Share

Kabanata 2

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-05-03 15:32:18

Andres's Point Of View.

"Damn it, Klayd!" inis kong sabi sa aking kaibigan. "What part of earth where I could find a former secret service agent that I have to marry?!"

"Just tell him the truth," narinig niyang sagot nito. "Hindi naman masama magkakaroon ng bodyguards, para nga lang akong nagbabakasyon dito sa bahay."

"Someone died here, remember? And that someone was our friend."

"I know... Hindi ko naman sinasabing hindi ako nasaktan sa pagkawala ni Conrad. Pero iniisip ko na lang din ang kaligtasan ko ngayon. No one knows what will happen. Ni-hindi pa nga nahuhuli ang suspect."

Malakas na lamang akong napabuntong hininga, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko namang aminin kay Lolo na nagsinungaling ako, mamaya ay bawiin niya ang kompanya sa akin.

"What's your plan? You're the one causing your own problems."

Napailang siya. "Don't state the obvious here, Klayd. I know that."

"Ano ngang plano mo?"

"Hindi ko pa alam, pero sigurado akong hindi ko babawiin ang sinabi ko kay Lolo."

"You're dead. Magpapakasal ka talaga dahil lang ayaw mo ng bodyguards? Hindi ba't parang ang babaw no'n?"

"Fake marriage, Klayd. Fake marriage ang mangyayari," sagot niya. "Hindi naman ako ganoon katanga para sumugal ng gano'n."

"Good luck on that. Magdadasal ako na sana hindi malaman 'yan ng Lolo mo."

Napailang na lamang ako bago binaba ang tawag, kung wala pa akong mahahanap na babae ngayon, siguradong magtataka na si Lolo.

Damn it. Saan naman ako maghahanap ng babae?

Andy's Point Of View.

Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang buhay, kung pinipili lang ba ng Diyos kung sino ang mabubuhay na mahirap at mayaman. Pero noong nasa tiyan pa lang siguro ako ni Mama ay sobrang swerte ko na dahil napasama ako sa parte ng mga taong lumaking mahirap.

"Ate Yena, pwede po bang umutang kahit isang kilong bikas?"

Nakita ko naman ang pagkamot ng matanda dahil sa sinabi ko, napangiti ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Pasensya na, Ate. Paborito ko kasing utangan itong tindahan mo," dagdag ko, totoo iyon dahil sa lahat ng mga nautahan ko rito sa baranggay namin, siya lang talaga ang nakakaintindi sa sitwasyon ko.

Noong makita ko siyang tumayo para kumuha ng bigas ay mas lumawak naman ang pagngiti ko, nilapag niya iyon sa harapan ko bago magsalita.

"Kailan ka naman magbabayad?"

"Sa sabado po, sigurado 'yan. Uunahin kitang bayaran kaysa kay Aling Fe," pagbibiro ko at napailang na lamang siya.

"Bilib talaga ako sa'yo, Andy. Napakasipag mong bata, sigurado akong malayo ang mararating mo."

Nanatili ang ngiti ko sa narinig. "Ikaw lang ang nagsabi niyan, Ate," sagot ko ngunit sa loob-loob ko ay hindi ko maiwasang matuwa dahil may tao pa rin palang naniniwalang may mararating ako sa buhay.

Nagpaalam na ako sa kaniya at umuwi na sa bahay, nagsaing ako at nagluto ng ulam. Pagkatapos ay tinawag ko na si Aemie para kumain.

"Tapos mo na ba ang assignment mo?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami, grade 12 na siya ngayon at malapit ng magcollege kaya naman todo kayod talaga ako sa pagtatrabaho.

"Oo, Ate."

Tumango ako. "Mabuti naman, huwag ka ng magpupuyat ha? Alam mo namang anemic ka. Hindi pwede 'yon sa'yo."

Nakita ko ang pagngiti niya. "Alam ko, Ate. Ikaw din, huwag kang masyadong magbabayad sa initan."

"Kung hindi ko 'yon gagawin, anong kakainin natin?" pagbibiro ko at napatawa na lamang siya. Alam kong madalas siyang mag-alala sa akin, lalo na dahil sa trabahong mayroon ako pero pinapaalala ko naman palagi na sarili niya na lang ang isipin niya dahil kaya ko ang sarili ko. Kami na lang ang nandiyan para sa isa't isa kaya masaya akong nagkakasundo kami.

Kinabukasan ay maaga akong umalis para sa trabaho, para na rin maiwasan ko si Aling Fe kung sakali mang bulabugin na naman niya ang umaga ko. Pagdating sa warehouse ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kumuha na ako ng mga package. Dahil gusto kong makarami ngayon ng delivered orders, hindi na ako nananghalian pa dahil bukod sa sayang ang pera, sayang din sa oras.

