Share

Chapter 3

Author: Jealie
last update Last Updated: 2022-02-15 14:15:45

Masayang nilaro-laro ni Olivia ang batang si Clara, ang anak ng mag-asawang Abejero, na ngayon nga’y tawa nang tawa sa kaniyang kandungan. 

“Ang cute talaga ng batang ‘to, ang sarap ibulsa,” nanggigigil na saad ni Olivia habang pinisil-pisil pa nito ang magkabilang pisngi ng bata at humagikhik na naman ulit si Clara kaya naman ay ngingiti niya itong tinitigan 

Mahigit isang buwan na rin pala siyang naninilbihan sa bahay na ito at salamat naman sa Diyos dahil hindi naman siya masyadong nahihirapan. Mabait naman ang kaniyang dalawang Amo kaya laking pasasalamat niya na dito siya napadpad, ‘yon nga lang ay may pagka masungit ang kaniyang among lalaki. 

Nanatili siyang nakayuko at patuloy na nilalaro ang batang nasa kaniyang kandungan. 

Hindi niya kaagad napansin ang isang bultong papalapit sa kaniya, “Olivia?” 

Napataas ng tingin ang dalaga ng marinig ang malamyos na tinig ng kaniyang Senyora, si Isabel Abejero, ang asawa ng kaniyang Senyorito Vanadium. Agad niyang nasilayan ang nakapa-among mukha ni isabel. Nakangiti ito habang papalapit sa kaniya. 

‘Ang ganda talaga ni Senyora,’ namamanghang sambit ni Olivia sa sarili.

Napatigil lamang siya sa paghanga sa kagandahan ni Isabel ng tuluyan na itong makalapit sa kaniya. 

Tumikhim na muna siya saka magalang na nagtanong, “aalis na ho ba kayo Senyora?” Tapos ay umusog na siya upang makaupo sa kaniyang tabi si Isabel.

Ito na kasi ang gawain nila araw-araw habang hinihintay na pumanaog si Vanadium. Sila ay mag-uusap ng tungkol sa naging buhay ni Olivia sa probinsya at makikinig lamang ang kaniyang Senyora. Komportable naman siyang nagkukuwento rito dahil si Isabel mismo ang nag-uudyok sa kanya na magkwento patungkol sa kanyang buhay. Nasabi niya na rin ang dahilan kung bakit siya naging yaya rito sa Maynila. Masaya nga siya at ang kanila pang Senyora ang unang nakakaalam ng kaniyang kwento. Masarap din pala sa pakiramdam na mayroon kang pagkukuwentuhan ng mga problema at masayang pangyayari sa buhay mo. 

Naputol ang kaniyang paggunita ng marinig niya ulit ang boses ng kaniyang Senyora Isabel. 

“You’re so beautiful Olivia. Parang hindi ka isang kasambahay.”

Bakas ang pagkamangha sa tinig ng kaniyang boses habang mariin itong nakatitig sa mukha ng bagong yaya ng kaniyang anak. Hindi rin niya sinagot ang tanong ng dalaga sa kaniya. 

Napayuko si Olivia dahil sa hiya ng biglaan siyang purihin ng kaniyang Senyora. “Hehe h-hindi naman po Senyora.” 

‘Nahiya naman ako sa kagandahan mo Senyora,’ anang isip ni Olivia. 

Nakita naman ni Isabel kung gaano nahiya si Olivia sa kaniyang papuri. Napangiti siya at nagsalita, “hey, don’t be shy. I’m just telling the truth, you are beautiful, really.” 

Napakamot naman kaagad ng batok si Olivia pero sinigurado niyang hawak niya nang mabuti si Clara, “salamat ho.” 

Napangiti naman ulit si Isabel at iniba na ang kanilang topic. 

“Hon, let’s go.” 

Natigil ang kanilang masayang pag-uusap dahil sa pumailanlang na tinig ni Vanadium. Napatingala si Olivia at nang magtama ang kanilang paningin ay bumilis na naman ang tibok nito. Hindi pa rin ito nagbago simula nang una nilang pagkikita. Pinilit niyang ibinaon sa limot ang kaniyang nararamdaman dahil mali ito. May asawa’t anak na ang kaniyang amo. Isa lamang itong infatuation at hindi na dapat lalagpas pa roon. Crush niya lang si Vanadium, hinahangaan niya lamang ang kaniyang personalidad at kung paano niya inaalagaan si Clara at ang kaniyang Senyora Isabel. 

