Beranda / Romance / The Face She Borrowed / Chapter IV - Elegance in Control

Share

Chapter IV - Elegance in Control

Penulis: ErisVersee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-24 17:01:20

Pagkalipas ng tatlong buwan, tuluyan nang bumalik ang kulay sa mga pisngi ni Mirella o sa katauhan ngayon ng lahat, si Mrs. Eleanora Zobel.

Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan niya ang sarili. Ang babaeng nakatingin sa kaniya ay may tindig ng isang Zobel: matatag, elegante, at walang bakas ng kahinaan. Ngunit sa ilalim ng mapanlinlang na ganda, nandoon pa rin ang mga matang kay Mirella: matatalas, mapanuri, at may lihim na alam.

“Mrs. Zobel, you have a meeting in five minutes,” ani ng bago niyang assistant, isang dating kasabayan niya noon bilang sekretarya.

Ngumiti siya ng banayad. “Let’s go.”

Pagbukas pa lang ng pinto ng boardroom, agad na tumahimik ang lahat. Ang mga direktor, department heads, at shareholders ay sabay-sabay na tumayo bilang pagbati. Sa dulo ng mesa, nakaupo si Lord Cassian Zobel, ang mister na halos hindi pa rin siya matingnan nang diretso simula nang siya’y makalabas ng ospital.

Nakasalubong niya ang malamig nitong titig, ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya umiwas.

“Good morning,” wika niya, kalmado ngunit matatag ang boses. “Let’s proceed.”

Habang isa-isang nagsimula ang mga presentations, nakaupo lang si Cassian. Tahimik lang itong nakasandal at pinagmamasdan siya. Noon ay hindi kailanman nakikialam si Eleanora sa mga diskusyon; lagi lang itong nakikinig o tumatawa sa mga biro ng board. Kaya nang marinig niya si Mirella na magsalita, bahagya siyang napakunot-noo.

“Regarding the Cebu branch expansion,” sabi ng marketing head, “we’re planning to cut down the budget allocation for the next quarter due to declining demand—”

“Wait,” putol ni Mirella, sabay tingin sa graph na nasa harap. “Your data’s outdated.”

Napatingin sa kaniya ang lahat, pati si Cassian.

“You’re basing that on Q1 projections,” patuloy niya. “But if you check the updated market report from last week, Cebu’s consumer interest is rising—especially in logistics and retail sectors. The problem isn’t budget; it’s the lack of aggressive marketing campaigns.”

Tahimik ang boardroom. Ilang segundo lang, pero sapat para madama ang bigat ng mga tingin.

“Risk management is necessary,” dagdag niya, “but playing too safe kills progress. Reallocate the funds instead—invest in digital narratives and social media traction. Cebu’s not failing. We’re just not telling the story right.”

Ang chairman—ama ni Cassian—ay napaangat ang kilay, bago tumango nang mabagal. “That’s a bold statement, Mrs. Zobel.”

Ngumiti siya ng mahina. “Bold decisions built this company, didn’t they?”

Sa gilid ng mesa, napatitig si Cassian. Tahimik lang ito at halos hindi makapaniwala. Ang babaeng kaharap niya ngayon ay ibang-iba sa asawang nakilala niya dahil ang Eleanora noon ay sadista, madaling mapikon, at walang pakialam sa negosyo. Pero ang babaeng ito… may kumpiyansa, may lalim, at higit sa lahat may alam.

Hindi niya alam na sa likod ng katahimikan nito ay ang pagkatao ni Mirella, isang babaeng nakapagtapos ng Business Management, magna cum laude pa. Kaya pala bawat argumento nito ay may bigat, bawat plano ay may saysay.

Pagkatapos ng meeting, pinag-usapan ng board ang mga plano batay sa mga mungkahi niya. Nang magsimula ang bulungan ng papuri, napansin niya ang paraan ng pagtingin ng ilan.

“She’s changed a lot.”


“She speaks like a real executive now.”


“She’s sharper than before.”

At sa gitna ng lahat, nanatiling nakatingin lang si Cassian sa kaniya, parang sinusuri kung sino ba talaga ang nasa harap niya.

