เข้าสู่ระบบSabi nila, ang buhay daw ng isang fresh graduate ay parang teleserye na puno ng pag-asa, pangarap, at siyempre, matinding kaba. Pero sa kaso ko, ang teleserye ko ay may kasamang plot twist na hindi man lang dumaan sa scriptwriter. Habang ang mga kaklase ko ay busy sa pagpo-post ng “Licensed Nurse soon!” sa social media, ako naman ay busy sa pag-compute kung ilang lata ng gatas ang mabibili ko sa hinaharap.
Pero dahil nga kailangan kong panindigan ang korona ng pagiging palaban at dahil kailangan ko ng panggastos sa check-up, hindi ko hinayaang lamunin ako ng lungkot. Nag-take ako ng Board Exam na parang walang dalang “extra passenger” sa loob ng tiyan ko. Sabi ko nga sa baby ko habang naglilshade ng questionnaire, “Nak, tulungan mo si Mommy mag-shade ng tamang letter, ha? Para sa future mo ’to. Huwag kang malikot diyan, nahihilo ako!” Habang naghihintay ng result, hindi ako pwedeng nganga. Hindi pwedeng umasa lang sa relief goods o sa himala ni San Pedro. Kaya naman, bitbit ang aking resume at ang aking laging handang ngiti, nag-apply ako sa iba’t ibang ospital at medical centers. Doon ko nakilala ang isa pang karakter sa magulo kong buhay—si Adrian Villanueva. Si Adrian ang may-ari ng Villanueva Medical Center, isang sikat na private facility. Noong una ko siyang makita sa interview, muntik ko nang makalimutan ang pangalan ko. Hindi siya yung tipong bilyonaryo na parang laging galit sa mundo. Hindi katulad nung nasa Room 1013! Si Adrian ay calm. Yung tipong kahit nagkakagulo na sa ER, kaya niyang ayusin ang lahat gamit lang ang kaniyang malumanay na boses at matatalinong mata. At aminin natin, matangkad siya, malinis tignan, at amoy expensive fabric softener na hinaluan ng tagumpay. “So, Althea, your credentials are impressive. But you look a bit... pale. Are you sure you can handle the shift here?” tanong niya habang nakatitig sa akin ng diretso. Naramdaman ko ang bahagyang pag-angat ng sikmura, pero nginitian ko siya ng abot-tenga. “Sir, ang pagod po ay mindset lang. Pero ang sahod, kailangang totoo. Kayang-kaya ko po ’yan. Kahit mag-double shift pa ako, basta ba may libreng kape at paminsan-minsang sulyap sa guwapo niyong mukha!” Natawa siya nang mahina. Isang tunog na parang musika sa pandinig. “You’re funny. I like your energy, Althea.” Doon nagsimula ang serye ng pagpaparamdam niya. Sa loob ng ilang araw kong pagtatrabaho bilang assistant nurse, dahil wala pa ngang result ang boards, palagi siyang sumusulpot sa station ko. Minsan may dalang kape, minsan naman ay magtatanong ng kung anu-ano na halata namang excuse lang para makausap ako. “Althea, are you free tonight? There’s a new Italian place nearby,” aya niya isang hapon habang nag-aayos ako ng charts. “Naku, Sir Adrian! Italian? Baka sa sobrang sarap ng pasta, makalimutan ko pong boss kita at hingan kita ng dagdag na allowance,” biro ko sabay tawa. “Pass muna ako, Sir. May date po kasi ako sa kama ko. Long distance relationship po kami, miss na miss na namin ang isa’t isa.” Ngumiti lang siya, yung ngiting parang nagsasabing hindi siya susuko. “I’ll ask again tomorrow, then.” Napakamot na lang ako ng ulo. Adrian is perfect. Pero sa kalagayan ko ngayon? No way! Baka kapag nalaman niyang may laman na ang oven ko, bigla siyang mag-evacuate. Pagkatapos ng shift ko, dumeretso ako sa isang milk tea shop para makipagkita sa kaisa-isa kong best friend, si Kyle. Hindi pa nga ako nakakaupo, ang laki na ng mga mata niya. Inayos niya ang