“Hindi ka tunay naming anak. Sampid ka lang Heather, ampon ka lang!”
Napabalikwas si Heather sa higaan nang mapanaginipang muli ang mga salitang nagpaguho ng kanyang mundo at pagkatao.
Tama, isa siyang ampon at recently lang din niya nalaman iyon. Nang malaman ng kanyang ina at ama na mababa ang tsansang magka-anak pa ang mga ito ay napagpasyhan nilang mag-ampon na lang at siya nga ang nakuha, hanggang sa ilang taon ang nakalipas, miraculously nabuntis ang kanyang ina at isinilang si Febbie.
Simula noon, nalipat na ang atensyon ng mga magulang niya kay Febbie, noon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ang unfair ng treatment nito sa kanya, ngayon na-realize niya na kung bakit— dahil ampon lang pala siya.
Nang malugi ang kumpanya nila ay wala siyang choice na makasal sa panganay na anak ng mga Madrigal. At dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang at umaasang mapapansin din siya ng mga ito kaya naman pumayag siya sa gusto ng mga ito.
Sariwang-sariwa pa sa kanya ang usapan ng kanyang mga magulang… Si Febbie ay nasa Italy noon at nagsisimula ng gumawa ng pangalan.
Gabi noon, napakunot ang noo niya nang marinig ang usapan ng kanyang mga magulang sa loob ng kwarto. Papasok sana siya para sabihing aalis siya at may bibilhin ngunit natigilan siya nang marinig na nagtatalo ang dalawa.
“Palugi na ang kompanya, Kalhil, paano na ang kinabukasan ng anak natin? Si Febbie, nasa Italy… Kakasimula pa lang ng career!! Si Heather naman, ano ang maasahan natin sa kanya? Isa lang naman siyang designer sa isang maliit na clothing industry? Mapapakain ba tayo ng kakarampot niyang sweldo?” saad ng kanyang inang si Farah.Sa katunayan, nainsulto siya sa sinabi ng kanyang ina ngunit alam niyang totoo naman ang sinabi nito. Hindi sapat ang sweldo niya upang maisalba silang lahat. Noon pa man ay masama na trato ng kanyang ina sa kanya, malayong-malayo sa trato nito kay Febbie. Gusto niyang itanong kung bakit ngunit wala siyang lakas upang sabihin ang kinikimkim ng dibdib niya.
“Nakausap ko ang pamilyang Madrigal kanina, naghahanap sila ng babaeng mapapangasawa ng panganay nilang anak, kapalit noon ay tutulungan nila tayong bumangon muli. Iniisip ko kung sino sa dalawa nating anak ang—”“Si Heather, siya ang kunin mo. Maaatim mo bang maging isang pipitsuging housewife ang anak mong si Febbie? Malaki ang pangarap noon, hindi katulad kay Heather na isang babaeng mababa ang lipad! Ni walang magandang pangarap sa buhay! Palibhasa hindi natin siya tunay na anak!”
Napatakip siya ng bibig nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. Naestatuwa siya sa kanyang kinatatayuan, aalis na sana siya roon nang mahagip niya ang vase na nakapatong sa gilid ng kwarto ng mga magulang niya.
Rinig na rinig ang pagkabasag noon kung kaya’t lumabas ang dalawang matanda. Gulat na gulat naman ang dalawa nang makita siya. Yumuko siya at napakuyom ng kamao. “K-Kaya pala iba ang trato niyo sa akin kaysa kay Febbie… Dahil ampon niyo lang pala ako.”
“A-Anak, makinig ka…” Lalapitan na sana siya ng kanyang amang si Kalhil nang umatras siya.
“Hayaan mo siya, Kalhil. Mas maiging malaman niya na ang katotohanan nang mahiya naman siya sa atin. Oo, Heather… Ampon ka lang, nakuha ka namin sa bahay ampunan nung sanggol ka pa. Hindi ka namin tunay na anak ng Dad mo, sampid ka lang sa pamamahay na ito. Kaya kung may hiya ka pa at utang na loob, pumayag ka sa alok namin sa’yo. Pakasalan mo ang panganay na anak ng Madrigal, sa paraang iyon bayad na ang lahat ng nagastos namin sa’yo simula pagkabata!” walang habas na sabi ng kanyang ina sa kanya.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Tuluyan ng bumuhos ang kanyang luha habang nakatingin sa dalawang taong minahal niya ng lubos.
“A-Anak, huwag mong isipin ang sinabi ng Mom mo. Para sa akin ay tunay kitang anak. Mahal na mahal kita, Heather. Tandaan mo ‘yan,” naiiyak ding sabi ng ama niya.
Simula pa lang naman ang ama niya na ang kakampi niya. Kailangan nito ang tulong niya na kahit ayaw niyang maikasal sa hindi naman niya kilala ay mas pinili niyang sundin ito.
