LOGIN
Liana's POV
Mainit. Maingay. Magulo. Ganito yata talaga ang company outing kapag puro stressed na interns ang pinakawalan sa isang mamahaling resort. Hindi ko alam kung paano ako napapayag sumama rito—o kung bakit ako humawak ng baso ng alak sa unang pagkakataon sa buhay ko. "Liana, cheers!" sigaw ni Sandra, ang mortal kong kaagaw sa atensyon ng mga residente sa ospital. Iniaabot niya sa akin ang baso, nakangiti pero may bahid ng mapanuksong tingin. Napakurap ako. "Uh… cheers?" Hindi naman sa mahina ako sa peer pressure—pero gusto ko na ring matapos ang pang-aasar nilang masyado raw akong seryoso sa buhay. Ang problema, wala akong tolerance sa alak. As in, zero. Kaya naman pagkalipas lang ng ilang tagay, parang lumulutang na ang kaluluwa ko palabas ng katawan ko. "Liana, mukhang kailangan mo na ng tulog," sabi ni Sandra, nakangisi habang hinahatak ako palayo. "Halika, ihahatid na kita." Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang, may nagbukas ng pinto, may malamig na kama, at bumagsak na ako roon nang parang nahulog na saging. O siya, tulog na. Wala nang pakialamanan. --- Ang Misteryosong Paglalakbay (a.k.a. Ang Sleepwalking Incident) Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog, pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig. Hindi ito yung tipong "ang sarap matulog" na lamig, kundi ‘yung parang nasa loob ako ng refrigerator. Nag-unat ako. Tapos bumangon. Tapos… naglakad? Wait. Bakit ako naglalakad? Kalahati ng utak ko’y tulog pa rin habang ang kalahati naman ay nagrereklamo kung bakit parang wala akong kontrol sa katawan ko. Hanggang sa mapagtanto kong—ay, putek. Nagse-sleepwalk ako. At parang may sariling isip ang mga paa ko dahil imbes na bumalik sa kama, diretso ito sa pinto. Tapos bumukas. Tapos lumabas. At bago pa ako magkaroon ng matinong desisyon sa buhay ko, nasa ibang kwarto na ako. Sa loob ng isang segundo, tumapat ako sa isang malamig na katawan. Oo, katawan. Kasi naman, may isang lalaking bagong ligo, nakatapis lang ng puting tuwalya, at nagbubuklat ng cellphone sa loob ng kwarto niya. Tumingin siya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Tapos biglang bumagsak ang tuwalya niya. Napakurap ako. Tapos, sa sobrang lasing ko, wala akong ibang nasabi kundi— "Uy… may nahulog." Napangiwi siya. "Miss… ano'ng ginagawa mo rito?" Tumingala ako sa kanya, nakakunot ang noo, habang nagre-register sa utak ko kung sino siya. Matangkad. Moreno. May katawan pang parang sa mga artista sa Koreanovela. Pero mas matindi ang realization nang marealize kong— Leche. Si Dr. Adrian Ramirez ‘to! Ang Adrian Ramirez na laman ng chismisan sa hospital. Ang Adrian Ramirez na tinutunaw ng titig ng mga nurse at intern. Ang Adrian Ramirez na ngayon ay naka-boxer shorts na lang sa harapan ko. At anong ginawa ko? Nagtaas ako ng daliri at itinuro siya nang may buong confidence. "Alam mo, ang gwapo mo talaga," sabi ko. Nanlaki ang mata niya. Tapos napanganga. Pero ako? Hindi ko na na-process ang reaksyon niya dahil bigla akong napahiga sa kama niya. Literal na natulog. Tapos? Wala na. Blackout. -- Kinabukasan Masakit ang ulo ko. Sobrang sakit, parang ginawang punching bag ng boxing champion. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata—at halos mapatalon nang mapansin kong nasa ibang kwarto ako. At higit sa lahat... may nakahiga sa tabi ko. Si Dr. Adrian Ramirez. Si Dr. Adrian na pantasya ng buong ospital. Ang Adrian na kahit bagong gising ay parang handa nang sumabak sa magazine cover shoot. At ngayon, nakahiga sa tabi ko, nakatalukbong lang ng kumot mula baywang pababa, at nakangiti na para bang siya ang may-ari ng umagang 'to. Anong nangyari kagabi?! Mabigat ang katawan ko, parang nadurog. Naka-oversized shirt ako na halatang hindi akin. Napatingin ako sa ilalim ng kumot Oh. My. God. Wala akong shorts! Napalunok ako. Pakiramdam ko, nanuyo lahat ng laway ko. Dumulas ang tingin ko pabalik kay Adrian. Nakatingin na siya sa akin—gising, alerto, at halatang inabangan ang reaksyon ko. "Good morning," bati niya, boses niya'y malalim at paos, na para bang kagigising lang mula sa napakagandang tulog. "Uh... hi?" pilit kong ngiti. Sumandal siya sa ulunan ng kama, ang mga mata ay naglalaro. "Mukhang pagod ka pa. Medyo... napuyat ka kagabi." "Ha?" Napakurap ako, nagising bigla ang utak ko. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya, 'yung nakakaasar pero nakakaakit. "Hindi mo talaga naaalala?" Napatingin ako sa kanya, napansin ko ang tila gigil na pagtawa sa kanyang labi. "Adrian, ano bang ginawa ko?" Huminga siya nang malalim, parang pinipilit pigilan ang sarili. "Well... una, pumasok ka sa kwarto ko. Laseng na laseng. Sinabihan mo akong ang gwapo ko—salamat, by the way—tapos bigla mo akong hinalikan." Hinalikan ko siya?! "Anong hinalikan?! Hindi totoo 'yan!" Halos tumalon ang boses ko, pero nanginginig. "Oh, totoo," aniya, ang tingin niya diretso sa mga mata ko. "'Yung una, smack lang. Pero nung tinanong kita kung alam mo ba 'yung ginagawa mo... aba, nagwala ka. Hinila mo 'ko pabalik. Medyo... intense." "Intense?!" Halos bumagsak ang panga ko. Lumapit siya—hindi 'yung normal na lapit, kundi 'yung parang alam niyang delikado siya at siya ang pinakamalaking panganib sa kwartong 'to. Napalunok ako. "'Di mo talaga maalala kung paano mo sinabi na... 'Adrian, gusto ko pa'?" PUTANGINA. "Ano?! Hindi ko sinabi 'yan!" Ngumisi siya, 'yung tipong alam mong nag-e-enjoy siya sa pagkapahiya ko. "Well, kung gusto mo, pwede nating ulitin para maalala mo." Huh?! "A-Adrian..." Pero wala akong masabi. Ramdam ko ang init ng hininga niya, malapit na malapit. Ang kamay niya, nakadapo sa baywang ko, mabigat, mainit. "Wala akong maalala..." "Talaga ba?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko, bumalik sa mga mata ko. "Kasi kagabi, parang ang dami mong gustong gawin." Parang automatic na tumulak ako palayo, pero hinila niya ako pabalik, mas madiin, mas malapit. 'Yung mga mata niya, nakangisi, nakakaloko. "Liana," bulong niya, halos pabulong sa labi ko, "gusto mo ba talagang maalala kung paano mo ako sinigawan kagabi? O gusto mong mag-focus tayo sa present?" "Adrian! Bro, nandiyan ka ba?!" sigaw ng boses mula sa labas. Nag-freeze kami pareho. Nakatingin siya sa akin, 'yung ngiti niya, 'yung titig niya, parang sinasabi niyang tapos na 'to pero hindi pa talaga tapos 'to. Naglakad siya papunta sa pinto, pero bago pa buksan, lumingon siya pabalik sa akin—'yung mga mata niya, puno ng pangako at hamon. "Babalik ako, sweetheart," bulong niya, nakangisi pa rin. "At tapusin natin 'tong nasimulan." Pagkasara ng pinto, naiwan akong nakaupo sa kama niya, nanlalambot, nanlalamig, pero parang may apoy na kumukulo sa loob. Ano ba talaga ang nangyari kagabi? At anong mangyayari kapag bumalik siya?Liana’s POVMay kakaibang bigat sa aking mga pilik-mata, parang may nakadagan na semento sa bawat pagkurap ko. Ang huling rehistro sa utak ko ay ang nakapanindig-balahibong lamig ng dulo ng karayom ni Tita Victoria sa hallway at ang mukha niyang parang estatwa bago ako tuluyang nilamon ng dilim.Pero pagdilat ko, hindi puting kisame ng ER ang bumungad sa akin.Madilim ang paligid, maliban sa isang maliit na lamp sa sulok na naglalabas ng madilaw at mainit na liwanag. Amoy sandalwood. Amoy peppermint. Amoy... Adrian."Gising ka na."Napabaling ang tingin ko sa gilid. Nakaupo si Adrian sa isang malapad na leather chair, ang kanyang puting coat ay nakasampay lang sa likod niyon. Ang kanyang mga manggas ay nakatupi hanggang siko, na nagpapakita ng kanyang mga ugat sa braso—isang pamilyar na tanawin na laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Pero ngayon, ang kanyang mga mata ay tila pagod at nag-aapoy sa isang emosyon na hindi ko mawari kung galit o purong pag-aalala.Nagtangka ako
Liana’s POVKung akala ko ay nakakatakot ang makita ang "V" sticker sa madilim na parking lot kagabi, mas nakakatakot pala ang makita ang may-ari ng sticker na iyon sa ilalim ng maliwanag na fluorescent lights ng Internal Medicine Department.Alas-syete pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko ay alas-syete na ng gabi sa pagod. Nakatayo ako sa harap ng isang malaking double door na may gold plate na nakaukit: DR. VICTORIA RAMIREZ – DEPARTMENT HEAD."Liana, kaya mo 'to. Breathe in, breathe out. Zombie mode: OFF. Professional Intern mode: ON," bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang kwelyo ng scrubs ko.Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob, bigla itong bumukas. Isang babaeng nasa late 40s, nakasuot ng salamin na kasing talas ng tingin niya, at may aura na parang kayang magpalamig ng kape sa isang sulyap lang, ang bumungad sa akin.Si Dr. Victoria Ramirez. Ang "Iron Lady" ng St. Gabriel’s. At ang Tita ng lalaking mahal ko."You're late by forty-five seconds, Ms. Cruz," bungad niya.