Nang lumabas sila ng silid, sinabayan siya ni Cassian. Tahimik ito nang ilang sandali bago nagsalita.


“Since when did you start caring about company projections?” malamig nitong tanong.

Ngumiti lang siya. “Since I realized I’m part of the company’s future.”

Hindi siya sinagot ni Cassian. Tumingin lang ito sa kaniya—matagal at matalim.


“You’ve changed,” anito.

Nang hapon ding iyon, habang papalabas na siya ng opisina, lumapit ulit si Cassian. May pormal na ekspresyon, pero may bahid ng alinlangan. “My family’s inviting us to dinner tonight,” sabi nito. “They want to celebrate your recovery.”

Tumango siya. “Alright.”

Habang naglalakad palayo, napangiti siya ng marahan. Ngayon, unti-unti na niyang naiintindihan kung bakit malamig ang trato nito sa kaniya. Hindi dahil galit ito. Hindi rin dahil wala nang pagmamahal.

Kundi dahil hindi naman talaga ito totoong kasal sa babaeng minamahal niya.


At ang kasal na mayroon sila ay isang fixed marriage lamang, isang kasunduang kailanman ay hindi naman nila ginusto pareho.

“Nahanap niyo na ba ang babaeng pinapahanap ko?” malamig ngunit matalim ang tinig ni Cassian habang nakaupo sa harap ng malaking lamesa ng opisina. Ang ilaw ay nakatutok sa mga papel na nakakalat sa mesa, ngunit wala roon ang isip niya.

“I just know her name. I just met her once.” Humigpit ang hawak niya sa ballpen. “Please find her. Sinisira niya ang buong sistema ko kakaisip sa kaniya.”

Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang ugong ng aircon ang maririnig bago nagbago ang tono ng hangin, parang binubuksan muli ang isang alaala.

Flashback…

Mainit ang ilaw ng resto-bar, ngunit hindi iyon ang dahilan ng init sa dibdib ni Cassian. Nasa isang business meeting siya kasama ang ilang foreign investors, ngunit nang marinig niya ang unang nota mula sa entablado, tila natigil ang lahat.

Ang boses na iyon. Malamig na may halong apoy, malambing pero matalim sa bawat salita. Napalingon ito sa gawi ng babae.

Sa gitna ng liwanag, isang babae ang nakatayo, hawak ang mikropono. Suot nito ang simpleng itim na damit, walang alahas, walang make-up na labis—pero may kung anong puwersang hindi maipaliwanag.

“They never saw the scars beneath my smile,” mahina niyang awit, halos pabulong ngunit dumidiretso sa puso.

“I’ve walked through fire just to feel alive

No one heard the cries behind my laughter

I’ve learned to dance with all my pain..”

Hindi niya kilala ang kantang iyon. Ngunit ramdam niya ang bawat linya. Parang sinasabi ng boses ng babae ang mga bagay na matagal na niyang itinago—ang lungkot, ang sakit, ang pagod, at ang mga gabing paulit-ulit niyang iniisip kung bakit ganoon palagi ang nararanasan niya.

Lumingon ang isa sa mga kasama niya. “You okay, Cassian?”

Ngunit hindi na siya nakarinig ng sagot mula sa sarili. Ang mga mata niya’y nakatuon lang sa babaeng nasa entablado. Sa bawat ngiti nito, sa bawat pikit ng mga mata habang kumakanta, tila bumabalik ang tibok ng pusong matagal nang nanahimik.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang tahimik na nakatitig. Hanggang sa matapos na ang kanta.

“Thank you,” mahina nitong sabi, sabay bahagyang pagyuko.

Sa simpleng ngiting iyon, parang may humila sa kaniya palabas ng mundo ng Zobel—ng negosyo, ng impluwensya, ng pagkukunwari.

Paglabas ng babae sa likod ng entablado, hindi niya napigilan ang sarili. Tumayo siya at sumunod, kahit naririnig pa niya ang mga kasamahan niyang nagtataka.

Ngunit pagdating niya sa likod, wala na ito.