‘Tama naman ako, ‘diba?’

Bumuntong hininga siya saka tumango-tango, ‘oo tama ka Olivia.’ 

Wala sa sariling tinampal niya ang kaniyang noo,‘nababaliw na ata ako.’ 

Umayos siya ng upo at patuloy na nilalaro ang bata sa kaniyang kandungan. Pinabayaan niya na lang muna na mag-usap ang mag-asawa. 

“Yes hon. I’ll just give a kiss to my little angel.”

Napalingon si Olivia sa nagsalitang si Isabel, pinatalikod naman niya si Clara sa kaniya at pinaharap sa mag-asawa. Ngumiti naman ng matamis si Isabel kay Olivia saka dahan-dahan na dumukwang para kintalan ng halik ang kaniyang kandong-kandong na bata. Nang maramdaman ng bata ang halik galing kay Isabel ay kaagad itong humagikhik na tila ba alam na ang kaniyang Mommy ang h*****k sa kaniya.

Napangiti naman ng palihim si Olivia dahil sa taglay na ka-sweet-an ng kaniyang Senyora ngunit bigla siyang napausog ng dumukwang rin si Vanadium at naamoy niya ang matapang ngunit hindi masakit sa ilong na pabango ng kaniyang Senyorito. Bigla na namang dumagundong ng tibok ang kaniyang dibdib na hindi na nga nagawang makalma magmula no’ng magkatitigan sila ng huli. 

‘Huwag ka namang mambibigla Senyorito. Maawa ka sa puso ko, kahit na araw-araw mong hinahalikan si Clara ay ito ang unang beses na nasa mismong kandungan ko pa ang bata. Muntikan na akong mamatay s***a ka.’

Nakahinga ng maluwag si Olivia nang lumayo na sa kaniya si Vanadium at parang may tumusok na karayom sa kaniyang dibdib nang makita niya na hinapit ng huli ang kaniyang pinakamamahal na asawa. 

‘Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur. Ror.’ 

“Aalis na kami Olivia. Bantayan mong mabuti si Clara ha,” ngumiti sa kaniya ng matamis si Isabel. 

Ngumiti naman siya pabalik kay Isabel, “opo Senyora, mag-ingat ho kayo.”

“Salamat Olivia,”matamis ulit na ngumiti si Isabel habang tumango lamang si Vanadium.

‘Hmp, ang sungit talaga.’ Umismid si Olivia pero bigla ring napatili at ngumisi. ‘Pero ang gwapo.’ 

Nang marinig ang pag-andar ng sasakyan ng kaniyang mga Amo ay kaagad siyang tumayo para lumabas ng bahay. Pumunta siya sa harden ni Isabel bitbit ang bata at umupo sa duyan. Mas masarap kasi ang simoy ng hangin doon at talagang nakaka-relax ang tanawin. Sari-saring bulaklak ang nakatanim pero mas marami pa rin ang nakatanim na mga sunflowers. Paborito kasi iyon ng kaniyang Senyora Isabel kaya naman mas marami itong itinanim kaysa sa ibang uri ng bulaklak na nakatanim ngayon sa hardin.

Napaigtad siya ng maramdamang nag vibrate ang kaniyang cellphone. Dahan-dahan niya itong kinuha sa kaniyang bulsa upang hindi magising ang natutulog na si Clara. Agad na namutawi ang ngiti sa kaniyang labi ng makita sa screen ang pangalan ng kaniyang Inay. 

Inayos niya muna sa kaniyang pagkakahiga sa duyan pati na rin ang kagkakahiga ni Clara sa kaniyang dibidb bago pinindot ang answer button. 

“Hello anak, kamusta ka na riyan?” tinig agad ng kaniyang Ina ang kaniyang narinig ng nilagay niya ang cellphone sa kaniyang tenga. 

“Hello ‘Nay, ayos lang ho ako rito. Kayo ho riyan ni Itay?” masigla niyang bati sa kabilang linya. 

“Ayos lang din naman kami rito anak, heto at maraming ani ang pananim natin,” bakas ang saya sa boses ng kaniyang ina 

“Mabuti naman ho kung ganoon, ‘Nay. Si Ria ho ba, kamusta na? Maayos lang ba siya roon sa kaniyang tinitirhang apartment? Wala naman bang naging problema sa pag-aaral niya?” 

“Salamat sa Diyos at ayos lang naman siya. Wala namang naging problema.” “Buti naman ‘Nay” 

Nagpatuloy sa masayang kuwentuhan sina Olivia at Consolacion at ilang sandali pa ay nagpaalam na sila sa isa’t-isa dahil may gagawin pa raw ang kaniyang Ina. 

“Bye ‘Nay, ingat ho kayo diyan ni Itay,” nakangiting paalam ni Olivia at saka pinindot ang end button.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Contract   Epilogue

    “Congratulations.” Wika ng lahat nang nasa mesa kina Olivia at Vanadium. Nandito sila ngayon sa reception ng kanilang kasal at masayang nagkukwentuhan. Nakapalibot ngayon sa mesa ang apat na kaibigan ni Vanadium, ang pamilya ni Olivia, pati na rin ang pamilya ni Nanay Rina. Nandito rin ngayon sina Thori at Inday samantalang si Seleni naman ay hindi nakarating dahil may biglaan daw itong emergency. Nagpadala na lamang ito ng regalo sa mag-asawa at ngayon niya lang din nalaman na magpinsan pala ang babae saka si Vanadium. Hindi man lang ito nasabi sa kaniya noon ni Leni pero ayos lang, hindi naman iyon masyadong importante.“Salamat.” Ngumiti ng matamis si Olivia sa lahat ng nasa mesa.“Anak,” lumingon si Olivia sa kanyang Inay na siyang tumawag sa kaniya.

  • The Contract   Chapter 39 (Vanadium's POV) Last Part

    Olivia is now five months pregnant and he is beyond happy. Even if he still worries about the death threat Olivia was receiving, he made sure that Olivia is always safe. He also put CCTV’s all over the house, even outside the gate. When he saw a woman putting that little box in their mailbox, he already suspected that it was Isabel but of course he still needed to make sure so he called his friend for help. After a few days, his friend called him and asked for a meet up. He doesn’t want to leave Olivia but his friend told him that it was about the woman who threatened Olivia as well as the location of Clara. So he doesn't have a choice but to leave Olivia alone.When he came to the bar, he quickly went upstairs and three of her friends welcomed him. His eyebrows met and he looked at them, wondering why they are all here.

  • The Contract   Chapter 38 (Vanadium's POV)

    Morning came and Vanadium excitedly got up early and decided to cook for Olivia. He wanted to impress the woman even though she already tasted the food he cooked last time. But it’s almost afternoon, and there was no Olivia showing up. He was already late but he didn’t care at all. After an hour, there was still no sign of Olivia so he decided to reheat the food and bring it to Olivia’s. It’s not Olivia’s behavior to not go out this late. So he was worried because there is surely something wrong with Olivia.He knocked the door several times and when it opened, Olivia’s distorted face welcomed Vanadium. His worry doubled because of it and immediately asked what happened. Olivia just answers that it’s nothing but her voice betrayed her. It’s lifeless and Vanadium knows that she has a problem.

  • The Contract   Chapter 37 (Vanadium's POV)

    Vanadium is worried sick when Olivia didn’t wake up for nearly 24 hours straight right after their steamy hot sex last night. He didn’t know that it would make her sleep for almost a day. He keeps on blaming himself because of what happened to Olivia. He regretted what happened to the woman who was now sleeping soundly inside her room, however, he does not regret what they did last night. He can’t think properly because of the what if’s running inside his head. What if Olivia will not wake up and ends up not giving him a child? What if he will not have a child anymore? But deep inside, he knows the truth that he’s scared that he will lose Olivia. He's afraid that Olivia will also leave like what Clara and Isabel did to him. He doesn’t care if he looks like an idiot phasing back and forth. He is right in front of Olivia’s room and after a while, he decides to look at the woman inside.

