"No! Hindi ako papayag Ciel!" nagtatagis ang mga bagang na sabi ng kuya William niya ng sabihin niya dito ang napagkasunduan nila ni Leandro. Maaga pa lang kinabukasan ay pinuntahan na niya ito sa presinto. "Hindi ako papayag na magpakasal ka sa walang pusong taong iyon! No!"
She winced. Hindi niya rin iyon gusto pero wala na siyang maisip na ibang paraan pa.
Wala sana siyang balak na sabihin dito ang tungkol sa naging usapan nila ni Leandro pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Magtataka ito kung paano ito nakalaya. Isa pa malalaman din naman nito ang tungkol doon kaya wala ring say-say na ilihim iyon.
"It was what he wanted para iurong niya ang kaso laban sayo." Mahina niyang sabi.
"Wala akong pakialam kung mabubulok ako dito, basta hindi ka magpapakasal sa lalakeng iyon!"
"I need to kuya," mahina pa rin niyang sabi saka minasdan ito. "Hindi ko ito ginagawa para lamang sayo, I am also doing this for ate Beth and for my niece. N..nasa ospital sila ngayon."
Napa-angat ang tingin nito sa kanya. Kumunot ang noo.
"Anong sabi mo?" He asked. Wondering if he heard her right.
Napalunok siya. "Sinugod ko si ate Beth kahapon sa ospital dahil dinugo siya, she almost had a miscarriage."
"God!" tila bigla itong nanghina na napasandig sa upuan. "K..kumusta na s..sila ngayon?" nang mahimasmasan ay tanong nito. Mababakas sa mukha ang matinding pag-alala.
"Ate Beth is safe now, pero kinailangan siyang turukan ng pampakapit. Sobrang pag-iisip at stress ang pangunahing rason kung bakit muntik na siyang makunan. And it could be worst kung hindi pa tayo gagawa ng paraan--"
"At ang pagpapakasal sa Leandrong iyon ang nakita mong paraan?"
She winced. "Bakit may iba pa ba?" Di na niya napigilang palatak. Tiningnan niya ito.
Wala rin itong maisagot. Nanlulumo lang itong napayuko. He close his eyes hopelessly.
"Wala na kuya," she said hopelessly too. "I went to him wanting to make a deal, nagdesisyon akong ibigay nalang sa kanya ang buong lupain kapalit ng pag-urong niya ng kaso laban sayo, I almost kneel and beg him, pero alam mo ba kung anong sinabi niya? Sinabi niyang kahit hindi daw natin kusang ibigay, kanya na naman daw iyon dahil pinirmahan mo na ang kontrata!"
"That son of a bitch!" nagtatagis ang mga bagang na mura nito. Wala itong nagawa kundi ang ikuyom nalang ng maigting ang mga kamao nito.
"I don't know what his reason for wanting to marry me," maya-maya ay sabi niya. Nanlulumo rin at nakayuko ang ulo. Kung umangat lang sana ang tingin niya kay William, nakita niya sana ang pag-iwas nito ng tingin at pagtiim pa lalo ng bagang.
"Ayoko rin kuya, kaya lang wala akong ibang mapagpipilian. Leandro didn't give me a choice."
"Hindi mo kailangan gawin ito kung ayaw mo Ciel, hindi mo kailangan na isakripisyo ang sarili mo para sa amin, tanggap ko na na makukulong ako, Atty. Marcial promised to lessen the possible sentence. Five years is not that long. At ang tungkol naman sa ate Beth mo, kakausapin ko siya, I'm going to--"
"Nakapagdesisyon na ako kuya, at pumayag na rin ako." mariin niyang sabi.
"Are you out of your mind?" nababahalang sabi nito.
"You will too, if you manage to see those blood I saw in ate Beth. Hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko kung maulit muli iyon at mawala ng tuluyan ang pamangkin ko, habang buhay kong dadalhin sa sarili ko ang mga salitang 'what if' kung mangyayari iyon. And what about ate Beth? Ano sa tingin mo ang mangyayari sa kanya kung mawawala ang baby niya?"
Tuluyan ng naumid ang dila nito. Kitang-kita niya ang kawalan ng pag-asa ang mukha nito.
"Makakalaya ka ngayong umaga, Leandro will going to drop the case against you immediately this morning, gaya ng napagkasunduan namin."
"Pero Ciel, paano ka?"
