Andy's Point Of View.
"Napakahaba na ng utang mo sa akin, Andy. Hihintayin mo pa bang bumalik ang Diyos dito sa lupa bago ka magbayad?" Malakas na lamang akong napabuntong hininga ng marinig iyon kay Aling Fe, parang sampal ng realidad ang sinabi niya sa akin dahil pinamukha talaga sa akin ng mundo kung gaano ako kahirap. "S-Sa sabado pa ang sahod ko, Ate. Promise, magbabayad na ako," sagot ko at noong nakita ko ang pangisi niya sa inis ay alam kong sawang-sawa na siyang marinig ang rason kong iyon. Tangina naman kasi, kung mayaman lang ako, binayaran ko na siya. At hindi ko na sana kailangan pang mangutang sa kaniya. "Puro ka naman pangako, Andy. Pasalamat ka nga at mayroon pa akong awa sa inyo ng kapatid mo dahil parehas kayong ulila," giit niya, mariin ang tingin sa akin. "Mauubos na ang laman ng tindahan ko ng dahil sa inyo, mahiya ka naman sana. . . pero sige, pagbibigyan kita sa sabado. Kapag hindi ka pa makabayad ay magkita na lang tayo sa baranggay." Noong umalis siya sa harapan ng aming bahay ay mabilis kong sinira ang pintuan namin at malakas na napamura dahil sa inis. Hinding-hindi na talaga ako mangungutang sa matandang matapobre na iyon, akala mo kung sinong angat sa buhay pero parehas lang din naman kaming naghihirap dito. Dahil kung mayaman siya, bakit magtitiis pa siya rito sa squatter naming lugar? Hindi pa rin nabawasan ang inis ko kahit na nagpalit na ako ng uniform kong pang delivery rider, hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan ko pang makatanggap ng panglalait dahil lang sa hindi ako makapagbayad? Dahil lang sa mahirap kami? Mabuti na lang dahil wala ngayon ang nakababata kong kapatid na si Aemie dahil may pasok sa school, ayoko kasing naririnig niya iyong mga ganoong klaseng senaryo, kung baon kami sa utang, ako na lang dapat ang mamoblema roon. Limang taon na ang lumipas noong mamatay ang mga magulang namin—Si Mama ay namatay sa tuberculosis, si Papa naman ay dahil sa stroke. Hindi ko alam kung napakasama ko bang tao sa past life ko para magkaroon ako ng ganitong buhay. Noong namatay silang dalawa, siyempre bilang panganay kailangan kong tumayo bilang magulang kay Aemie, para magawa iyon ay sinakripisyo ko ang pag-aaral ko para magtrabaho. Bago pa ako tuluyang ma-late sa trabaho ko ay umalis na ako ng bahay, gamit-gamit ko ang motorsiklo na nabili ko noong binenta ko ang alagang kalabaw ni Mama—alam kong kinasusuklaman na niya ako ngayon sa langit pero para naman ito sa amin ni Aemie. "Boss, marami pa bang package?" tanong ko sa aming manager pagkapasok ng Express Delivery. Lumingon siya sa akin, hawak niya sa kaniyang kamay ang isang tasa ng kape. "Oh, bakit ngayon ka lang? Tinanghali ka ata ng gising ah?" Napailang naman ako bago ngumisi. "May sumira kasi ng beauty rest ko, naniningil ng utang." "Aba, magbayad-bayad ka rin kasi!" humalakhak siya. Tinawanan ko lamang siya. "Marami pa bang mga package?" "Oo... Check mo na lang." Dumiretso na ako sa warehouse pagkatapos kong marinig iyon, pagdating ko ay bumungad sa akin ang bundok-bundok na mga package na naka-arrange nang maayos sa metal rack. Bihira lang ang babae sa trabahong ito, hindi kasi para sa lahat ang pagbubuhat ng mga mabibigat at pagmamaneho ng motorsiklo. Minasahe ko ang aking leeg, hinahanda ang aking sarili para sa pagod na mararamdaman ko ngayong araw bago ako kumuha ng mga package. Andres's Point Of View. "I said I don't want body guards!" inis kong sabi kay Lolo at nakita ko naman ang pagsama ng tingin niya sa akin. "Your life is at risk now! Hindi mo ba talaga maintindihan?!" sigaw niya. "You witnessed a freaking crime! Anong inaasahan mo? Walang magtatangka sa buhay mo?!" Malakas na lamang akong napabuntong hininga habang iniisip kung paano napunta ang masayang buhay ko sa ganito. Gabing-gabi na iyon, mula sa VIP section ay rinig na rinig ko ang malakas na indayog ng musika at ang mga taong nagsasaya na parang wala ng bukas. Pero sa tingin ko sa lahat ng tao na nandito, mas matindi ang sayang nararamdaman ko. "I'm now the CEO of Cavellana Corporation!" sigaw ko habang may ngisi sa labi at kumuha ng alak. "Cheers for my success!" Naghiyawan ang mga kaibigan ko sa aking sinabi, lahat sila ay nakatingin sa akin habang may ngiti. "CEO really suits you, huh?" saad sa akin ni Conrad, isa sa mga kaibigan ko. Ngumisi ako sa narinig, ngayong araw ay napasa na sa akin ang kompanya ng aming pamilya, ang Cavellana Corporation na isang Real Estate Company. Sa tagal-tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito, hindi ko na pinalagpas pa na mag-celebrate kami ng aming mga kaibigan dito sa isang sikat na resto bar sa Maynila. Ngunit nasira ang masayang party namin noong magkaroon ng kaguluhan, huminto ang malakas na musika at nasira ang dance floor. Napaatras ako ng makita ang pagtalsik ni Conrad dahil sa pagsuntok sa kaniya ng isang matangkad na lalaki. "What the hell is