  • The Contract   Chapter 36 (Vanadium's POV)

    Few weeks passed and Vanadium was still in pain because of the loss of his beloved daughter. He cannot focus on what he’s been doing at the office so he told his secretary to cancel all his meetings and appointments and he immediately went to a bar that is owned by one of his high school friends.He immediately maneuvered his car and when he arrived, he quickly went to the VIP room and ordered three bottles of whiskey. He wants to drink silently and be drunk thinking that it can ease his pain away. He cannot move-on and he will never move-on. He decided to stop drinking when his head started to throb and everything that surrounds him is already spinning.Vanadium took a rest for a while and when he thought he was sober enough, he got up and paid his bills. When he’s already done, he quickly goes out of the bar even though

  • The Contract   Chapter 35 (Vanadium's POV)

    Vanadium first saw Olivia in their kitchen, drinking her coffee and bowing her head. He clearly remembers the awkwardness that the woman felt in her surroundings by just one look at her. She was shy and timid but when their eyes locked, he knew it was not just a simple stare the woman had given to him. He, on the other hand, doesn’t know but he immediately felt something he didn't understand but of course, he chose not to pay attention to it. He doesn’t like the idea that his heart beat fast because of their maid that was staring at him for just a few seconds. It wasn’t fair to his wife and to be honest, at that time, the only people that were important to her were her wife and her only daughter. They are his life and he will definitely not know what will happen to him if both of them will leave him.But maybe God does want him to lose his mind when his wife leaves them and

  • The Contract   Chapter 34

    Chapter XXXIVNang makapasok ang dalawa ay kaagad na ngumisi ang lalaking nakapula.“Akin na ang bracelet na gawa sa loombands Wolastik. Bakit ka kasi nakikipag pustahan sa gwapong katulad ko. Sabi ko naman sa’yo ’diba. Dadalhin ni chong parekoy Ruther si pareng Zirco?” nagmamayabang na saad nito.Umismid lang naman ang tinatawag na Wolastik at saka masama ang mukhang hinubad ang loom bands na bracelet. “Inggitero ka talagang Hermes ka. Ang mahal kaya ng bili ko dyan tapos hihingin mo lang? Tsk.” para itong batang natalo sa laro at hindi maipinta ang mukha.Ngisi lang ang naging sagot ng tinatawag na Hermes ng binata saka ito dumila sa kaniya.

  • The Contract   Chapter 33

    Chapter XXXIIIHalos apat na araw silang nanatili sa ospital bago i-discharge ng doctor si Olivia. Pauwi na sila ngayon sa bahay dahil ngayon din daw darating si Clara. Masaya si Olivia at excited na siyang makitang muli ang kanyang alaga. Masaya siyang hindi pala ito tuluyang nawala sa kanila. Kahit na ganoon ang ginawa ni Isabel sa kanya ay nagpapasalamat pa rin siya rito dahil hindi niya pinatay ang kanyang anak.Bumuntong hininga si Olivia dahil sa kanyang nasaksahin ilang araw na ang nakalipas. Hindi niya man maamin pero alam niya sa sarili niya na naaawa siya kay Isabel. Hindi niya alam kung ano pa ang mga sinapit ni Isabel sa kamay ng kanyang kapatid pero paniguradong nagdulot ito ng trauma sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya ulit saka inalis sa isip si Isabel. Sinabihan na rin kasi siya ng doctor na huwag mag-isip ng

  • The Contract   Chapter 32

    Chapter XXXII “Stressed ba siya lately?” “Yes doc.” “Mmm… kaya pala.” “Why doc? Is there a problem with the baby in her womb? How about Olivia?” bakas ang pag-alala sa boses ni Vanadium. “As much as possible sana, ipapa-iwas mo sa kanya ang mga bagay o lugar o kaya ay tao na nagiging dahilan ng stress niya. There’s nothing wrong naman with her and the baby, Mister. Mahina lang ang kapit ni baby kaya dapat total bed rest lang talaga siya until lumakas na ang kapit ni baby sa kaniya. Huwag mo muna siyang papagurin dahil baka maging dahilan pa ito upang mag bleeding siya. Thankfully nadala mo kaagad siya sa ospital kundi baka maging mas malala pa ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status