Home / Romance / The Ex-Convict Billionaire / Kabanata 2 Engage at First Sight

Share

Kabanata 2 Engage at First Sight

last update Last Updated: 2024-01-10 16:34:58

She will definitely say no. This was insane! Nakita niyang umagos ang dugo mula sa sugat nito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki upang tulungan itong tumayo. Kaso isinuot nito sa ring finger niya ang singsing na kasyang kasya sa kanya. Kumikinang ito sa tama ng liwanag mula sa bintana.

Nagpalakpakan ang mga preso, pulis, at ilang volunteer na kasama niya. Inangkupo baka makarating sa mga magulang niya ito. Malalagot siyang tiyak. Napakaistrikto ng kanyang ama.

Tinulungan niyang humiga ito sa kama. Muli niyang tinahi ang sugat nito. Ngiting-ngiti ang mokong. Bigla siyang na-engage sa hindi niya kilala.

Medyo maluwag ang pants nito at wala itong suot na sinturon. Dahil sa tawag ng tungkulin at itinaas niya ang pants nito. Napadako ang mata niya sa hinaharap nito. Malaki ang nakaumbok. Daks ang lalaki. Naiinis na talaga siya sarili.

Laking pasasalamat niya ng tinawag na sila ng warden upang simulan ang medical mission.

Hinabol siya si Liam. “Hahanapin kita. Hintayin mo ako.”

Napatango na lamang siya. Imposible naman na mag-krus na muli ang kanilang landas.

Isang buwan ang lumipas. Napapangiti na lamang siya kapag naaalala ang nangyari sa city jail. Suot pa din niya ang singsing. Maganda ito at bagay sa kwintas na bigay ng kanyang lola Lina.

Naghihintay siya sa waiting shed sa kanyang ama. Sinusundo siya nito at sabay silang umuuwi.

Nang biglang may humintong itim na van sa kanyang harapan. Ibinaba ng driver ang car window. Parang siyang nakakita ng multo. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Si Liam!

Nakangiti ito sa kanya ng ubod tamis. Gusto niyang isipin na mamamalikmata lamang siya. Lumakad siya palayo sa sasakyan. Sumunod ito.

“Sumakay ka na.” Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si Liam nga! Mas binilisan niya ang lakad.

“Sasakay ka o kikidnapin kita?” sigaw nito.

Huminto siya at hinarap ang lalaki. Hindi niya ipinahalata ang labis na kaba. “Anong kailangan mo? Hindi ba dapat nasa bilangguan ka? Don’t tell me na tumakas ka?”

“Sumakay ka muna at tsaka tayo mag-usap.”

“Ayoko! Go away! Sisigaw ako.”

“Okay, sige. Gusto mo ng gulo ah.” Akmang bababa ito sa sasakyan. Luminga siya sa paligid. Madaming istudyanteng palabas ng gate.

Agad siyang pumasok sa sasakyan nito. Baka matsismis pa siya kapag may nakakita sa kanyang kakilala. Iniingatan niya ang reputasyon ng pamilya. Kilalang magaling na mga doctor ang mga Ramirez sa kanilang bayan. Palagi siyang maingat sa kilos. Ayaw niyang magbigay ng kahihiyan sa kanilang angkan. Lumaki siyang magalang at mahinhin. Karangalan ang palagi niyang dala sa mga magulang.

“Anong kailangan mo?”

“Ikaw, kailangan kita.” Kikiligin ba siya o kikilabutan? Mula ng dumating ang lalaki sa kanyang buhay hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi na niya naiintindihan ang sariling damdamin.

“Seryoso ako. Tumakas ka ba? Tiyak na hinahanap ka ng mga pulis.”

“Huwag kang mag-alala. Nanalo ako sa kaso kaya ako nakalaya.” Hindi siya kumbinsido.

“Bakit ka nandito? Susunduin na ako ng daddy ko. Mapapagalitan ako kapag nakitang may kasama akong lalaki. Padating na ‘yon.”

“Sa daddy mo ba ‘yun kotseng blue?”

“Paano mo nalaman?”

“Wala akong hindi alam tungkol sa’yo. Engage tayo, naaalala mo?”

Kumabog ang dibdib niya ng makita ang padating na kotse ng ama. Muntik na niyang maihagis ang hawak na cellphone ng tumunog ito. Tumatawag ang daddy niya!

