LOGINHindi makapaniwala'ng tinitigan ni Diana si Scott. Talagang hindi ito nangingimi na sabihin na mahal nito si Chermund. Ang kapal talaga ng mukha nito. Hindi niya alam kung saan ito humugot ng lakas para maging arogante.Ngumisi si Diana. “You knew it, but you didn't do anything because you love her circling around you. Ano nga ulit iyong sinabi mo rati? Ah…”Tumango-tango si Diana. “Sabi mo, naaawa ka sa kanya dahil wala siya'ng kaibigan. Na walang gustong makipaglapit sa kanya dahil sa issue ng pamilya niya. But what about me? Ni isang beses ba, naisip mo ang nararamdaman ko?”Natahimik si Scott. Napalunok siya habang nakatitig kay Diana."If you really love her, then keep your distance from me. Alam mo, hindi kita maintindihan eh," sabi ni Diana. "Alam kong hindi mo na ako mahal, oo— matagal na. Pero ano ito'ng pinuputok ng botse mo? Nalaman mo lang na umaaligid ako sa pinsan mo, nagagalit ka na?""Because you're trying to destroy his life," Scott said coldly, though his eyes burne
Tahimik na naglalakad si Diana pauwi ng apartment. Nauna na siya'ng umuwi dahil may biglaan lakad si Raine. Hindi na niya tinanong kung saan ito pumunta. Dalawa lang ang panay sadya nito. Ang mama nito na nakaratay sa ospital hanggang ngayon, at ang secret husband nito na si Mr. Almonte. Minsan kung iisipin niya, hindi pa rin siya makapaniwala na naging asawa ni Raine si Crassus. Nagulat na lang siya nang sinabi nito na asawa nito si Mr. Almonte. Villanueva pa rin ginagamit ng mga empleyado para i-address siya. Talagang sinadya nito na maglihim. Naiintindihan naman niya ito.Kaya pala panay alis ito nitong nakaraan.Alangan naman na hindi siya maniniwala, may marriage certificate itong hawak. Sa dinami-daming tao rito sa mundo, ang pinsan pa talaga ni Scott ang naging asawa nito— at amo pa nila.Bumuntonghininga si Diana. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano magpaliwanag kay Raine. Ayaw na niya sana magsinungaling sa kaibigan niya. Mas lalo siya nakokonsensiya, pero sa sitw
Naalimpungatan si Diana nang biglang tumunog ang cellphone niya. Pikit-matang kinapa niya sa mesa. Nang makapa na niya ito ay sinagot niya ang tawag.“Diana…”Nawala ang antok ni Diana nang marinig ang boses ng mommy niya. Napadilat siya ng mata. Napalingon siya kay Raine. Tulog na tulog pa rin ito.Ngumiwi siya. Dali-dali siya'ng tumayo at pumasok sa loob ng kwarto niya. Kinuha niya sa bag ang ear pads niya. Sumalampak siya sa kama habang binutingting ang settings para sa earpads. Saka niya ini-on ang camera.“Mom,” bungad ni Diana. “Sorry po. Nakatulog ako.”“It's alright. Alam ko na may jetlag ka pa,” sagot ni Devara.Kumunot ang noo ni Diana. Narinig niya ang atungal ni Demi sa kabilang linya.“Wait, mom. Labas muna ako. Nasa sala kasi si Raine. Baka marinig niya tayo,” sabi ni Diana.Dali-daling lumabas ng kwarto si Diana. Mahina niya'ng sinarado ang pinto. Pagkatingin niya kay Raine ay tulog mantika pa rin ito. Hindi na rin siya nagtataka dahil naparami ang inom nito ng beer.Na
Pinagsisihan ni Diandra na pumasok sa opisina ngayong araw. Ito na yata ang pinakamalas na araw sa tanang buhay niya. Parang nakabuntot sa kanya ang kamalasan. Naghihintay lang yata ito na may butas sa pinaggagawa niya. Masakit na nga ang ulo niya— dumagdag pa ang mga asungot. Buong araw panay pabalik-balik sa office niya ang Head nila para lang i-check ang kanyang trabaho. Idagdag pa si Scott. Parati itong tumatawag. Kaya sa huli, iritado siya buong araw. Hirap nga siya'ng isubo ang kinakain noong lunch dahil pumipitik din ang kanyang sentido. Mabuti na lang at medyo nawala iyon pagkatapos niya'ng uminom ng gamit at kumain. Kaso inaantok naman siya. Kaya pagkalabas niya sa Forgato, salubong na salubong ang kilay ni Diandra. Sing kunot na ng kidlat ang kilay niya. Pati ang kanyang mukha— hindi na maipinta. Naglalakad siya papunta sa apartment nang may humarang sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad.“Hey…” bati ni Scott nang makaharap si Diana.Naningkit ang mata ni Diana. Inilibot
“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood. Nilapag niya sa mesa ang bag. Pabagsak siya'ng umupo at pinaikot iyon.“May bago ba? Parati naman galit iyang Head natin. Kahit na maayos itong Department natin, maghahanap ng butas para lang guluhin tayo,” pangatuwiran ni Diana.“Luh! Iba ngayon uy. Ikaw talaga ang pinupuntirya niya,” giit ni Hailey. “Saan ka ba nagsusuot? Bakit ngayon ka lang pumasok?”“It's none of your business.” Dinampot ni Diana ang isa sa mga files na nakatambak sa mesa niya.“Ay! Sungit.” Sumimangot si Hailey. Inayos niya ang dalang files. “Ingat ka na lang. Dinig ko si Ma'am Raine tinalakan din ng Head nila. Nag-under time na naman daw kasi.”Bumuntonghininga si Diana. “Thanks for giving me a heads up.” Pinagulong
Nasa backyard ang pamilyang Potterton. Maganda ang araw kaya naisip nila na mag-picnic sa likod. Habang nakaupo sa nilatag na picnic blanket ang mag-lola— nakalublob naman si Diana sa pool nila para magpalamig. Si Arthur ay namamahinga sa ilalim ng parasol. Umahon si Diana sa pool. Tumambad ang abs niya dahil sa suot na black bikini. Mas lalong bumakat ang kanyang suot dahil sa basa siya. Tumalamsik ang mga tubig sa pool at sa sahig dahilan upang maglikha ito ng ingay.Lumapit kay Diana ang Yaya ni Demitrius. Inabutan siya nito ng puting tuwalya. “Thanks, Yaya Lusita,” sabi ni Diana habang naka-ngiting pinahiran ang kanyang dibdib. “You've been working hard lately. You can take the day off today. Kami na muna ang magbabantay kay Demi. I'll call you if we need your help.”“Talaga? Nagliwanag ang mukha ni Yaya Lusita. “Okay lang po ba?”Diandra nodded her head. “Of course. I'll send money to your account later. Pamper yourself. Kami na ang bahala kay Demi.”“Nako! Thank you po, Ma'am,


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