"We will going to get married this afternoon. Iyon din ang gusto niya!"
"I'm going to kill that bastard!" Nanggagalaiti nitong sambit.
Inabot niya ang kamay nitong nasa mesa. "I hope you won't do that," pinilit niyang sinalubong ang mga mata nito. "Don't make my sacrifices go in vain. You must live happily with ate Beth and your baby girl. Kailangan ka nila."
Mariin itong muling napapikit.
"This is all my fault!" He murmur regretfully. "Kung sana'y hindi ako nagpadalos-dalos, hindi mangyayari ito!"
"There's no use to cry over a spilled milk now, nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa kundi harapin ito."
"In the expense of luring you to him," sarkastiko itong nagpalatak. " I should be the one to protect you, pero baligtad ngayon ang nangyari." he open his eyes, puno ng panghihina at pagsisisi ng tumingin ito sa kanya. "Wala talaga akong kwentang kapatid!"
Umiling-iling siya. "Hindi ko gagawin ito kung naging walang kwenta kang kapatid kuya. You're not. Naging napakabuti mo sa akin, kahit hindi tayo sabay na lumaki, you never let me feel that I am alone, you're always there when I need you, kaya ngayon gusto ko, ako naman ang nasa tabi mo. I am doing this because you meant so much to me."
"Oh, Ciel." he murmur hurting.
Tumayo siya saka lumapit rito. Niyakap niya ito.
"Hindi ko talaga mai-magine ang magiging buhay mo sa piling ng halimaw na iyon, paano kung saktan ka niya? Paano kung--"
"Huwag na muna nating isipin ang mga bagay na hindi pa nangyayari kuya. Ngayon.. ang importante!"
PASADO alas nueve ng dumating si Lance, dala-dala na nito ang pinirmahang papeles ni Leandro para sa pag-urong nito sa kaso laban sa kapatid niya. Si Lance na rin ang nag-asikaso ng iba pa para makalaya na rin sa araw na iyon ang kapatid.
"What a coward!" hindi napigilang palatak ng kuya niya habang pinipirmahan nito ang mga papeles para sa kalayaan nito. "Hindi man lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ako!" nagpupuyos na sabi nito patungkol kay Leandro.
"Leandro is busy Mr. Centeno." Kalmadong sabi ni Lance.
Matalim itong binalingan ng kapatid niya. "Busy? Sa ano? Sa pag-iisip kung sino na naman ang susunod niyang gagantsuhin?"
"Kuya!" awat niya.
"Watch your word Mr. Centeno! baka nakakalimutan mong kaka-urong niya lang ng kaso laban sayo!" nagbabanta ang tinig nito.
"Sabihin mo sa kanya, hindi ako natatakot sa kanya! Hindi ako natatakot sa inyo!"
"Kuya ano ba!" hindi na niya napigilang magtaas ng boses.
Natahimik naman ito. Pero dinig niya ang pagtagis ng mga bagang nito.
Hinawakan niya ang braso ng kapatid at hinila palabas doon.
"Halika na.." she said. Pulling him in his arms.
"Miss Centeno!"
Nasa labas na sila ng marinig niya ang pagtawag ni Lance. Tumigil siya at bumaling rito.
"Ang bilin ni Leandro, isasama na kita pabalik sa mansyon."
"Aba't--"
"Stop it kuya ano ba!" pigil niya rito nang makitang tila babalikan nito ang lalake. Bagama't natigilan rin siya sa sinabi ni Lance. Hindi niya akalain na sa oras na iyon din mismo siya nito isasama.
Labag man sa loob ay wala na siyang magagawa. May kasunduan sila at kailangan niya iyon tuparin.
Bumaling siya sa kapatid na noo'y nagpupuyos ang loob sa galit. "Nandito ang susi ng sasakyan ko kuya," sabi niyang iniabot rito ang susi. "Puntahan mo si ate Beth sa hospital, ngayon ang labas niya."
Nag-dadalawang isip at nag-aalala itong tumingin sa kanya.
Pilit siyang ngumiti. "Sige na, hinihintay ka niya."
Siya na ang nag-abot ng susi niya sa kamay nito. Pagkatapos non ay walang lingon-lingon niya itong nilagpasan.
Sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya ang pagsunod nito ng tingin sa kanya. She also saw Lance followed her into Leandro's awaiting SUV.