happening?!" sigaw ko sa gulat kasabay ng pagbaba ng alak, naalarma sa nasaksihan. "I don't know, man! Magkausap lang 'yan si Conrad at iyong lalaking sumuntok sa kaniya," sumagot si Klayd, isa pa sa mga kaibigan ko na nasa aking tabi ngayon. Sasagot na sana ako ngunit sabay-sabay kaming napasinghap noong kumuha ng upuan ang lalaki at sunod-sunod itong hinampas sa aming kaibigan na ngayon ay duguan na, halos hindi gumagalaw. "Damn it! Let's help Conrad! Mamamatay siya!" Hinatak ako ni Klayd ngunit sabay kaming natigilan noong makita naming maglabas ng kutsilyo ang lalaki at bago pa kami tuluyang makalapit ay sinunggaban na nito ng saksak si Conrad. Everything was so fucked up. Ang akala kong masayang party ay nasira dahil namatay ang kaibigan namin. At ngayon, dahil isa ako sa mga nakakita ng nangyari ay sumailalim kami sa witness protection, nagbanta kasi ang pumatay kay Conrad na kaming mga nakakita ang isusunod niya. Dahil sa nangyari ay pinipilit akong magkaroon ni Lolo ng bodyguards. "I don't want bodyguards," matigas kong pag-uulit sa kaniya, tinignan naman niya ako na para bang napapagod na siya sa akin. Tsk. Fvck. Baka bawiin niya sa akin ang pagiging CEO at hindi ko hahayaang mangyari iyon. "I-I have a girlfriend," sambit ko bigla at nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya. "She's a former secret service agent, kaya niyang panatilihin ang kaligtasan ko." Humithit siya sa kaniyang tobacco at malakas na bumuntong hininga, matagal siya bago sumagot ngunit noong magsalita siya, hindi ko alam kung babawiin ko ba ang kasinungalingan nasabi ko. "Okay... But I have one condition," panimula niya at tahimik akong nakinig. "You have to marry your former secret service agent girlfriend and live with our private villa in Batangas to secure your safety."Andy's Point Of View."I know, 'Lo. Andy's different. . . " Narinig kong sagot ni kumag kaya sandaling nawala sa isipin ko kung kilala ba ng kaniyang Lolo si Rhea.Lumingon ako sa kaniya at noong napansing nakatingin ako ay tumingin din siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako muling bumaling sa kaniyang Lolo.Pilit akong tumawa. "U-Unique talaga ako, walang katulad," sabi ko na lang, pinipilit iwaksi kung bakit ako kinakabahan. Narinig ko naman ang pagtawa ng Lolo niya ngunit sumang-ayon din.Natapos naman nang mapayapa ang almusal namin, inabot din ng tanghalian na nanatili ang Lolo niya. Ang haba kasi ng napag-usapan nila, at para sa privacy, siyempre, umakyat ako sa kwarto ni kumag dahil nga ang sabi niya ay i-lock ko ang kwarto ko kaya no choice kundi sa kwarto niya pumunta.Dito siya nagtanghalian bago umalis, mabuti na lang talaga dahil si kumag pa rin ang nagluto dahil wala akong alam na lutuing pang mayaman. Baka magulat ang Lolo niya kapag naglapag ako ng prito
Andy's Point Of View.Narinig ko ang pagmumura niya. "What is he doing here? Wala siyang sinabing pupunta siya. Fvck!""Aba anong malay ko, tangina? Anong gagawin natin?" nanlalaking mata kong tanong, para kaming mga kriminal na kinakabahan dahil nahuli kami ng mga pulis.Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Okay, calm down. Lock your room, hindi niya puwedeng malaman na magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan.""Gago ka ba? Ang alam niya lang ay shota mo ako at hindi asawa!" pagtutol ko. "Kaya ano namang problema kung magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan?""It's not like that fvck!" inis niyang ani. "Just like your room, sasalubungin ko siya sa baba at ayusin mo ang kwarto ko. Pagkatapos ay bumaba ka, at huwag mong kalimutang umarte.""Ano ako? Katulong?!""Just do what I've said! Goddamn it!"Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad siyang kumuha ng t-shirt, basta na lang iyong sinuot bago lumabas ng kaniyang kwarto. Inis akong napakamot sa ulo bago tingnan ang kabuoa
Andy's Point Of View.Sinubukan kong umayos ng pwesto sa paghiga ngunit hindi ko 'yon magawa dahil ramdam ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko. Napadilat ako at nakita ang itsura naming dalawa, nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg, ramdam ko ang mainit niyang paghinga... Mukhang tulog na tulog. Nakasuot na ako ng damit niya, malaki nga ito sa kaniya. Habang siya ay walang saplot sa itaas ngunit may suot ng short.Mahina ko siyang tinapik. "Hoy, kumag. Pakawalan mo 'ko," sabi ko sa kaniya ngunit wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya napairap ako.Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Siya pa talag ang napagod nang sobra sa ginawa namin kagabi? Pero sabagay... Siya lang ang kumilos sa amin kagabi, taga-tanggap lang ako. Pero ako dapat ang mas napagod! Hindi siya!Muli ko siyang tinapik. "Nagugutom na ako, bumagon ka riyan.""Hmmm?"Sasagot na sana ako ngunit natigilan ako nang mas lalo niyang ilapit ang katawan ko sa kaniya, humigpit din ang pagyakap nniya sa akin.
