LOGINHindi mapakali si Sebastian sa opisina pagkababa ng tawag ni Celestine. Habang mas lalo niya itong iniisip, mas sumasama ang pakiramdam niya. Kaya naman agad niyang tinawagan si Kristine Sanchez.Halos unang ring pa lang, mabilis nang sinagot ni Kristine ang tawag. Rinig na rinig ang saya at excitement sa boses nito, "Sebastian! Sa wakas, tinawagan mo rin ako."Malamig at puno ng babala ang boses ni Sebastian. "Kristine, huwag mo nang subukang guluhin pa si Celestine, kundi mawawala na pati ang natitira nating pagkakaibigan. Kakalimutan ko nang magkakilala pa tayo."Kasalukuyang pauwi si Kristine. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na nanigas. "S-Sebastian... tinawagan mo ba ako dahil lang sa kanya?" garalgal na tanong nito.Bahagyang lumambot ang tono ni Sebastian, ngunit matatag pa rin ang kanyang desisyon. "Kristine, tapos na tayo matagal na. Wala nang babalikan pa kaya huwag ka nang magmatigas. Narealize na ni Adrian ang mga pagkakamali niya at handa siyang mag-umpisa ulit kasa
Lihim na nangngitngit sa inis si Kristine. Siguro dahil wala na itong inaalagaan at inaatupag ang maging malaya, kaya mas naging maganda at presko ang hitsura nito.Nang maalala ang pagpunta niya sa mansion ng mga Riego noong ikalawang araw ng Bagong Taon, naalala niya ang dalawang batang naiwan doon. Bigla siyang nakahanap ng anggulo para umatake."Celestine, I really underestimated you. Hindi ko inakalang ganyan ka kawalang-puso para iwan ang dalawa mong anak at mabuhay nang malaya mag-isa."Ngumiti lang si Celestine. "Pumunta ka ba rito para lang sabihin sa akin 'yan?""Ayaw mo sa mga bata! Si Sebastian masyadong busy sa trabaho, kaya ang ending, nasa mansion ang kambal kahit ilang buwan pa lang sila. Ginawa mong mga left-behind children ang sarili mong mga anak!" Tila kinakausap na lang ni Kristine ang sarili niya sa sobrang inis.Nawala ang ngiti sa labi ni Celestine at napalitan ito ng pagtataka.Pinupuntahan at nakakasama niya ang kambal dalawa o tatlong beses sa isang linggo.
"Ngayon... matapos ang maraming taon at muli tayong nagkita, na-realize ko kung gaano kahalaga sa akin ang kababatang nakilala ko." Puno ng sinseridad ang mga mata ni Gabriel Domingo habang nakatingin sa kanya."Dati, may asawa't pamilya ka na kaya hindi ko pwedeng ipagtapat ang nararamdaman ko. Pero ngayong malaya ka na, ayoko nang maghintay pa. Ayoko nang mag-aksaya ng oras—Celestine, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon? Hayaan mong samahan kita, alagaan ka, at sabay nating ikutin ang mundo."Nang masabi niya ang lahat ng ito, tila nakahinga nang maluwag si Gabriel. Inabangan niya ang sagot ng babae, pilit hinahanap ang reaksyon nito.Ngunit sa loob-loob ni Celestine, gusto na niyang takasan ang sitwasyon. Uminit ang kanyang pisngi dahil sa lakas ng heater sa loob ng sasakyan. Ibaba niya ang kanyang mga pilikmata, pilit na nag-iisip kung paano ito tatanggihan."Gabriel... a-ako..." Matapos mag-isip nang malalim, pilit siyang ngumiti. "Matagal ko nang nararamdaman ang intensyon m
Halos hindi makahinga si Celestine nang maramdamang pati ang mga braso nito ay eksaktong nakapatong at nakabalot sa mismong posisyon ng kanyang mga braso.Nanigas ang buong katawan ni Celestine at awtomatikong napalingon. "Huwag kang—"Ngunit dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa, ang paglingon niya ay naging dahilan upang magkasagi ang kanilang mga labi.Dahil malamig at tuyo ang panahon, isang mahinang static shock ang dumaloy nang magdikit ang kanilang balat—parang kagat ng langgam na nakakagulat. Pareho silang napamulat at nagkatitigan nang malalim.Buti na lang at naalala agad ni Celestine kung nasaan sila, kaya mabilis siyang umiwas. "Lumayo ka nga sa akin!""Ayoko nga. Nasa kamay mo ang buhay ko. Paano kung sinadya mong sumablay para ipatalo ako?" Hindi lang ito lumayo, mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang ulo gamit ang isang kamay at marahang ibinaling ang kanyang mukha sa billiard table."Focus! Ang tirang 'to ang sasagot sa snooker. Nakiki
