로그인“That was Victoria Sandoval and Lucien Cortez.”
Unfamiliar sa akin ang pangalan ng babae. Pero si Lucien… “Co-Cortez Holdings?” tanong ko. Mabilis namang tumango si Kyle. Mutikan na nga talaga ako. “Hindi naman nila ako ipapapatay ’di ba?” “That… I’m not certain,” boses in Uncle Troy. Naglakad siya papunta sa amin at ang kan’yang mga mata ay nakatuon lang kay Kyle. “I’ll deal with you regarding this later,” dagdag niya at nilampasan kami. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Saktong may dumaan na waiter at puno ng inumin ang dala niyang tray kaya kumuha ako ng isa. Hindi ko alam kung ano klase ng inumin ang nahablot ko pero mabilis ko itong ininom. cough-cough-cough “Ang pait naman nito!” reklamo ko. “Ano ba klaseng inumin ’to?” “Anong tingin mo sa whiskey juice?” manghang tanong ni Kyle. Hindi ko siya nasagot agad kasi ramdam pa rin ng lalamunan ko ang pinaghalong init, pait at anghang ng inumin na ’yon. May napadaan ulit na waiter na ibang kulay naman ng inumin ang nasa tray niya. Halos kakulay na ng tubig pero may bubbles ito. Matamis siguro ’to. Kumuha ako ng isa at mabilis itong tinikman. “Hmm! Masarap ’to, ah? Anong tawag dito?” Natawa na lamang si Kyle sa akin. “Champagne.” Nagtinginan kami ni Kyle at ngumiti nang marinig namin ang tugtog ng string band. Masarap ito sa tenga at ramdam mo ang pagmamahal sa bawat nota. “Can I have this dance, Ms. Reyes?” Inilahad ni Kyle ang kan’yang palad habang naghihintay ng sagot ko. Hindi ko maiwasang kiligin dahil ang pogi ng baklang ’to ngayong gabi at ang manly ng galawan niya. Malayong-malayo sa kung kami lang dalawa ang magkasama. Bago ko siya sinagot ay inubos ko muna ang inuming kinuha ko. “It’s a pleasure to dance with you, Mr. Ledezma.” Inalalayan niya ako papunta sa gitna ng ballroom at nagsimula kaming sumayaw. Mga limang minuto rin kaming sumayaw ni Kyle pero napatigil ako ng maramdaman kong nahihilo ako. “What’s the problem?” Napahawak ako sa sintido sabay pisil. “Nahihilo ako.” “’Yan kasi ginawa mong juice ’yong whiskey,” pangungutya niya. “Buti na lang at nag-book ako ng room dito. Tara hatid kita doon para makapagpahinga ka.” “Kyle, come with me,” boses ni Uncle Troy. “I’ll introduce you to some of my business partners.” “Wait lang, Dad. Hatid ko lang si—” “Hindi na kaya ko nang mag-isa,” singit ko sa usapan nila. Future na ni Kyle ang nakasalalay dito ’no. At kaya ko namang pumunta ng room mag-isa. Nahihilo lang ako pero alam kong kaya ko. “Sigurado ka?” “Yes, Kyle,” nginitian ko siya. “Kaya ko ’to.” “Sige,” may inabot siya sa akin. “Here's the card, Room 1018” “Okay, Room 1018.” Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalangan kaya bahagya ko siyang tinulak papunta kay Uncle. “Go na.” Sinunod niya ako pero lumingon na naman siya kaya sumenyas akong ayos lang talaga ako. Nang hindi ko na sila matanaw ay lumabas na kaagad ako sa venue. Tumindi lalo ang pagkahilo ko kaya bago ako sumakay ng elevator ay hinubad ko ang suot kong heels. “Good evening, Ma’am,” bati ng elevator girl sa akin. “What floor po?” Hindi ko na maaninag ng maayos ang kan’yang mukha. Ang buong paligid ko ay umiikot na. “10th floor.” Sumandal ako sa wall ng elevator nang umandar ito. Napapikit ako ng nadagdagan lalo ang pagkahilo ko. “Ma’am nasa 10th floor na po tayo,” ring kong sabi ng elevator girl. Hindi ko man lang namalayan na tumigil at bumukas na pala ang elevator. Muntik pa akong matumba kaya napahawak ako sa pinto. Tinahak ko ang hallway ng 10th floor nang nakasandal sa pader. Ramdam ko kasing pagewang-gewang na ako kung maglakad. Pero inabutan na ako ng limang minuto at ’di pa rin mahagilap ng mata ko ang Room 1018. Pilit kong niliitan ang mata ko para mabasa ko ng maayos ang mga numero sa mga pinto. 1016 1015 1014 1018 “Sa wakas ay nahanap din kita,” kinausap ko ’yong pinto. “Bobo nga lang gumawa sa’yo. Katabi mo 1014?” Tumawa pa ako ng malakas. Tinapat ko ang card sa scanner. ’Di ko ito narinig na tumunog pero bumukas naman ’yong pinto ng pinihit ko ang doorknob. Pumasok ako sa room at sinarado ang pinto. Tanaw ko na ’yong kama kaya humakbang ako. ’Yon nga lang ay hindi ko kinaya ang bigat ng sarili kong katawan dahil sa hilo kaya nauntog ako sa pader. Gano’n pa man ay ibinuhos ko ang lahat ng natitirang lakas at kaisipan ko para makahiga sa kama. — “Hey, wake up!” “How did you end up here? Wake up!” May naririnig akong nagsasalita pero sobrang sakit ng ulo ko kaya ayaw kong dumilat ng mata. Hanggang sa maramdam kong inaalog-alog na ako. “Gumising ka, hoy!” “Hmmmm,” daing ko habang pinipilit magmulat ng mata. Nasa langit na ba ako o nananaginip lang? Bakit may pogi sa harapan ko? Nakatayo siya sa side ng kama kung saan ako nakahiga habang nakayukong tumitingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. “Hi, pogi.” “Get out of my room!” “Ayaw ko,” nakanguso kong sagot sa kan’ya. “Gusto ko tabi tayo.” “No way!” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabangon pero hinila ko rin siya pabalik kaya natumba siya sa ibabaw ko. “Shit!” Aalis sana siya pero hinawakan ko ng dalawang palad ko ang mukha niya. Niliitan ko ang mga mata ko para makita ng maayos ang mukha niya. Mapupungay ang kan’yang mga mata. Mahahaba ang mga pilikmata. Bagay na bagay sa korte ng mukha niya ang kaniyang matangos na ilong. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Napangiti ako dahil sa naisip ko. “Ang sarap mo naman.” “Whatever you’re trying to do, stop it.” Diniin ko ang dalawang palad ko sa magkabilang pisngi niya dahilan para mag-pout ang kan’yang bibig “No, no… Do—” smack-smack-smack Tatlong beses ko siyang hinalikan. “What the hell di—” smack “You’re gonna pay fo—” smack Hinintay kong magsalita siya ulit pero ‘di niya ginawa. “Oh,” nakataas ang kaliwang kilay ko, “bakit ‘di ka na nag—” smack Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil… hinalikan niya ako.Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming
Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa
ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi
LUCIEN’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. “Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa
ALTHEA's POV, Year 2026 (BACK TO PRESENT) Kung mayroon mang pagkakataon na gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng lupa nang buhay, ito na ‘yun. Ito na ang sandaling ‘yun. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang ingay ng mga kasambahay na kanina ay parang mga bubuyog sa bulungan ay biglang naglaho. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na parang sasabog na sa kaba. Dalawang letra lang ang binanggit ni Aeron, pero pakiramdam ko ay isang malaking bomba ang sumabog sa gitna ng mansion nina Lucien Cortez. “Papa!” Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng anak ko sa pandinig ko. Nakita ko kung paano natigilan si Lucien. Ang kaniyang malamig at seryosong mukha ay saglit na nabasagan ng emosyon ng pagkalito, gulat, at isang bagay na hindi ko mabasa. “Aeron!” sa wakas ay nabawi ko ang boses ko. Mabilis akong kumilos. Sa sobrang taranta, halos madapa ako malapitan lang ang anak ko. Hinila ko siya palayo kay
Simula nung marinig ko ang Cortez Mansion, naging paborito ko na ang kanta ng mga alarm clock. ’Yung tipong nakakagulat at nakaka-stress. Buong linggo akong hindi mapakali. Para akong nakalunok ng buhay na isda na pilit kumakawala sa tiyan ko. Tutuloy ba ako o hindi?Kung tutuloy ako, para akong pumasok sa lungga ng leon na may bitbit na steak. Pero kung hindi naman, paano ang gatas at future ni Aeron? Ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap maging mahirap na may itinatagong bilyonaryong sikreto.Siyempre, tinawagan ko ang kaisa-isa kong consultant sa mga maling desisyon sa buhay.Si Kyle.“Bakla, ’wag kang tanga! Triple pay ’yun! Triple! Ibig sabihin, yung diaper ni Aeron, pwedeng may Swarovski crystals na!” sigaw niya sa kabilang linya.“Kyle, hindi mo kasi naiintindihan. Mansion ’yun nina Lucien! Paano kung magkita kami? Paano kung makilala niya ako? At paano si Aeron?”“Eh ’di aminin! Bes, destiny na ang lumalapit sa ’yo, tinatanggihan mo pa. Ipakilala mo na kasi ang bata para
Sabi nila, kapag may nagsara daw na pinto, may bubukas na bintana. Pero sa kaso ko, pagkatapos ng eksena sa mansion ng mga Ledezma four years ago, parang hindi lang bintana ang bumukas. Parang gumuho pati yung pader.Siyempre, hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos sabihin ni Uncle Troy na alam
Sabi nila, ang buhay daw ng isang fresh graduate ay parang teleserye na puno ng pag-asa, pangarap, at siyempre, matinding kaba. Pero sa kaso ko, ang teleserye ko ay may kasamang plot twist na hindi man lang dumaan sa scriptwriter. Habang ang mga kaklase ko ay busy sa pagpo-post ng “Licensed Nurse s
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magsimulang magbalik ang malay ko. Ang unang naramdaman ko ay ang sobrang lamig ng aircon na humahalik sa hubad kong balat, pero agad iyong napawi ng isang kakaibang init na nakabalot sa bewang ko. Isang mabigat na braso ang nakadagan doon, matigas at tila an
“You asked for—”Hinalikan ko siya at ‘di ko pinatapos sa kan’yang sasabihin. Impluwensya siguro ng alak itong pagiging palaban ko. Isang halik na hindi na smack—kundi isang halik ng babaeng sabik.Ilang segundo ring nanigas ang kan’yang katawan bago siguro maproseso ng utak nya kung ano ang nangya