Warning: R18 Andy's Point Of View Sinubukan kong alisin ang ulo niya sa aking leeg ngunit mas lalo niya lang niyakap ang bewang ko at diniin ang ulo sa akin. "Para ka namang bata, kumag!" natatawang sabi ko dahil hindi ako makapasok-pasok sa villa dahil sa pagharang niya sa. Natigilan ako sa pagtawa noong maramdam ko ang marahan niyang paghalik sa aking leeg. "Answer me. . . Bakit ngayon ka lang?" narinig kong tanong niya bago ako muling halikan sa leeg, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa akin. "M-May pinuntahan ako, saka sinabi ko naman sa'yong gabi na ako makakauwi, hindi ba?" sabi ko sa kaniya, pilit hindi pinapansin ang init na nararamdaman ng aking katawan dahil sa ginagawa niya. "Tigilan mo nga ang paghalik sa akin! Galing ako sa labas, marumi ako. Maliligo muna ako!" "I'm so horny right now, Andy. Paghihintayin mo ako?" "B-Baka mabaho ako," nahihiya kong pag-amin ko at mabilis na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman kong muli niya akong halikan sa leeg. "
Andy's Point Of View."Ate!"Mabilis akong yumakap kay Aemie, gabi na noong nakauwi ako rito sa amin. Nasabihan ko na siyang uuwi ako kaya naghintay talaga siya."Grabe, ilang linggo lang kitang hindi nakita. Namiss talaga kita," sabi niya sa akin bago bumitaw sa pagyakap, ngumiti naman ako. "Mabuti naman pinayagan ka ng asawa mong umuwi?"Napangiwi ako sa sinabi niya, mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Asawa amputa," natatawang sabi ko at naupo sa sofa naming gawa sa kawayan. "Papayag talaga ang kumag na 'yon dahil kung hindi siya papayag baka masuntok ko lang siya sa mukha.""Ang bayolente talaga!"Tinawanan ko lang siya. "Kamusta ka naman dito? Umaaligid pa ba si Aling Fe? Subukan niya lang, nabayaran ko na ang utang ko sa kaniya!""Oo, hindi na nagpaparamdam. Nabayaran ko na rin ang utang natin kay Ate Yena, tuwang-tuwa nga na nabayaran natin ng buo. Kasi diba? Palaging half-half lang ang nababayaran natin dahil binabadjet natin ang pera."Napangiti naman ako dahil sa narin
Andy's Point Of View.Puno ng saya ang relasyon ko kay Liam... Siya ang una ko sa lahat. Ang unang boyfriend ko. Unang first kiss. Sa kaniya ko naranasan lahat. Akala ko pa noon, hinding-hindi ako magkakaroon ng kasintahan. Kasi ang sabi sa akin ng mga nasa paligid ko, walang magmamahal sa isang babaeng kapag kumilos ay mas lalaki pa sa lalaki.Napaniwala naman ako... Alam kong palamura ako, kaya kong manapak at manipa. Alam kong wala akong hilig sa mga magagandang damit, sapat na sa akin ang oversized t-shirt at pants na galing sa ukay-ukay. Wala rin akong hilig sa make-up, aalis ako ng trabaho ng sarili ko lang ang dala. Magkaibang-magkaiba kami ni Aemie, lahat ng ayoko ay gusto niya. Masaya naman ako para sa kaniya dahil iyon ang ang mga bagay na nakakapagbigay din ng saya sa kaniya.Wala rin naman akong pakialam sa mga relasyon, kaya ng ayos lang na walang lalaking magmahal sa akin. Kaya nga noong dumating sa buhay ko si Liam, noong inamin niyang may nararamdaman siya sa akin. Pa