AIRA’S POINT OF VIEW
Pagkalipas ng ilang minuto ng paninikip ng dibdib sa tapat ng pintuan, pinilit kong ipihit ang seradura. Mabigat ang kamay ko. Parang may humihila sa likod ko, pilit akong pinipigilan. Pero kailangan kong harapin ‘to. Kailangan kong makita kung may natira pa ba sa amin. Sa akin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
At para akong binuhusan ng yelo sa nakita ko.
Doon mismo sa sala namin ang dating tahimik na sanctuaryo ng pagmamahalan nakaupo si Calvin sa couch, shirtless, habang may dalawang babae sa tabi niya. Isa sa kaliwa, isa sa kanan. Ang isa, hawak ang mukha niya habang hinahalikan siya. ‘Yung isa naman, hinahaplos ang dibdib niya na para bang kanila ang lalaking ‘yon.
"What the fvck..." bulong ko, halos wala nang boses.
Hindi ko alam kung ako ba ang nanaginip. Pero hindi. Masyadong malinaw. Masyadong masakit para maging ilusyon lang. At ang mas malala nakita ko kung paano gumanti ng halik si Calvin.
Oo, nakita ko.
Hinalikan niya rin ‘yung babae. ‘Yung tipo ng halik na may intensyon. Yung halik na alam mong hindi aksidente.
Para akong nawala sa sarili. Nakatayo lang ako roon sa bungad, hindi makagalaw. Nanlalambot ang tuhod ko. Pero kahit anong lakas ng panginginig ng katawan ko, hindi ako makapikit. Hindi ako makalingon. Sapilitang pinapanood ako ng tadhana.
“Who’s that?” tanong ng isa sa mga babae, nakakunot ang kilay habang nakatingin sa gawi ko.
Calvin turned to look. Tumingin siya sa akin. Diretso. Pero wala sa mga mata niya ang dating init. Ang dating lalaking willing magpatayan para sa akin ngayon, malamig. Walang emosyon.
“She’s just my maid,” sagot niya. Walang kurap. Walang effort na itama.
Pvtangina.
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Sa dami ng puwedeng sabihin, maid?
Dati akong mundo niya. Dati akong reyna ng bahay na ‘to. Ngayon? Alilang kanin?
Ramdam ko ‘yung pagputol ng puso ko. Isang piraso, sinaksak. Isa pa, tinapakan. Hanggang wala nang natira kundi sirang damdamin.
Narinig kong tumawa ‘yung isa sa mga babae. “You should train your maid not to look at your business like that, babe.”
Babe.
Putangina talaga.
Binitiwan ni Calvin ang wine glass na hawak niya at tumayo, lumapit pa. Malapit na malapit. Tinignan niya ako nang diretso sa mata, para bang sinasadya niyang ipamukha sa akin na wala na ako sa kanya. Para bang sinasadya niyang patayin ako gamit ang mga tingin niya.
“Ikaw pala ‘yan,” malamig niyang sabi. “I didn’t know you’d come back so soon.”
“Bakit mo ‘to ginagawa?” mahina kong tanong, halos pabulong. “Sa harap pa talaga ng bahay natin?”
“Ating bahay?” ulit niya, sabay ngisi. “Wala na tayong ‘atin,’ Aira.”
Gusto kong sumigaw. Gusto kong sapakin ang dibdib niya. Gusto kong sabihin na kahit anong gawin niyang kasalanan, hindi pa rin nito binubura ang katotohanang minahal ko siya. Na minahal niya rin ako. Pero paano kung hindi na totoo ‘yon? Paano kung sa kanya, matagal nang patay ‘yung pagmamahal?
“I’m not doing anything you didn’t do first,” dagdag niya. “Naalala mo ba? Ikaw ang unang nagpakasasa sa ibang kama. Kaya ngayon, anong karapatan mong masaktan?”
Iyon ang pinakamalakas na sampal ng katotohanan. Kahit hindi ko kagustuhan ang nangyari, kahit hindi ko alam ang buong nangyari nung gabing ‘yon para sa kanya, wala nang saysay ang paliwanag. Talo na ako sa paningin niya.
Gumalaw ‘yung luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.
Hindi ako sumagot. Hindi ako nakipag-away. Hindi ko siya pinilit na unawain ako.
Tumalikod ako. Tuwid ang likod. Tahimik ang hakbang.