“Sagutin mo. Sabihin mo, ma-le-late ka ng uwi at may gagawin kang project.”

Tinuruan pa siya ng kabulastugan. Pero wala siyang choice. Pumarada ang ama sa likod ng sasakyan ni Liam. Paano siya lalabas. Tiyak na makikita siya at malaking gulo pag nagkataon.

“Hello. Daddy, pasensya na po, nakalimutan ko po sabihin. Nasa library po ako ngayon. I’m working on my thesis po.”

“Ah sige, anak. Magmessage ka lang kapag tapos ka na. Susunduin kita.”

“Huwag na po. Magta-taxi na lang po ako. Baka po maipit pa kayo sa traffic mamaya.”

“Naku hindi, susunduin kita. Delikado ang panahon ngayon.”

“Sige, po. Mag-message na lang po ako mamaya. Ingat po.”

Unang beses siyang nagsinungaling sa ama. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Naiiyak siya. Sobrang guilt ang naramdaman niya.

“Good girl!” Ginulo nito ang kanyang buhok.

“Bwisit ka! Nagawa kong magsinungaling dahil sa’yo!”

“Okay lang ‘yan. Lahat ng tao marunong magsinungaling. Anong gusto mo? Ma-stress ang magulang mo kapag nalaman na engage ka na?”

“Heh! Tigilan mo ang pagsasabi ng engage. Hindi tayo engage!”

“Anong hindi? Suot mo pa nga ang singsing na bigay ko.”

Dali-dali niyang hinubad ang singisng. “Oh eto, saksak mo sa baga mo. Tigilan mo lang ako!”

“Sorry, walang atrasan. Akin ka!”

“May boyfriend na ako. Kaya tigilan mo na ako.”

“Base sa impormasyon na nakuha ko, single ka at hindi pa nagkaka-jowa since birth. Kaya ako ang maswerteng una at huling boyfriend mo.”

“Fake news ‘yan! May boyfriend na nga ako.”

“Ano pangalan?”

Si Andrei ang unang pumasok sa isip niya. Masugid niya itong manliligaw. Kaklase niya ito. Kasundo nito ang kanyang ama.

“Andrei at doctor din siyang kagaya ko.”

“Pero mas mayaman at madiskarte ako sa buhay.”

“Oo nga, kaya umabot ka hanggang bilangguan dahil sa pagiging madiskarte mo.”

“Tatlong tao ang inutusan ko, lahat sila ay pareho ng sinasabi. Sa dami ng impormasyon tungkol sa’yo, isa lang ang gusto kong malaman. Kung sino ang syota mo. Kasi sa lahat ng ayoko ay may hadlang sa mga plano ko.”

“Sasagutin ko na siya kaya parang boyfriend ko na siya.”

“Subukan mong magtaksil sa akin. Baka hindi na sikatan ng araw ‘yang Andrei na ‘yan.”

Napahawak siya sa ulo. Biglang sumakit ng matindi ang ulo niya. Malaking gulo ang hatid ng lalaking ito.

“Sino ka ba? Mafia boss ka ba?”

“Anong mafia?” Salubong ang kilay na tanong ng lalaki.

Napailing siya. Kakabasa niya ng romance novels. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak niya.

Pinaandar na nito ang sasakyan. “Saan tayo pupunta?” Naalarma ang kanyang utak.

“Natatakot ka ba sa akin? Ganito lang ako pero hindi ako masamang tao.”

“Alam mabuti kang tao.  Hindi mo naman sasaluhin ang saksak na para sa ibang tao kung masama ka. Natatakot lang ako kasi.”

“Kasi ano?”

“Kasi baka manyak ka.” Mahina ang pagkakasabi niya.

Napuno ng halakhak ang loob ng sasakyan. “Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa ating dalawa na labag sa iyong kalooban.”

“Wala akong tiwala sa’yo.”

“Kanino ka ba walang tiwala? Sa akin o sa sarili mo?” tanong nito habang ikinakabit ang seatbelt niya. Nalanghap niya ang mabangong hininga ng lalaki at ang cologne na gamit nito. Amoy baby ito kahit mukhang brusko. Napatitig din siya sa kissable lips nito.

Kanino nga ba siya walang tiwala?

“Uy, huwag mo akong tignan ng ganyan. Parang gusto mo akong pagsamantalahan.”