Tanging tunog na lang ng hangin sa parking area at amoy ng alak ang naiwan.

“Sir, are you looking for someone?” tanong ng bartender.

“Yes. The girl who just sang.”

“Oh, Mirella? She just left. She works here part-time.”

“Mirella…”


Inulit niya iyon sa isip, tila sinusubukang ipako ang pangalan sa memorya niya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto nito sa kaniya. Hindi ito kagaya ng mga babaeng nakilala niya..

Iba si Mirella.


May apoy ito sa mata, may sugat sa boses. Parang bawat linya ng kanta ay may kasamang lihim na kirot. Gusto niya itong ilayo sa ganoong mundo. Gusto niya itong pasayahin.

At simula no’n, hindi na siya mapalagay.

Araw-araw, pinapabalik niya ang sarili sa lugar na iyon. Baka sakaling muli niya itong makita.
Ngunit parang multo lang itong dumaan, isang gabing may iniwang marka sa isip niya na hindi niya matanggal.

“We’ll keep looking for her, Sir.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Face She Borrowed   Chapter XII - His smile

    Mirella’s POV “Ma’am, pinapapili po kayo ni Sir kung ano po ang susuotin niyong damit,” sabi ng personal assistant ni Cassian habang isa-isang inilalabas ang mga mamahaling designer clothes sa malaking luggage. Halos mabingi ako sa lagaslas ng tela at mga kalansing ng mga hanger. Ang mga damit ay puro branded, may Gucci, Dior at Chanel. Puro yata pang-mayaman at pang-modelo. “And requested din po ni Sir na ito po ang isusuot ninyong swimsuit,” dagdag pa niya habang maingat na inilapag sa kama ang isang kulay itim na two-piece na halos hindi ko mawari kung damit pa ba o piraso lang ng tela. Napataas ang kilay ko. “Talaga bang siya pa ang pumili nito?” tanong ko, pilit na pinipigilan ang tawa. “Yes, ma’am. Personal choice daw po ni Sir Cassian,” sagot niya, medyo nakangiti pero halatang naiilang din. Napailing ako habang pinagmamasdan ang mga kasuotang nakalatag sa kama. Fine, aaminin ko, may taste naman siya. Maganda ang mga pinili niyang kulay at style. Classic yet bold. Per

  • The Face She Borrowed   Chapter XI - Closer to Him

    Mirella’s POV Pagmulat ng mata ko, malamig na hangin at pamilyar na amoy ng mansion ang bumungad sa akin. Nasa kwarto na pala ako. Dahan-dahan akong bumangon, pinisil ang tiyan kong kanina pa mahapdi, ramdam ko pa rin ang kirot mula sa suntok ni Liam. Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Dati palang prostitute si Eleanora. Kaya ba sa tuwing nakikita ako ni Cassian, parang lagi siyang may tingin na parang nandidiri? Sa paningin niya, isa akong bayarang babae? Pero… hindi naman ako si Eleanora. Hindi ako ‘yung babaeng ‘yon. Ginagawa ko nga ang lahat para baguhin ang mga kinikilos ko, para hindi ako katakutan ng mga tao, para hindi nila ako kamuhian. Pero habang mas marami akong natutuklasan tungkol sa kanya, mas nararamdaman kong nanganganib ako. Napaka-misteryo ni Eleanora at kabigla bigla ang mga nakaraan niya. Ano pa kaya ang matutuklasan ko sa babaeng iyon? “You’re awake,” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses. Si Cassian. Nakatayo siya roon

  • The Face She Borrowed   Chapter X - Her Past (2)

    Flashback… Cassian’s POVI watched from the top of the stairs, silent, as the same scene unfolded again. My mother’s voice breaking and my father’s tone like ice.“Where are you going, Rafael?! You’re leaving again?! It’s our anniversary today!” she cried, clutching the edge of his sleeve like it could make him stay.He didn’t even flinch. “I have something important to take care of,” he said flatly, adjusting his cufflinks as if her words were nothing but noise.Mother let out a shaky laugh, the kind that hurt to hear. “So that’s it? Another important errand? Am I really that worthless to you?”Father finally turned, his eyes cold. “Stop it, Lucia. You’re only making a fool of yourself.” His voice was calm. “You’re pathetic.”The silence that followed was heavier than my mother’s sobs. I was just only twenty-one, old enough to understand that my family was about to fall apart.I followed my father that night, keeping my distance as he drove across the city. He stopped at a small apa