<<<--->>>>
MAHIGIT trenta minutos pa siguro ang ginugol nila sa biyahe bago narating ang mansyon.
Agad siyang bumaba ng huminto ang sasakyan sa harap, not waiting for Lance to open the car door for her.
"Nasaan si Leandro?"
"Nasa loob, naghihintay si--"
Hindi na niya ito pinatapos, nagpupuyos ang dib-dib niya sa galit nang tumalikod. Pakiramdam niya, sasabog na siya.
Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na samahan ang kuya niya sa ospital at magpaalam sa kanyang ate Beth!
That inconsiderate bastard!
Tuloy-tuloy niyang inihakbang ang mga paa papasok sa mansyon. Her face was dark as the night. She open the door, handang-handa na siya na makipag-away!
But she halted her step when she saw that he's not alone inside. May apat na tao itong kasama. Nakikilala niya ang isa sa mga iyon. Ito yung kasama ni Leandro kahapon sa pick up nito.
Agad itong tumayo ng makita siya and immediately walk towards her.
"Hi, sweetheart.." bati nito at agad na ini-ankla ang kamay sa kanyang baywang. Nakaplaster ang ngiti nito sa labi pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.
Nagtiimbagang siya saka matalim na sinalubong ang mga mata nito. She wanted to fire words pero pinigilan niya ang sarili. She knew it was not a good idea lalo na at may mga kasama ito doon.
Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang baywang, iginiya siya nito papunta sa gitna kung nasaan ang mga bisita nito.
They immediately stand the moment they saw them coming. They are all smiling widely as if they are so happy seeing them together.
Tumigil sila sa gitna ng mga ito.
"Sweetheart, this is mang Nestor," pagpapakilala nito sa matandang kasama nito kahapon. "And his wife, yaya Sela, sila ang mga kasama natin dito sa bahay. Siya po si Cielo, 'ya,"
"Ikinagagalak ka namin makilala iha," nakangiti nitong sabi.
Napilitan rin siyang ngumiti. The old woman seems friendly.
"Ako rin po, ikinagagalak ko po kayong makilala."
"And this is attorney Cuevas," baling naman nito sa lalakeng marahil kasing edad lamang nito.
"It's nice meeting you soon to be Mrs. Montenegro." He smile and lifted his hand.
Napilitan rin siyang tanggapin iyon. She also plaster a fake smile.
"And this is Judge Soriante," pagpapakilala nito sa huling taong naroroon. "He will be the one who will officiate our wedding today!"
Maang siyang napabaling kay Leandro.
--AUTHORS NOTE--Sa mga nagbasa po ng storya na ito, gusto ko lang po na iabot ang taos-puso kong pasasalamat. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Leandro at Cielo. Hindi ko po mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa inyo. At sana kagaya sa suportang ibinigay ninyo sa akin sa kwentong ito, ganoon din ang ibigay ninyo sa akin sa mga susunod ko pang akda.Kung napansin ninyo, may inilagay akong konting pasilip sa kwento ni Marrius at Naya. After po ng on-going ko, isusunod ko po ang kwento nila. Muli, maraming-maraming salamat po.Hanggang sa muli.------------------------Naalimpungatan siya nang maramdaman ang tila paghilab ng kanyang tiyan. Ilang minuto niya pa iyon inobserbahan habang nasa isip na maaaring nilamig lang iyon o kaya may nakain siyang hindi natunaw.Her schedule of giving birth will be next week. Ngunit may posibilidad ding mapaaga ang kanyang panganganak. Marahan niyang ini-angat ang kanyang kamay papunta sa kanyang s
--Marrius--Halos magbaga ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang pigura iyon na naghihiyaw at tila walang pakialam na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. She was surrounded by men na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa dib-dib nitong halos lumabas na sa lalim ng uka ng suot nitong spaghetti strap na bestida. She dance in the middle as if there's no tomorrow. Hanggang taynga ang lapad ng ngiti nito, while he was there standing furiously.Nagpaalam lang ito na uuwi ng Manila dahil may importane itong aasikasuhin, but she never came back.Dalawang linggo siyang naghintay, pero ni anino nito hindi na nagpakita pa sa kanya. He tried to call her, pero palaging unattended ang cellphone nito.Nagsimula siyang mag-alala, inisip na baka may nangyari rito, kaya matapos ang dalawang linggong paghihintay sa wala ay nagdesisyon na siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito. Only to find her this way.Kumuyom ang kanyang kamao at mariin na nagtagis ang kanyang bagang. Sobra si
