ANMELDEN"Daddy! Come here! We must build the biggest castle in the world!" utos ni Sophia habang itinuturo ang basang buhangin malapit sa dalampasigan. "It must have four towers, a bridge, and a swimming pool for the crabs!""Crabs?" nagtatakang tanong ni Alessandro habang nauupo sa basang buhanginan, walang pakialam kung marumihan man ang kanyang mamahaling shorts. "Bakit may swimming pool ang alimango?""Because they get tired walking sideways, Daddy! Use your brain!" pabalang na sagot ng bata habang inaabot ang kulay-berdeng plastic bucket at pala.Napatanga si Alessandro bago napatingin kay Celestine na halos mamatay na sa katatawanan habang nakaupo sa ilalim ng beach umbrella."Ninakaw ng anak natin ang logic ko, Celestine," ilag ni Alessandro habang nagsisimulang magpalagay ng buhangin sa balde. "Saan ba 'to nagmana? Wala naman akong matandaang alimango na napapagod lumakad nang patagilid.""Sa 'yo nagmana, Alessandro! Huwag kang magkaila!" tumatawang sigaw ni Celestine habang umiinom n
Makalipas ang dalawang buwan matapos ang magulong proposal at ang sunod-sunod na mga pulong para sa kasal, tila bumalik ang mga nakagawiang gawi. Naging abala si Alessandro sa pagsasaayos ng kanyang mga negosyo bago ang kanilang kasal, habang si Celestine naman ay abala sa mga fitting at pag-aayos ng mga huling detalye sa tulong ni Mama Geraldine. Ngunit isang Biyernes ng hapon, habang abala si Celestine sa pagtititig sa mga kulay ng invitation cards sa salas, biglang bumukas ang pinto ng mansiyon at pumasok si Alessandro, nakasuot ng simpleng t-shirt at shorts, habang hawak ang tatlong malalaking pares ng mga salbabida at isang pirasong papel."Pack your bags. We are leaving in thirty minutes," opisyal at determinadong pahayag ni Alessandro.Napatanga si Celestine habang hawak ang isang swatch ng tela. "Ano? Alessandro, Biyernes ng hapon ngayon! Saan tayo pupunta?""Family outing. Biglaan ‘to, my love. Kailangan nating tumakas sa mga wedding planner bago ko pa masuntok ang coordina
Simula nang pumasok sila sa kotse kagabi, hindi na mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Celestine. Matapos silang huliin at asarahin ng mga kaibigan ni Alessandro sa dalampasigan—na may kasama pang paalala na maaari naman silang kumuha ng five-star suite sa halip ay sa likod ng basang bato—puno ng tawanan ang naging pagbabalik nila sa cliffside pavilion. Doon, lalong naging maingay at masaya ang gabi. Si Don Aries ay panay ang bukas ng mga mamahaling bote ng vintage champagne para sa panibagong round ng toast, habang si Mama Geraldine naman ay pabalik-balik ang tingin sa daliri ni Celestine habang nagdadrowing na ng mga ideya para sa venue sa ibabaw ng napkin. Si Sophia naman, matapos ang ilang oras na pagtatatalon dahil sa nakitang singsing ng ina, ay tuluyan nang nakatutolog sa sofa habang nakakapit sa kanyang maliit na handbag. Nang makauwi sila sa mansiyon bago mag-hatinggabi, kusa nang binuhat ni Alessandro ang tulog na tulog na bata patungo sa kwarto nito. Maingat niya itong in
Matapos ang maingay at makulay na paghahain ng paputok sa kalangitan, ang glass pavilion ay mabilis na naayos para sa isang eksklusibong dinner party. Ang hangin ay nababalutan ng halimuyak ng mga sariwang bulaklak, tunog ng mga basong nag-uumpugan sa toast, at walang katapusang tawanan ng kanilang mga kapamilya at matatalik na kaibigan. Walang humpay ang paglapit ng mga bisita upang batiin sina Celestine at Alessandro. Si Papa Aries ay proud na proud na nakikipag-toast ng champagne sa kanyang mga business partners habang ipinagmamayabang ang kanyang apo, samantalang si Mama Geraldine naman ay nakatayo sa tabi ng mga bisita habang ipinapakita ang litrato ng napakagandang singsing sa daliri ni Celestine. "Congratulations, Celestine! Pinatunayan mo talagang ikaw lang ang pwedeng humawak sa leeg ng isang Alessandro Virelli!" natatawang bati ng isa sa mga matalik na kaibigan ng lalaki habang tinatapik ang balikat nito. "Salamat," nakangiting tugon ni Celestine, bagaman bahagya nang nang
Ilang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang matinding gulo sa media. Opisyal nang lumabas ang pinal na hatol sa korte: dahil sa lakas ng mga ebidensyang iniharap ng legal team ng mga Virelli, sentensyado ng pagkabilanggo si Raya Valencia. Subalit sa tulong ng pamilya nito, naghain ang kanyang kampo ng pormal na apela. Matapos ang serye ng mga psychiatric evaluation, napatunayang may malubhang kapansanan sa pag-iisip at matinding bipolar psychosis si Raya Valencia, dahilan upang ilipat siya sa isang secured, high-facility mental health institution sa halip na sa ordinaryong kulungan. At ayun, tuluyan nang natahimik ang kanyang pangalan, at ang buong bansa ay nagkaroon na ng kapayapaan mula sa kanyang mga gawa-gawang kwento.Subalit para kay Celestine, panibagong uri ng sakit ng ulo ang pumatay sa kanyang pasensya.Sa loob ng dalawang linggo, halos hindi niya makasama si Alessandro! Tuwing magtatanong siya kung bakit gabing-gabi na ito umuuwi o kung bakit halos hindi ito humihiwal
Kinaumagahan, tila isang grand war room ang dating ng malawak na dining room sa mansiyon ng mga Virelli. Sa halip na tahimik at pormal na agahan, ang ibabaw ng mahabang glass table ay nababalutan ng mga bukas na laptop, makakapal na legal folders, at walang katapusang tasa ng brewed coffee.Nakatayo si Alessandro sa kabisera, nakatupi ang manggas ng kanyang crisp white shirt habang pinaliligiran ng tatlo sa pinakamagagaling na senior corporate lawyers sa bansa. Sa kabilang gilid, relaxed na nagbabasa ng dyaryo si Papa Aries habang nakatitig sa mga legal documents, samantalang si Mama Geraldine naman ay masayang pinapakain ng pancakes si Sophia na nakaupo sa kanyang kandungan at wearing her new purple hairbow.Si Celestine, na nakaupo sa tabi ni Alessandro, ay dahan-dahan pa ring inaantok ngunit nanlalaki ang mga mata sa bilis ng mga kaganapan."Attorney, how are the filings?" malamig at seryosong tanong ni Alessandro sa lead counsel ng Virelli Group.Inayos ng abogado ang kanyang sal