At diretso akong umakyat. Papunta sa kwarto naming dati.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang kwartong hindi nagbago pero ramdam mong iba na ang may-ari. Wala na ang mga picture namin sa gilid ng kama. Wala na ang mga damit ko sa closet. Wala na ako rito.
Pero tumakbo pa rin ako papasok.
At pagkapasok ko, doon na ako bumigay.
Isinara ko ang pinto, isinandal ang sarili at tuluyang napaupo sa sahig.
Napahagulgol ako. Hindi iyak ng mahina. Iyak na tagos sa kaluluwa. Iyak na parang bata. Iyak ng isang babaeng pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko na napigilan. Lahat ng kirot, lahat ng sakit, lahat ng paninisi sa sarili ko, ibinuhos ko sa gabi na ‘to.
“Tangina, bakit ganito?!”
Sumisigaw ako sa loob ng kwarto, kahit alam kong wala namang makikinig. Kahit alam kong kung maririnig man ni Calvin, baka matawa lang siya. O baka hindi na niya ako marinig dahil abala siya sa ibang babae sa baba.
Ramdam kong binibiyak ako ng emosyon. Ramdam ko na sa bawat hagulgol ko, may parte ng sarili kong nauupos.
Pero kahit anong sakit, hindi ko siya masisi.
Hindi ko siya kayang sisihin.
Kasi nasaktan ko rin siya. Kahit hindi ko sinasadya.
At ‘yun ang pinakamasakit. Kasi alam mong wala kang ginawang mali, pero ikaw pa rin ang dahilan kung bakit siya nagbago.
At sa bawat segundo ng gabing ‘yon, habang nakayakap ako sa sarili ko sa sahig ng kwartong minsan nating tinawag na tahanan, unti-unti kong natatanggap na baka hindi ko na siya maibalik.
Baka hanggang alaala na lang talaga si Calvin.
Pero sa alaala kong ‘yon... hindi siya ang Calvin na kasama ng dalawang babae.
Sa alaala ko, siya pa rin ‘yung lalaking pinangarap kong makasama habang buhay.
**AIRA POV**Walang araw na lumilipas na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali. Paulit-ulit kong iniisip kung saan ko siya hindi naintindihan, kung saan ko siya nasaktan, kung anong pagkukulang ko bilang asawa. Sa dami ng tanong, wala akong makuhang sagot—puro lang sakit, puro lang luha, puro lang takot.Pero ngayong araw, iba.Dahil ngayon, napuno na ako.Tumigil na ang katahimikan ko. Natabunan na ng mga sugat na hindi ko na maitago. Sapat na ang bawat gabi ng pag-iyak sa unan, sapat na ang mga umagang pinipilit kong ngumiti kahit wala nang dahilan. Ngayon, hindi na ako magpapakain sa galit niyang hindi ko naman kasalanan.Tumayo ako mula sa sahig kung saan ako nakaluhod kanina habang pinupulot ang basag na laptop. Nilinis ko ang mukha kong basang-basa ng luha, pinunasan ang punit-punit kong dignidad, at dahan-dahang lumakad palabas ng kwarto.Ramdam ko pa ang panginginig ng binti ko habang bumababa ng hagdan pero pinilit ko. Dahan-dahan akong lumapit sa study ni
**AIRA POV**Hindi ko inasahan na aabutin niya ako. Akala ko ligtas ang araw na ’yon. Maingat akong kumilos. Maingat kong itinago ang mga papel. Hindi ako nag-iwan ng kahit anong bakas. Lahat ng email, dinelete ko agad. Lahat ng call history, tinanggal ko. Pero mali ako. Sa bahay na ito, kahit huminga ka ng ibang paraan, alam niya.Maaga akong gumising para magpadala ng email sa abogado ko. Isang USB ang hawak ko, nandoon ang mga picture ng mga dokumentong pinapirmahan niya sa’kin nung may sakit ako. Isa lang ang goal ko: malaman kung legal pa ba ang pagkakatira ko sa bahay na ‘to, at kung may karapatan pa ba ako sa mga gamit, lupa, o kahit man lang sa sarili kong pangalan.Walang kaabog-abog, habang nagsusulat ako ng email, bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napalingon ako, agad kong tinakpan ang laptop.Calvin.Nakatayo siya sa pintuan, suot ang itim niyang long sleeves na laging amoy mamahaling pabango. Pero wala akong naramdamang kilig. Lahat ng meron lang, takot.“Anong ginagawa mo?
