공유

The CEO’s Secret Heir
The CEO’s Secret Heir
작가: Miss Ching

Prologue

작가: Miss Ching
last update 게시일: 2026-04-28 11:21:24

CORTEZ MANSION, Year 2026

Sa gitna ng sikat ng araw na tumatagos sa naglalakihang bintana ng mansyon ng mga Cortez, hila-hila ni Althea Reyes ang maliit na maleta ng kaniyang gamit at ang malambot na kamay ng kaniyang limang taong gulang na anak na si Aeron. Isang private nurse si Althea para sa mag-asawang Donya Elena at Don Ricardo Cortez, at dahil biglaang nag-day off ang kaniyang nanay na siyang tanging bantay ng bata, wala siyang ibang pagpipilian kundi isama ang anak sa trabaho.

“Aeron, baby, listen to Mommy,” seryosong sabi ni Althea habang nakaluhod sa tapat ng bata bago sila pumasok sa main door. “This is a very big house. Maraming mamahaling gamit dito. You stay in the staff lounge, okay? Don’t run, don’t shout, and most importantly, behave. Maliwanag?”

Tumango ang bata, ang kaniyang malalaking mata ay puno ng kuryosidad. “Yes, Mommy. I’ll just read my book and solve my puzzles.”

Sa edad na lima, si Aeron ay hindi ordinaryong bata. Maliban sa taglay nitong kaguwapuhan na madalas ipagpapasalamat ni Althea sa isang gabi ng pagkakamali na pilit niyang kinakalimutan ay napakatalino rin nito. Ang kaniyang pananalita ay mas matanda pa kaysa sa kaniyang edad.

Nang makapasok sila, agad na nag-umpukan ang mga kasambahay. “Hala! Althea, anak mo ba ito? Napakaguwapo!” tili ni Manang Celia.

“Naku, mukhang anak ng mayaman! Saan mo ba ito pinaglihi, Althea? Parang galing sa commercial ng gatas!” dagdag pa ni Jessa, ang pinakabatang katulong sa mansyon.

Lumapit si Jessa kay Aeron at sinubukang kurutin ang pisngi nito. “Hi, pogi! Alam mo ba kung gaano ka ka-cute? Gusto mo ba ng candy? Para ibigay mo sa akin ang number ng Daddy mo,” biro ni Jessa na tumatawa.

Tumingin si Aeron kay Jessa, walang emosyon ang kaniyang mukha. “Miss, according to my logic, you don't need my father's number. You need a better skincare routine. Your pores are visibly dilated and you have dark circles under your eyes. You should sleep more instead of looking for numbers.”

Natahimik ang buong kitchen area. Ang tawang kanina ay umalingawngaw ay napalitan ng awang tingin kay Jessa na ngayo’y tila estatwa, namumula ang mukha sa pagkapahiya.

“Aeron!” sita ni Althea, bagaman pilit niyang itinatago ang ngiti.

“What, Mommy? I was just giving her professional health advice,” inosenteng sagot ng bata.

“Ayan, Jessa, pilyo ka kasi! Napahiya ka tuloy sa bata. Ang talino nito, Althea!” hagalpak ni Manang Celia habang inaabutan ng biskwit si Aeron.

Lumipas ang ilang oras at naging kampante na si Althea. Tulog na ang mag-asawang Cortez pagkatapos nilang uminom ng gamot, kaya pansamantalang nakiupo muna siya sa Staff Hall kasama ang ibang trabahante. Masaya ang kwentuhan, puno ng asaran at tawanan.

“Alam mo ba, Althea, kung hindi ka lang naging nurse, baka naging model ka na rin,” pang-uuto ni Mang Kanor, ang hardinero.

“Naku, Mang Kanor, tigilan mo ako. Ang modelo lang na kaya ko ay model ng fatigue at puyat,” tumatawang sagot ni Althea habang kumakain ng pansit.

