Share

Chapter 224: Hidden Meaning

Author: Ms. Nini
last update publish date: 2026-09-06 21:44:29

Lihim na nangngitngit sa inis si Kristine. Siguro dahil wala na itong inaalagaan at inaatupag ang maging malaya, kaya mas naging maganda at presko ang hitsura nito.

Nang maalala ang pagpunta niya sa mansion ng mga Riego noong ikalawang araw ng Bagong Taon, naalala niya ang dalawang batang naiwan doon. Bigla siyang nakahanap ng anggulo para umatake.

"Celestine, I really underestimated you. Hindi ko inakalang ganyan ka kawalang-puso para iwan ang dalawa mong anak at mabuhay nang malaya mag-isa."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 225: Wife

    Hindi mapakali si Sebastian sa opisina pagkababa ng tawag ni Celestine. Habang mas lalo niya itong iniisip, mas sumasama ang pakiramdam niya. Kaya naman agad niyang tinawagan si Kristine Sanchez.Halos unang ring pa lang, mabilis nang sinagot ni Kristine ang tawag. Rinig na rinig ang saya at excitement sa boses nito, "Sebastian! Sa wakas, tinawagan mo rin ako."Malamig at puno ng babala ang boses ni Sebastian. "Kristine, huwag mo nang subukang guluhin pa si Celestine, kundi mawawala na pati ang natitira nating pagkakaibigan. Kakalimutan ko nang magkakilala pa tayo."Kasalukuyang pauwi si Kristine. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na nanigas. "S-Sebastian... tinawagan mo ba ako dahil lang sa kanya?" garalgal na tanong nito.Bahagyang lumambot ang tono ni Sebastian, ngunit matatag pa rin ang kanyang desisyon. "Kristine, tapos na tayo matagal na. Wala nang babalikan pa kaya huwag ka nang magmatigas. Narealize na ni Adrian ang mga pagkakamali niya at handa siyang mag-umpisa ulit kasa

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 224: Hidden Meaning

    Lihim na nangngitngit sa inis si Kristine. Siguro dahil wala na itong inaalagaan at inaatupag ang maging malaya, kaya mas naging maganda at presko ang hitsura nito.Nang maalala ang pagpunta niya sa mansion ng mga Riego noong ikalawang araw ng Bagong Taon, naalala niya ang dalawang batang naiwan doon. Bigla siyang nakahanap ng anggulo para umatake."Celestine, I really underestimated you. Hindi ko inakalang ganyan ka kawalang-puso para iwan ang dalawa mong anak at mabuhay nang malaya mag-isa."Ngumiti lang si Celestine. "Pumunta ka ba rito para lang sabihin sa akin 'yan?""Ayaw mo sa mga bata! Si Sebastian masyadong busy sa trabaho, kaya ang ending, nasa mansion ang kambal kahit ilang buwan pa lang sila. Ginawa mong mga left-behind children ang sarili mong mga anak!" Tila kinakausap na lang ni Kristine ang sarili niya sa sobrang inis.Nawala ang ngiti sa labi ni Celestine at napalitan ito ng pagtataka.Pinupuntahan at nakakasama niya ang kambal dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 223: Is There a Chance?

    "Ngayon... matapos ang maraming taon at muli tayong nagkita, na-realize ko kung gaano kahalaga sa akin ang kababatang nakilala ko." Puno ng sinseridad ang mga mata ni Gabriel Domingo habang nakatingin sa kanya."Dati, may asawa't pamilya ka na kaya hindi ko pwedeng ipagtapat ang nararamdaman ko. Pero ngayong malaya ka na, ayoko nang maghintay pa. Ayoko nang mag-aksaya ng oras—Celestine, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon? Hayaan mong samahan kita, alagaan ka, at sabay nating ikutin ang mundo."Nang masabi niya ang lahat ng ito, tila nakahinga nang maluwag si Gabriel. Inabangan niya ang sagot ng babae, pilit hinahanap ang reaksyon nito.Ngunit sa loob-loob ni Celestine, gusto na niyang takasan ang sitwasyon. Uminit ang kanyang pisngi dahil sa lakas ng heater sa loob ng sasakyan. Ibaba niya ang kanyang mga pilikmata, pilit na nag-iisip kung paano ito tatanggihan."Gabriel... a-ako..." Matapos mag-isip nang malalim, pilit siyang ngumiti. "Matagal ko nang nararamdaman ang intensyon m

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 222: Are You Reacting to Me?