“Ang kapal mo din, ano?”

“Joke lang, tara. Road trip!”

Bakit biglang parang gusto niyang magwala at lumihis ng landas kasama ng binata. Itataya ba niya ang buhay at kinabukasan para sa lalaking hindi niya lubusang kilala?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 116 Peace and Love – The Ending

    Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 115 Biological Father

    “Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 114 Sibling's Meeting

    Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 113 Running Away from the Madman

    Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 112 Showing True Colors

    Mabilis na naglahong parang bula ang anino bago pa makita ni Liam. Kumakabog ang dibdib ni Karlo ng makalayo sa kwarto nila Liam at Mika. Hindi niya dapat pairalin ang damdaming umaalipin sa kanya. Si Mika ang una sa listahan ng mga taong aalisin nila sa buhay ni Liam ayon sa kanyang ama. Kapag nawala si Mika sa buhay ng kapatid ay madaming tao ang mawawala kasabay nito, si Aurora, Dr. Ramirez, at Zion. Isusunod nila si Lucinda. Plano ng amang pagdanasin ng pighati si Liam at tsaka ito lalapit at magpapakilalang ama. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ama. “Karlo, nakakita ka na ba ng pagkakataon para patayin ang asawa ni Liam?” “Hindi pa, mahigpit ang security nila. Hindi basta basta ang ipinapagawa mo,” iritableng sabi niya. “Hindi ba at nasa resort kayo ngayon? Bilisan mo ang kilos. Makipaglapit ka. Gamitin mo ang charm mo sa babae. Madaming nagkakagusto sa’yo, hindi ba? Akitin mo ang asawa ng kapatid mo.” “Iba si Mika sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nakik

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 111 Jealous and Possessive

    Walang ibang magaling sa ama kundi si Liam at siya ay isang hamak na utusan lamang. Sarado ang mata nito sa mga kayang niyang gawin.“Basta, pagbutihan mo ang pinapagawa ko sa’yo. Unti-unti nating buburahin ang mga taong malapit sa kanya at tsaka tayo lalapit upang kilalanin niyang pamilya. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong magkasama kami ng anak ko at magbuhay hari. Siya lamang ang pag-asa kong yumaman,” sabi ng ama.Nakita ni Karlo ang tila demonyong ngiti nito. Tinalikuran na niya ito. Walang utos ang ama na hindi niya sinunod. Gusto niyang matuwa ito sa kanya ngunit tila hindi nito nakikita ang kanyang mga ginagawa. Sinundan niya sa kulungan si Liam dahil gusto nitong proteksyunan niya sa loob ang kapatid. Nakuha niyang sumangkot sa isang kunwaring aksidente upang makulong ng ilang linggo. Baligtad ang ginawa ng ama, nagbayad pa ito para lamang makapasok siya sa loob ng bilangguan. Napailing na lamang siya at umalis na sa madilim na eskinitang pinagtataguan nito.***Anibe

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 110 The Half Brother

    Nagtama ang paningin ni Liam at Mika. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ang asawa. Labis ang kabog ng kanyang dibdib sa selos. Nakita niyang akmang may sasabihin si Liam. Sumenyas siya na huwag itong maingay. Tutulungan niya ito. Nakita niyang hindi ginalaw ni Lovely ang pagkain na may pampatulog ayon kay George.Binuksan niya ang bote ng wine at may inilagay siyang pampatulog sa loob ng bote. Abala ang babae sa asawa at nasa gawing likuran siya nito kaya hindi nito siya napapansin. Parang mas gusto niyang ihambalos na lang dito ang bote kaysa painumin ng pampatulog. Pinigil niya ang sarili.Hinahaplos ni Lovely ang mukha ni Liam. Sumandal pa ito sa dibdib ng asawa. Ang haliparot! Parang gusto niya itong ilampaso sa sahig. Halos madurog ang ngipin niya sa pagpipigil sa sarili.Dinampot ni Lovely ang baso ng alak at nakipag-cheers sa asawa. Ininom nito ng deretso ang alak. Ang tibay ng katawan nito, hindi pa bumabagsak. Sinalinan niya uli ang baso nito ng alak. Maya maya

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 109 The Faithful Husband

    Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi

  • The Ex-Convict Billionaire   Kabanata 108 Debt of Gratitude

    Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status