 LOGIN
LOGIN“Just stay here for a while,” a cold voice broke the silence as soon as they entered the mansion. “You’ll stay here with me until you recover. After that, just leave.”
Mr. Zobel turned away, his face completely void of emotion. He immediately called for the head maid. “Manang Gloria, assist her to her room,” he ordered before walking off toward his office. Walang pasakalye, walang halik, walang yakap ng isang asawang muling nagkita matapos ang isang trahedya. Pagkapasok pa lang ni Mirella sa mansyon, dama na niya ang lamig, hindi ng hangin kundi ng presensya ng kaniyang asawa. Every word that came out of his mouth carried a certain distance, like each syllable was measured just enough not to get too close. Tahimik lang siyang nakatayo sa may pinto, bitbit ng isang nurse ang maliit na bag ng mga gamit na galing ospital. Sa sahig, makinis ang marmol, kasing-kinis ng mga wedding pictures ng mga Zobel sa pader: si Cassian, seryoso ang mukha at sa tabi niya, si Eleanora, nakangiti, maamo, parang diyosang hindi pwedeng abutin. Muling sumakit ang ulo niya—isang pagkirot na parang sinusubukang punitin ang pagitan ng dalawang alaala: si Mirella, ang dating katulong na minsang humawak ng mga gamit ni Eleanora, at si Eleanora, ang babaeng ngayon ay nakikita ng lahat sa kanya. “Halika na, hija,” sabi ni Manang Gloria, ang matandang mayordoma ng mansyon, habang dahan-dahan siyang inaalalayan paakyat ng grand staircase. “Namiss kita. Ang tagal mo ring nawala.” Hindi pa rin makapagsalita si Mirella. Pinilit niyang ngumiti, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib. Ang tinig niya’y nanatiling basag, kaya’t sa halip na sumagot, tanging tango lang ang naibigay niya. As they walked down the corridor, she inhaled the scent of the mansion—an expensive mix of wood, flowers, and the dust of hidden secrets. Portraits of the Zobel family lined the walls: parties, weddings, business awards. Everything looked perfect. Yet to her, it all seemed fake. Pagdating sa ikalawang palapag, huminto si Manang Gloria sa tapat ng malapad na pinto na may ukit na “E.Z.” sa doorknob. “Dito, hija. Ito pa rin ang kwarto mo. Nilinis namin ito noong isang linggo nang sabihing uuwi ka na raw.” Napakurap si Mirella. “K-kwarto ko?” Hindi ba dapat ay siping sila ng kaniyang asawa? Bakit tila hiwalay ang mga silid nila? Walang tunog ang lumabas. Parang tinuklap ang hangin sa lalamunan niya, kaya’t isang mahinang tango na lang ulit ang isinagot niya. Binuksan ni Manang Gloria ang pinto, at agad siyang sinalubong ng amoy ng lavender at malamig na hangin mula sa aircon. Ang kwarto ay malawak—may chandelier, mararangyang kurtina, at isang queen-sized bed na parang hindi pa nagalaw. Sa ibabaw ng vanity table, nakahilera ang mga pabango ni Eleanora, ang mga make up, at ang mga alahas na minsan ay nilinis mismo ni Mirella sa shoot. It felt like she had stepped back in time, to when she was nothing more than an observer in Eleanora’s world—the shadow behind her beauty, the silent girl who carried her bags, the woman without a name. Now, everything that once belonged to Eleanora was hers. So why did it feel so terrifying? “Magpahinga ka muna, hija,” wika ni Manang Gloria. “I’ll have your food sent up in a while.” Ngumiti ito, puno ng malasakit, at lumabas ng kwarto. Naiwan si Mirella sa katahimikan. Ang bawat tunog ng orasan ay parang tibok ng sariling puso niya. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at tiningnan ang sarili sa malaking salamin sa tapat. Ang babaeng nakatingin sa kanya ay maganda, maputi, pino, at may mga matang parang sanay tumanggap ng paghanga. Ngunit sa likod ng balat na iyon, naroon pa rin ang dating siya—si Mirella, ang taong minamaliit, ang babaeng ginugulpi ng tiyahin, ang taong walang halaga. ‘Bakit ako? Bakit mukha ni Eleanora ang pumalit saakin?’ Pinikit niya ang mga mata niya, pilit inaalala ang gabing iyon. Ang ulan, ang sigaw, ang apoy. Eleanora... Ang pangalan ay sumisingit sa bawat himaymay ng alaala, ngunit palaging putol, palaging kulang. Wala siyang maalala kung bakit nag-iba ang mukha niya. Wala siyang maalala kung paano siya nakaligtas. Ngunit isang tanong ang unti-unting sumingit sa isip niya—hindi ba’t ito ang matagal na niyang ginusto? Ang makaalis? Ang hindi na kailangang matakot? Kung mananatili siya sa ganitong wangis, mas magagawa niya ang gusto niya. Walang makakilala sa kaniya. Walang makakabalik sa impyerno ng kanyang tiyahin at ang malupit na ginagawa sa kaniya ng babaeng ngayon ay nasa sarili na niyang katauhan. Tumayo siya at lumapit sa salamin. Pinagmasdan ang sarili nang matagal. Ang bawat peklat na naiwan sa gilid ng mukha ay paalala ng apoy na muntik nang pumatay sa kanya—at ngayon, paalala rin ng bagong pagkataong ibinigay sa kanya. ‘Tama. Hindi ako dapat malungkot. Dapat masaya ako…’ Aniya sa isip nito. Isang ngiti ang unti-unting gumuhit sa kanyang labi. Iba ang ngiting iyon, hindi inosente, hindi rin mapait. Isang ngiti ng taong may tinatagong apoy sa ilalim ng balat. ‘Dahil hawak ko na… ang buhay ni Mrs. Eleanora Zobel.” Sa labas ng bintana, nakita niyang unti-unting lumalalim ang gabi. Ang mga ilaw ng mansion ay kumikislap sa dilim, parang mga matang nagmamasid. Sa unang gabing ginampanan niya ang bagong katauhan, napagtanto niyang ang impyerno ay hindi lang lugar na pinagtatakasan. Minsan, ito rin ang tahanang pinapasok nito.
Flashback… Cassian’s POVI watched from the top of the stairs, silent, as the same scene unfolded again. My mother’s voice breaking and my father’s tone like ice.“Where are you going, Rafael?! You’re leaving again?! It’s our anniversary today!” she cried, clutching the edge of his sleeve like it could make him stay.He didn’t even flinch. “I have something important to take care of,” he said flatly, adjusting his cufflinks as if her words were nothing but noise.Mother let out a shaky laugh, the kind that hurt to hear. “So that’s it? Another important errand? Am I really that worthless to you?”Father finally turned, his eyes cold. “Stop it, Lucia. You’re only making a fool of yourself.” His voice was calm. “You’re pathetic.”The silence that followed was heavier than my mother’s sobs. I was just only twenty-one, old enough to understand that my family was about to fall apart.I followed my father that night, keeping my distance as he drove across the city. He stopped at a small apa
Mirella stepped into one of the city’s most exclusive bars, the same place her boss, Eleanora, used to frequent. The neon lights bathed her in red and gold, matching the deep crimson of her dress. Her makeup was flawless, her posture was regal. Kung titingnan mo siya ngayon, mahirap paniwalaang dati siyang si Mirella, ang simpleng babaeng walang pakialam sa ayos, walang kumpiyansa, at walang boses. Ngayon, dala niya ang mukha ni Eleanora Zobel ang mukhang may kapangyarihan, at alam niyang kaya niyang gamitin iyon sa kahit sino.“Eleanora! Long time no see!” Nakangiting bungad ni Sabrina. Sa kabutihang-palad, kilala niya ito. Isa siya sa mga taong madalas kasama ni Eleanora tuwing gabi ng kalayaan at kalasingan.“Hey, Sabrina. What’s up?” malambing na sagot ni Mirella habang sinenyasan ang bartender. “One cocktail, please. The strongest one you have.”Tumawa si Sabrina at umupo sa tabi niya, habang pinagmamasdan ang mga ilaw na kumikislap sa dance floor. “Ayos lang naman! Pero grabe,
