Mabilis ang lakad ni Luis palabas ng gusali. Halos hindi na siya makahinga sa tindi ng kaba sa dibdib. Hawak niya ang cellphone, nanginginig ang dulo ng mga daliri—hindi sa lamig kundi sa takot at galit na pilit niyang kinakain.Hindi puwedeng ganito lang. Hindi siya puwedeng mawala.Tumigil siya saglit sa may gilid ng curb, sabay dial ng number."Will," agad niyang sabi, bahagyang hinihingal. "I need you to check all surveillance footage sa basement parking lot ng Montefalco building. Lahat—corner to corner. Focus on the garage. Hanapin mo si Clarissa—hanapin mo agad kung saan siya dinala!"May bahid ng gulat ang boses ni Will sa kabilang linya. "Sir? Si Miss Clarissa? Anong nang—""JUST DO IT!" bulyaw ni Luis, halos mapunit ang lalamunan sa sigaw. "Now. Don’t waste a single damn second."Agad natahimik si Will, at sa halip na magtanong pa, narinig na lang niya ang sagot: "Yes, Sir. On it."Click.Pagkababa ng tawag, mabilis na binuksan ni Luis ang pinto ng sasakyan. Hinugot n
Dahan-dahang tumingin sa paligid si Clarissa, sinusuri ang bawat sulok ng madilim at amoy-kalawang na warehouse.Walang bintana. Isang ilaw lang ang nakaalalay sa kisame, mahina, nanginginig ang liwanag. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila may dalang balak. At sa isang iglap lang, malinaw na sa kanya ang sitwasyon—kinidnap siya.Napasinghap siya, pero agad ding kinontrol ang sarili. “Kalma, Clarissa. Analyze. Think. Sino sa mga nakalaban mo ang desperado at baliw na kaya kang gawin ito?”Hindi niya kailangang maglista. Isa lang ang halatang may motibo, at hindi siya nagkamali.Bumukas ang matigas na pintuan. May tunog ng yabag, mabagal pero buo ang kumpiyansa.Pumasok si Lyle—naka-cap, naka-leather jacket, at may suot na manipis na ngiti sa labi, pero mabigat ang bawat hakbang. Parang hindi siya pumasok para makipag-usap, kundi para magparusa.Ngunit sa halip na manlumo, tumigas ang ekspresyon ni Clarissa. Nanindig ang balahibo sa katawan niya kahit nakagapos. Napatitig siya k
Nagkataon talaga na matagal nang pinapahanap ni Joaquin Mendoza ng butas si Lyle para durugin si Clarissa. Ilang linggo na siyang tahimik na nagmamatyag, nangangapa ng kahit anong kahinaan para atakehin ito. Pero ngayon? Para bang itinakda ng pagkakataon—ibinigay sa kaniya ang perpektong sandali.Habang si Leah ay patuloy na umiiyak, kunwari ay sugatang damdamin ang bumalot sa kanya, marahang lumapit si Lyle at pinunasan ang luha nito gamit ang hinlalaki niya."Shhh… okay na, Leah. Ako ang bahala sa iyo. Hindi ka nag-iisa," mahinang bulong ni Lyle sa tainga ng babae, puno ng lambing—pero peke. Walang init at walang puso.Pilit ang pagkukunwari. Ang totoo, wala siyang pake. Hindi ito tungkol kay Leah. Hindi rin ito tungkol sa pag-ibig. Ang totoo: ito ay laban ng pride. Laban ng ego. At si Clarissa ang hadlang sa daan niya.Matapos ang ilang minutong drama, nang humupa na ang paghikbi ni Leah, agad umatras si Lyle palayo. Naglakad siya sa dulo ng hallway, kung saan walang tao. Mabili
Right at the front lobby, si Leah ay literal na ibinagsak palabas ng kompanya.Walang pasabi. Binuksan ng guard ang glass door at parang basura siyang itinulak sa labas.“Agh!” Napasigaw siya sa gulat, napaluhod sa malamig na tiles. Masakit ang tuhod, mas masakit ang pride.Sunod-sunod na lumipad palabas ang mga gamit niya—isang kahon na puno ng personal belongings: mga folder, make-up pouch, sirang ID lanyard, at ang mug niyang may nakasulat pang “Boss Babe”—ngayon ay basag na sa isang sulok.“You can go now,” malamig at walang emosyon ang boses ng senior guard. “At huwag na huwag kang lalapit dito uli kung wala kang matinong dahilan. Manager’s orders.”Pagtalikod nila, nagpagpag pa ng kamay ang guard na para bang nadumihan lang.Tahimik muna ang paligid… hanggang may mga bulungan at huni ng notification tones sa loob ng glass lobby. Receptionists. Admin staff. Iba pang empleyado na may hawak-hawak nang cellphone—nagbibidyu, nagtsi-check ng group chats, nag-aabang ng chismis.“
“Please, forgive me, Miss Clarissa… I was really wrong… I won’t do it again next time, I swear…” Hikbi ni Leah habang nakaluhod sa malamig na sahig ng conference room.Ang kanyang palad ay nakadikit sa tuhod ni Clarissa, at ang luha’t sipon niya ay parang ulan sa tag-ulan—walang patid, walang hiya, puro desperasyon.Bahagyang umirap si Clarissa, saka marahang tumikhim.Lumuhod siya bahagya, sapat para mapantayan ang antas ng pagkakaupo ni Leah, at dahan-dahang nagsalita:“There will be a next time?” Ang boses ni Clarissa ay hindi sigaw—pero mas nakakabingi sa katahimikan. “So you're already imagining the next time you'll do this? You're not sorry. You're just scared you got caught.”Nakatitig siya kay Leah, pero hindi galit ang nasa mukha niya—kundi pagkamuhi at pagkadismaya.Clarissa is not perfect. But she is fair.At higit sa lahat, hindi siya tanga.Kung hindi siya nag-ingat… kung hindi niya trinabaho ang sarili niyang proposal hanggang madaling araw—wala siyang laban. Maaar
“She’s just bluffing.” Umiling si Leah, sabay kindat pa sa katabi. “Sige nga, Clarissa. Pakita mo kung ano’ng meron ka. Let’s see if you can really back up your drama.”Pero hindi siya pinansin ni Clarissa.Hindi siya tinapunan kahit ng isang tingin.Tahimik lang siyang naglakad patungo sa projector. Walang pag-aalinlangan at takot. Parang queen na alam niyang mananalo na siya bago pa magsimula ang laro.Binuksan niya ang bag, marahang kinuha ang USB drive, kinabit, at nag-double click sa file.Nagbago ang atmosphere ng buong conference room.Isang brand new plan ang bumungad sa malaking screen. Mas kumpleto, mas visual, mas matatag. May actual layout ng resort site, budget timeline, CSR strategies, at—pinakanakakagulat—confirmed names of celebrity endorsers with attached endorsement contracts and brand mock-ups.May mga logo ng international brands. May mga screenshot ng email threads. May initial media schedules.Tumahimik ang lahat.Ang mata ng bawat isa? Nakatutok lang sa