Adrian’s POVNakahinga rin ako nang maluwag. Makalipas ang isang linggo ng pagiging "pasyente ng taon," sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ng ospital. Siyempre, bago ang bakbakan sa Internal Medicine kasama si Tita Victoria, kailangan ko munang gawin ang pinaka-importanteng operasyon sa buhay ko: ang aming Official First Date.Walang scalpel. Walang scrubs. Walang duguang vial. Just me, a clean polo shirt, and a reservation sa isang tahimik na bistro na malayo sa St. Gabriel’s.O, iyon ang akala ko."Liana, bakit ka lilingon-lingon sa likod? May stiff neck ka ba?" tanong ko habang naglalakad kami sa mall.Si Liana, na mukhang tao na ulit dahil hindi naka-zombie mode (naka-floral dress siya na lalong nagpa-emphasize kung bakit "Serendipity" ang pangalan niya—ang ganda, eh), ay biglang yumuko at nagtago sa likod ng braso ko."Adrian, don't look now, pero sa bandang National Bookstore... yung lalaking naka-hoodie na baligtad yung suot? At yung babaeng kunwari nagbabasa ng magaz
Adrian’s POV“Adrian! Huwag kang mamamatay! Hindi ko pa alam kung paano mag-file ng tax!" Adrian!”Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim. Akala ko, iyon na ang dulo. Akala ko, sa isang madilim na OR 7 matatapos ang gwapong existence ni Dr. Adrian Ramirez. Pero hindi. Dahil ang susunod na naramdaman ko ay ang pamilyar na amoy ng disinfectant at ang boses ni Liana na parang sirang plaka sa tabi ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puti. Masyadong maliwanag.“Gising na siya! Doc! Gising na ang pasyente nating pa-hero!” sigaw ni Liana.Sinubukan kong bumangon, pero agad na kumitid ang mundo ko dahil sa hapdi sa tagiliran ko. “Aray... Liana, dahan-dahan. Yung image ko as a cool surgeon, baka mabasag.”“Anong cool surgeon? Adrian, muntik ka nang maging cold storage!” maktol niya. Namumula ang mga mata niya sa kaiiyak, pero ang daldal pa rin. “Saka, anong drama yung itutulak mo ako palayo? Akala mo ba nasa Titanic tayo? Hindi ka si Jack, at hindi ako
Adrian's POV Kinabukasn St. Gabriel's Hospital Naka-scrubs ako, naka-mask, at mabilis na naglalakad sa hallway. Naka-deploy na ang mga tauhan ni Sera sa paligid. Ang target: OR 7. Doon gaganapin ang ilegal na operasyon. Pumasok ako sa scrub room. Nakita ko si Philip na naghahanda na rin. "Adrian? Akala ko ba naka-leave ka?" tanong ni Philip, ang boses ay kalmado pero bakas ang kaba sa kanyang mga mata. "I couldn't stay away, Philip. May emergency case na dumating. Isang bata," sagot ko habang naghuhugas ng kamay. "Ikaw, bakit ikaw ang nasa OR 7? Wala sa schedule mo 'to." "Special request ng Board, Adrian. Alam mo naman, kailangan nating sumunod." Tiningnan ko siya sa mata sa pamamagitan ng salamin. "Special request? O special harvest?" Napatigil si Philip. Ang katahimikan sa scrub room ay naging nakakabingi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang brush. "Masyado kang matalino para sa sarili mong kabutihan, Adrian. Sabi ko naman sa'yo, 'wag ka nang makialam. Sana nag
Adrian’s POV "Pangako." Iyon ang huling salitang binitawan ko kay Liana bago ko isara ang pinto ng bahay nila. Pero habang naglalakad ako sa likod ni Lucas at ni Detective Reyes patungo sa nakaparadang itim na SUV, ang salitang 'pangako' ay parang isang mabigat na instrumentong surgical na nakadagan sa dibdib ko. Bilang surgeon, sanay akong mag-handle ng pressure. Sanay akong makakita ng bumubulwak na dugo, tumitigil na tibok ng puso, at umiiyak na pamilya. Pero ang pumasok muli sa isang mundong akala ko ay tinapos na namin ni Lucas sa Ethics Committee hearing? Iba ang kaba nito. Ito yung tipo ng kaba na hindi mo kayang gamutin ng kahit anong sedatives. "Adrian, pasok," maikling utos ni Lucas. Naupo ako sa backseat habang si Lucas ay sa tabi ni Detective Reyes na siyang nagmamaneho. Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging ang ugong ng makina at ang pag-ulan sa labas ang naririnig. Tiningnan ko ang mga kamay ko—ang mga kamay na kanina lang ay humahawak sa malambot na palad ni Li







