Kaunti lang ang kanyang mga gamit kaya madali siyang nakapag-empake. Hindi niya inalintana ang sigaw ng kanyang kinilalang ina at umalis na ng bahay bitbit ang kanyang maleta. Nakita niya ang kanilang mga kapitbahay na nagkukumpul-kumpol sa harap ng kanilang bahay at nagbubulungan.
“Hello mga marites! O ano? Masaya na kayo sa nasagap niyong balita? Good for one week na tsismis iyan ha?” Yumuko ang mga ito na animo’y nahihiya at umalis sa harapan ng bahay nila. Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ang bahay kung saan matagal tagal na rin siyang naninirahan. Patungo siya ngayon sa kanyang bagong buhay at bagong kinabukasan.
Gamit ang G****e map, nakarating siya sa bukana ng subdivision na kung tawagi’y Monterrazas de Cebu. Napakalayo pala nito mula sa Ayala. Makailang sakay at baba siya ng dyip bago niya narating ang lugar lulan ng taxi. Wala kasing dyip na bumabyahe doon.
Istrikto si manong guard. Ayaw siyang papasukin sa subdivision kahit sinabi pa niya na si Julius Samonte ang kanyang asawa. Hindi ito naniniwala sa kanya kaya ipinakita niya ang kanyang papeles ngunit keber pa rin ito. Maano nga naman at hindi niya alam ang numero ng bahay na pupuntahan niya. Hindi rin niya matawagan si Julius kasi hindi siya binigyan ng phone number nito.
Problema nga lang ay wala na siyang pamasahe pabalik sa kanila. At wala rin siyang balak na bumalik pa sa bahay na iyon. Tanging magagawa niya sa ngayon ay hintayin si Julius.
Maalinsangan ang gabi. Nasa harap pa rin siya ng subdivision at nakaupo siya sa kubling bahagi nito. Pagod at gutom na siya.
Higit na isang oras ang lumipas bago dumating ang isang kotseng pamilyar sa kanya. Si Julius! Tuwang-tuwa siyang tumayo at kumaway dito. “Thank you, Lord, at tapos na rin ang paghihintay ko.”
Tumakbo siya papalapit sa kotse at ngumiti kay Julius. Napawi bigla ang kanyang ngiti nang seryoso siyang tinanong nito, “What are you doing here at this time of night?”
“Aba’t makalimutin ka rin pala, sir. Pinapunta mo po ako rito, remember? Kaya lang hindi mo sinabi ang house number mo at hindi kita matawagan. Hindi rin ako pinapasok ni manong guard kasi hindi mo sila tinimbrehan na darating ako. Mga higit sa isang oras lang naman akong naghihintay sa iyo,” Pekeng ngiti ang iginawad niya sa lalaki.
Bumaba si Julius, kinuha ang kanyang maleta at isinakay iyon sa kotse. “Get in.”
Walang siyang kaimik-imik habang nakasakay sa kotse. Galit pa rin siya sa lalaki dahil kinuwestyon nito kung bakit nakaabang siya sa labas ng subdivision.
Mukhang nahulaan ni Julius na galit pa rin ito sa kanya.”I had a series of meetings which took a long time to finish. Huwag mo akong sisihin kung natagalan akong dumating. Despite that, please accept my apology. Forgive me.”
Tumahimik na lamang si MJ. Narating nila ang isang unit na pag-aari ni Julius.
Namangha si MJ sa malaking bahay. May infinity pool pa sa labas at tanaw rito ang kabundukan ng Cebu. Sa buong buhay niya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok siya sa isang bahay na kasing-rangya nito.
“My room and study are on the left. Take the smaller room on the right. Huwag kang pumasok sa kwarto ko. Bawal ding galawin ang mga kasangkapan sa bahay.” Iyon lamang at umalis na ito patungo sa kwarto.
“Opo, kamahalan,” bulong ni MJ sa sarili. Maraming mga patakaran sa bahay na ito, ngunit ito ay mas makatarungan kumpara sa pamumuhay kasama ang kanyang pekeng ina. Mas gugustuhin niyang nandito siya. At saka, hindi na niya kailangan pang mag-alala sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ama.
Nasa loob na siya ng kwarto niya nang kumatok si Julius at inabutan siya ng pampalit na damit. May inabot din itong dokumento sa kanya.
“Here is a list of all my hobbies. Memorize them and don’t commit a mistake in front of grandpa tomorrow.”
Aalis na sana ng kwarto si Julius nang magtanong siya, "Gusto mo rin bang malaman ang tungkol sa mga libangan ko?"
“There’s no need for that.”
Tuluyan nang lumabas ang lalaki galing sa kwarto niya.
Ang hindi alam ni MJ ay naimbestigahan na ni Julius ang lahat ng tungkol sa kanya.
Nabasa niya ang lahat tungkol kay Julius, mula sa paborito nitong kulay, ulam, laki ng sapatos, paboritong tatak ng damit, at pati brand ng underwear. "Calvin Klein kulay puti," hagikgik niya sa sarili.
Bago matulog, nag-text siya sa kanyang manager at humingi siya ng leave. Hindi niya sinabi na ang dahilan ay bibisitahin niya ang lolo ni Julius.
Gaya ng dati, sumabog sa galit ang manager niya. "Nag-absent ka kaninang hapon! Ngayon humihingi ka na naman ng leave para bukas! I won't approve of your leave! Kung hindi ka papasok sa trabaho bukas, hindi ko i-credit ang sweldo mo ngayon para sa buong araw!
Nalungkot si MJ. Kailangan talaga niya ng pera sa mga panahong ito. Bawat sentimo ay mahalaga. Pero wala siyang magawa. Kailangan niyang samahan si Julius sa residential house nito at simulan na ang kanilang pag balatkayo.
Let the show begin!
"May pagka-Marites ka talaga! Nakikinig ka sa mga usap-usapan kahit hindi ka kasali!" Nagalit si MJ, medyo namumula ang mukha.“Ba’t kaya ganito ang taong ito? Mayaman sana pero may pagka Marites!"If I remember correctly, nakatayo ka sa harap ng kotse ko. You’re invading my space, yet you accuse me of spying on you?"Mabagal ang pagsasalita ni Julius at malamig ang boses nito, ngunit nagawa niyang patahimikin si MJ..Nabulunan si MJ at pasimpleng sumuko. Sa kahihiyan, pinilit niyang basagin ang katahimikan at ngumiti. “Dahil narinig mo po ang mga pinagsasabi ko, maari ba kitang ipagluluto? Ito ay simpleng pasasalamat ko sa mga tulong mo sa akin.”"No." Anak ng….Tsk, walang awa talaga ang taong ito. Mahirap bang ako’y pagbigyan?Wala talagang masabi si MJ pagkatapos siyang tinanggihan ni Julius.Mula noong bata pa siya, tinuruan na siya na dapat magpasalamat ang mga tao sa mga tumulong sa kanila. Palagi niyang naaalala ang paulit-ulit na pagliligtas sa kanya ni Julius, kasama na ang
Biglang nagpupumiglas si Jackie nang buong lakas, na parang baliw. "Hindi ako aalis sa kompanyang ito! Over my dead body! I am the Director of the Department of Design! Walang sinuman ang pwedeng makapagpaalis sa akin maliban kay Sir Julius!""Bilang isang designer, hayagang nangopya ka sa drawing ng ibang tao, at may lakas ka pa ng loob na sabihin na ayaw mong umalis? Maaari kitang tanggalin sa trabaho ngayon din!"Mamula-mula ang mga mata ni Jackie, at biglang sinugod si MJ, "Are you satisfied now? Nagawa mo na ang nais mo na maglagay ng trap para sa akin!"Akmang sasabunutan sana ni Jackie si MJ, ngunit pasimple umatras ang huli at kinantyawan siya."Umalis ka na at magsama na kayo ni Direktor Dale.""Guards, escort her outside!" Sa utos ni Mr. Dolino, agad na nilapitan ng mga security guards si Jackie at kinaladkad ito palabas dahil nagpupumiglas ito. Mistulang tigre ito na kinalmot ang isa sa mga guards. Duguan ang mukha ng kawawang tao. Kakagatin sana niya ang isang guard sa br
Nanginig ang anit ni Jackie. Huminga ito nang malalim, at ngumiti ng may pag-aalinlangan. "Ay, oo nga pala, nakalimutan ko palang banggitin iyon. I should know. I designed it. Masyado ka namang maselan dahil napansin mo ito. Go back to your seat at maupo ka na."Hindi gumalaw si MJ at nanatili lang ito sa harapan, na may inosenteng ekspresyon sa kanyang mukha."Direktor Jackie, hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ang dami kong alam tungkol sa disenyo mo?"Nakaramdam si Jackie ng panginginig sa kanyang buong katawan. Talagang dehado siya kay MJ na kalma lang at puno ng kumpiyansa sa sarili. Napaisip siya na gumagawa lamang si MJ ng eksena. Isa pa, wala itong hawak na matibay na ebidensya."At bakit andami mong alam? Espiya ka ba? Ha? Are you spying on me?"“I am the one who drew this design.”Namangha ang lahat ng nakarinig. Kung gayon ay hindi si Direktor Jackie ang may-ari ng mga disenyo! Umugong ang balita sa buong silid.“What a joke! Stop with your lies, MJ. You don’t have any e
Nang bumalik si MJ sa Design Department, bitbit nito ang kanyang computer at mukhang malungkot. Mabilis na lumapit sa kanya si Janisa at nagtanong, "Anyare? Bakit hiniling sa iyo ni Sir Julius na dalhin ang iyong computer sa kanyang office? Anong pakay niya?"Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig pala si Jackie sa kanilang usapan. Nagtago ito sa likod ng isang poste para hindi nila mapansin.Napabuntong-hininga si MJ at nagkunwaring pagod. "Gustong makita ni Sir Julius ang mga design drawings ko, pero sira ang computer niya. Napagbuntunan tuloy ako ng kanyang galit dahil sira rin ang computer ko."Nababanaag ang pangamba sa mukha ni Janisa. "Kakatakot naman. Pakiramdam ko ay pinagalitan din ako ni Sir Julius. Sana ay okay ka lang."Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay nagpanting ang mga tainga. Dahil sa narinig ng mga ito, gumaan ang kanilang pakiramdam dahil naliwanagan sila. Base sa pahayag ni MJ, tila hindi interesado si Sir Julius sa babae. Sa katunayan ay minamaliit siya nito.
Biglang lumingon si Julius sa kanyang kaibigan at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kinindatan siya nito at ginawaran siya ng ngiting-aso. Pinanlakihan niya ito ng mata bilang ganti. Samantala, parang nasa cloud nine pa rin si MJ dahil sa saya. Mayroon na siyang ebidensya laban kay Jackie. “Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo, Miss Jackie,” sabi ni MJ sa sarili.Naaalala niya bigla si Julius. Yumuko siya rito bilang pasasalamat. “Maraming salamat po, Sir Julius.”"Sa halip na pasalamatan mo ako, maaari bang pumunta ka na sa iyong mesa at magtrabaho na." Walang pag-aalinlangan na sinabi ni Julius. Walang pag-aalipusta sa kanyang mga mata. Sa halip, isang makabuluhang ngiti ang masilayan sa kanyang mga labi.“Silly girl. No wonder her talent doesn’t get recognized after years of working in this company. She’s used by people as a stepping stone and oftentimes as a scapegoat. How can she be so naive?” naisip ni Julius, dismayado sa babae.Nasanay na si MJ sa tono ng boses ni Juli
"In that case, your wish is my command."Muling sumulyap si Julius sa screen ng computer. Bigla itong tumawa ng malakas na para bang nang-iinsulto at tumingin muli sa direktor. May pagkamuhi sa mga mata nito. Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at umalis.Nanginginig si Jackie habang nakatingin sa likod ng papaalis na lalaki. Recalling his cold eyes just now, hindi niya maiwasang mataranta.Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang boss? Sa tono ni Julius, parang may alam ito sa kanyang ginawa. Nagkausap kaya sila ni MJ tungkol sa mga disenyo? Labis na bumabagabag sa isip niya ang sitwasyong kanyang kinasasangkutan sa ngayon.“Hindi, hindi dapat. Sira ang computer ni MJ