“D-Dad, para sa’yo susundin ko kayo. Naging mabuti kang ama sa akin at sobrang nagpapasalamat ako na kahit papaano naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa mundong ito. P-papayag akong pakasalan ang panganay na anak ng pamilyang Madrigal…”
Nang maalala niya ang nangyari noon ay hindi pa rin niya maiwasang mapaluha. Pinunasan niya ang kanyang mata at huminga ng malalim.
Sana, lumayas na lang siya noong nalaman niyang ampon siya.
Sana, hindi na lang siya pumayag na maging asawa ni Cregan Madrigal.
Sana hindi na lang siya naging mabait at nagtanaw ng utang na loob sa magulang niya.
Dahil kahit anong gawin niya, hindi pa rin niya makukuha ang simpatya at pagmamahal ng mga ito.
***
Sa kabilang banda, kakatapos lang ng party ni Febbie kung kaya’t nagsi-uwian na ang mga bisita. Si Cregan, Erryc pati na ang kanyang mga magulang ay nagpaalam na uuwi na.
Ang ina naman ni Cregan ay masayang lumapit kay Febbie, niyakap pa nito ang dalaga at hinalikan sa pisngi.
“Salamat sa pag imbita sa amin, Hija. Salamat din dito sa branded perfume na binili mo sa akin galing Italy. Ikaw ang may birthday pero ako pa ang nakatanggap ng regalo sa’yo! Sobrang bait mo talaga, sana ikaw na lang ang napangasawa ng anak ko—”
“Mom, stop it,” banta ni Cregan sa ina. Nilingon naman ni Cregan si Febbie, “Pasensya ka na, Febbie, hindi alam ni Mom ang sinasabi niya.”
Tumawa ng mahina ang dalaga at niyakap din ng mahigpit ang ina ni Cregan. “Okay lang naman iyon. Hayaan mo na si Tita. Masayang-masaya ako dahil dumalo kayo sa birthday party ko, salamat sa inyong lahat.”
Tumango lang si Cregan at kinuha ang cellphone. Agad niyang tinawagan ang mga katulong para tanungin kung kumusta na ang kanyang asawa.
Ngunit nang marinig ni Cregan ang sinabi ng katulong ay nakaramdam siya ng pag-aalala. “Si Madam po? Wala pa po siya hanggang ngayon, Sir. Akala nga po namin ay kasama niyo siya.”
Tiningnan ni Cregan ang kanyang relo, “Mag-a-alas onse na ng gabi, wala pa siya? Imposible namang wala siya riyan, hanapin niyo baka nasa kwarto niya lang!”
“Sir, hinalughog na po namin ang buong mansyon ngunit wala po talaga si Madam dito. Pasensya na po…”
Tuluyan namang kinabahan si Cregan kung kaya’t napansin iyon ni Febbie. “Okay ka lang, Cregan? Si Ate Heather ba yan? Galit ba siya sa akin dahil inimbitahan ko kayo rito sa party ko?”
“Tita Febbie, hindi magagalit si Mom sa’yo, if ever na magalit siya hindi ko na siya papansin ever again!” sabi ni Erryc nang marinig ang sinabi ni Febbie.
Si Febbie naman ay pinisil ng marahan ang pisngi ng bata. “Ikaw talaga, Erryc. Huwag mong sabihin iyan, kahit anong mangyari nanay mo pa rin si Ate Heather at mahal na mahal ka niya.”
“Febbie, kailangan na talaga naming umuwi sa bahay, hindi pa kasi umuuwi si Heather galing mall. Halika na, Erryc,” nagmamadaling saad ni Cregan.
“Dad, dito lang ako kay Tita Febbie, pwede? Gusto ko pa kasi siyang makasama eh. Please!!” Mas gusto nga ring matulog ni Erryc doon dahil nakakatulog ito ng late na, hinahayaan lang ito ng Tita Febbie nito na maglaro sa cellphone magdamag.
Umiling si Cregan at kinarga ang anak. “No. We have to go now. Huwag ng matigas ang ulo, Erryc. Your mom is not at home, hindi ka ba nag-aalala sa kanya?”
“Sino ang wala sa mansyon?” tanong naman ni Khalil nang marinig ang sinabi ni Cregan.
“Dad, si Ate Heather daw hindi pa umuuwi ng mansyon. Hindi kaya galit ito sa akin at nagtatampo?” nag-aalalang tanong ni Febbie sa ama.
Si Farah na nasa tabi lang ni Khalil ay nagsalita, “Nag-iinarte lang siguro ang babaeng iyon, hindi na kayo nasanay pa. Kahit na maliit na bagay ay pinapalaki.” Kitang-kita naman ang inis ni Farah sa mukha.
“Tumigil ka nga riyan, Farah. Kita mo ng nawawala ang anak natin ganyan ka pa magsalita! Cregan, tawagan mo ang asawa mo ngayon din!” utos ni Khalil kung kaya’t tumango ang lalaki.
