Share

Kabanata 1

Penulis: Miss Ching
last update Tanggal publikasi: 2026-04-28 11:22:41

ALTHEA’s POV, Year 2020 (START OF FLASHBACK)

“Bes, tapos ka na ba? Para mapasundo na kita sa driver.”

Text ito ng bestfriend kong si Kyle. Pinilit niya akong sumama at magkunwaring girlfriend niya sa isang Charity Gala. Dapat ay may duty ako sa lugawan kung saan ako part-time nagtatrabaho, pero triple ng sahod ko ang kapalit kaya pumayag ako. Alam niya kasing gipit na gipit ako ngayon.

“Oo, bes,” simpleng reply ko sa kan’ya.

Maya-maya lamang ay tumunog ang cellphone ko. Si Kyle nasa video call kaya mabilis ko itong sinagot.

“Mag-on cam ka dali,” excited na bungad niya. “Patingin ako ng ayos mo.”

Binuksan ko ang camera at pinakita sa kan’ya ang damit at mukha ko.

“Okay lang ba?” tanong ko habang iniiba-iba ang angle ng camera.

“Yes!” mabilis niyang sagot. “Ang perfect talaga ng beauty mo, bes. Kung lalaki lang ako talaga…”

“Lalaki ka naman, ah?” biro ko.

“Na sa lalaki rin gustong lumuhod,” sagot niya at dahil doon ay sabay kaming natawa.

“Mag-out ka na kasi sa pamilya mo para wala ka nang problema kung sinong babae ang isasama mo sa mga elite gatherings,” advice ko sa kan’ya.

“Bakla ka, naka-loud speaker ako!” mahina niyang sigaw.

Napahinto ako. “Sorry, bes!”

Inirapan niya ako pero alam ko naman na biro lamang ‘yon.

“Sige na, paalis na si Manong Jun para sunduin ka. Kita tayo mamaya sa event.”

“Okay, bes.”

Dumating si Manong Jun para sunduin at ihatid ako papunta sa venue. Habang papalapit kami, lalong lumalaki at kumikinang ang hotel na parang hindi na basta gusali kundi mundo ng mayayaman.

“Sa loob na raw po kayo hihintayin ni Sir Kyle,” saad ni Manong Jun habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.

“Sige po, Manong Jun. Maraming salamat po.”

Dito pala ang event. Nalula ako sa taas ng hotel. Hindi lang ito ordinaryong hotel lang dahil bukod sa 5-star ito, isa rin sa mga pinakasikat na pamilya ang nagpapatakbo nito.

Pagpasok ko pa lang ay ramdam ko nang hindi ako nababagay rito.

Suot ang aking royal blue halter dress ay hindi naman ako nahirapang hanapin ang ballroom kung saan ginaganap ang Charity Gala. Sinundan ko lang ang mga nakita ko na nakasuot ng gowns at suits.

Hiningan ako ng invitation card sa entrance at agad ko naman itong inabot sa lalaking nakasuot ng black suit. Wow, kahit mga guard sa Charity Gala na ito ay sosyalin.

Dahil first time kong makadalo sa ganito kalaking event para sa mga elite circles ay hindi ko naiwasan na mamangha sa nakikita ng aking mga mata. Mula sa napakalaking crystal chandelier na nakasabit sa gitna ng ballroom hanggang sa napakagarang dekorasyon. Hindi rin pinalagpas ng mga mata ko ang buffet table na parang hindi pagkain ang naka-display kundi kayamanan.

“Ay kabayong may bangs!” napasigaw ako dahil may nabangga ako.

Isang babaeng nakasuot ng puting gown. Wala itong kahit na anong palamuti pero sa tela pa lang ay malalaman mo nang hindi basta-basta ang presyo nito. Mahaba ang unat niyang buhok at may… bangs.

Lagot ako nito! Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil nakita kong marami pala ang nakatingin sa direksyon namin. Napalakas ata ‘yong sigaw ko.

