Share

Chapter 64

“Akala ko hindi na kayo pupunta.” nakangiting salubong sa amin ni Leona.

Yumakap ako sa kaniya pagkalapit ko at agad ding kumalas nang makita ko si Dean na nakangiting papalapit sa amin.

“Kumusta, Attorney Fortalejo?” nakangisi niyang tanong sa akin.

“Ayos lang. Kayo ba, kumusta kayong dalawa? Kinailangan ko lang pala talagang umalis bago kayo magkalapit ha.”

Tumawa si Leona.

“Ikaw lang naman ang sagabal sa aming dalawa.” pabiro niyang sambit.

“Mabuti nalang umuwi na ito ng Ilocos. Miss na miss ko ito eh.” singit naman ni Sandro.

Pinagtaasan naman ako ni Leona ng kilay, halatang nang-aasar.

“Bakit ba kasi rito sa Vigan? Mas maraming puwedeng puntahan sa Norte.”

Itinuro ni Leona si Dean.

“Eh paano, gusto kasi nitong si Dean dito sa Ilocos Sur, matagal niya na raw kasing pangarap na sumakay sa kalesa at mag-ikot dito sa Calle

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status