Kaya hindi na ako nagtataka na nakakaramdam na ako ng hilo sa huling parcel na i-dedeliver ko. Gabi na at pagod na ako pero last na naman 'to, pagkatapos ay pwede na akong magpahinga.

Nagmaneho ako papunta sa isang private subdivision, hinanapan pa ako ng ID ng guard bago ako papasukin. Pagdating ko sa address ng recipient, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng mansyon na bumungad sa akin. Mukhang mayaman talaga lahat ng nandito, ano kayang mga trabaho nila at nagiging ganito sila kayamanan?

Nagdoorbell na ako at ilang sandali lang, nakita ko ang paglabas ng isang matangkad at maputing lalaki. Aamin kong guwapo ito, makapal ang kilay, magandang mga mata, matangos na ilong. Halatang suplado at babaero. Halatang mayaman din dahil bukod sa makinis ang mukha, branded din ang suot na damit.

Nang buksan nito ang gate ay mabilis kong naamoy ang panlalaking pabango nito.

"Ikaw po ba si Sir Andres Cavellana?" tanong ko at nakita ko naman ang pagtango nito.

"May parcel po kayo."

"How much?"

"Limang libo, Sir."

Nakita ko naman itong naglabas ng wallet at halos mamilog ang mga mata ko sa gulat dahil halos hindi na makahinga ang mga pera niya sa dami. Baka kung masama lang akong tao, kanina ko pa iyon hinablot. Pero hindi, hindi ko iyon gagawin dahil naniniwala ako sa karma.

"Here," wika nito at inabot sa akin ang pera, tinanggap ko naman ito at binigay ang may kalakihang box.

"Salamat, Sir."

Nang mabigay ko iyon ay tatalikod na sana ako ng bigla akong makaramdam ng hilo, napahawak na lamang ako sa gate ng pintuan dahilan upang hindi iyon masara noong lalaki.

Wala nga pala akong tanghalian! At bago ko pa makalimutan, parehas kaming anemic ni Aemie kaya naman bawal sa amin ang malipasan ng gutom. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit ko ba iyon nakalimutan?!

"Hey, are you okay?" narinig ko pang tanong ng lalaki, naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko ngunit nanlalabo pa rin ang aking paningin at parang umiikot ang buong paligid. "Miss, naririnig mo ba ako?"

Sinubukan kong gumalaw ngunit bago ko pa iyon magawa ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 23

    Andy's Point Of View."I know, 'Lo. Andy's different. . . " Narinig kong sagot ni kumag kaya sandaling nawala sa isipin ko kung kilala ba ng kaniyang Lolo si Rhea.Lumingon ako sa kaniya at noong napansing nakatingin ako ay tumingin din siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako muling bumaling sa kaniyang Lolo.Pilit akong tumawa. "U-Unique talaga ako, walang katulad," sabi ko na lang, pinipilit iwaksi kung bakit ako kinakabahan. Narinig ko naman ang pagtawa ng Lolo niya ngunit sumang-ayon din.Natapos naman nang mapayapa ang almusal namin, inabot din ng tanghalian na nanatili ang Lolo niya. Ang haba kasi ng napag-usapan nila, at para sa privacy, siyempre, umakyat ako sa kwarto ni kumag dahil nga ang sabi niya ay i-lock ko ang kwarto ko kaya no choice kundi sa kwarto niya pumunta.Dito siya nagtanghalian bago umalis, mabuti na lang talaga dahil si kumag pa rin ang nagluto dahil wala akong alam na lutuing pang mayaman. Baka magulat ang Lolo niya kapag naglapag ako ng prito

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 22

    Andy's Point Of View.Narinig ko ang pagmumura niya. "What is he doing here? Wala siyang sinabing pupunta siya. Fvck!""Aba anong malay ko, tangina? Anong gagawin natin?" nanlalaking mata kong tanong, para kaming mga kriminal na kinakabahan dahil nahuli kami ng mga pulis.Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Okay, calm down. Lock your room, hindi niya puwedeng malaman na magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan.""Gago ka ba? Ang alam niya lang ay shota mo ako at hindi asawa!" pagtutol ko. "Kaya ano namang problema kung magkaiba tayo ng kwartong tinutulugan?""It's not like that fvck!" inis niyang ani. "Just like your room, sasalubungin ko siya sa baba at ayusin mo ang kwarto ko. Pagkatapos ay bumaba ka, at huwag mong kalimutang umarte.""Ano ako? Katulong?!""Just do what I've said! Goddamn it!"Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad siyang kumuha ng t-shirt, basta na lang iyong sinuot bago lumabas ng kaniyang kwarto. Inis akong napakamot sa ulo bago tingnan ang kabuoa