“What did you just say?” mataray na tanong sa akin ng babaeng nabangga ko. Nakataas ang isang kilay nito at bakas sa mukha niya ang gigil.

“Kabayong may bangs,” nasabi ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Napatingin ang lahat sa amin. May mga tumawa, may mga nagbulungan.

“How dare she call Victoria like that!”

“I know right!”

“She’s unfamiliar.”

Iilan lang ‘yan sa mga narinig kong bulungan sa loob ng ballroom. Akala ko sa mga nobela at palabas lamang nangyayari na sinasabi ng mga bida na sana biglang bumuka ang lupa at lamunin sila. Ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam na mapunta sa ganoong sitwasyon.

Nataranta ako kaya dahan-dahan akong tumalikod mula sa kan’ya para tumakas.

“Where do you think you're going?”

Natigilan ako. Dahil sa takot at kaba, ay hindi na ako nakagalaw pa. Ni kahit isang hakbang ang ‘di ko magawa.

“Ay kabayo!” sigaw ko ulit dahil bigla niya na lamang akong hinila paharap sa kan’ya.

May iilan na namang natawa at ang iba ay napasinghap.

“You!” sigaw niya sa akin.

Napapikit na lamang ako ng makita kong sasampalin na niya ako. Pero lumipas ang lima, hindi… sampung segundo na akong nakapikit pero walang palad na dumapo sa mukha ko.

“I told you not to make a scene here.”

Isang malamig pero commanding na boses ng lalaki. Ramdam ko agad na mas delikado siya kaysa sa babae.

“That b*tch is so dead!”

“Victoria’s knight and shining armor is here!”

Mga bulungan sa paligid na sinasadyang lakasan para marinig ko. Oo, alam kong dito na magwawakas ang buhay ko.

Ma, Pa, sorry at hindi man lang ako nakapagtapos sa kurso kong nursing. Susunod na ata ako sa inyo diyan.

“Babe, she embarrassed me in front of everyone,” reklamo ng babae. “ You must seek justice for—.”

“Hush now, Victoria,” pagputol ng lalaki sa kan’ya. “And you, from what family are you?”

Alam kong ako ang tinatanong ng lalaki na ‘yon pero wala akong lakas ng loob na magdilat ng mata. Ayaw kong makita ang pagmumukha nila. Natatakot ako. Help!

“She’s my son’s girlfriend, Mr. Cortez,” sabi ng isang mature at pamilyar na boses mula sa likuran ko. “Our apologies if she offended you.”

“Althea.”

Mabilis akong dumilat at hinanap si Kyle ng marinig ko ang boses niya. Nasa likuran ko siya katabi si Mr. Ledezma, ang papa niya. Tumakbo ako papunta sa kan’ya at niyakap siya. Naiyak na rin ako dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko kanina.

“No! We need to teach her a—”

“Oh, so she’s Mr. Ledezma’s future daughter-in-law,” pagputol ng lalaki sa galit na si Victoria.

“Yes,” dinig kong sagot ni Uncle.

“If that's so, we'll let this one go,” sagot ng lalaki.

Nakayakap pa rin ako kay Kyle at tinatago ang aking mukha pero nakaginhawa ako ng maluwag pagkatapos kong marinig ‘yon.

“There’s nothing to look in here,” anunsyo ni Kyle. Pilit niyang nilaliman at nilakasan ang boses niya para maging astig at commanding.

Naramdaman kong nagkalat muli ang mga taong nakatingin sa amin kanina kaya humiwalay na ako ng yakap kay Kyle.

“We're dead meat,” bulong sa akin ni Kyle habang kinakabahang nakatingin sa papa niya.

“B-bakit?” bulong ko pabalik. Nautal na ako dahil sa kaba.

