LOGINBryan’s Pov *Hospital* Pagdating namin sa hospital agad na akong tumakbo papasok saka nagmamadaling inaasikaso ng mga doctor si Rhiann. Nasa operating room siya dinala. Nakatanggap pa ako nang malakas na sampal mula sa isang doctor na babae habang umiiyak nang makita ang kalagayan ni Rhiann. Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Rhiann. Tinawagan naman ni Shane ang mga magulang namin. Halos kada minuto na akong nagdadasal at pabalik-balik sa praying room. Gano'n din ang mga kaibigan namin. This is my fault. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. "This is my fault!!" Galit na sigaw ko habang pinagsusuntok ang bubong. "Buti alam mong gago ka!?" galit na sabi ni Jake. Susugurin niya sana ako nang pigilan siya nina Tob at Tom. Naintindihan ko siya kung bakit galit na galit siya sa 'kin. "Tumigil nga kayo!?" Galit na sigaw ni Tob. "Hindi kayo nakakatulong!" sita pa ni Kevin. "'Yang gagong 'yan! Kasalanan niya lahat ng 'to!?" galit na sigaw
Bryan’s PovPakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras. Nanlulumo akong nakatingin kay Rhiann. Para akong kinapusan ng hininga at halos 'di makagalaw sa tinatayuan ko nang makitang tumalsik siya at humarurot ang sasakyan paalis.Parang gumuho ang mundo ko nang makitang nakahandusay na siya sa kalsada. Agad akong tumakbo at lumapit sa kan’ya. Narinig ko ang mga sigaw at iyak ng mga kaibigan namin. Nakasunod na pala sila sa akin."Rhiann!!" Sigaw ko nang makalapit sa kaniya.Nanginginig ang mga kamay ko nang unti-unti ko siyang hawakan. Pakiramdam ko namanhid ang buong pagkagao ko. Ni hindi ko man lang namalayan ang sunod-sunod na pagbuhos ng mga luha ko.“Rhiann…” halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko.Tulirong-tuliro ako at hindi ako makapag isip ng tama. Hindi k oalam kung ano ang una kong gagawin. Hanggang sa niyakap ko siya, nanginginig at puno ng kaba. Patuloy na pumapatak ang mga luha ko habang yakap-yakap ko siya.Duguan siya at hindi makagalaw. I shook my head, l
Bryan's Pov.Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Parang binagsakan ako ng langit sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng asawa ko. Simula pa lang wala pala siyang kasalanan. Bagay na lagi kong pinagtutulakan at sinisi sa kan’ya. I was such a stupid jerk for blaming and hurting her.All this time mali lahat ng inakala ko. Worst, nasaktan ko pa siya not only emotionally but also physically.Napaka-gago ko talaga. Tama ang mga kaibigan ko, tama ang kapatid ko na isa akong malaking gago. Dahil sinaktan ko ang taong nagsalba sa kompanya namin. Nasaktan ko ang taong inalagaan ako nang mabuti. Nasaktan ko ang taong totoong nagmamahal sa 'kin ng sobra.Higit sa lahat…Nasaktan ko ang taong 'di ko inakalang mamahalin ko.Oo. Mahal ko na siya. Kahit nung bago pa bumalik si Athena. Mas lalo kong naramdamang may pagtingin na ako sa kan’ya at lumalim pa magmula nang bumalik si Athena.No'ng time na binalaan kong layuan niya si Jake.At no'ng mga panahong nasa Tagaytay pa kami.Totoo l
Rhiann’s Pov"Tandaan mong ikaw lang ang minahal ko. Alam mo bang ilang beses kong sinabi sa sarili ko, 'na kahit saktan mo pa ako ng ilang beses, hinding-hindi kita iiwan? Hinding-hindi ako bibitaw sa mga pangako ko sa harap ng mga tao at sa harap ng pari lalo na sa harap ng Diyos. Ilang beses kong sinabing mamahalin mo rin ako basta huwag lang ako susuko. Na darating ang panahon na mahalin mo rin ako. Na mararanasan ko ang pagmamahal mo, na hindi ako susuko. Pero ngayon.. patawad kung ngayon... kung ngayon..." Iyak kong sabi habang yakap siya.Nasasaktan ako, nasasaktan ako na parang ayo'ko na ituloy ang sasabihin pero kailangan.Dapat ngayon na pakawalan ko na siya."Rhiann.." parang nakaramdam ako nang ginhawa dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Parang umurong ang dila ko at ayaw ko nang magsalita pa. Parang hinaplos ang puso ko na marinig na binanggit niya ang pangakan ko.Feeling ko kahit papa'no magiging panatag na ang loob ko para sa kan’ya. Para sa kanila.Huminga ako n