**AIRA POV**Tahimik ang buong bahay habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Hawak ko ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng isang abogadang ni-refer ng isang dating kakilala. Mula sa cellphone kong luma na’t may lamat ang screen, paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ng contact. Ilang ulit ko na siyang tinawagan sa isip ko pero hindi ko pa rin maipindot ang call button.Takot.Oo, takot akong malaman ang totoo. Takot akong marinig kung gaano na ako kawala sa sarili kong buhay. Pero mas takot akong tuluyang mamatay sa piling ng lalaking dati kong minahal nang buo pero ngayo’y tinitingnan lang ako na parang wala akong kwenta.Lumalim ang buntong-hininga ko. Wala na akong pwedeng balikan. Hindi ko na rin kayang umasa kay Calvin. Sa lahat ng ginawa niya—pagbaba ng tingin sa akin, pagdadala ng mga babae sa mismong bahay namin, pagpilit sa akin na pirmahan ang mga papeles kahit may sakit ako, at ang walang puso niyang pananatiling tahimik habang unti-unti akong nauubos—alam
**CALVIN POV**Hindi ko inaasahan na babalik pa si Lianne. Isa siya sa mga babae kong ginamit. Literal. Isa sa mga babaeng pumasok lang sa bahay para magpanggap na kasiyahan ko, para saktan si Aira, para may masabi ang mga tao sa paligid na hindi ko na siya pinapahalagahan.Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ilang babae na ang dinala ko rito. Lahat sila, walang pangalan sa akin. Wala silang kahulugan. Lahat sila, kasangkapan lang sa plano kong sirain si Aira—yung sakit na dinulot niya, gusto kong ibalik ng doble.Pero iba si Lianne. Hindi dahil espesyal siya, kundi dahil siya ang una at kaisa-isang babaeng binalikan ko kahit isang beses lang. Hindi ko alam kung dahil ba sa tahimik siya o dahil hindi siya tulad ng iba na puro landi at papansin. Pero nung gabing ‘yon na dumaan siya sa bahay, akala ko isa lang ulit siyang distraction. Wala. Walang kwenta. Pansamantalang aliw lang sa panahong puno ako ng galit.Pero hindi ko inaasahan ang mga salitang binitiwan niya.Nasa study ako n
**CALVIN POV**Hindi ako makatulog ng maayos. Sa bawat gabi na ipipikit ko ang mata ko, ang mukha niya ang una kong naaalala. Hindi yung Aira na galit. Hindi rin yung Aira na umiiyak. Kundi yung Aira na tahimik. Yung Aira na wala nang pakialam. Yung Aira na hindi na ako kilala, hindi na ako pinapansin, at hindi na ako mahal.At doon nagsimula ang lahat ng panaginip.Sa panaginip ko, nandoon ako sa loob ng bahay. Pareho pa rin ang itsura ng paligid. Ang hallway, ang sala, ang mga kurtina, pati ang amoy ng lumang kahoy sa hagdan ay ganoon pa rin. Pero may kulang. Tahimik ang buong bahay. Wala ang mga kasambahay. Wala ang mga tunog ng yapak sa tiles. Wala ang ingay ng kutsara’t tinidor sa kusina. Wala si Aira.Hinahanap ko siya. Tinatawag. “Aira!” paulit ulit, habang kinakabahan akong binubuksan ang bawat pinto. Pero wala siya. Ang kama namin, magulo. May mga gamit na wala sa mga drawer. Ang closet niya, bakante. Lahat ng damit niya, nawala na. Kahit ang paborito niyang beige na trench c
**AIRA POV**Isang gabi habang naglalakad ako mula sa banyo papunta sa kwarto, bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa bandang ibaba ng tiyan ko. Parang may humila sa loob, parang may pilit na gustong kumalas. Napahawak ako sa tiyan ko, napasandal sa dingding, at hindi ko na mapigilan ang panginginig ng tuhod ko.Nanlalamig ang mga palad ko habang humihinga ng malalim. Pinipilit kong pigilan ang pagpanik pero ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ito normal. Hindi ito yung mga sakit na madalas kong maramdaman noon. Iba ito. Parang may hindi tama.Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kama, nanginginig pa rin. Nang makaupo ako, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pilit kong niyayakap ang sarili ko, pilit kong sinasabi sa anak ko na kakayanin ko ito. Na hindi siya mawawala. Na hindi ko siya pababayaan.Pero sa likod ng lahat ng panalangin ko, isang takot ang sumisigaw sa utak ko.Paano kung mawala siya?Paano kung hindi ko siya mailigtas?At ang mas masakit, pa