Kahit hindi tuwirang sinabi, naintindihan ng lahat ang ibig sabihin ng huling binitiwang salita ni Gabriel.Ang paggamit ng laro para harapin ang isang love rival ay isang direktang deklarasyon ng giyera. Kapag nanalo siya sa match na ito, kailangang tuluyang umatras ni Sebastian at huwag nang magpakita pa kay Celestine para malaya niya itong maligawan.Nag-aapoy sa galit ang puso ni Sebastian, pero nanatiling nakapaskil ang kalmadong ngiti sa kanyang labi.Tumalim ang titig niya kay Celestine bago binalingan si Gabriel. "May kasabihan nga, 'One day as husband and wife, a hundred days of grace.' Bilang isang outsider, gaano ba kalawak ang alam mo sa relasyon naming dalawa? Oo, we're divorced, pero may dalawa kaming anak. Napakabata pa nila at hindi nila kayang mabuhay nang wala ang nanay nila. As long as the kids need her, she has to go back to me immediately..."Habang nakikinig, lalong hindi mapakali si Celestine. Tumalon ang kaba sa dibdib niya kaya mabilis siyang sumingit, "Sebast
"Heto, heto na." Walang pag-aalinlangan, in-unlock ni Adrian ang kanyang phone, binuksan ang music app, at iniabot ito kay Nannan.Kinuha ng bata ang phone, inilapag ito sa tabi, iginalaw-galaw ang ulo sa saliw ng musika, at mabilis na nakuha ang timing. Dahil sadyang bibo, athletic, at may magaling na dance instructor, naging kahanga-hanga ang street dance performance ni Hannah. Napatunganga ang mga mayayamang tambay at walang tigil sa pagpalakpak.Pagkatapos ng sayaw, masiglang tumalon si Hannah at naghingal. "Ano, okay ba? Sumasali ako sa mga street dance competitions at nananalo po ako.""Ang galing! Sobrang lupit!""Not bad! Sulit ang ang pao na binigay ko sa'yo!""Kaya pala ang lakas ng loob mo, little kid!"Na-curious nang husto si Adrian, kaya niligpit nito ang phone niya at nagtanong, "Kanino kang anak? Sinong parents mo?" Naisip nitong baka kilala rin nila ang pamilya nito, dahil siguradong mayayaman ang lahat ng napapadpad sa club na 'to.Sagot ni Hannah, "Wala po akong dad
"Sige, thank you." Mahinang pasasalamat ni Celestine bago dahan-dahang humigop ng mainit na tsaa."Sabi ni Yaya Belen, makakatulong din daw 'to," dagdag ng lalaki sabay abot ng isang malambot at mabalahibong hot water bottle.Kinuha ito ni Celestine nang dahan-dahan. "Salamat uli.""You don't have
Tahimik lang si Celestine, pero sa loob-loob niya, halos mahilo na siya sa dami ng iniisip. Hindi niya akalain na makikita niya si Sebastian Riego na nagpapa-humble. Kanina lang, nilalait nito ang mga sea turtle o balikbayan, pero ngayon, nakikipagkamay na ito nang nakangiti at naghahanap pa ng com
Sa unang araw ni Celestine sa trabaho, naging usap-usapan ang kaniyang pagdating sa planning department.Ang department manager nila na si Manager Albino ay isang lalaking nasa 30s, average lang ang itsura pero masyadong slick ang buhok at may kakaibang bilib sa sarili na medyo off ang vibe.Matapo
Tuwang-tuwa at halos hindi magkamayaw si Floriece nang malaman niyang makikipag-dinner si Sebastian Riego sa pamilya nila."Celestine, hindi pwedeng kayo ang taya rito! Kami dapat! Isang malaking karangalan na pinaunlakan kami ni Mr. Riego, totoo 'yan!" masayang wika ni Floriece sa kabilang linya.