    Halos hindi makahinga si Celestine nang maramdamang pati ang mga braso nito ay eksaktong nakapatong at nakabalot sa mismong posisyon ng kanyang mga braso.Nanigas ang buong katawan ni Celestine at awtomatikong napalingon. "Huwag kang—"Ngunit dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa, ang paglingon niya ay naging dahilan upang magkasagi ang kanilang mga labi.Dahil malamig at tuyo ang panahon, isang mahinang static shock ang dumaloy nang magdikit ang kanilang balat—parang kagat ng langgam na nakakagulat. Pareho silang napamulat at nagkatitigan nang malalim.Buti na lang at naalala agad ni Celestine kung nasaan sila, kaya mabilis siyang umiwas. "Lumayo ka nga sa akin!""Ayoko nga. Nasa kamay mo ang buhay ko. Paano kung sinadya mong sumablay para ipatalo ako?" Hindi lang ito lumayo, mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang ulo gamit ang isang kamay at marahang ibinaling ang kanyang mukha sa billiard table."Focus! Ang tirang 'to ang sasagot sa snooker. Nakiki

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 221: Hands-on Teaching

    Kahit hindi tuwirang sinabi, naintindihan ng lahat ang ibig sabihin ng huling binitiwang salita ni Gabriel.Ang paggamit ng laro para harapin ang isang love rival ay isang direktang deklarasyon ng giyera. Kapag nanalo siya sa match na ito, kailangang tuluyang umatras ni Sebastian at huwag nang magpakita pa kay Celestine para malaya niya itong maligawan.Nag-aapoy sa galit ang puso ni Sebastian, pero nanatiling nakapaskil ang kalmadong ngiti sa kanyang labi.Tumalim ang titig niya kay Celestine bago binalingan si Gabriel. "May kasabihan nga, 'One day as husband and wife, a hundred days of grace.' Bilang isang outsider, gaano ba kalawak ang alam mo sa relasyon naming dalawa? Oo, we're divorced, pero may dalawa kaming anak. Napakabata pa nila at hindi nila kayang mabuhay nang wala ang nanay nila. As long as the kids need her, she has to go back to me immediately..."Habang nakikinig, lalong hindi mapakali si Celestine. Tumalon ang kaba sa dibdib niya kaya mabilis siyang sumingit, "Sebast

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 220: Loser is Not Allowed

    "Heto, heto na." Walang pag-aalinlangan, in-unlock ni Adrian ang kanyang phone, binuksan ang music app, at iniabot ito kay Nannan.Kinuha ng bata ang phone, inilapag ito sa tabi, iginalaw-galaw ang ulo sa saliw ng musika, at mabilis na nakuha ang timing. Dahil sadyang bibo, athletic, at may magaling na dance instructor, naging kahanga-hanga ang street dance performance ni Hannah. Napatunganga ang mga mayayamang tambay at walang tigil sa pagpalakpak.Pagkatapos ng sayaw, masiglang tumalon si Hannah at naghingal. "Ano, okay ba? Sumasali ako sa mga street dance competitions at nananalo po ako.""Ang galing! Sobrang lupit!""Not bad! Sulit ang ang pao na binigay ko sa'yo!""Kaya pala ang lakas ng loob mo, little kid!"Na-curious nang husto si Adrian, kaya niligpit nito ang phone niya at nagtanong, "Kanino kang anak? Sinong parents mo?" Naisip nitong baka kilala rin nila ang pamilya nito, dahil siguradong mayayaman ang lahat ng napapadpad sa club na 'to.Sagot ni Hannah, "Wala po akong dad

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 119: Fingerprints

    Sabi ni Sebastian ay babalik siya nang maaga, pero mag-aalas-diyes na ng gabi nang marinig ang tunog ng kaniyang sasakyan na pumasok sa courtyard ng villa.Natural na sa guest room natulog si Celestine kasama ang kaniyang anak na babae. Habang natutulog si Isabelle, nakahiga siya nang patagilid hab

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 104: Begging You

    Ibinuhos ni Kristine Ramos ang lahat ng emosyong itinago niya sa loob ng maraming taon. Kahit hindi man direkta ang kaniyang pagkakasabi, naintindihan ni Sebastian Riego ang lahat. Sa madaling salita: ang mabilis makuha, hindi pinapahalagahan; pero ang hindi makuha, iyon ang laging inaasam. Pero

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 101: Still Love Her

    Naka-office attire na si Celestine pero dahil nasa bahay pa, naupo muna siya para padedehin si Isabelle. Habang hawak ang maliit at malusog na kamay ng anak, biglang lumambot ang puso niya. Kung wala lang siguro ang mga bata, matagal na siyang umalis at hindi na lilingon pa sa impyernong ito, pumay

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 97: Who Can He Blame for His Own Sin?

    Nagdilim ang mukha ni Sebastian Riego. "Sinasadya mo 'to. Pwede naman tayong lumabas ng highway para kumain sa disenteng lugar.""Mr. Riego, kaming mga ordinaryong tao, sumasabay lang kami sa agos. Ikaw lang naman itong pilit na 'tumatawid' ng klase para maranasan ang buhay-sibilyan, bakit ako ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status