Share

Chapter 369.2: Deal

Author: Ms. Nini
last update publish date: 2026-11-14 21:42:04

Nabubuhay ako gamit ang sarili kong kakayahan at marangal ang trabaho ko."

"Well, mabuti naman at ganiyan ka mag-isip." Tumango si Tricia at nakahinga nang maluwag nang makitang hindi ito naapektuhan sa nangyari kanina.

"Pero isinama ng ex-mother-in-law mo 'yung babae para mamili nang mamili. Mukhang gustong-gusto niya talaga. Hindi ko lang alam kung susundin ng ex-husband mo ang plano ng pamilya nila. Kapag hindi niya nakayang labanan ang pamilya niya, tuluyan na talagang tapos ang lahat sa in
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Racel Vien Abugho
update po ng next chapter 2 days na eeeeh mahaba habang chapters aman sana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 370.2: Have Control

    Biglang nag-init ang ulo ni Celestine, dinampot ang kahon, at malakas na sinipa iyon.Sana tao na lang 'tong kahon na 'to!Paniguradong sinipa niya na ito nang ilang dosenang beses. Mas mabuti pang sipain ito palabas ng mundo!Nakakainis talaga. Lahat ng gulo ay dahil sa kaniya!Nung Martes, bumiyahe si Celestine papunta sa ibang probinsya para dumalo sa kaniyang book signing session.Ang unang stop ay sa kalapit na probinsya, at tatlong oras ang biyahe sakay ng fast train.Naka-schedule ang event sa hapon. Masyadong gahol kung balikan sa parehong araw, kaya kailangan niyang mag-overnight doon.Nag-alala si Tricia na mag-isa lang siya kaya ipinasama nito si Jaja para alalayan siya.Kahit isang gabi lang siya mawawala, halos dalawang araw ang maantala sa trabaho niya. Ayaw ni Celestine na maging pabigat sa team kaya nag-overtime siya hanggang lampas alas-nuwebe ng gabi nung Lunes at umuwi lang nang matapos ang lahat ng trabaho.Nang nag-eempake na siya ng gamit, nakita niya ang mga per

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 370: I Said No!

    Lumabas na si Celestine mula sa banyo.Lumingon si Claire Sevilla sa anak nang may ngiti sa mukha, "Celestine...""Pasensya na po kung pinaghintay ko kayo nang matagal. Uhm... ikukuha ko muna kayo ng tubig." Halatang naiilang si Celestine at hindi alam kung ano ang sasabihin."'Wag na! Nagsalin na si Gabriel." Mabilis na tinawag ni Claire Sevilla ang anak, bahagyang naiilang din ang ekspresyon. "Maupo ka... maupo ka muna at mag-usap tayo sandali.""Sige po..."Naglakad si Celestine patungo sa sofa at umupo.Wala nang nagawa si Gabriel Domingo kundi isuko ang balak na silipin ang laman ng storage box at bumalik na lang sa sofa para maupo.Gayunpaman, kahit hindi niya nakita nang malapitan ang laman ng storage box, malamang ay alam niya na kung kaninong gamit iyon.Nitong mga nakaraang araw, kumalat ang balita na nakatakda nang magpakasal si Sebastian Riego sa pamilya Delos Reyes para sa isang business alliance.Marahil ay dahil doon kaya tuluyan nang naghiwalay sina Sebastian at Celest

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 369.2: Deal

    Nabubuhay ako gamit ang sarili kong kakayahan at marangal ang trabaho ko.""Well, mabuti naman at ganiyan ka mag-isip." Tumango si Tricia at nakahinga nang maluwag nang makitang hindi ito naapektuhan sa nangyari kanina."Pero isinama ng ex-mother-in-law mo 'yung babae para mamili nang mamili. Mukhang gustong-gusto niya talaga. Hindi ko lang alam kung susundin ng ex-husband mo ang plano ng pamilya nila. Kapag hindi niya nakayang labanan ang pamilya niya, tuluyan na talagang tapos ang lahat sa inyo."Pagkasabi niyon, sinulyapan siya ni Tricia at ngumuso, "Pag-isipan mo nang mabuti, kundi ay walang silbi ang pagsisisi sa huli."Syempre, naiintindihan ito ni Celestine.Hindi niya alam kung susundin ba ni Sebastian ang kagustuhan ni Victoria.Kahit hindi maganda ang relasyon ng mag-ina, dahil isa itong business marriage, may malaking interes pa rin ng negosyo na nakataya rito.Napakaraming ganitong kaso sa mga mayayamang pamilya. Wala silang pakialam sa nararamdaman, at palaging negosyo at