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanyang kuya William. Nang magmulat siya ng mga mata, isang masuyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Minasdan niya ang larawan ng kapatid na nasa gilid ng lapida. In that picture, he was smiling widely. "Kuya.." mahinang sambit niya. "Kumusta ka na? Sana katulad ng larawan mong ito, nakangiti ka rin diyan sa kinaroroonan mo habang nakatanaw sa amin. I know you are watching us, we are okey kuya. Next month pangalawang harvest na ng sakahan mula ng mawala ka, and we are copping. Sa tulong ng mga magsasaka alam kong makakabangon ang sakahan. Ate Beth and Kathleen is also doing fine." Inabot niya ang larawan nito at marahan iyon na hinaplos, "Ako rin kuya.." anas niya sa malamlam na mga mata. "I know you are seeing me now.. gusto kong sabihin na masayang-masaya ako sa mga sandaling ito. I finally found my home in Leandro's arm. Alam kong hanggang sa huli, hindi kayo nakapag-usap ng maay
Hindi niya mailarawan ang saya sa mukha ng asawa habang nakatingin ito sa monitor ng ultrasound.His eyes are twinkling from gladness. At the same time from unshed tears. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. At bumalik sila ngayon sa kanilang OB para malaman ang gender ng kanilang pangalawang baby. He accompany her everytime. He was with her since her first ultrasound, na kahit anong busy nito, naghahanap talaga ito ng oras para lamang samahan siya."I want to always be with you in this journey with our second baby. Gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. His or her heartbeat, gusto ko, ako ang unang makakarinig. I want everything about him or her in details, mga bagay na hindi ko nagawa kay Briel. Sa pagkakataon ito, babawi ako Ciel. Pangako." Naalala niyang sabi nito sa kanya when she was on her second month. He said that with all the gentleness in his eyes while caressing her still flat belly. Tulad
--Marrius--Mula sa pagkakasadsad sa manibela ay nanlalaking ini-angat ni Marrius ang kanyang mukha. Gimbal sa nangyari."Fuck!" Mura niya ng may maramdamang likido na umagos mula sa itaas na bahagi ng kanyang ulo.Nang tingnan niya ang mukha sa front mirror ng kanyang pick up, doon niya nakita ang sugat sa kanyang noo. Nakuha niya marahil iyon ng masadsad ang kanyang ulo sa manibela dahil sa impact ng kanyang pagpreno.He gritted his teeth. His inside is like magma ready to erupt. Sino ba ang tangang babaeng iyon na bigla nalang tumakbo sa direksyon ng humaharurot niyang sasakyan? He darted his eyes infront, there's no sign of her. Nabangga niya ba ito? O basta nalang itong umalis matapos ang ginawang katangahan?He was annoyed thinking about her foolishness, and thinking about her running away. Magkagayon man bumangon pa rin kahit paano sa kanyang dib-dib ang pag-aalala ng maisip na baka nga nabundol niya talaga ito.Nang maisip iyon, dali-dali niyang hinawakan ang seradura ng pin
"Pwede bang ako naman ang makipagsayaw sa napakagandang bride, Tito Leandro?" Kapwa sila napabaling ni Leandro kay Marrius. "Kanina pa kasi ako naghihintay, pero parang wala ka yatang balak na paupuin siya. Kung hindi ninyo napapansin nakadalawang salang na kayo ng kanta." Natatawa nitong dugtong."When you're this inlove with your wife, hindi mo mapapansin ang oras, Marrius." Nagtaas ito ng kilay. "Yeah, hindi mo na kailangan ipangalandakan sa mukha ko, dahil halata naman. Now, pwede ko na ba siyang hiramin para maisayaw?"Leandro look at her with raised brow. Tila sa kanya nagpapaalam.Isang ngisi ang ibinigay niya rito. "Asikasuhin mo muna iyong mga ibang bisita. Pagbibigyan ko muna ang Marrius na 'to." She said chuckling.Bumitiw siya rito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Marrius."Isang kanta lang Mauricius. Pagod na si Ciel." "No problemo Tito Leandro." Kindat pa nito sa Tiyo."Anyway may ipakikilala nga pala ako sayo mamaya, anak siya ng isang kaibigan. Dapat kahapon