At dahil hindi pinansin ng ama si Febbie ay napakuyom ito ng kamao. Inis na inis si Febbie dahil gumagawa na naman si Heather ng paraan upang mabaling ang atensyon ng lahat!
Nagising si Heather nang may marinig na sermon sa labas ng kanyang silid. “Papasukin niyo ako! Gusto kong kumustahin ang apo’t anak kong si Heather.” “Miss Dianne, nagpapahinga po si Miss Heather, maya na lang po kayo—” “Hindi, gustong makita ang apo ko, NOW na!” sabi ng matanda kaya napapailing na lamang siya. Pilit siyang ngumiti nang makita ang galit na mukha ng matanda. “Moma, anong ginagawa niyo rito?” Inirapan lang siya nito at lumapit sa table upang ilagay ang mga prutas doon. “Bawal ko na bang bisitahin ang anak-anakan at apo ko? Kakarating ko lang galing Paris tapos ganito na ang nabalitaan ko? Ayon sa sekretarya kong si Eunice, wala raw ang pamilya mo sa panganganak mo? Nasaan sila? Sa birthday ng kapatid mo? Aba’t kung nakita ko lang sila pinagmumura ko na!” Si Moma Dianne ay may-ari ng isang sikat na clothing business sa Pinas. Nakilala niya ito dahil minsan na niyang nasagip ang matanda sa isang heart attack sa kalsada. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na
Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “
Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n
Alas tres na ng umaga nang magising si Heather, ramdam niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya’t napamulat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa. “I’m sorry, Heather. Hindi ko alam na nasa ospital ka pala,” malungkot na sabi sa kanya ni Cregan, talagang kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. “Nung tumawag ka, hindi ko marinig ang sinabi mo dahil ang hina ng signal—” “ATE HEATHER! Oh my God! Sorry, hindi namin alam na nanganak ka na pala. This is all my fault, kung hindi ko sana inimbitahan si Cregan at Erryc na pumunta sa party ko hindi na sana mangyayari ito,” naiiyak na sabi ni Febbie sa kanya.Lumapit ang dalaga at niyakap siya ng mahigpit. Dahil sensitive ang kanyang katawan at may tahi pa siya, hindi niya sinasadya naitulak si Febbie. Nagulat ang dalaga pati na ang mga magulang nila sa ginawa niya. “Heather! Ano ka ba naman, bakit ganyan ka? Hindi naman kasalanan ni Febbie ang nangyari sa’yo. Alam ba namin na manganganak ka ngayon?
“Hindi ka tunay naming anak. Sampid ka lang Heather, ampon ka lang!” Napabalikwas si Heather sa higaan nang mapanaginipang muli ang mga salitang nagpaguho ng kanyang mundo at pagkatao. Tama, isa siyang ampon at recently lang din niya nalaman iyon. Nang malaman ng kanyang ina at ama na mababa ang tsansang magka-anak pa ang mga ito ay napagpasyhan nilang mag-ampon na lang at siya nga ang nakuha, hanggang sa ilang taon ang nakalipas, miraculously nabuntis ang kanyang ina at isinilang si Febbie. Simula noon, nalipat na ang atensyon ng mga magulang niya kay Febbie, noon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ang unfair ng treatment nito sa kanya, ngayon na-realize niya na kung bakit— dahil ampon lang pala siya. Nang malugi ang kumpanya nila ay wala siyang choice na makasal sa panganay na anak ng mga Madrigal. At dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang at umaasang mapapansin din siya ng mga ito kaya naman pumayag siya sa gusto ng mga ito. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang usa
Nang marinig ng mga nars ang sigaw ni Heather ay agad na nagsipasukan ito sa loob. Kitang-kita ang sakit sa mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang malaking tiyan. “Manganganak na ata a-ako. Tulungan niyo ako!” sigaw ni Heather sa mga ito kung kaya’t agad siya nitong inasikaso. Ang doktor na kanina’y kausap niya ay naroon din. “Wala pa ba ang asawa mo, misis? Anong klaseng asawa—” Huminga ng malalim ang doktor saka napailing. Siguro na-realize nito na wala ito sa posisyon na sabihin ang gusto nitong sabihin. “Misis, kailangan ng guardian na magpipirma rito sa form, hindi ka namin pwedeng ilagay sa emergency room hangga’t wala pa ang asawa mo—” “A-Ano!? Dito niyo ba ako papa anakin? Amin na ang form na iyan! Ako na lang ang magpipirma, ako ang guardian ng sarili ko! Kahit anong mangyari sa akin ay ako ang mananagot hindi kayo, kaya please lang… Lalabas na ang anak ko! Parang awa niyo na—Ahhh!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Nararamdaman niya na rin ang ulo ng kanyang an