Share

Regrets

Ilang araw na hindi nagpakita si Xian sa mga Mondragon. Hinahayaan n'ya na ang Don ang mamuno sa kumpanya kung saan ay may share s'ya. Nagtalaga lamang s'ya ng isang tauhan upang mag-report sa kanya. Sa sariling gusali s'ya pumasok at naging abala sa trabaho. Ganunpaman ay gumawa s'ya ng paraan upang may titingin sa bawat galaw ng anak at ni Noelle. Mas naging mahigpit ang security sa dalawa. Laging may nakabuntot sa kanila ayon sa tao na binayaran n'ya na nagmamanman sa kanila. Nakausap na n'ya ang kanyang bagong abogado tungkol sa maari n'yang gawin upang makilala man lang ang anak.

"Wala ka bang balak na balikan ang asawa mo?" tanong ng abogado.

"I wanted my child back. Iyon lang ang nasa isip ko ngayon," desidido na sabi n'ya.

"Are you sure? Wala ka na talagang nararamdaman para sa kanya?" dagdag na sabi ng abogado.

"Attorney, maraming pumasok sa isipan ko habang nasa loob ako ng kulungan. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin at hindi kayang ipaglaban ang relasyo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status