Mabilis na ipinatawag ang security at agad din dinakip ang ginang. “Don’t let her come near here or near my wife ever again,” utos ni Cassian. Pilit na pumipigil ang ginang, nag-aalburuto. “Bitawan niyo ako! Ano ba! Bigyan niyo na ako ng pera! Pera ang kailangan ko!” “Wait—” saglit na pag-aawat ni Cassian habang kinukuha ang pitaka. Kinuha niya ang sampung libong piso, at binalibag ang pera sa mukha ng ginang. Agad naman itong pinulot ng ginang. Ngumisi muna ang tiyahin bago umalis. “Babalikan ko kayo. Hindi pa ako tapos sa inyo—lalo na sayong babae ka! Hanggang hindi mo naibibigay ang gusto ko!” banta ng tiyahin. Tahimik na tumingin si Mirella sa sahig nang marinig iyon, pilit na itinatago ang pag-alimpungat. Hindi niya gustong makita ni Cassian kung gaano siya naapektuhan ng mga panunukso ng tiyahin. Mahalagang kamag-anak man iyon, alam niyang hangga’t may buhay ang kanyang tiyahin, pera lang ang habol nito. Hindi niya inasahan na mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa magpakit
Tulala pa rin si Mirella sa kaniyang opisina, titig sa kawalan, habang muling bumabalik sa isip niya ang bawat sandali ng nangyari kagabi. Ang init ng halik, ang pang angkin sa kanya, ang bigat ng hininga ni Cassian, at ang paraan nitong biglang tumigil na parang may natuklasang hindi nito kayang tanggapin. ‘Bakit siya huminto? Dahil ba virgin pa ako? Ano naman kung gano’n? Oh, fuck!’ Napabangon siya mula sa kinauupuan, halos mapahawak sa sentido. Ramdam niya ang bigat ng pagkalito at inis sa sarili. Alam niyang may dahilan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Cassian. Sa pagkakaalam niya, ang babaeng ginagampanan niyang papel—si Eleanora—ay malayo sa pagiging inosente. Siya mismo, bilang dating assistant nito, ang nakasaksi kung paano ito magpakasasa sa gabi-gabing paglabas, sa mga bar, sa mga lalaking dumarating at nawawala sa buhay nito na parang mga laruan kung ituring niya. Kaya paano nga ba siya mag-aalinlangan kung iyon ang alam ng asawa sa kaniya ngayon? At higit
Tila gulat ang naging reaksyon ni Mirella sa halik ng kaniyang asawang si Cassian. Hindi niya alam kung itutulak ba niya ito palayo, ngunit kung gagawin niya iyon ay mahahalata na parang tinatanggihan niya — gayong mag-asawa sila. Hindi pa rin niya alam kung ano nga ba talaga ang ugnayan nila, kaya nagpasya siyang tugunan ang halik na iyon. Mainit ngunit mabagal ang halikan ng dalawa. Bawat galaw ni Cassian ay parang sinasadya, may pag-angkin, may pagtatanong. Ramdam ni Mirella ang paglalim ng halik, ang mga daliring dumadampi sa kaniyang balat na para bang may hinahanap na katotohanan. Pagkahiwalay ng kanilang mga labi, ilang pulgada lang ang pagitan. Nakaangat ang sulok ng labi ni Cassian, may ngiting mapang-asar at mapanukso. “I like this version of you,” mahina niyang sabi, may bahid ng pagtataka. Nanatiling tahimik si Mirella. Ang mabilis na tibok ng puso niya ay parang sagot na hindi niya masabi. May kakaibang init sa pagitan nila, pero higit na malakas ang kabog ng alin
Ang pagdating nila sa ancestral mansion ng mga Zobel ay tila pagpasok sa ibang mundo. Malawak ang hardin, kumikislap sa mga ilaw na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Ang fountain sa gitna ay nagbubuga ng tubig na kumikintab sa ilalim ng buwan. Ang mga kawani ng bahay ay nakahilera, nakayuko habang binabati ang mag-asawa. “Welcome back, Mr. and Mrs. Zobel.” Tumango lang si Cassian. Si Mirella—na ngayon ay dapat kumilos bilang si Eleanora—ay ngumiti nang marahan, isang ngiting sinanay niyang magmukhang natural kahit hindi. Ngunit sa loob niya, bawat hakbang papasok ng bahay ay tila pagsubok. Ito na ang unang beses na haharap siya sa buong pamilya matapos ang aksidente. At sa mga mata nila, kailangan niyang maging perpektong Eleanora muli. Pagpasok nila sa malawak na dining hall, sinalubong sila ng halimuyak ng mamahaling alak at nilulutong steak. Sa dulo ng mesa, nakaupo ang patriarch, si Don Rafael Zobel, ang ama ni Cassian. Katabi nito ang asawa, si Señora Lucia, na agad siy