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 21

    Andy's Point Of View.Sinubukan kong umayos ng pwesto sa paghiga ngunit hindi ko 'yon magawa dahil ramdam ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko. Napadilat ako at nakita ang itsura naming dalawa, nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg, ramdam ko ang mainit niyang paghinga... Mukhang tulog na tulog. Nakasuot na ako ng damit niya, malaki nga ito sa kaniya. Habang siya ay walang saplot sa itaas ngunit may suot ng short.Mahina ko siyang tinapik. "Hoy, kumag. Pakawalan mo 'ko," sabi ko sa kaniya ngunit wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya napairap ako.Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Siya pa talag ang napagod nang sobra sa ginawa namin kagabi? Pero sabagay... Siya lang ang kumilos sa amin kagabi, taga-tanggap lang ako. Pero ako dapat ang mas napagod! Hindi siya!Muli ko siyang tinapik. "Nagugutom na ako, bumagon ka riyan.""Hmmm?"Sasagot na sana ako ngunit natigilan ako nang mas lalo niyang ilapit ang katawan ko sa kaniya, humigpit din ang pagyakap nniya sa akin.

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 20 SPG

    Warning: R18 Andy's Point Of View Sinubukan kong alisin ang ulo niya sa aking leeg ngunit mas lalo niya lang niyakap ang bewang ko at diniin ang ulo sa akin. "Para ka namang bata, kumag!" natatawang sabi ko dahil hindi ako makapasok-pasok sa villa dahil sa pagharang niya sa. Natigilan ako sa pagtawa noong maramdam ko ang marahan niyang paghalik sa aking leeg. "Answer me. . . Bakit ngayon ka lang?" narinig kong tanong niya bago ako muling halikan sa leeg, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa akin. "M-May pinuntahan ako, saka sinabi ko naman sa'yong gabi na ako makakauwi, hindi ba?" sabi ko sa kaniya, pilit hindi pinapansin ang init na nararamdaman ng aking katawan dahil sa ginagawa niya. "Tigilan mo nga ang paghalik sa akin! Galing ako sa labas, marumi ako. Maliligo muna ako!" "I'm so horny right now, Andy. Paghihintayin mo ako?" "B-Baka mabaho ako," nahihiya kong pag-amin ko at mabilis na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman kong muli niya akong halikan sa leeg. "

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 19

    Andy's Point Of View."Ate!"Mabilis akong yumakap kay Aemie, gabi na noong nakauwi ako rito sa amin. Nasabihan ko na siyang uuwi ako kaya naghintay talaga siya."Grabe, ilang linggo lang kitang hindi nakita. Namiss talaga kita," sabi niya sa akin bago bumitaw sa pagyakap, ngumiti naman ako. "Mabuti naman pinayagan ka ng asawa mong umuwi?"Napangiwi ako sa sinabi niya, mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Asawa amputa," natatawang sabi ko at naupo sa sofa naming gawa sa kawayan. "Papayag talaga ang kumag na 'yon dahil kung hindi siya papayag baka masuntok ko lang siya sa mukha.""Ang bayolente talaga!"Tinawanan ko lang siya. "Kamusta ka naman dito? Umaaligid pa ba si Aling Fe? Subukan niya lang, nabayaran ko na ang utang ko sa kaniya!""Oo, hindi na nagpaparamdam. Nabayaran ko na rin ang utang natin kay Ate Yena, tuwang-tuwa nga na nabayaran natin ng buo. Kasi diba? Palaging half-half lang ang nababayaran natin dahil binabadjet natin ang pera."Napangiti naman ako dahil sa narin

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 18

    Andy's Point Of View.Puno ng saya ang relasyon ko kay Liam... Siya ang una ko sa lahat. Ang unang boyfriend ko. Unang first kiss. Sa kaniya ko naranasan lahat. Akala ko pa noon, hinding-hindi ako magkakaroon ng kasintahan. Kasi ang sabi sa akin ng mga nasa paligid ko, walang magmamahal sa isang babaeng kapag kumilos ay mas lalaki pa sa lalaki.Napaniwala naman ako... Alam kong palamura ako, kaya kong manapak at manipa. Alam kong wala akong hilig sa mga magagandang damit, sapat na sa akin ang oversized t-shirt at pants na galing sa ukay-ukay. Wala rin akong hilig sa make-up, aalis ako ng trabaho ng sarili ko lang ang dala. Magkaibang-magkaiba kami ni Aemie, lahat ng ayoko ay gusto niya. Masaya naman ako para sa kaniya dahil iyon ang ang mga bagay na nakakapagbigay din ng saya sa kaniya.Wala rin naman akong pakialam sa mga relasyon, kaya ng ayos lang na walang lalaking magmahal sa akin. Kaya nga noong dumating sa buhay ko si Liam, noong inamin niyang may nararamdaman siya sa akin. Pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status