  • The Face She Borrowed   Chapter IX - Her Past

    Mirella stepped into one of the city’s most exclusive bars, the same place her boss, Eleanora, used to frequent. The neon lights bathed her in red and gold, matching the deep crimson of her dress. Her makeup was flawless, her posture was regal.
Kung titingnan mo siya ngayon, mahirap paniwalaang dati siyang si Mirella, ang simpleng babaeng walang pakialam sa ayos, walang kumpiyansa, at walang boses. Ngayon, dala niya ang mukha ni Eleanora Zobel ang mukhang may kapangyarihan, at alam niyang kaya niyang gamitin iyon sa kahit sino.“Eleanora! Long time no see!” Nakangiting bungad ni Sabrina. Sa kabutihang-palad, kilala niya ito. Isa siya sa mga taong madalas kasama ni Eleanora tuwing gabi ng kalayaan at kalasingan.“Hey, Sabrina. What’s up?” malambing na sagot ni Mirella habang sinenyasan ang bartender. “One cocktail, please. The strongest one you have.”Tumawa si Sabrina at umupo sa tabi niya, habang pinagmamasdan ang mga ilaw na kumikislap sa dance floor.
“Ayos lang naman! Pero grabe,

  • The Face She Borrowed   Chapter VIII -

    Mabilis na ipinatawag ang security at agad din dinakip ang ginang. “Don’t let her come near here or near my wife ever again,” utos ni Cassian. Pilit na pumipigil ang ginang, nag-aalburuto. “Bitawan niyo ako! Ano ba! Bigyan niyo na ako ng pera! Pera ang kailangan ko!” “Wait—” saglit na pag-aawat ni Cassian habang kinukuha ang pitaka. Kinuha niya ang sampung libong piso, at binalibag ang pera sa mukha ng ginang. Agad naman itong pinulot ng ginang. Ngumisi muna ang tiyahin bago umalis. “Babalikan ko kayo. Hindi pa ako tapos sa inyo—lalo na sayong babae ka! Hanggang hindi mo naibibigay ang gusto ko!” banta ng tiyahin. Tahimik na tumingin si Mirella sa sahig nang marinig iyon, pilit na itinatago ang pag-alimpungat. Hindi niya gustong makita ni Cassian kung gaano siya naapektuhan ng mga panunukso ng tiyahin. Mahalagang kamag-anak man iyon, alam niyang hangga’t may buhay ang kanyang tiyahin, pera lang ang habol nito. Hindi niya inasahan na mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa magpakit

  • The Face She Borrowed   Chapter VII - Tainted Innocence

    Tulala pa rin si Mirella sa kaniyang opisina, titig sa kawalan, habang muling bumabalik sa isip niya ang bawat sandali ng nangyari kagabi. Ang init ng halik, ang pang angkin sa kanya, ang bigat ng hininga ni Cassian, at ang paraan nitong biglang tumigil na parang may natuklasang hindi nito kayang tanggapin. ‘Bakit siya huminto? Dahil ba virgin pa ako? Ano naman kung gano’n? Oh, fuck!’ Napabangon siya mula sa kinauupuan, halos mapahawak sa sentido. Ramdam niya ang bigat ng pagkalito at inis sa sarili. Alam niyang may dahilan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Cassian. Sa pagkakaalam niya, ang babaeng ginagampanan niyang papel—si Eleanora—ay malayo sa pagiging inosente. Siya mismo, bilang dating assistant nito, ang nakasaksi kung paano ito magpakasasa sa gabi-gabing paglabas, sa mga bar, sa mga lalaking dumarating at nawawala sa buhay nito na parang mga laruan kung ituring niya. Kaya paano nga ba siya mag-aalinlangan kung iyon ang alam ng asawa sa kaniya ngayon? At higit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status