin sa kanya ang lahat habang nagbubulungan ang mga ito at ang iba ay nagtatawanan pa. Nababahala man pero agad ding nawala ’yon nang makita niya si Shion na mag-isang naglalakad. Tinawag niya ito pero hindi siya pinansin ng lalaki. Kumunot ang noo niya dahil tuwing tinatawag niya ang lalaki ay lumilingon agad ito.

Tumakbo siya palapit kay Shion at hinawakan ang kamay nito pero hinawi siya ng lalaki, dahilan upang mapaupo siya sa lupa.

Nanlalaki ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kasintahan niya.

“Bitawan mo ako!” sigaw ni Shion. “Sa likod ng maamo mong mukha, may kati ka rin palang tinatago!”

Kunot-noo niyang tiningnan ang lalaki at gulong-gulo sa mga nangyayari. Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit hindi niya inalintana ’yon.

“W-what did I do this time, Shion? I d-don’t deserve this.”

Nandidiri niyang tiningnan ang dalaga mula ulo hanggang paa. “Mag-break na tayo, Agatha. Napakarumi mong babae, nakakadiri ka.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status