LOGINClaire's POV
Mula nang dumating kami hanggang sa pagpasok sa bahay ay panay ang pagsusungit ng mga kuya ko kay Clark. "Gaano na kayo katagal?" si Kuya Miko. "A-ah, mag 2 months po." Pigil na pigil ang tawa ko dahil napakalaking tao ni Clark at napakalaki din ng boses. Tapos todo po at opo sa Kuya kong hindi naman kakisigan. "Bakit ngayon ka lang namin nakita? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na manligaw sa bahay ng babae?" si Kuya Carlo. "A-aah k-kasi po," Tumitingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng tulong. Nagpipigil ako ng tawa habang umiiling-iling. "Hoy! Kayong dalawa, tama na nga 'yan." utos ni Kuya Von. "Hayaan mo 'yang dalawang 'yan, ganyan talaga sila. Pero bakit ngayon ka nga lang namin nakita? Maganda sana talaga kung nakilala ka namin ng mas maaga." "I'm sorry about that." "I'm serry ebout thet." Kuya Carlo mimicked him kaya naman binatukan ito ni kuya Von. "Pasensiya ka na, ganyan talaga siya haha." "It's okay, Sir. As I was saying, pasensiya na kayo dahil hindi po kami nakapunta kaagad. We're helping a friend kaya sobrang nabusy po kami ni Claire. Medyo malaking gulo po kasi ang napasukan ng kaibigan namin kaya na-occupy po doon ang atensyon namin," paliwanag nya. Nag cross-arms si Kuya Miko at sunod na nagtanong, "Eh bakit ka makikitira dito? Maliit ang bahay namin at masikip." "Hoy! Magsitayo na kayo diyan at kumuha ng mga plato. May bisita tayo, kung ano anong kabulastugan ang ginagawa niyo," sita ni mama na may dalang kaserola na may ulam. "Clara! Halika tulungan mo ako." Lumapit naman ako at inayos ang patungan sa lamesa habang sila Kuya naman ay kumuha ng kanin at mga kubyertos. "Fatima! ‘Andito na 'ko!" "Papa!" tumakbo ako para salubungin siya. "Oh, Clara! Nandito ka na pala." Yumakap ako at nagmano. "Opo, kadarating." "Hello po, Tito." Nagmano rin siya. "Oh, ikaw na ba ang boyfriend ng anak ko?" "Opo," hiya niyang sagot. "Aba, napaka gwapo mo naman pala ano?" "''Di ba?" singit ni Mama. "Napaka matso pa, naku! Kaiinggitan ka na naman ng mga pinsan mo 'nak!" "Si mama talaga, hahaha." Nagsi-upo na kami sa hapag-kainan at kumain. Nagdasal muna kami at isa isang nagsisandok. Una ko nang hinapagan ng tinola si Clark dahil sigurado akong hindi siya titirhan ng dalawa kong Kuya. "Doon ka na sa kwarto ni Clara matulog, at wala naman tayong ibang kwarto dito." "Ano?! Bakit magtatabi sila? Hindi pa sila kasal!" angal ni kuya Carlo na agad ding binweltahan ni Mama. "Hoy! Akala niyo ba hindi ko alam na nag-uuwi kayo ng girlfriend dito nyan ni Miko kapag wala kami? Atleast si Clara matinong hinaharap sa amin ang boyfriend nya!" "Pero ‘Ma, babae si Claire!" "Tama na 'yan, matanda na ang kapatid niyo," wala na silang nagawa nang si papa na nag magsalita. Pagkatapos namin kumain ay inayos namin ang mga gamit sa kwarto ko. "Your room looks cute. Fan ka pala ng Ghibli?" "Oo, actually si Kuya Von. Nung maliit pa kami, lagi niya kino-connect sa TV yung laptop niya tapos nanonood kami ng Ghibli Movies." "Siya ba ang panganay, hindi si kuya Miko?" "Hahaha hindi, piling panganay lang 'yon." Inabutan ko siya ng tuwalya. "Kuha ka na ng damit mo tapos ligo ka na. Sunod ako after mo." Clark's POV I've been so uncomfortable this whole time. They're all f*cking with me. Mabuti na lang at mabait ang parents at Kuya Von ni Claire. Ang Miko at Carlo na 'yon ang init ng dugo sa 'kin. Pero naiintindihan ko rin naman. Tama naman sila na dapat nagpakita ako kaagad habang nanliligaw pa lang. Nagpalinga-linga ako sa loob ng kwarto niya at hinanap ang banyo, "Where's your bathroom?" "Wala dito, nandoon sa tabi ng kusina. Makikita mo naman agad 'yon." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako umimik. Kanina pa siya nagaalala na baka hindi ako maging kumportable, ayokong nagaalala siya. "I'll go take a shower," paalam ko. Pagdating sa kusina ay si Kuya Von ang nakita ko, "Is this your bathroom?" "Oo pasok ka dyan," sagot nya habang umiinom ng tubig. Sobrang liit ng banyo, walang shower at bidet. Kulay pink ang lahat pati pader at sahig. Kinikilabutan ako sa nakikita. At lalo pa akong nagimbal nang makita ang mga nakasampay na underwear malapit sa bintana. "F*ck," I tried my best na huwag nang pagtuunan ng pansin 'yon at nagsimula nang maligo. Habang nagbibihis ako ay napukaw ang atensyon ko sa isang pulang panty na nakasampay. 'Bling bling baby' Basa ko sa design nito na nakasulat gamit ang rhinestones. Napangisi ako at kinuha 'yon. Hindi ko akalaing may ganitong underwear pala ang girlfriend ko. Ibinulsa ko 'yon at balak kong ipasuot sa kanya mamaya. “Ang tagal mo naman,” bungad ni Kuya Miko paglabas ko. Magso-sorry sana ako nang bigla niya akong hawiin pagilid at diretsong pumasok sa banyo. “Hahaha, goodluck pre. Overprotective ‘yan kay Clara,” sabi ni Kuya Von at tinapik ako sa balikat. “Halata nga po eh,” nginitian ko siya at nagpaalam na rin. "Baby, I'm done." I'm wearing a black shirt and white shorts as I'm drying my disheveled hair. "Okay, ako naman." Lalabas na sana siya when I caught her arm. "Wait," I smirked at inilabas ang panty sa bulsa ko. Hawak ko 'yon gamit ang isang daliri at kinindatan siya. "Wear this so you'll bling bling baby,” malandi kong sabi. "HAHAHAHA!" Pinaghahampas niya ang braso ko, "Kay Mama 'yan!" Gusto kong mamatay, gusto kong makapatay, gusto kong maglaho. Kaagad akong kumuha ng alcohol at halos iligo ito, "F*ck! Aaaarrrgghhh!" "HAHAHAHA!" Kinuha niya ang panty at binasa ang nakasulat, "Bling-bling baby pala gusto mo ha? HAHAHAHA" "Maligo ka na," seryoso kong utos. Tawang-tawa pa rin siyang lumabas at biglang inihagis sa akin ang panty. “Kadiri, t*ngina!” Nang akala kong tapos na ang kalbaryo ko, biglang kumatok ang Mama niya. "Andyan ba si Claire? Yung panty ko sa banyo kinuha niya ata." Sumuot ako sa likod ng pinto para magtago, t*ngina!This chapter is dedicated to Annaliza Aga, thank you po for your support ’s POV “Ako naman kasi ha? Teka makinig muna kayo. Ganito kasi ‘yan, hanggat kaya kong ibigay sa anak ko lahat ng gusto at pangangailangan nila ibibigay ko! Kung kailangan na pati mga braso at binti ko ibigay ko ibibigay ko talaga. Gano’n ko kamahal ang mga anak ko,” paliwanag ni Tita Mayet na dinuduro-duro pa sina Mama. Pulang-pula na ang mga mukha nila at halatang mga wala na sa sarili. Nasa kusina ako at nagluluto ng sisig para ipang pulutan nila. “Ako ate, ganito. Dati ganyan din ako mag-isip eh. Kasi syempre sobrang hirap ng buhay natin nila Mama dati, kakain tayo isang beses sa dalawang araw. Kaya sabi ko hindi ko hahayaang maghirap ang mga anak ko.” “Tama!” sabat ni Tita Mayet, “‘Yan mismo ang dahilan ko kaya hindi ko talaga kayang tiisin ang mga anak ko!” “Teka patapusin mo si Fatima, ang ingay mo eh!” saway ni Tita Lizeth. Nakapamewang ako habang hawak ang sandok at nanonood sa kanila