“Ay, naku, speaking of model! Alam niyo ba ang balita?” biglang singit ni Marites, ang pinaka-tsismosa sa grupo. “Ang bunsong anak nina Donya Elena, si Sir Lucien? Balitang-balita na may dine-date na namang sikat na aktres kahit matagal niya nang fiancée ’yong Victoria. Balita ko rin ay uuwi raw dito ’yun para asikasuhin ang business ng pamilya.”

Biglang nabulunan si Althea. Mabilis niyang inabot ang tubig. “L-Lucien? Kailan daw?”

“Ewan ko ba dun, balitang susulpot lang daw na parang kabute,” sagot ni Marites. “Pero aminin mo, Althea, nung huling uwi nun dito, nakita mo ba? Sobrang bango! Yung amoy na kahit nakatalikod ka, alam mong yayamanin ang dadaan.”

“Hoy, Marites! Huwag mong landiin si Sir Lucien sa harap ni Althea, baka matakot ’yan,” biro ni Manang Celia. “Pero totoo, napaka-strikto nun. Walang pinapalampas na mali.”

Biglang tumahimik ang paligid nang marinig ang mabilis na yabag ng sapatos sa hallway. Hingal na hingal na pumasok ang isa sa mga security guards.

“Guys! Guys! Nandiyan na! Ang sasakyan ni Sir Lucien, pumasok na sa gate!” anunsyo nito.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Althea. Ang tawanan sa Staff Hall ay napalitan ng taranta. Nagpulasan ang mga kasambahay para ayusin ang kanilang mga sarili. Pero si Althea, nanatiling nakatayo, nanlalamig ang mga kamay.

Kumabog ang dibdib niya nang napakabilis. Alam niyang darating ang araw na ito dahil ito ang bahay ni Lucien, pero umasa siyang hindi sila magtatagpo. Limang taon na ang nakalipas. Isang gabi sa isang charity gala kung saan siya ay nagpanggap na girlfriend ng kaniyang kaibigan. Siya at si Lucien ay lulong sa alak. Isang pagkakamali. Isang gabi na nagbunga ng pinakamahalagang regalo sa buhay niya—si Aeron.

Huminga ka, Althea, utos niya sa sarili. Lahat ng Santo, tulungan niyo ako. Pinakalma niya ang sarili. Limang taon na ang nakalipas.

Nakatali ang buhok ko ngayon, naka-uniporme, at madilim sa hotel na ’yun noon. Hindi niya ako makikilala. Isang gabi lang ’yun. Irrelevant lang ako sa buhay ng isang bilyonaryong katulad niya. Hindi niya ako maaalala.

Pinuntahan ni Althea si Aeron na tahimik na naglalaro sa isang sulok ng lounge. “Aeron, baby, listen. Stay here, okay? Huwag kang lalabas. May darating na bisita ang mga boss ni Mommy.”

“Is it the important man, Mommy?” tanong ni Aeron, nakatingala sa kaniya.

“Yes, baby. So please, stay put.”

Lumabas si Althea sa hallway para sumalubong, kasama ang iba pang staff na nakahanay na parang mga sundalo. Ang malaking pinto ng mansyon ay bumukas, at pumasok ang isang lalaking may tindig na tila nagmamay-ari ng mundo.

Suot ni Lucien Cortez ang isang charcoal gray suit na saktong-sakto sa kaniyang matipunong pangangatawan. Ang kaniyang buhok ay maayos na naka-style, at ang kaniyang mukha ay tila inukit ng mga anghel pero may lamig na sapat para magpabitaw ng kuryente sa sinumang tumingin sa kaniya.

Yumuko ang lahat. “Welcome home, Sir Lucien.”

Tumango lang siya, walang ngiti. Ang kaniyang mga mata ay lumingon sa paligid, malamig at mapanuri. Tumigil ang kaniyang paningin kay Althea. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, tila may pilit na inaalala.

Parang hihimatayin si Althea sa kaba. Ibinaba niya lalo ang kaniyang tingin. Please, huwag mo akong makilala. Please, lumakad ka na paakyat.