“That was Victoria Sandoval and Lucien Cortez.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 13

    Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 12

    Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 11

    ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 10

    LUCIEN’s POV ​Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. ​Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” ​Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. ​“Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 9

    ALTHEA's POV, Year 2026 (BACK TO PRESENT) ​Kung mayroon mang pagkakataon na gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng lupa nang buhay, ito na ‘yun. Ito na ang sandaling ‘yun. ​Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang ingay ng mga kasambahay na kanina ay parang mga bubuyog sa bulungan ay biglang naglaho. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na parang sasabog na sa kaba. Dalawang letra lang ang binanggit ni Aeron, pero pakiramdam ko ay isang malaking bomba ang sumabog sa gitna ng mansion nina Lucien Cortez. ​“Papa!” ​Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng anak ko sa pandinig ko. Nakita ko kung paano natigilan si Lucien. Ang kaniyang malamig at seryosong mukha ay saglit na nabasagan ng emosyon ng pagkalito, gulat, at isang bagay na hindi ko mabasa. ​“Aeron!” sa wakas ay nabawi ko ang boses ko. ​Mabilis akong kumilos. Sa sobrang taranta, halos madapa ako malapitan lang ang anak ko. Hinila ko siya palayo kay

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 8

    Simula nung marinig ko ang Cortez Mansion, naging paborito ko na ang kanta ng mga alarm clock. ’Yung tipong nakakagulat at nakaka-stress. Buong linggo akong hindi mapakali. Para akong nakalunok ng buhay na isda na pilit kumakawala sa tiyan ko. Tutuloy ba ako o hindi?Kung tutuloy ako, para akong pumasok sa lungga ng leon na may bitbit na steak. Pero kung hindi naman, paano ang gatas at future ni Aeron? Ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap maging mahirap na may itinatagong bilyonaryong sikreto.Siyempre, tinawagan ko ang kaisa-isa kong consultant sa mga maling desisyon sa buhay.Si Kyle.“Bakla, ’wag kang tanga! Triple pay ’yun! Triple! Ibig sabihin, yung diaper ni Aeron, pwedeng may Swarovski crystals na!” sigaw niya sa kabilang linya.“Kyle, hindi mo kasi naiintindihan. Mansion ’yun nina Lucien! Paano kung magkita kami? Paano kung makilala niya ako? At paano si Aeron?”“Eh ’di aminin! Bes, destiny na ang lumalapit sa ’yo, tinatanggihan mo pa. Ipakilala mo na kasi ang bata para

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 7

    Sabi nila, kapag may nagsara daw na pinto, may bubukas na bintana. Pero sa kaso ko, pagkatapos ng eksena sa mansion ng mga Ledezma four years ago, parang hindi lang bintana ang bumukas. Parang gumuho pati yung pader.Siyempre, hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos sabihin ni Uncle Troy na alam

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 5

    Sabi nila, ang buhay daw ng isang fresh graduate ay parang teleserye na puno ng pag-asa, pangarap, at siyempre, matinding kaba. Pero sa kaso ko, ang teleserye ko ay may kasamang plot twist na hindi man lang dumaan sa scriptwriter. Habang ang mga kaklase ko ay busy sa pagpo-post ng “Licensed Nurse s

  • The CEO’s Secret Heir   Kabanata 2

    “That was Victoria Sandoval and Lucien Cortez.”Unfamiliar sa akin ang pangalan ng babae. Pero si Lucien…“Co-Cortez Holdings?” tanong ko.Mabilis namang tumango si Kyle. Mutikan na nga talaga ako.“Hindi naman nila ako ipapapatay ’di ba?”“That… I’m not certain,” boses in Uncle Troy. Naglakad siya

  • The CEO’s Secret Heir   Prologue

    CORTEZ MANSION, Year 2026Sa gitna ng sikat ng araw na tumatagos sa naglalakihang bintana ng mansyon ng mga Cortez, hila-hila ni Althea Reyes ang maliit na maleta ng kaniyang gamit at ang malambot na kamay ng kaniyang limang taong gulang na anak na si Aeron. Isang private nurse si Althea para sa ma

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status