MasukMabigat ang talukap ng mga mata ko nang magsimulang magbalik ang malay ko. Ang unang naramdaman ko ay ang sobrang lamig ng aircon na humahalik sa hubad kong balat, pero agad iyong napawi ng isang kakaibang init na nakabalot sa bewang ko. Isang mabigat na braso ang nakadagan doon, matigas at tila angkin na angkin ang bawat kurba ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting-puti na kisame ang bumungad sa akin, kasunod ang amoy ng mamahaling pabango at alak na humalo sa amoy ng… lalaki. Sandali. Lalaki? Nanigas ang buong katawan ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Hindi ko ito kwarto. At mas lalong hindi ko kilala ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko habang ang mukha ay nakasubsob sa aking balikat. Dios mio. Anong ginawa ko? Sinubukan kong ikilos ang aking mga binti pero agad akong napangiwi. Isang matinding kirot at hapdi ang gumuhit sa pagitan ng aking mga hita. Ramdam ko ang pananakit ng aking private part, isang malinaw na ebidensya ng nangyari kagabi—ang panggigigil, ang bilis ng ritmo, at ang walang humpay na pagsasanib ng aming mga katawan. Panic. Iyon ang bumalot sa buong sistema ko. Ang puso ko ay parang gustong kumawala sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok. Althea, gaga ka! sigaw ng utak ko. Impluwensya ng alak, oo, pero hindi sapat na dahilan iyon para makipag-one night stand ako sa isang estranghero! Dahan-dahan, parang isang magnanakaw sa sarili kong gabi, inalis ko ang kaniyang braso sa bewang ko. Bawat galaw niya, bawat ungol niya habang natutulog ay nagpapatigil sa paghinga ko. Nang sa wakas ay makawala ako, dahan-dahan akong bumangon. Halos mabuwal ako nang tumama ang paa ko sa sahig dahil sa pangangatog ng tuhod ko. Hinanap ng mga mata ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Ang underwear ko sa paanan ng kama, ang dress ko sa malapit sa pintuan ng banyo. Mabilis ko iyong kinuha at isinuot nang hindi man lang nag-aabalang maglinis ng katawan. Ang mahalaga ay makalabas ako rito. Ang mahalaga ay hindi niya ako makitang gising. Sinuot ko ang aking sapatos, bitbit ang aking bag na buti na lang ay nasa ibabaw ng side table. Bago ako tuluyang lumabas, nilingon ko ang lalaki. Nakadapa na siya ngayon, kalahati ng mukha ay natatakpan ng unan pero sapat na para makita ang matangos niyang ilong at ang magulong buhok. Guwapo siya, oo. Pero ang guwapong ito ay isang malaking pagkakamali. Tahimik kong binuksan ang pinto at mabilis na lumabas. Pagkasara ng pinto, napasandal ako sa pader ng hallway at huminga nang malalim. Tumingin ako sa numerong nakadikit sa pinto. Room 1013. Kumunot ang noo ko. Kinapa ko ang keycard sa bag ko na kinuha ko kagabi mula sa reception para sa kwarto namin ng mga kaibigan ko. Room 1018. “Tangina…” mahinang mura ko. Maling kwarto. Dahil sa kalasingan ko kagabi, pumasok ako sa maling kwarto. At ang mas malala, hinayaan ako ng lalaking nasa loob na manatili doon at gawin ang lahat ng ’yun. Ang huling naaalala ko ay ang pag-asar ko sa kaniya, ang pagiging palaban ko... lahat ng 'yun ay dahil akala ko nasa tamang lugar ako. Mabilis akong naglakad patungo sa elevator, hindi na iniintindi ang gulo-gulo kong buhok at ang hapdi sa paglalakad. Gusto ko na lang maglaho. Pagdating ko sa lobby, agad akong yumuko at nagtago sa likod ng isang malaking poste nang makita ang isang pamilyar na boses na sumisigaw sa reception desk. “I don’t care if he’s resting! I am his fiancée! Now, tell me which room is Lucien Cortez’s!” Halos tumalon ang puso ko sa narinig. Si Victoria. Ang babaeng pinahiya ko sa party kagabi dahil nabangga ko siya ng ’di ko sinasadya. At ang hinahanap niya? Si Lucien Cortez. “R-room 1013 po, Ma’am.” Biglang nag-sink in sa akin ang lahat. Room 1013. Ang lalaking nasa loob ng kwartong ’yun… ang lalaking siniil ako ng halik, ang lalaking pinaramdam sa akin ang langit sa gitna ng kalasingan… siya si Lucien Cortez? Ang bilyonaryong fiancée ni Victoria? Gulo. Malaking gulo. Kung malalaman ni Victoria na ang babaeng kinamumuhian niya ang siyang sumalo sa init ng kaniyang fiancée kagabi, siguradong katapusan ko na. Hindi lang basta sampal ang aabutin ko—sisiguraduhin niyang wala akong mapapasukang trabaho pagkatapos ng graduation. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Habang abala si Victoria sa pakikipag-away sa staff, mabilis akong lumabas ng hotel. Hindi ko na inisip ang kaibigan ko. Ang tanging nasa isip ko ay ang lumayo. Lumayo sa hotel na ’to, lumayo kay Lucien, at ibaon ang gabing ito sa limot. Isang buwan makalipas… Nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin ng banyo ng aking maliit na apartment. Suot ko na ang aking toga para sa graduation ceremony mamaya. Dapat masaya ako. Dapat ito ang pinaka-proud na moment ng buhay ko dahil sa wakas, ganap na akong Nurse. Pero ang tanging nararamdaman ko ay takot. Isang buwan ko nang pilit na kinakalimutan ang gabing ’yon sa hotel. Isang buwan ko nang kinukumbinsi ang sarili ko na isang panaginip lang ang lahat. Na si Lucien Cortez ay bahagi lang ng isang nakakalitong memorya na hatid ng alak. Pero ang katawan ko ay nagsimulang magsalita. Noong unang linggo, inisip ko lang na baka dahil sa stress ng finals at pag-asikaso ng graduation kaya ako nahihilo. Noong ikalawang linggo, sinisi ko ang pagod sa pag-a-apply ng trabaho kung bakit parang ayaw kong amuyin ang paborito kong ulam. Pero ngayon, isang linggo na akong delayed. Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang maliit na plastic na kinuha ko sa botika kagabi. Isang test na magpapatunay kung ang gabing ’yon ay may iniwang permanenteng marka sa buhay ko. Pumikit ako nang mariin habang hinihintay ang resulta. Please, Lord. Kahit ngayon lang. Huwag naman sana. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para tignan ang pregnancy test na nasa ibabaw ng sink. Dalawang pulang guhit. Halos gumuho ang buong mundo ko. Napahawak ako sa sink para hindi matumba. Ang lahat ng pangarap ko, ang graduation ko, ang plano kong maging private nurse para makatulong sa pamilya... lahat 'yun ay tila biglang naglaho. Ang resulta ay… Positive.Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming
Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa
ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi
LUCIEN’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. “Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa
ALTHEA's POV, Year 2026 (BACK TO PRESENT) Kung mayroon mang pagkakataon na gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng lupa nang buhay, ito na ‘yun. Ito na ang sandaling ‘yun. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang ingay ng mga kasambahay na kanina ay parang mga bubuyog sa bulungan ay biglang naglaho. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na parang sasabog na sa kaba. Dalawang letra lang ang binanggit ni Aeron, pero pakiramdam ko ay isang malaking bomba ang sumabog sa gitna ng mansion nina Lucien Cortez. “Papa!” Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng anak ko sa pandinig ko. Nakita ko kung paano natigilan si Lucien. Ang kaniyang malamig at seryosong mukha ay saglit na nabasagan ng emosyon ng pagkalito, gulat, at isang bagay na hindi ko mabasa. “Aeron!” sa wakas ay nabawi ko ang boses ko. Mabilis akong kumilos. Sa sobrang taranta, halos madapa ako malapitan lang ang anak ko. Hinila ko siya palayo kay
Simula nung marinig ko ang Cortez Mansion, naging paborito ko na ang kanta ng mga alarm clock. ’Yung tipong nakakagulat at nakaka-stress. Buong linggo akong hindi mapakali. Para akong nakalunok ng buhay na isda na pilit kumakawala sa tiyan ko. Tutuloy ba ako o hindi?Kung tutuloy ako, para akong pumasok sa lungga ng leon na may bitbit na steak. Pero kung hindi naman, paano ang gatas at future ni Aeron? Ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap maging mahirap na may itinatagong bilyonaryong sikreto.Siyempre, tinawagan ko ang kaisa-isa kong consultant sa mga maling desisyon sa buhay.Si Kyle.“Bakla, ’wag kang tanga! Triple pay ’yun! Triple! Ibig sabihin, yung diaper ni Aeron, pwedeng may Swarovski crystals na!” sigaw niya sa kabilang linya.“Kyle, hindi mo kasi naiintindihan. Mansion ’yun nina Lucien! Paano kung magkita kami? Paano kung makilala niya ako? At paano si Aeron?”“Eh ’di aminin! Bes, destiny na ang lumalapit sa ’yo, tinatanggihan mo pa. Ipakilala mo na kasi ang bata para