Humakbang si Lucien papalapit sa direksyon ni Althea. Ang bawat tunog ng sapatos nito sa marble floor ay parang hatol ng kamatayan para sa kaniya. Pero hindi siya nito kinausap. Lalampasan na sana siya nito nang biglang may marinig silang maliit na boses mula sa likuran.

“Mommy, I finished my puzzle!”

Lumuwa ang mata ni Althea. Lumabas si Aeron mula sa Staff Hall, hawak ang kaniyang puzzle board. Ang lahat ng staff ay napasinghap. Alam ng lahat na ayaw ni Lucien ng gulo o ingay, lalo na ang mga bata sa kaniyang teritoryo.

Tumigil si Lucien sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon para tignan ang bata.

Nagtagpo ang tingin ni Lucien at ni Aeron. Katahimikan ang bumalot sa buong mansyon. Ang mga kasambahay ay tila hindi makahinga. Si Althea naman ay handa na sanang humingi ng paumanhin at hilahin ang anak palayo.

Pero bago pa man makapagsalita si Althea, binitawan ni Aeron ang kaniyang puzzle board. Ang kaniyang mga mata ay kuminang sa tuwa habang nakatingin sa mukha ng bilyonaryo. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng bata—ang ngiting eksaktong kopya ng ngiti ni Lucien Cortez.

Tumakbo si Aeron patungo kay Lucien at yumakap sa binti nito. Tumingala ang bata at masayang sumigaw.

“Papa!”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 13

    Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 12

    Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 11

    ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 10

    LUCIEN’s POV ​Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. ​Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” ​Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. ​“Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 9

    ALTHEA's POV, Year 2026 (BACK TO PRESENT) ​Kung mayroon mang pagkakataon na gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng lupa nang buhay, ito na ‘yun. Ito na ang sandaling ‘yun. ​Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang ingay ng mga kasambahay na kanina ay parang mga bubuyog sa bulungan ay biglang naglaho. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na parang sasabog na sa kaba. Dalawang letra lang ang binanggit ni Aeron, pero pakiramdam ko ay isang malaking bomba ang sumabog sa gitna ng mansion nina Lucien Cortez. ​“Papa!” ​Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng anak ko sa pandinig ko. Nakita ko kung paano natigilan si Lucien. Ang kaniyang malamig at seryosong mukha ay saglit na nabasagan ng emosyon ng pagkalito, gulat, at isang bagay na hindi ko mabasa. ​“Aeron!” sa wakas ay nabawi ko ang boses ko. ​Mabilis akong kumilos. Sa sobrang taranta, halos madapa ako malapitan lang ang anak ko. Hinila ko siya palayo kay

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 8

    Simula nung marinig ko ang Cortez Mansion, naging paborito ko na ang kanta ng mga alarm clock. ’Yung tipong nakakagulat at nakaka-stress. Buong linggo akong hindi mapakali. Para akong nakalunok ng buhay na isda na pilit kumakawala sa tiyan ko. Tutuloy ba ako o hindi?Kung tutuloy ako, para akong pumasok sa lungga ng leon na may bitbit na steak. Pero kung hindi naman, paano ang gatas at future ni Aeron? Ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap maging mahirap na may itinatagong bilyonaryong sikreto.Siyempre, tinawagan ko ang kaisa-isa kong consultant sa mga maling desisyon sa buhay.Si Kyle.“Bakla, ’wag kang tanga! Triple pay ’yun! Triple! Ibig sabihin, yung diaper ni Aeron, pwedeng may Swarovski crystals na!” sigaw niya sa kabilang linya.“Kyle, hindi mo kasi naiintindihan. Mansion ’yun nina Lucien! Paano kung magkita kami? Paano kung makilala niya ako? At paano si Aeron?”“Eh ’di aminin! Bes, destiny na ang lumalapit sa ’yo, tinatanggihan mo pa. Ipakilala mo na kasi ang bata para

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status