kaniyang polo shirt na tila ba may duming nakita sa akin. “Hoy, Althea Reyes! Anong nangyayari sa ’yo?” bungad niya sabay turo sa dibdib ko at sa bahagyang nanaba kong pisngi. “Bakit parang... lumolobo ka? At bakit ang ganda ng skin mo? Isang buwan ka lang nawala, parang uminom ka ng isang balde ng collagen! At bakit ka humihingal sa paglalakad lang?!” Umiwas ako ng tingin at s******p sa milk tea ko. “Ano ka ba, Kyle. Stress lang ’to sa boards. Alam mo namang kapag stressed ako, napapakain ako ng marami.” “Liar! Sinungaling ka! Kitang-kita sa aura mo, 'teh! Iba ’yang glow na ’yan! Glow ng buntis ’yan, hindi glow ng nag-review! Bakla, sabihin mo ang totoo!” halos pabulong-sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata. Dahil alam kong wala rin naman akong kawala kay Kyle, dinala ko siya sa isang mas pribadong sulok. Huminga ako nang malalim. “Kyle... totoong buntis ako. Tatlong buwan.” Para namang binaril si Kyle sa narinig. Nanigas ang kaniyang panga bago biglang naging OA ang reaksyon. “OH MY GOOOD! ALTHEA! SINONG AMA?! SINO ANG LAPASTANGAN NA SUMIRA SA KATAHIMIKAN NG MATRIS MO?!” halos tumalon siya sa kinauupuan niya. “Dinala lang kita sa gala para mag-enjoy, hindi para mag-repopulate ng mundo! Who is he?!” “Hinaan mo nga ang boses mo!” pabulong kong saway. “Bes... si Lucien Cortez.” Doon na literal na nalaglag ang panga ni Kyle. Muntik na niyang mabitawan ang baso niya. “Lucien? As in... Lucien Cortez?! Yung bilyonaryong kaibigan ni Papa?! Yung fiancé ni Victoria na mukhang bruhang impakta?! ’Yung babae na sinabihan mong kabayo?! Pero paano?” Tumango ako nang mahina, tila bumabalik sa akin ang bawat detalye ng gabing ’yon. “Gabing ’yon, Kyle. Nung iniwan mo ako sandali para makipag-usap sa mga business partners ng papa mo? Nalasing ako. Sobrang hilo ko na at hindi ko na makita ang mga numero. Pumasok ako sa Room 1013... akala ko yun yung Room 1018 natin.” “ANO?! ROOM 1013?! BES, ROOM 1018 ANG SINABI KO SA ’YO! MALAYO YUN!” sigaw niya, hindi na mapigilan ang pagka-bakla. “At si Lucien ang nandoon?! Anong ginawa niyo?! Lord, forgive me for being curious pero... bes, masarap ba?! Charot! I mean, paano?! Bakit hindi ka lumabas?!” “Kyle, lasing nga ako! At siya rin, mukhang may pinagdadaanan. Akala ko... basta, akala ko panaginip lang lahat. Pagkagising ko, doon ko lang na-realize na maling kwarto ang napasukan ko. Tumakas ako agad bago pa siya magising!” Napatayo si Kyle at nagsimulang mag-lakad nang pabalik-balik sa maliit na espasyo. “GIRL! ANO ITO?! NOBELA?! Bakit ikaw ang nabuntis ng bilyonaryo habang ako, puro ghoster lang ang nakukuha?! Lucien Cortez! Yung lalaking parang Greek God na nilublob sa ginto! Ang galing mong mamili ng sperm donor! High quality! Premium! Limited Edition!” “Anong high quality?! Kyle, disaster ito! Hindi niya ako kilala. At ayaw kong makilala niya ako! May fiancée siya, Kyle. At alam mo namang masisira ang buhay ko kapag nalaman ni Victoria!” “Anong hindi kailangan?! Bakla ka, obligasyon niya ’yan! Isipin mo, ang anak mo ay isang Cortez! Tagapagmana ng imperyo!” nag-umpisa na siyang mag-hysterical. “Pero wait... Room 1013. My God, Althea! Ibig sabihin, habang hinahanap kita nung gabing ’yon, nakikipag-jerjeran ka na sa pinaka-eligible bachelor ng bansa?! I am so shookt! My head is flying to Mars!” “Bes, seryoso ako. Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino, lalo na sa pamilya mo. Palalakihin ko ang batang ito nang mag-isa. Kaya ko ’to.” “Kaya mo naman talaga, bes. Nurse ka, resilient ka. Pero girl, ’wag kang pakakasiguro. Sa ganda mong ’yan? At sa talino ng magiging anak mo? Siguradong lalabas at lalabas ang katotohanan!” Hinawakan niya ang kamay ko nang madiin. “Don’t worry, secret natin ’to. I’ll be the glamorous Ninang—I mean, Ninong—of this baby. Bibili na ba ako ng Gucci na lampin?! O LV na bib?!” Nagtawanan kami, pero sa likod ng tawa ko, alam kong mahirap ang landas na tatahakin ko. Pero kahit papaano, gumaan ang loob ko dahil alam na ni Kyle. “Hoy, Kyle! Libre mo ’tong milk tea, ha? Bawal ma-stress ang buntis!” biro ko para maiba ang topic. “Aba, ang kapal! Anak ng bilyonaryo ’yang dala mo, tapos ako pagbabayarin mo?! Baka naman pwedeng hiramin ko muna ang apelyido ni Lucien pang-swipe sa credit card! O kaya tawagan natin siya, sabihin ko, ‘Sir, yung deposit niyo po, nag-interest na sa tiyan ng bff ko!’” “Kyle!” “Charot lang! Eto na, babayaran na! Basta ako ang first choice na Ninong, ha? I want the baby to call me ‘Ninang Ganda’ in private!” At muling umalingawngaw ang aming tawanan sa loob ng shop. Isang masayang tunog sa gitna ng isang napakalaking gulo na nagsimula lang sa isang maling pinto.Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming
Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa
ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi
LUCIEN’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. “Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa
ALTHEA's POV, Year 2026 (BACK TO PRESENT) Kung mayroon mang pagkakataon na gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng lupa nang buhay, ito na ‘yun. Ito na ang sandaling ‘yun. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang ingay ng mga kasambahay na kanina ay parang mga bubuyog sa bulungan ay biglang naglaho. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na parang sasabog na sa kaba. Dalawang letra lang ang binanggit ni Aeron, pero pakiramdam ko ay isang malaking bomba ang sumabog sa gitna ng mansion nina Lucien Cortez. “Papa!” Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng anak ko sa pandinig ko. Nakita ko kung paano natigilan si Lucien. Ang kaniyang malamig at seryosong mukha ay saglit na nabasagan ng emosyon ng pagkalito, gulat, at isang bagay na hindi ko mabasa. “Aeron!” sa wakas ay nabawi ko ang boses ko. Mabilis akong kumilos. Sa sobrang taranta, halos madapa ako malapitan lang ang anak ko. Hinila ko siya palayo kay
Simula nung marinig ko ang Cortez Mansion, naging paborito ko na ang kanta ng mga alarm clock. ’Yung tipong nakakagulat at nakaka-stress. Buong linggo akong hindi mapakali. Para akong nakalunok ng buhay na isda na pilit kumakawala sa tiyan ko. Tutuloy ba ako o hindi?Kung tutuloy ako, para akong pumasok sa lungga ng leon na may bitbit na steak. Pero kung hindi naman, paano ang gatas at future ni Aeron? Ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap maging mahirap na may itinatagong bilyonaryong sikreto.Siyempre, tinawagan ko ang kaisa-isa kong consultant sa mga maling desisyon sa buhay.Si Kyle.“Bakla, ’wag kang tanga! Triple pay ’yun! Triple! Ibig sabihin, yung diaper ni Aeron, pwedeng may Swarovski crystals na!” sigaw niya sa kabilang linya.“Kyle, hindi mo kasi naiintindihan. Mansion ’yun nina Lucien! Paano kung magkita kami? Paano kung makilala niya ako? At paano si Aeron?”“Eh ’di aminin! Bes, destiny na ang lumalapit sa ’yo, tinatanggihan mo pa. Ipakilala mo na kasi ang bata para







