Ipinagsawalang bahala na lamang ni Casey ang taong naka sunod umano sa kaniya kahit pa halos tumalon na ang puso nito sa kaba nang malaman ‘yon. Ibinilin niya sa mga body guard na mag masid na lamang nang mabuti sa paligid at sinabi na baka wala naman daw masamang gagawin ang kung sino mang naka sunod sa kaniya.
Pumasok si Casey sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon. Saglit siyang naligo at bago lumabas sa banyo ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin. Masyadong mabigat ang pag haharap nilang tatlo ngayong araw at hindi siya sigurado sa mga susunod na mangyayari. Ngunit isa lang ang nakakasiguro siya, ‘yon ay payapa na siyang makakatulog sa gabi nang walang iniisip bilang isang Mrs. Almendras. Sa wakas ay nakalaya na siya sa bagay na pilit niyang pinapasan sa loob ng ilang taon. Hindi na siya magigising sa bungad ng masakit na pagsasama nila ni Dylan. Mabigat man para sa kaniya wakasan ang lahat sa isang kumpas lang ng kamay, hindi niya naman pinagsisisihan ang naging desisyon niya. Ang kasal nila ay isang tinik sa lalamunan para sa kaniya, at hindi nga nagkakamali si Dylan, dahil ang divorce nila ay pabor para sa kaniya. ‘Nong gabing din ‘yon ay payapa at mahimbing na nakatulog si Casey. Walang kahit anong bumabagabag sa kaniyang isip. Kinabukasan ay nagising din siya nang magaan ang damdamin at maaliwalas ang mukha dahil sa masarap na tulog, kahit pa umaalingawngaw ang ingay ng alarm clock niya ay hindi manlang siya nainis. Tumagos ang sikat ng araw sa sumasayaw na kurtina ng kwarto ni Casey. Sa sobrang gaan ng pakiramdam niya ay para siyang nakalutang. Lumabas siya ng kaniyang kwarto at nag tungo sa kusina. Bigla siyang napangiti nang makita ang almusal na naka hain sa mesa. Sa wakas ay makakakain na siya ng almusal na gusto niya. Dati kasi ay nagtitiis siya sa kung ano ang gustong ipaluto ni Dylan sa mga kasambahay. Mahilig kasi ito sa pancake, waffles, at ibang pang almusal na hindi sinasamahan ng kanin. Ngayong nakabalik na siya sa mansyon ay tuwang-tuwa siya at natatakam nang makita ang pangkaraniwang almusal katulad ng fried rice, sausage, bacon, at omelette. Kakatapos niya lang kumain nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang buksan niya ito ay bumungad sa kaniya ang isang email na pinadala ni Ingrid. Nakahanda na ang appointment ni Casey kasama ang head of legal department ng Ybañez Group. Lumapad ang kaniyang ngiti at nakaramdam ng pananabik. Ilang sandali pa ay nag ayos na si Casey at lumabas ng mansyon. Papunta na sana siya sa kaniyang sasakyan nang biglang sumunod sa kaniya ang isa sa mga body guard. “Saan ho tayo, Ma’am Cassandra?” tanong nito kay Casey. Nginitian naman ito ni Casey at umiling, “Kaya ko na po, may lalakarin lang ako,” saad nito. Magsasalita pa sana ang body guard nang biglang pumasok si Casey sa sasakyan at nag simula ng mag maneho palabas. Lingid sa kaalaman ni Casey ang taong nag mamasid sa kaniya sa labas, ‘di kalayuan sa mansyon. “Nakaalis na siya, boss,” sambit ng lalake sa kausap mula sa kaniyang cellphone nang makitang lumabas ang sasakyan ni Casey sa itim at malaking gate. “Sundan mo,” boses ni Dylan sa kabilang linya. Nag dilim ang kaniyang ekspresyon habang mahigpit ang hawak sa cellphone. Wala siyang kaalam-alam na may sariling mansyon ang kaniyang asawa na ngayon ay minamadali ang settlement ng kanilang divorce. Iniisip niya na sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay parang hindi pa rin pala niya ito kilala base sa kaniyang mga natuklasan ngayon. Nang makarating si Casey sa Urban Hive kung saan sila magkikita ng head of legal department ng Ybañez Group, ay agad niya namang nahagip ito sa isang bakanteng mesa sa tabi ng bintana. Malapad ang kaniyang ngiti habang naglalakad papalapit sa lalake, “Steven! Ang aga mo naman!” saad nito. Gulat namang napatingin ang lalake sa kaniya. Parang hindi pa nag s-sink in sa utak nito ang pag dating ni Casey. “Cas?” sabmit nito na hindi pa rin makapaniwala. Natawa nang marahan si Casey at naupo sa tapat ni Steven, “Ano ba, si Hera na ang kausap mo,” aniya at kumindat habang naka-ukit pa rin ang malapad na ngiti sa labi. Napatakip ng bunganga ang lalake, “Shet, ikaw nga!” aniya kaya napahalakhak si Casey. Mataas ang tingin ni Steven kay Casey ‘nong nasa law school pa lang sila. Napapahanga siya sa galing at talino nito. Pero ibang usapan na kung ga’no kalayo ang narating ni Casey ngayon. Hindi makapaniwala si Steven na ang hinahangaan niyang si Cassandra Andrada ay nakatago sa katauhan ni Hera – isang batikang abogado sa bansa. “Grabe, Cas. Hindi ko inaakalang ikaw ang makakausap ko ngayon. Alam mo bang kabado ako nang malaman na si Hera ang abogadong kinuha ni Mr. Ybañez?” ani Steven habang kumikinang ang kulay itim nitong mga mata. “Grabe ka rin, Steven. Sa tingin mo ba ‘di ko talaga kaya maging si Hera ngayon?” saad naman ni Casey na pabirong nasasaktan sa sinabi ni Steven. “Baliw, hindi ‘yon ang ibig kong sabihin,” sagot nito at ginulo ang buhok ni Casey. Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa kaso. Kasama na rito ang bawat detalye sa panig ni Mr. Ybañez at ang ibang mga nalalaman ni Steven tungkol sa kabila. Habang si Dylan naman ay mariin silang pinapanod ilang metro ang layo mula sa Urban Hive. Matatalim na mga tingin ang pinupukol nito sa dalawa na akala mo ay hahandusay ang mga ito kung pwede lamang tumagos ang mga tingin sa bintana. Umigting lalo ang kaniyang panga sa galit at tila nakaramdam siya ng selos nang makita kung paano ngumiti at tumawa si Casey sa tuwing nagsasalita ang lalakeng kausap. Iniisip ni Dylan kung paano agad ito naka hanap ng iba. Wala paring kaalam-alam si Casey sa presensya ni Dylan na ilang metro lang ang kayo sa kanila hanggang sa natapos ang pag uusap nila ni Steven. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam agad siya kay Steven na aalis na. Napag desisyonan niyang bigyan ng reward ang sarili kaya naisipan niyang dumaan muna sa mall. Halos isang oras din siyang nag libot sa mall at binili ang lahat ng mga nagustuhan niya hanggang sa makaramdam siya ng pagod at napag desisyonang umuwi na. Nang makabalik siya sa mansyon ay nakiusap siya sa mga kasambahay na ipasok ang lahat ng mga pinamili niya sa kaniyang kwarto. Biglang umihip ang malakas na hangin pagbaba niya ng sasakyan kaya hinawi niya ang iilang mga hibla ng kaniyang buhok at nilagay ito sa likuran ng kaniyang tenga. Napahawak siya sa kaniyang leeg at biglang napahinto nang mapagtantong may kulang sa kaniya. Wala siyang suot na kwintas. Hindi na siya mapakali at dali-daling hinanap ito sa hand bag niya ngunit wala. Mahalaga ang kwintas na ‘yon para sa kaniya, hindi ‘yon pwede mawala. Nanlamig siya nang mapagtantong baka naiwan niya ito sa rest house ng mga Almendras sa La Union. Napatampal siya sa noo dahil posible nga ‘yon. Dali-dali siyang pumasok ulit sa sasakyan at bumiyahe pa-La Union. Ang dalawang oras na biyahe ay naging isang oras lamang kay Casey sa sobrang pagmamadali nito. Inaasahan niyang hindi niya maabutan o hindi siya maabutan ni Dylan sa rest house. Paparoon lang naman siya para hanapin ang kwintas at aalis din kaagad. Nang makarating ay nadatnan niya ang limang body guards na nakabantay sa labas. Bumaba siya sa sasakyan at lumapit sa gate. Parang wala naman si Dylan ngayon dahil walang sasakyan na nakaparada sa labas kaya kampante siya. “Magandang umaga, Mrs. Almendras,” bati ng mga ito sa kaniya. Sandaling nakaramdam ng kirot sa puso si Casey nang marinig na kinikilala pa rin siya ng mga ito bilang asawa ng boss nila. Tuluyan nang pumasok si Casey bahay at umakyat sa pangalawang palapag kung nasa’n ang kwarto nila ni Dylan. Biglang bumigat ang bawat hakbang niya papalapit sa pinto nito. Tila bumalik ang lahat ng ala-ala niya kasama si Dylan sa loob ng apat na sulok ng kwartong ‘yon sa mga unang araw na nagsama sila bilang mag-asawa. Napalunok siya nang makarating sa tapat ng pinto at dahan-dahang binuksan ito gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Madilim sa loob ngunit sapat na ‘yon para makita ang lalakeng nakatayo at nakatalikod sa pinto. Nanigas si Casey sa kaniyang kinatatayuan nang maabutan si Dylan na nakayuko at tila may tinitignan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang lingunin siya nito. Nagkatitigan sila ng mga mapupungay nitong mga mata, at saka niya namalayang hawak pala nito ang wedding ring nila na tinapon niya na. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay mabibilang lang sa daliri kung ilang beses pumasok si Dylan sa kwartong ‘yon. At ngayon ay natagpuan siya ni Casey sa loob kung kailan nanalapit na ang pagwawalang bisa ng kanilang kasal. Halos sumabog ang puso ni Casey sa lakas ng tibok nito. Hindi siya makapag isip nang maayos kung tatakbo na lang ba siya palabas at hayaan na ang kwintas o itutuloy pa rin ang binabalak niya kahit nandito ang asawa. Nais niya mang umatras nalang ay tila hinihila siya pabalik ng mga tingin nito. Nakakatunaw at sadyang nakakatakot, na kapag nagpadala ka ay tuluyan kang mahuhulog… sa pangalawang pagkakataon.Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe
Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba
Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi
Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng
Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik
Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa