Share

Kabanata 2

Penulis: Mysaria
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-13 21:33:54

Nang marinig ng mga nars ang sigaw ni Heather ay agad na nagsipasukan ito sa loob. Kitang-kita ang sakit sa mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang malaking tiyan. 

“Manganganak na ata a-ako. Tulungan niyo ako!” sigaw ni Heather sa mga ito kung kaya’t agad siya nitong inasikaso. 

Ang doktor na kanina’y kausap niya ay naroon din. “Wala pa ba ang asawa mo, misis? Anong klaseng asawa—” Huminga ng malalim ang doktor saka napailing. Siguro na-realize nito na wala ito sa posisyon na sabihin ang gusto nitong sabihin. “Misis, kailangan ng guardian na magpipirma rito sa form, hindi ka namin pwedeng ilagay sa emergency room hangga’t wala pa ang asawa mo—” 

“A-Ano!? Dito niyo ba ako papa anakin? Amin na ang form na iyan! Ako na lang ang magpipirma, ako ang guardian ng sarili ko! Kahit anong mangyari sa akin ay ako ang mananagot hindi kayo, kaya please lang… Lalabas na ang anak ko! Parang awa niyo na—Ahhh!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. 

Nararamdaman niya na rin ang ulo ng kanyang anak sa pwerta niya. Talagang gustong-gusto na nitong lumabas. 

Pipi niyang pinagmumura sa kanyang isipan ang kanyang asawa pati na ang manugang niya. 

Hindi naman niya ginustong magka-anak ulit eh, kung hindi lang siya pinilit ni Cregan na bigyan ulit ito ng isa pang anak ay hindi siya magbubuntis. Ang mahirap dito, sobrang selan na ng pagbubuntis niya. Sabi ng kanyang doktor kung nahirapan siya noong isinilang niya si Erryc ay mas mahihirapan siya sa magiging pangalawa niyang anak. At advice nga ng doktor noon sa kanila na hangga’t maari ay hindi na siya magpabuntis pa. 

Alam iyon ni Cregan ngunit wala talaga itong pakialam sa kalusugan at kaligtasan niya. 

Ngayon… mas pinili nitong manatili sa  birthday party ni Febbie kaysa puntahan siya rito sa ospital! 

Tila ba nagising siya sa realidad… Realidad na hindi naman talaga siya minahal ni Cregan. Na sa ilang taon nilang pagsasama ay siya lang ang nagmamahal at nagmamalakasakit sa kanyang pamilya. Na-realize niya na hindi naman talaga niya mababago pa ang nararamdaman ni Cregan sa kanya, na kahit anong alaga at asikaso niya sa sariling pamilya ay hindi pa rin siya nito mamahalin gaya ng pagmamahal na pinapakita ng mga ito sa kanyang kapatid na si Febbie. 

Nang inilapag ng doktor ang dokumento na dapat ang kanyang asawa ay gagawa, nanginginig niya itong pinirmahan. 

Habang pinipirmahan niya ang mga dokumento ay naririnig niya ang mga tsisimisan sa gilid. 

“Kanina pa niya tinatawagan ang pamilya niya pero ni isa ay walang dumating. Pati nga asawa niya ay wala rito sa ospital. Nakakaawa naman siya,” bulong na sabi ng isang nars sa kaibigan nito. 

“Grabe ‘no? Mga walang puso, kapag ako niyan hihiwalayan ko na ang asawa ko.” 

“Ang sabi pa, uma-attend daw ng birthday party ng kapatid nito ang pamilya. Like, mas importante pa ba ang party sa asawang manganganak na? Hindi ko rin ma-gets itong asawa niya. He’s a ruthless man!” 

“Ang gago naman niya!”

Matapos na pirmahan ang form ay agad siyang sinugod sa delivery room. Hanggang sa isang oras ang nakalipas, nailabas niya ang kanyang anak ng wala ang asawa niya sa tabi niya. 

“Congratulations, misis! Babae po ang anak niyo at sobrang healthy niya!” masayang sabi ng doktor sa kanya at dahan-dahang inilapag ang sanggol sa kanyang dibdib. 

Napahikbi si Heather nang makita ang napakalusog niyang anak. Sobrang puti nito at namumula pa ang pisngi, nagmana sa ama nito ang ilong habang sa kanya naman ang bibig. Kinagat niya ang labi, pinipigilang mapahagulhol. 

Nang makarating siya sa kanyang silid ay hawak-hawak niya pa rin ang kanyang anak. Mayamaya ay pumasok ang nars sa loob at may hawak-hawak pa itong folder. “Congratulations, Misis! May naisip na po ba kayong pangalan kay Baby girl?” 

“Hmm… Erich… Erich Madrigal,” nakangiting sabi niya sa nars kaya agad naman nitong sinulat ang pangalan na binigay niya sa form. 

“Ang ganda ng pangalan kasing ganda ng baby. Magpakatatag po kayo, Misis…” makahulugang sabi nito saka umalis. 

Alam siguro nito ang nangyari sa kanya kanina. Siguro nga ay tsismis na tsismis na siya sa buong ospital kung gaano siya nakakaawa dahil ni isang miyembro ng pamilya ay hindi man lang dumating para suportahan siya. 

Sampung taon… Sampung taon na silang nagsasama ni Cregan at walong taong gulang na ang kanilang anak na si Erryc. Sa loob ng taon na iyon ay halos itinuon niya ang kanyang atensyon sa mag-ama. Ngayon na may baby girl na siya, siguro naman oras na para baguhin na ang priority niya. 

Simula ngayon, siya at si Erich na palagi ang aatupagin niya. Since ayaw ni Erryc na maging nanay siya, might as well na kalimutan na rin niyang may lalaki siyang anak. Ilang taon siyang nagtiis, ni hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw siya ng anak niyang si Erryc, eh siya naman ang nag-asikaso at nagpalaki rito simula sanggol hanggang sa nagkamuwang ito sa mundo. 

Ni minsan ay hindi man lang niya na rinig ang I love you sa anak samantala palagi nitong sinasabihan ang Tita Febbie nito. Parang si Febbie na nga ang nanay nito at hindi na siya, isa sa rason kung bakit ang laki ng pagtatampo niya kay Erryc. 

Hinalikan niya sa noo ang kanyang anak na babae at nginitian ito. “Ikaw na lang ang nagpapasaya kay Mommy. Sana huwag kang matulad sa akin, anak ko… Huwag mong gagayahin ang Mommy na sobrang selfless. Matuto kang mahalin muna ang sarili mo bago ang iba… Mahal na mahal kita, anak. Ikaw ang nagsisilbing lakas ko rito sa mundong hindi ako gusto.”

Nang makatulog ang kanyang anak ay kinuha niya ang kanyang cellphone, as usual ni isang tawag ay wala siyang natanggap mula sa kanyang pamilya. Lalo na sa kanyang asawa, ni hindi man lang siya nito kinamusta kung okay lang ba siya. 

Hindi niya alam kung ano nga ba ang pumasok sa kanyang isipan, na-realize niya na lang na binuksan niya pala ang kanyang social media account. At dahil friend sila ni Febbie sa FBi ay bumungad sa kanya ang post ng dalaga.

Dalawang litrato ang inupload ng babae… Ang isa ay group picture kasama ng family nila at mga kaibigan nito at ang isa ang nagpakirot ng kanyang dibdib. Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya nang makita ang kanyang asawa at anak na kasama si Febbie. Sabay-sabay silang nag-ihip ng kandila sa cake na para bang isa silang masayang pamilya. 

Kapag may taong makakita nito, tiyak iisipin nito na mag-asawa si Febbie at Cregan habang si Erryc naman ang anak nila. 

Namula ang kanyang mga mata, alam niyang nakahanda ng tumulo ang luha niya kung kaya’t pinatay niya ang kanyang screen at kinalma ang sarili. Ayaw niyang umiyak, sawang-sawa na siyang umiyak. Ang ginawa niya na lamang ay titigan si Erich na mahimbing na natutulog sa gilid niya. Hanggang sa ilang minuto ang nakalipas, nakaramdam siya ng pagod at nakatulog agad siya. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nela Floranza
aymbak! hahahaha namiss ko magbasa kaso na busy masyado si ako....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The CEO's Unseen Wife   Kabanata 10

    “Wow! Hindi na po ako nakakatikim ng chocolates matagal na, miss na miss ko na po ang lasa nito, Tita Febby!” masayang turan ni Erryc sa dalaga. Napangiti na lamang si Febby saka tumango. Ang ina naman ni Febby ay biglang nagsalita, natatakot at nag-aalala para sa kalagayan ng apo. “Anak, hindi ba’t sinabi ni Heather na allergy si Erryc sa mga chocolates kaya huwag na huwag natin siyang papakainin nito? Isa pa, too much sweet ‘yan iho, huwag mo ng kainin,” paalala ng ina ni Febby sa kanila. Subalit hindi man lang nakinig si Febby, “Okay lang naman, Mom. Isa pa, kunti lang naman ang kakainin ni Erryc. Allergy lang naman yun, paano siya masasanay kung hindi mo siya papakainin. Kapag nasanay na siyang kumain ng chocolates mawawala na rin ang allergy niya, sure ako riyan! Sabi nga, hindi naman masama kung pakunti-kunti lang!”Napakunot ang noo ni Cregan ngunit hindi na nagsalita pa. Tila ba naniwala ang binata sa sinabi ni Febby, sobrang confident naman kasi ng pagkakasabi nito sa ka

  • The CEO's Unseen Wife   Kabanata 9|

    Kabanata 9|Si Karen na kanina pa nakaabang sa pintuan at inaabangan ang pagdating ng asawa ni Heather na si Cregan ay napataas ng kilay nang makita niyang alas onse na ng umaga’t hindi pa rin ito dumadalaw sa asawa. Kahit mga in-laws pati na ang mga magulang ni Heather ay wala ring paramdam. “Alam mo, Madam nakakainis iyang pamilya mo lalo na ang asawa mo. Napaka walang puso! Anong oras na oh, alas onse na! Ni hindi man lang magawa kayong bisitahin! Nakakainis na talaga, nakaya nitong kalimutan ang bunsong anak niya?” hindi mapigilang reklamo ni Karen kay Heather. Si Heather naman ay busy sa kakalaro kay Baby Erich. Ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi ni Karen dahil nakatuon ang atensyon nito sa cute na baby-ng nasa harapan. “Omg! Tingnan mo, Karen oh. Ngumiti si Baby Erich sa akin! Ngumiti siya!” masayang sabi ni Heather kung kaya’t nilapitan ni Karen ang mag-ina. Totoo ngang ngumingiti si Baby Erich, mabuti na lang at dumating si Erich sa buhay ni Heather kung hindi baka

  • The CEO's Unseen Wife   Kabanata 8

    Kagabi ay nakabalik na ang sina Cregan sa mansyon at may balak na pumunta kay Heather sa ospital. Ngunit umaga pa lang ay nagkakagulo na ang mansyon. Dahil sa si Heather ang palaging naghahanda ng almusal sa anak na si Erryc ay nasanay na ang bata sa panlasa ng luto ng ina. At dahil wala si Heather doon ay nagkakagulo na ang mga katulong, ayaw kasi ni Erryc ng luto ng mga kasambahay. “Dad, ayaw ko nito! Ayaw ko ng egg! Pati na ng rice. Gusto ko yung niluluto ni Mom sa akin na friedrice, yung may toyo. Gusto ko yun!” sigaw ni Erryc habang nagpapadyak ang mga paa. “Hindi ako marunong nun anak, kapag umuwi na ang Mom mo ay lulutuan ka niya ng napakarami. Gusto mo yun? Pero sa ngayon, luto muna ni Manang ang kakainin mo, okay?” pagsuyo ni Cregan sa bata. Subalit umiling lang ng marahas si Cregan na para bang hindi maintindihan nito ang sinabi ng ama. “Ang pangit ng lasa ng egg! Pati na ang rice ayaw ko nito, Dad! Ayaw!!” Napahilamos ng mukha si Cregan habang nakatingin sa anak. Hind

  • The CEO's Unseen Wife   Kabanata 7

    Nagising si Heather nang may marinig na sermon sa labas ng kanyang silid. “Papasukin niyo ako! Gusto kong kumustahin ang apo’t anak kong si Heather.” “Miss Dianne, nagpapahinga po si Miss Heather, maya na lang po kayo—” “Hindi, gustong makita ang apo ko, NOW na!” sabi ng matanda kaya napapailing na lamang siya. Pilit siyang ngumiti nang makita ang galit na mukha ng matanda. “Moma, anong ginagawa niyo rito?” Inirapan lang siya nito at lumapit sa table upang ilagay ang mga prutas doon. “Bawal ko na bang bisitahin ang anak-anakan at apo ko? Kakarating ko lang galing Paris tapos ganito na ang nabalitaan ko? Ayon sa sekretarya kong si Eunice, wala raw ang pamilya mo sa panganganak mo? Nasaan sila? Sa birthday ng kapatid mo? Aba’t kung nakita ko lang sila pinagmumura ko na!” Si Moma Dianne ay may-ari ng isang sikat na clothing business sa Pinas. Nakilala niya ito dahil minsan na niyang nasagip ang matanda sa isang heart attack sa kalsada. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na

  • The CEO's Unseen Wife   Kabanata 6

    Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “

  • The CEO's Unseen Wife   Kabanata 5

    Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status