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 369: I’m Not Ashamed

    Sa mga sandaling ito, lihim na nagdesisyon si Celestine sa kaniyang puso—kapag pinakasalan talaga ni Sebastian ang ganitong klaseng babae, babawiin niya ang custody ng kambal anuman ang mangyari! Pero nagdulot ito ng maling akala kay Victoria. Kumunot ang noo nito, "Anong ibig mong sabihin? Ikaw na ba ang magdedesisyon sa buhay ni Seb ngayon?" Akala niya ay sinasabi ni Celestine na hindi ito pumapayag na maging magkasintahan sina Sebastian at Clarissa Delos Reyes. Gayunpaman, naintindihan agad iyon ni Clarissa Delos Reyes at nagulat ang ekspresyon: "Gusto mong bawiin ang custody ng mga bata?" Sa totoo lang, kung titingnan sa posisyon niya, hindi na siya makapaghintay! Sino ba namang gustong maging stepmother sa anak ng ibang tao sa napakabatang edad? Mas mabuti nang mawala ang dalawang batang 'yun sa landas niya! Kung gusto niya ng anak, hindi ba't kaya niya namang manganak ng sarili niya... Tsaka lang natauhan si Victoria, napahiya siya nang husto, at biglang dumilim ang muk

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 368: Confrontation of the Enemy

    Malas talaga. Isang beses lang sa isang taon kung mag-shopping si Celestine, tapos hindi niya pa inaasahang makakasalubong ang kaniyang ex-mother-in-law. Natigilan si Celestine at ayaw niyang gumawa ng eksena o makaagaw ng atensyon, kaya bahagya lang siyang ngumiti nang magalang bilang tugon. Kaso halatang walang balak si Victoria na palampasin siya. After all, ang babaeng ito ang naging dahilan kung bakit nag-away silang mag-ina kahapon, at may matinding galit pa rin siya sa dibdib niya. "Nabalitaan kong malaki na raw ang kinikita mo bilang isang internet celebrity ngayon. Hindi ako naniwala nung una, pero mukhang totoo nga..." Nakita ni Victoria ang bag na kakahawak lang nito, at pinasadahan din ng tingin ang suot nitong dress sa mga sandaling ito. Ang bag na iyon ay kailangan pang i-match, at aabot ng daan-daang libong piso para lang mabili. Ang dress naman ay bagong labas ngayong season. Kahit hindi ito runway piece, umaabot pa rin ito ng sampu-sampung libong piso. Ang ga

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 367: Bumping Into Her

    Pinukol ni Victoria ng isang blangkong tingin ang anak at diretsong nagtanong, "Ano ba talaga ang ibig mong sabihin? Napakabait na bata ni Clarissa, hindi niya pinapansin ang pagiging second marriage mo at may anak ka na. Dapat lang na pahalagahan mo siya!"Nagalit si Sebastian nang marinig ang pilit na pagrereto ng kaniyang ina. Bigla siyang tumayo at nagsabi, "Ipapaliwanag ko sa kaniya sa lalong madaling panahon na wala akong nararamdaman para sa kaniya. Masyado lang akong galit nung gabing iyon kaya naging irrational ako. Kasalanan ko ang lahat.""Anong ibig mong sabihin?" Nag-angat ng ulo si Victoria at tinitigan ang anak, "May ugnayan pa rin ba kayo ng babaeng 'yun?!"Sumabad si Edmond, "Hindi pa ba halata? Paniguradong may hindi pagkakaintindihan ang dalawang 'yan. Sadyang gusto lang niyang pagselosin si Celestine.""Ikaw..." Pagkarinig niyon, nanginginig sa galit si Victoria habang itinuturo ang asawa at pagkatapos ay ang anak, at sa huli ay sumigaw, "Gusto mong makipag-remarry

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 85: No Goodbye

    "Sige, thank you." Mahinang pasasalamat ni Celestine bago dahan-dahang humigop ng mainit na tsaa."Sabi ni Yaya Belen, makakatulong din daw 'to," dagdag ng lalaki sabay abot ng isang malambot at mabalahibong hot water bottle.Kinuha ito ni Celestine nang dahan-dahan. "Salamat uli.""You don't have

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 07: Twins

    Kakaunat pa lang ni Sebastian Riego ng binti sa kama nang marinig ang tanong ni Celestine. Biglang lumamig ang expression niya at nilingon ang likod ng ulo ng asawa. "Bakit ako lilipat ng kwarto?""Huwag mo akong mamasamain, hindi kita pinapalayas. Ayoko lang na pinipilit mo ang sarili mo," sagot n

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 06: Who is She Talking?

    Dahil hindi itinanggi ni Sebastian ang balita, lalong naging curious si Kristine. "Seryoso ba siya? Ang kambal niyo, hundred days pa lang, tapos gusto na niyang makipag-divorce? Hindi man lang ba niya inisip si Lolo? O kahit ang sarili niyang mga anak?"Alam ng lahat na ulila na si Celestine. Mag-i

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 05: Is She Divorcing You?

    Kahit sino, uusok ang ilong sa ganoong pambabastos. Pero si Celestine, hindi na nagpa-under."If you don't like me, it's probably because he has no taste. Ano’ng pake ko?" ganti ni Celestine, sabay tawa nang mapait. "And you? Your aggressive and desperate look? Nakakahiya ka. You're ruining the cla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status