Claire’s POV “Babe, I cooked champorado. Sinamahan ko na rin ng fried pusit. Gusto mo ‘to ‘di ba?” Umupo siya sa tabi ko. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama, “Saan ka galing?” tanong ko. Pagbangon ko kanina wala na naman siya. Ugaling-ugali niya talagang iwan ako. Nag-iwas siya ng tingin, halatang nag-iisip, “Kay Emily ba?” Mabagal siyang tumango. Hihiga at tatalikod na sana ulit ako nang hawakan niya ako sa braso at pigilan ako. “I resigned.” Napalingon ako sa kanya, “Ayokong makita kang nagkakaganyan. Hindi na ako magtatrabaho sa kanya and I assure you hinding-hindi na magkukrus ang landas namin.” Hindi ako kumibo pero hinayan ko siyang subuan ako ng champorado. Masarap ‘yon lalo at sinamahan pa ng pritong pusit maliliit. Patapos na akong kumain nung may nareceive akong text kay Kuya Von. [From: Kuya Von Clara, pwede mo ba samahan dito si Mama bukas? Wala kasi kaming lahat may mga importanteng lakad. Ayaw namin siya maiwang mag-isa baka lalo siyang malungko
“Kaya mas mabuting wala ka na lang sa buhay ko, Clark. Tutal kaya ko naman ng wala ka.” My mind went blank. How could she say that? I have my reasons too, I didn't stay there because I wanted to. I'm saving up for her, for us. I want to give her the life she deserves. I hate seeing her worry especially about money. I'm just trying to be a good partner pero bakit parang naging kasalanan ko pa? “Claire, this is not the solution. I'm sorry. I know marami akong pagkukulang. But please hayaan mong makabawi ako.” “Maraming beses na kitang binigyan ng pagkakataong makabawi,” pagmamatigas niya pero hindi rin ako nagpatinag. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, “I promise, this time I won't mess up.” Hinila niya pabalik ang kamay niya saka ako tinalikuran. Bakit ganito ang mga nangyayari? Bakit nasisira lahat? I thought I'm doing good but I kept messing everything up. Masakit pa rin sa akin ang pagkawala ni Papa. Dalawang Tatay ko ang nawala sa akin. Gustong-gusto kong umuwi
Clark's POV Pumunta ako sa kusina at nag-init ng tubig habang hinihintay ko siya. Kinuha ko rin ang pang hot compress niya para magamit niya mamaya. I ran to her when I heard the door open. “Are you okay?” I asked her again. Nakatapis lang siya ng twalya habang tumutulo pa ang tubig sa buhok niya. She nodded, I went to her and carried her to the bedroom, “Magbihis ka muna and wait for me okay?” Nag-init ako ng tubig para sa hot compress niya and then I made three mugs of hot chocolate for us. Una akong pumunta kay Elly, pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili bago pumasok sa kwarto ng anak namin. “Hello baby? Are you reading again?” Sinara ko ang pinto sa likod ko at saka siya nilapitan sa study table niya. “Yes po Papa. Wow! Hot choco and butter cookies?” Inihapag ko ang hawak kong tray sa harap niya. “Yes baby, mag mirienda ka muna okay?” Hinaplos ko ang buhok niya saka siya hinalikan sa noo, “Aalagaan ko muna si Mama, hindi maganda ang pakiramdam niya. If you ne
Claire’s POV “Naku magwawala na naman si Clara kapag nakita niya ‘yan eh.” “Bakit ba kasi nandito ‘yan? Yung Nanay niya hindi man lang talaga dumalaw dito.” “Eh paano dadalaw ‘di ba inagawan niya ng mga customers si Clara?” “Totoo ba?” “Oo kaya nga nagsara yung ibang business ni Clara eh.” Ngayon ang libing ni Papa. Busy kami sa pagrerepack ng kanin, menudo, adobo, at pritong manok sa mga styro habang nakikinig sa mga chismosang nakiki tulong dito. Hindi naman sila nagkakamali. Talagang gusto ko nang ibaon sa lupa ang babaeng ‘yan. “Babe, pupuntahan ko lang si Emily ha? Babalik din ako kaagad.” Tumango na lang ako kaya tumayo na siya at nilapag ang basong ginagamit niya pantakal sa mainit na kanin. “Bakit ba pabalik balik dito yang babaeng ‘yan Clara? Invited ba ‘yan?” bulong ni Tita Mayet. “Hindi po.” “Gusto mo palayasin ko na teh? Jombagin ko paalis ‘yan.” Biro ni Berto na hindi ko pinansin. Panay ang okray ng mga Tita at Pinsan ko kay Emily habang ako naman
Claire’s POV Maghapon ko siyang iniiwasan. Kasama niya si Mama sa harap ng kabaong, panay ang iyak niya kanina habang hinihimas ni Mama ang likod niya. Gusto kong maawa pero hindi ko magawa. Gusto kong lapitan siya pero para bang wala na akong pakialam. “Kinausap mo na ba siya?” tanong ni Kuya habang naghahapag kami ng mga butong pakwan. “Ayoko.” “Bakit?” “Ayoko siyang kausap. At ayaw din kitang kausap kaya pwede ba lubayan mo ‘ko?” Inirapan ko siya saka tinalikuran. “Clara!” “Naku ayan na naman siya.” “Hayaan mo muna ang kapatid mo ijo, dalawang araw nang may sapi ‘yan hindi na talaga nirespeto ang lamay ng Papa niya.” “Ganyan talaga ‘yan eh bastos ralaga yan si Clara.” “Hoy mga chismosa!” Boses ni Tita Mayet ‘yon. Patuloy ako sa pagseserve ng buto ng pakwan at hindi sila nililingon, “Namatay na nga ang bayaw namin tapos pagchichismisan niyo pa ang anak niya. Wala na talaga kayong pinalampas?!” Sunod na sumingit si Tita Lizeth, “Akala niyo ba hindi namin napapans
Clark's POV “Papasubo ka pa, eh ‘di ba big girl ka na?” Naupo siya sa tapat namin habang si Elly naman ay nagpabuhat at umupo sa kandungan ko. “Opo, pero di pa ako subukan Papa, wala kasi siya.” Napangiti na naman ako. Nakakatuwa talaga ang batang ito, “‘Wag ka mag-alala, kahit na big girl ka
Claire's POV “Elegance!” Hindi niya kami pinansin at tuloy-tuloy itong tumakbo papunta sa kwarto. Humarap ako kay Clark at tipid siyang nginitian, “Sorry.” He smiled. A very sad one, “It's okay.”
Claire's POV “Miss na miss kita, mahal ko.” Gusto ko siyang itulak palayo, gusto kong tumalikod at tumakbo. Baka maramdaman niya ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung yayakapin ko rin siya, itinaas ko ang mga bisig ko at akmang yayakap din sa kanya nang biglang… “Mama!” Kaagad ko
Claire’s POV “Ang tagal kong hinintay yan.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, “Ang tagal kong hinintay yung explanations mo, yung paghingi mo ng tawad. For the longest time, I thought may karapatan akong magalit sa ‘yo. Akala ko kapag nag-usap na tayo sasampalin kita, hahampasin, sasa