Rhiann’s Pov"Huwag na huwag niyong saktan ang mga kaibigan ko. Mahalin niyo sila dahil mahal din nila kayo kahit 'di nila sabihin. Masaya ako sa inyong lahat. Pero tuparin niyo muna ang mga pangarap niyo, ah bago landi." Natatawang sabi ko kahit patuloy na pumatak ang mga luha ko.Nakita kong umiiyak sila. "'Wag kayong umiyak 'di pa ako mamamatay," nagbibirong sabi ko. Tumingin ako kay Jake na lihim na pinupunasan ang mga luha niya. Hinawakan ko ang kamay niya saka ngumiti."You're always my Jk. You're always my best friend. Thank you for everything. I'm sorry kung nadadamay ka dahil sa 'kin. Tandaan mo mahal na mahal kita Jk, sana makita mo na ang the one mo." Nakangiti kong sabi sa kan’ya.Nararamdaman ko nanaman ang sikip ng dibdib ko pero ikinubli ko agad."Ano bang sinasabi mo?" sabi niya saka niyakap ako. Alam kong umiiyak na siya. Thanks a lot Jk you're the bestest friend for me.You're always there to comfort me.You're always there to make me happy. Thanks a lot.Tumingin
Rhiann Pov.Required ba talaga na kapag nagmahal ka, masasaktan ka? Gano'n ba talaga kapag nagmahal, kailangan mong pagdaanan ang lahat ng sakit para makita mo ang totoong pagmamahal?Kapag ba 'di ako magmahal, 'di ako masasaktan?Dahil tuwing magmamahal ang tao laging nasasaktan.Lagi na lang luhaan at naiiwan.Lagi na lang umiiyak at umaasang darating ang panahon na mahalin ka rin.Pero napatunayan kong kahit anong gawin mo, magmakaawa, umiiyak nang sobra-sobra... 'Di ka pa rin niya mamahalin. Dahil alam mo kung sino ang totoong tinitibok ng puso ng taong mahal mo.Pero kahit gano'n pa man masasaktan ka pa rin tuwing makikita mong nasasaktan ang taong mahal mo.Nasasaktan ako tuwing makikitang malungkot siya.Nasasaktan ako tuwing nasasaktan siya.Siguro dahil mahal ko siya.Because I fell in love with a man, who never loved me.Masakit oo. Sobra na kahit anong lunas ang gawin mo hinding-hindi ito uubra."Okay lang, naintindihan kita," naluluhang sabi ko."May kasalanan din ako dahi
Rhiann’s PovBaka kasi mahahalata nilang kinikilig ako sa sinabi noon ng lalaki sa 'kin. Bigla tuloy uminit ang mukha ko. Halah! Lagot na tutuksuhin na naman ako ng mga gunghong na 'to!"Oh? Bakit ka namumula?" nakakalokong tanong ni Tom.Sabi ko na nga ba, eh!"W-wala!" sabi ko.Lagot na nauutal p
Rhiann’s PovBigla akong natahimik sandali dahil sa tawag niya sa 'kin. Ever since ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako ng hon which mean Honey.Ngumiti muna ako saka tumango."Opo, ayos lang kami." Ngiting sabi ko. "Good to hear." Nakangiting sabi ni Mom"Mabuti naman kung gano'n," sabi ni
Rhiann’s Pov Alam ko namang ayaw niya na malaman ng magulang niya ang mga nangyayari sa 'min, eh. Hindi niya na kailangang pagsabihan ako. Wala rin naman akong balak sabihin. Alam kong magpapanggap na naman kaming masaya at sweet mamaya sa harap ng mga magulang namin. Mahirap maging ganito ang
Rhiann’s PovNagkwekwentuhan lang sila habang nakikinig ako sa kanila. Ang saya-saya nilang kasama grabe. Mas masaya pala 'pag marami kang kaibigan. Tuloy-tuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain.Nakaubos kami ng ilang galoon ng ice cream at sila Tob rin ang nagbayad lahat."







